[ { "surah": "7", "ayah": 88, "translation": "Nagsabi ang konseho na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya: \u201cTalagang magpapalabas nga Kami sa iyo, O Shu`ayb, at sa mga sumampalataya kasama sa iyo mula sa pamayanan natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan namin.\u201d Nagsabi siya: \u201cKahit ba kami ay naging mga nasusuklam?" }, { "surah": "7", "ayah": 89, "translation": "Gumawa-gawa nga kami laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan kung nanumbalik kami sa kapaniwalaan ninyo matapos noong nagligtas sa amin si All\u0101h mula roon. Hindi nagiging ukol sa amin na manumbalik kami roon maliban na loobin ni All\u0101h, ang Panginoon namin. Sumakop ang Panginoon namin sa bawat bagay sa kaalaman. Kay All\u0101h kami nananalig. Panginoon naming, humusga Ka sa pagitan namin at ng mga kalipi namin ayon sa katotohanan, at Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagahusga.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 90, "translation": "Nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: \u201cTalagang kung sumunod kayo kay Shu`ayb, tunay na kayo samakatuwid ay talagang mga lugi.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 91, "translation": "Kaya dumaklot sa kanila ang yanig, saka sila, sa tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob." }, { "surah": "7", "ayah": 92, "translation": "Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb ay para bang hindi nanirahan doon. Ang mga nagpasinungaling kay Shu`ayb, sila noon ay ang mga lugi." }, { "surah": "7", "ayah": 93, "translation": "Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: \u201cO mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo, kaya papaano akong magdadalamhati sa mga taong tagatangging sumampalataya?\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 94, "translation": "Hindi Kami nagsugo sa isang pamayanan ng anumang propeta [sa pinasinungalingan] malibang nagpataw Kami sa mga mamamayan nito ng kadahupan at kariwaraan, nang sa gayon sila ay magpapakumbaba." }, { "surah": "7", "ayah": 95, "translation": "Pagkatapos nagpalit Kami sa lugar ng masagwang lagay ng magandang lagay hanggang sa lumago sila at nagsabi: \u201cSumaling nga sa mga magulang namin ang kariwaraan at ang kariwasaan.\u201d Kaya dumaklot Kami sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi nakararamdam." }, { "surah": "7", "ayah": 96, "translation": "Kung sakaling ang mga naninirahan sa mga pamayanan ay sumampalataya at nangilag magkasala, talaga sanang nagbukas Kami sa kanila ng mga pagpapala mula sa langit at lupa subalit nagpasinungaling sila kaya dumaklot Kami sa kanila dahil sa dati nilang kinakamit [na mga kasalanan]." }, { "surah": "7", "ayah": 97, "translation": "Kaya natiwasay ba ang mga naninirahan sa mga pamayanan na pumunta sa kanila ang parusa Namin sa magdamag habang sila ay mga tulog?" }, { "surah": "7", "ayah": 98, "translation": "Natiwasay ba ang mga naninirahan sa mga pamayanan na pumunta sa kanila ang parusa Namin sa kaumagahan habang sila ay naglalaro?" }, { "surah": "7", "ayah": 99, "translation": "Kaya natiwasay ba sila sa pakana[177] ni All\u0101h sapagkat walang natitiwasay sa pakana ni All\u0101h kundi ang mga taong lugi?" }, { "surah": "7", "ayah": 100, "translation": "Hindi ba napaglinawan para sa mga nagmamana ng lupa matapos na ng mga [naunang] naninirahan dito na kung sakaling niloloob Namin ay nagpasakit sana Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila? Nagpipinid Kami sa mga puso nila kaya sila ay hindi nakaririnig." }, { "surah": "7", "ayah": 101, "translation": "Ang mga pamayanang iyon ay nagsasalaysay Kami sa iyo ng ilan sa mga balita ng mga iyon. Talaga ngang naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay All\u0101h] ng mga malinaw na patunay, ngunit hindi sila naging ukol na sumampalataya sa pinasinungalingan nila bago pa niyan. Gayon nagpipinid si All\u0101h sa mga puso ng mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "7", "ayah": 102, "translation": "Hindi Kami nakatagpo sa higit na marami sa kanila ng anumang [katapatan sa] kasunduan at nakatagpo lamang Kami sa higit na marami sa kanila na talagang mga suwail." }, { "surah": "7", "ayah": 103, "translation": "Pagkatapos nagpadala Kami, matapos na nila, kay Moises kalakip ng mga tanda Namin patungo kay Paraon at sa konseho nito, ngunit lumabag sila sa katarungan sa mga ito kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagatiwali." }, { "surah": "7", "ayah": 104, "translation": "Nagsabi si Moises: \u201cO Paraon, tunay na ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "7", "ayah": 105, "translation": "Karapat-dapat na hindi ako magsabi tungkol kay All\u0101h malibang ng totoo. Nagdala nga ako sa inyo ng isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo kaya ipadala mo kasama sa akin ang mga anak ni Israel." }, { "surah": "7", "ayah": 106, "translation": "Nagsabi ito:[178] \u201cKung ikaw ay nagdala ng isang tanda, maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 107, "translation": "Kaya pumukol siya[179] ng tungkod niya at biglang ito ay isang ulupong na malinaw." }, { "surah": "7", "ayah": 108, "translation": "Humugot siya ng kamay niya at biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin." }, { "surah": "7", "ayah": 109, "translation": "Nagsabi ang konseho kabilang sa mga tao ni Paraon: \u201cTunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam." }, { "surah": "7", "ayah": 110, "translation": "Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo kaya ano ang ipag-uutos ninyo?\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 111, "translation": "Nagsabi sila: \u201cMag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya at magsugo ka sa mga lungsod ng mga tagakalap," }, { "surah": "7", "ayah": 112, "translation": "na magdadala sa iyo ng bawat manggaway na maalam.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 113, "translation": "Dumating ang mga manggagaway kay Paraon. Nagsabi sila: \u201cTunay na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay ang mga tagapanaig.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 114, "translation": "Nagsabi iyon: \u201cOo, at tunay na kayo ay talagang kabilang sa mga inilapit [sa akin].\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 115, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO Moises, maaari na pumukol ka at maaari na maging kami mismo ang mga tagapukol.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 116, "translation": "Nagsabi siya: \u201cPumukol kayo.\u201d Kaya noong pumukol sila ay gumaway sila sa mga mata ng mga tao, nagpangilabot sila sa mga ito, at naghatid sila ng isang panggagaway na sukdulan." }, { "surah": "7", "ayah": 117, "translation": "Nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: \u201cPumukol ka ng tungkod mo,\u201d kaya biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila." }, { "surah": "7", "ayah": 118, "translation": "Kaya napagtibay ang katotohanan at napawalang-saysay ang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "7", "ayah": 119, "translation": "Kaya nadaig sila[180] roon at umuwi na mga nanliliit." }, { "surah": "7", "ayah": 120, "translation": "Ipinukol ang mga manggagaway, na mga nakapatirapa [kay All\u0101h]." }, { "surah": "7", "ayah": 121, "translation": "Nagsabi sila: \u201cSumampalataya kami sa Panginoon ng mga nilalang," }, { "surah": "7", "ayah": 122, "translation": "na Panginoon nina Moises at Aaron.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 123, "translation": "Nagsabi si Paraon: \u201cSumampalataya kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na ito ay talagang isang pakana na nagpakana kayo nito sa lungsod upang magpalabas kayo mula rito ng mga naninirahan dito, kaya malalaman ninyo." }, { "surah": "7", "ayah": 124, "translation": "Talagang magpuputul-putol nga ako ng mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan, pagkatapos talagang magbibitin nga ako sa inyo nang magkakasama.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 125, "translation": "Nagsabi sila: \u201cTunay na kami ay sa Panginoon namin mga mauuwi." }, { "surah": "7", "ayah": 126, "translation": "Hindi ka naghiganti sa amin kundi dahil sumampalataya kami sa mga tanda ng Panginoon namin noong dumating ang mga ito sa amin. Panginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis at magpapanaw Ka sa amin bilang mga Muslim.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 127, "translation": "Nagsabi ang konseho kabilang sa mga tao ni Paraon: \u201cMagpapabaya ka ba kay Moises at sa mga kalipi niya upang manggulo sila sa lupain at magpabaya sa iyo at sa mga diyos mo?\u201d Nagsabi siya: \u201cPagpapatayin natin ang mga anak na lalaki nila at pamumuhayin natin ang mga babae nila [para magsilbi]. Tunay na tayo sa ibabaw nila ay mga tagalupig.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 128, "translation": "Nagsabi si Moises sa mga tao niya: \u201cMagpatulong kayo kay All\u0101h at magtitiis kayo. Tunay na ang lupa ay sa kay All\u0101h; nagpapamana Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang mabuting kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 129, "translation": "Nagsabi sila: \u201cSinaktan kami bago ka pa pumunta sa amin at matapos na dumating ka sa amin.\u201d Nagsabi siya: \u201cMarahil ang Panginoon ninyo ay magpasawi sa kaaway ninyo at magpahalili sa inyo sa lupain para makakita Siya kung papaano kayong gumagawa.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 130, "translation": "Talaga ngang dumaklot Kami sa angkan ni Paraon sa pamamagitan ng mga taon [ng tagtuyot] at kabawasan mula sa mga bunga, nang sa gayon sila ay magsasaalaala." }, { "surah": "7", "ayah": 131, "translation": "Ngunit noong dumating sa kanila ang maganda ay nagsabi sila: \u201cUkol sa atin ito.\u201d Kung may tatama sa kanila na isang masagwa ay nag-uugnay sila ng kamalasan kay Moises at sa sinumang kasama sa kanya. Pansinin, tanging ang kamalasang inuugnay nila ay nasa ganang kay All\u0101h subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "7", "ayah": 132, "translation": "Nagsabi sila: \u201cAnupaman ang ilahad mo sa amin na himala upang gumaway ka sa amin sa pamamagitan nito, hindi kami sa iyo mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 133, "translation": "Kaya nagsugo Kami sa kanila ng baha, mga balang, mga kuto, mga palaka, at [tubig na naging] dugo bilang mga himalang nagdedetalye ngunit nagmalaki sila. Sila noon ay mga taong salarin." }, { "surah": "7", "ayah": 134, "translation": "Noong bumagsak sa kanila ang pasakit ay nagsabi sila: \u201cO Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ihinabilin Niya sa ganang iyo. Talagang kung nagpawi ka sa amin ng pasakit ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo at talagang magpapadala nga kami kasama sa iyo ng mga anak ni Israel.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 135, "translation": "Ngunit noong pumawi Kami sa kanila ng pasakit hanggang sa taning na sila ay aabot doon, biglang sila ay sumisira [sa pangako]." }, { "surah": "7", "ayah": 136, "translation": "Kaya naghiganti Kami sa kanila saka lumunod Kami sa kanila sa dagat dahil sila ay nagpasinungaling sa kanila sa mga tanda Namin at sila noon sa mga ito ay mga nalilingat." }, { "surah": "7", "ayah": 137, "translation": "Nagpamana Kami sa mga tao, na mga dating minamahina, ng mga silangan ng lupain at mga kanluran nito, na biniyayaan Namin. Nalubos ang napakagandang salita ng Panginoon mo sa mga anak ni Israel dahil nagtiis sila. Winasak Namin ang dating niyayari ni Paraon at ng mga tao niya at ang dati nilang ipinatatayo." }, { "surah": "7", "ayah": 138, "translation": "Nagpalampas Kami sa mga anak ni Israel sa dagat saka napunta sila sa mga taong namimintuho sa mga anito para sa mga iyon. Nagsabi sila: \u201cO Moises, gumawa ka para sa amin ng isang diyos kung paanong mayroon silang mga diyos.\u201d Nagsabi siya: \u201cTunay na kayo ay mga taong nagpapakamangmang.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 139, "translation": "Tunay na ang mga ito ay dinurog ang anumang pagsamba nila [sa mga anito] at walang-kabuluhan ang anumang dati nilang ginagawa [na kabutihan]." }, { "surah": "7", "ayah": 140, "translation": "Nagsabi siya: \u201cSa iba pa kay All\u0101h ba maghahangad ako sa inyo bilang Diyos samantalang Siya ay nagtangi sa inyo sa mga nilalang?\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 141, "translation": "[Banggitin] noong pinaligtas Namin kayo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagpapatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan." }, { "surah": "7", "ayah": 142, "translation": "Nakipagtipan Kami kay Moises nang tatlumpong gabi at lumubos Kami sa mga ito sa [pagdagdag ng] sampu, kaya nalubos ang takdang oras ng Panginoon niya sa apatnapung gabi. Nagsabi si Moises sa kapatid niyang si Aaron: \u201cHumalili ka sa akin sa mga tao ko, magsaayos ka, at huwag kang sumunod sa landas ng mga tagatiwali.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 143, "translation": "Noong dumating si Moises para sa takdang oras at kumausap rito ang Panginoon nito ay nagsabi ito: \u201cPanginoon ko, magpakita Ka sa akin, titingin ako sa Iyo.\u201d Nagsabi Siya: \u201cHindi ka makakikita sa Akin, subalit tumingin ka sa bundok sapagkat kung namalagi iyon sa lugar niyon ay makakikita ka sa Akin.\u201d Kaya noong lumantad ang Panginoon niya sa bundok ay ginawa Niya ito na isang patag. Sumubsob si Moises na hinimatay. Noong nagkamalay ito ay nagsabi ito: \u201cKaluwalhatian sa iyo! Nagbabalik-loob ako sa Iyo, at ako ay ang una sa mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 144, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cO Moises, tunay na Ako ay humirang sa iyo sa mga tao sa mga pasugo Ko at sa pananalita Ko, kaya kunin mo ang ibinigay Ko sa iyo [na utos] at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 145, "translation": "Nagsulat Kami para sa kanya sa mga tablero ng bawat bagay bilang pangaral at pagdedetalye para sa bawat bagay, kaya kunin mo ang mga ito nang may lakas at ipag-utos mo sa mga tao mo na kumuha sila ng pinakamaganda sa mga ito. Ipakikita Ko sa inyo ang tahanan ng mga suwail." }, { "surah": "7", "ayah": 146, "translation": "Maglilihis Ako palayo sa mga tanda Ko sa mga nagpapakamalaki sa lupa nang walang karapatan. Kung makakikita sila ng bawat tanda ay hindi sila sasampalataya rito. Kung makakikita sila ng landas ng pagkagabay ay hindi sila gagawa rito bilang landas. Kung makakikita sila ng landas ng pagkalisya ay gagawa sila rito bilang landas. Iyon ay dahil sila ay nagpasinungaling sa mga tanda Namin, at sila noon sa mga ito ay mga nalilingat." }, { "surah": "7", "ayah": 147, "translation": "Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at sa pakikipagkita sa Kabilang-buhay ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila. Ginagantihan kaya sila ng maliban pa sa dati nilang ginagawa [ng kawalang-pananampalataya]?" }, { "surah": "7", "ayah": 148, "translation": "Gumawa ang mga tao ni Moises, matapos na [ng paglisan] niya, mula sa mga hiyas nila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga. Hindi ba sila nakakita na ito ay hindi nagsasalita sa kanila at hindi pumapatnubay sa kanila sa isang landas? Gumawa sila nito habang sila noon ay mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "7", "ayah": 149, "translation": "Noong nagsisi sila at nakita nila na sila ay naligaw nga, nagsabi sila: \u201cTalagang kung hindi naawa sa atin ang Panginoon Natin at nagpatawad sa atin, talagang tayo nga ay magiging kabilang sa mga lugi.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 150, "translation": "Noong bumalik si Moises sa mga tao niya, na galit na galit na naghihinagpis, ay nagsabi siya: \u201cKay saklap ang ipinanghalili ninyo sa akin matapos na [ng paglisan] ko. Nagmadali ba kayo sa nauukol sa Panginoon ninyo?\u201d Itinapon niya ang mga tablero at dumaklot siya sa ulo ng kapatid niya, na hinihila ito patungo sa kanya. Nagsabi [si Aaron na] ito: \u201cAnak ng ina ko, tunay na ang mga tao ay nagmahina sa akin. Sila ay halos papatay sa akin. Kaya huwag kang magpatuwa dahil sa akin sa mga kaaway at huwag kang maglagay sa akin kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 151, "translation": "Nagsabi siya: \u201cPanginoon ko, magpatawad Ka sa akin at sa kapatid ko at magpapasok Ka sa amin sa awa Mo. Ikaw ay ang pinakamaawain sa mga naaawa.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 152, "translation": "Tunay na ang mga gumawa sa guya [bilang diyos] ay may aabot sa kanila na isang galit mula sa Panginoon nila at isang kaabahan sa buhay na pangmundo. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa-gawa [ng kabulaanan]." }, { "surah": "7", "ayah": 153, "translation": "Ang mga gumawa ng mga masagwang gawa, pagkatapos nagbalik-loob matapos na niyon at sumampalataya, tunay na ang Panginoon mo, matapos na niyon, ay talagang Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "7", "ayah": 154, "translation": "Noong humupa kay Moises ang galit ay kinuha niya ang mga tablero. Sa nakatitik sa mga ito ay may patnubay at awa para sa kanila na sa Panginoon nila ay nangingilabot." }, { "surah": "7", "ayah": 155, "translation": "Pumili si Moises sa mga tao niya ng pitumpung lalaki para sa takdang oras sa Amin, ngunit noong dumaklot sa kanila ang pagyanig ay nagsabi siya: \u201cPanginoon ko, kung sakaling niloob Mo ay nagpahamak Ka sana sa kanila bago pa niyan at sa akin. Magpapahamak Ka ba sa amin dahil sa ginawa ng mga hunghang kabilang sa amin? Ito ay walang iba kundi pagsubok Mo, na nagliligaw Ka sa pamamagitan nito ng sinumang niloloob Mo at nagpapatnubay Ka sa sinumang niloloob Mo. Ikaw ay ang Katangkilik namin kaya magpatawad Ka sa Amin at maawa Ka sa amin. Ikaw ay ang pinakambuti sa mga tagapagpatawad." }, { "surah": "7", "ayah": 156, "translation": "Magtakda Ka para sa amin sa Mundong ito ng isang maganda at sa Kabilang-buhay; tunay na kami ay nagbalik sa Iyo.\u201d Nagsabi Siya: \u201cAng pagdurusang dulot Ko ay pinatatama Ko sa sinumang niloloob Ko. Ang awa Ko ay sumakop sa bawat bagay kaya magtatakda Ako nito [sa Kabilang-buhay] para sa mga nangingilag magkasala at nagbibigay ng zak\u0101h, at sa kanila na sa mga tanda Namin ay sumasampalataya," }, { "surah": "7", "ayah": 157, "translation": "na mga sumusunod sa Sugo na Propetang iliterato,[181] na nakatatagpo sila sa kanya na nakasulat sa ganang kanila sa Torah[182] at Ebanghelyo,[183] na nag-uutos sa kanila sa nakabubuti, sumasaway sa kanila sa nakasasama, nagpapahintulot sa kanila ng mga kaaya-aya, nagbabawal sa kanila ng mga karima-rimarim, at nag-aalis sa kanila ng pabigat sa kanila at mga kulyar na dating nasa kanila. Kaya ang mga sumampalataya sa kanya, nagpitagan sa kanya, nag-adya sa kanya, at sumunod sa liwanag [ng Qur\u2019a\u0304n] na pinababa kasama sa kanya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 158, "translation": "Sabihin mo: \u201cO mga tao, tunay na ako ay Sugo ni All\u0101h sa inyo nang lahatan, na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Kaya sumampalataya kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya, ang Propeta na iliterato, na sumasampalataya kay All\u0101h at sa mga salita Niya. Sumunod kayo sa kanya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 159, "translation": "Mayroon sa mga tao ni Moises na isang kalipunang pumapatnubay ayon sa katotohanan at ayon dito ay nagpapatupad ng katarungan. Mu\u1e25ammad" }, { "surah": "7", "ayah": 160, "translation": "Naghati-hati Kami sa kanila sa labindalawang lipi bilang mga kalipunan. Nagkasi Kami kay Moises noong humingi ng tubig sa kanya ang mga tao niya, [na nagsasabi]: \u201cHumampas ka ng tungkod mo sa bato.\u201d Kaya may tumagas mula roon na labindalawang bukal. Nakaalam nga ang bawat [liping] mga tao sa inuman nila. Naglilim Kami sa kanila ng mga ulap at nagpababa Kami sa kanila ng mana at mga pugo, [na nagsasabi]: \u201cKumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos Namin sa inyo.\u201d Hindi sila lumabag sa katarungan sa Amin, subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan." }, { "surah": "7", "ayah": 161, "translation": "[Banggitin] noong sinabi sa kanila: \u201cTumahan kayo sa pamayanang ito [ng Jerusalem], kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin, magsabi kayo: \u2018Pag-aalis-sala,\u2019 at magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod; magpapatawad Kami sa inyo sa mga kamalian ninyo. Magdaragdag Kami sa mga tagagawa ng maganda.[184]\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 162, "translation": "Ngunit nagpalit ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila ng isang sabing iba sa sinabi sa kanila, kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang pasakit mula sa langit dahil sila noon ay lumalabag sa katarungan." }, { "surah": "7", "ayah": 163, "translation": "Tanungin mo sila tungkol sa pamayanan, na iyon noon ay nasa tabi ng dagat, noong lumalabag sila sa Sabado, noong pumupunta sa kanila ang mga isda nila sa araw ng Sabado nila nang mga nakalitaw, samantalang sa araw na hindi sila nangingilin ay hindi pumupunta ang mga ito sa kanila. Gayon Kami sumusubok sa kanila dahil sila noon ay nagpapakasuwail." }, { "surah": "7", "ayah": 164, "translation": "[Banggitin] noong may nagsabing isang kalipunan kabilang sa kanila: \u201cBakit kayo nangangaral sa mga tao na si All\u0101h ay magpapahamak sa mga iyon o magpaparusa sa mga iyon ng isang matinding pagdurusa?\u201d ay nagsabi sila: \u201cUpang mapawalang-sala sa Panginoon ninyo at nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 165, "translation": "Kaya noong lumimot sila sa ipinaalaala sa kanila, iniligtas Namin mga sumasaway sa kasagwaan at dinaklot Namin ang mga lumabag sa katarungan sa pamamagitan ng isang \u200cpagdurusang masaklap dahil sila noon ay nagpapakasuwail." }, { "surah": "7", "ayah": 166, "translation": "Kaya noong nagpakasutil sila sa sinaway sa kanila ay nagsabi Kami sa kanila: \u201cKayo ay maging mga unggoy na ipinagtatabuyan.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 167, "translation": "[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon mo na talagang magpapadala nga Siya laban sa kanila[185] hanggang sa Araw ng Pagbangon ng magpapataw sa kanila ng kasagwaan ng pagdurusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang mabilis ang parusa, at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain [sa mga nagbabalik-loob]." }, { "surah": "7", "ayah": 168, "translation": "Naghati-hati Kami sa kanila sa lupa bilang mga kalipunan. Kabilang sa kanila ang mga maayos at kabilang sa kanila ang mababa roon. Sumubok Kami sa kanila ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, nang sa gayon sila ay babalik [sa pagtalima]." }, { "surah": "7", "ayah": 169, "translation": "Saka may humalili, matapos na nila, na mga kahalili na nagmana ng Kasulatan, na kumukuha ng alok ng pinakamababa at nagsasabi: \u201cMagpapatawad sa atin.\u201d Kung may pumunta sa kanila na isang alok na tulad niyon ay kukuha sila niyon. Hindi ba kinuha sa kanila ang kasunduan ng Kasulatan na huwag sila magsabi tungkol kay All\u0101h maliban ng katotohanan, at nag-aral naman sila ng nasa loob nito? Ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala, kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?" }, { "surah": "7", "ayah": 170, "translation": "Ang mga kumakapit sa Kasulatan at nagpapanatili ng pagdarasal, tunay na Kami ay hindi nagwawala sa pabuya ng mga tagapagsaayos." }, { "surah": "7", "ayah": 171, "translation": "[Banggitin] noong nag-angat Kami ng bundok sa ibabaw nila[186] na para bang ito ay isang kulandong at nakatiyak sila na ito ay babagsak sa kanila, [nagsabi si All\u0101h]: \u201cKunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at tandaan ninyo ang nariyan, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 172, "translation": "[Banggitin] noong nagpaluwal ang Panginoon mo mula sa mga anak ni Adan mula sa mga likod nila ng mga supling nila at pinasaksi Niya sila sa mga sarili nila: \u201cHindi ba Ako ay Panginoon ninyo?\u201d ay nagsabi sila: \u201cOpo; sumaksi kami,\u201d upang hindi kayo magsabi sa Araw ng Pagbangon: \u201cTunay na Kami dati tungkol dito ay mga nalilingat,\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 173, "translation": "o [upang hindi] kayo magsabi: \u201cNagtambal lamang [kay All\u0101h] ang mga ninuno namin bago pa niyan at kami dati ay mga supling matapos na nila; kaya magpapasawi Ka ba sa amin dahil sa ginawa ng mga tagapagpabula?\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 174, "translation": "Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda, at nang sa gayon sila ay babalik [sa kaisahan ni All\u0101h]." }, { "surah": "7", "ayah": 175, "translation": "Bumigkas ka sa kanila ng balita ng binigyan Namin ng mga talata Namin ngunit kumalas siya sa mga ito kaya sumunod sa kanya ang demonyo, at siya ay naging kabilang sa mga nalilisya." }, { "surah": "7", "ayah": 176, "translation": "Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nag-angat Kami sa kanya sa pamamagitan ng mga [tandang] ito subalit siya ay nahilig sa lupa at sumunod sa pithaya niya. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng paghahalintulad sa aso: kung dadaluhong ka rito ay maglalawit-lawit ng dila ito o [kung] mag-iiwan ka rito ay maglalawit-lawit ng dila ito. Iyon ay ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya magsalaysay ka ng mga kasaysayan, nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip." }, { "surah": "7", "ayah": 177, "translation": "Kay sagwa bilang paghahalintulad ang mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin, at sa mga sarili nila sila noon ay lumalabag sa katarungan!" }, { "surah": "7", "ayah": 178, "translation": "Ang sinumang pinapatnubayan ni All\u0101h, siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya, ang mga iyon ay ang mga lugi." }, { "surah": "7", "ayah": 179, "translation": "Talaga ngang lumalang Kami para sa Impiyerno ng marami kabilang sa jinn at tao. Mayroon silang mga puso na hindi sila nakauunawa sa pamamagitan ng mga ito, mayroon silang mga mata na hindi sila nakakikita sa pamamagitan ng mga ito, at mayroon silang mga tainga na hindi sila nakaririnig sa pamamagitan ng mga ito. Ang mga iyon ay gaya ng mga hayupan, bagkus sila ay higit na ligaw. Ang mga iyon ay ang mga nalilingat." }, { "surah": "7", "ayah": 180, "translation": "Taglay ni All\u0101h ang mga pangalang pinakamagaganda kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito. Hayaan ninyo ang mga lumalapastangan sa mga pangalan Niya; gagantihan sila sa dati nilang ginagawa." }, { "surah": "7", "ayah": 181, "translation": "Mayroon sa nilikha Namin na isang kalipunang nagpapatnubay ayon sa katotohanan at ayon dito ay nagpapatupad ng katarungan." }, { "surah": "7", "ayah": 182, "translation": "Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay magpapain Kami sa kanila mula sa kung saan hindi nila nalalaman." }, { "surah": "7", "ayah": 183, "translation": "Magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang panlalansi Ko ay matibay." }, { "surah": "7", "ayah": 184, "translation": "Hindi ba sila nag-isip-isip? Sa kasamahan nila [na si Muh\u0323ammad] ay walang anumang kabaliwan. Walang iba siya kundi isang mapagbabalang malinaw [ng parusa ni All\u0101h]." }, { "surah": "7", "ayah": 185, "translation": "Hindi ba sila tumingin sa kaharian ng mga langit at lupa at nilikha ni All\u0101h na bagay, at na marahil maging napalapit na ang taning nila? Kaya sa aling pag-uusap matapos nito sasampalataya sila?" }, { "surah": "7", "ayah": 186, "translation": "Ang sinumang ililigaw ni All\u0101h ay walang tagapagpatnubay para sa kanya. Nagpapabaya Siya sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila." }, { "surah": "7", "ayah": 187, "translation": "Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Huling Sandali: Kailan ang pagdaong niyon? Sabihin mo: \u201cAng kaalaman dito ay nasa ganang Panginoon ko lamang; walang maglalantad dito para sa oras nito kundi Siya. Bumigat ito sa mga langit at lupa. Hindi ito pupunta sa inyo malibang biglaan.\u201d Nagtatanong sila sa iyo na para bang ikaw ay mausisa tungkol dito. Sabihin mo: \u201cAng kaalaman dito ay nasa Panginoon ko lamang, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 188, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng pakinabang ni pinsala maliban sa niloob ni All\u0101h. Kung sakaling nangyaring ako ay nakaaalam sa nakalingid, talaga sanang nakapagparami ako ng kabutihan at hindi sumaling sa akin ang kasagwaan. Walang iba ako kundi isang mapagbabala [ng parusa] at isang mapagbalita ng nakagagalak [na gantimpala] para sa mga taong sumasampalataya [sa mensahe ko].\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 189, "translation": "Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa [na si Adan] at gumawa Siya mula rito ng maybahay nito [na si Eva] upang matiwasay ito roon. Kaya noong lumukob ito roon ay nagdala iyon ng isang magaang dala[187] saka nagpatuloy iyon dito. Ngunit noong nabigatan iyon ay nanalangin ang dalawa sa Panginoon ng dalawa: \u201cTalagang kung magbibigay Ka sa amin ng isang [anak na] maayos, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat [sa biyaya].\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 190, "translation": "Ngunit noong nagbigay Siya sa kanilang dalawa ng isang [anak na] maayos ay gumawa silang dalawa para sa Kanya ng mga katambal kaugnay sa ibinigay Niya sa kanilang dalawa, ngunit napakataas si Alla\u0304h higit sa anumang itinatambal nila." }, { "surah": "7", "ayah": 191, "translation": "Nagtatambal ba sila ng hindi lumilikha ng anuman samantalang ang mga ito ay nililikha?" }, { "surah": "7", "ayah": 192, "translation": "Hindi nakakakaya ang mga ito para sa kanila ng isang pag-aadya, at hindi sa mga sarili ng mga ito nakapag-aadya ang mga ito." }, { "surah": "7", "ayah": 193, "translation": "Kung mag-aanyaya kayo sa mga ito tungo sa patnubay ay hindi susunod ang mga ito sa inyo. Magkatulad sa inyo na nag-anyaya kayo sa mga ito o kayo ay mga nananahimik." }, { "surah": "7", "ayah": 194, "translation": "Tunay na ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay All\u0101h ay mga lingkod na mga tulad ninyo. Kaya dumalangin kayo saka tumugon sila sa inyo, kung kayo ay mga tapat." }, { "surah": "7", "ayah": 195, "translation": "Mayroon ba silang mga paang naglalakad sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon silang mga kamay na sumusunggab sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon silang mga matang nakakikita sila sa pamamagitan ng mga ito, o mayroon silang mga taingang nakaririnig sila sa pamamagitan ng mga ito? Sabihin mo: \u201cDumalangin kayo sa mga pantambal ninyo, pagkatapos manlansi kayo sa akin saka huwag kayong magpaliban sa akin.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 196, "translation": "Tunay na ang Katangkilik ko ay si All\u0101h na nagbaba ng Aklat. Siya ay tumatangkilik sa mga maayos." }, { "surah": "7", "ayah": 197, "translation": "Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nakakakaya ng pag-aadya sa inyo at hindi sa mga sarili nila nag-aadya." }, { "surah": "7", "ayah": 198, "translation": "Kung mag-aanyaya kayo sa kanila sa patnubay ay hindi sila makaririnig. Nakakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo samantalang sila ay hindi nakakikita." }, { "surah": "7", "ayah": 199, "translation": "Tumanggap ka ng paumanhin, mag-utos ka ng nakabubuti, at umayaw ka sa mga mangmang." }, { "surah": "7", "ayah": 200, "translation": "Kung may magbubuyo nga naman sa iyo mula sa demonyo na isang pambubuyo ay humiling ka ng pagkukupkop ni All\u0101h. Tunay na Siya ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "7", "ayah": 201, "translation": "Tunay na ang mga nangilag magkasala, kapag may sumaling sa kanila na isang udyok mula sa demonyo ay nagsasaalaala sila kaya biglang sila ay mga nakakikita." }, { "surah": "7", "ayah": 202, "translation": "Ang mga kapatid [ng mga demonyo] ay umaayuda sa kanila [ang mga demonyo] sa pagkalisya, pagkatapos hindi nagkukulang." }, { "surah": "7", "ayah": 203, "translation": "Kapag hindi ka naglahad sa kanila ng isang tanda [na hiniling nila] ay nagsasabi sila: \u201cBakit kasi hindi ka kumatha-katha nito.\u201d Sabihin mo: \u201cSumusunod lamang ako sa ikinakasi sa akin mula sa Panginoon ko. Ito ay mga pagkawari mula sa Panginoon ninyo, isang patnubay, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 204, "translation": "Kapag binigkas ang Qur\u2019\u0101n ay makinig kayo roon at manahimik kayo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan." }, { "surah": "7", "ayah": 205, "translation": "Alalahanin mo [O Propeta] ang Panginoon mo sa sarili mo nang may pagpapakumbaba at pangamba at walang kalakasan sa pagsasabi, sa mga umaga at mga hapon, at huwag kang maging kabilang sa mga nalilingat." }, { "surah": "7", "ayah": 206, "translation": "Tunay na ang mga [anghel] sa piling ng Panginoon mo ay hindi nagmamalaki [sa pagtanggi] sa pagsamba sa Kanya, nagluluwalhati sa Kanya, at sa Kanya nagpapatirapa." }, { "surah": "8", "ayah": 1, "translation": "Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga samsam sa digmaan? Sabihin mo: \u201cAng [pumapatungkol sa] mga samsam sa digmaan ay ukol kay All\u0101h at sa Sugo.\u201d Kaya mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at magsaayos kayo ng nasa pagitan ninyo. Tumalima kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya, kung kayo ay mga mananampalataya." }, { "surah": "8", "ayah": 2, "translation": "Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga kapag binanggit si All\u0101h ay nasisindak ang mga puso nila at kapag binigkas sa kanila ang mga tanda Niya ay nadaragdagan sila ng pananampalataya at sa Panginoon nila nananalig sila," }, { "surah": "8", "ayah": 3, "translation": "na mga nagpapanatili sa pagdarasal at mula sa ipinagkaloob Namin sa kanila ay gumugugol." }, { "surah": "8", "ayah": 4, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga mananampalataya, sa totoo. Ukol sa kanila ay mga antas sa ganang Panginoon nila, isang kapatawaran, at isang panustos na masagana." }, { "surah": "8", "ayah": 5, "translation": "Gaya nang nagpalabas sa iyo ang Panginoon mo mula sa bahay mo ayon sa katotohanan at tunay na ang isang pangkat kabilang sa mga mananampalataya ay talagang mga nasusuklam," }, { "surah": "8", "ayah": 6, "translation": "na nakikipagtalo sila sa iyo hinggil sa katotohanan matapos na luminaw ito, para bang inaakay sila tungo sa kamatayan habang sila ay nakatingin." }, { "surah": "8", "ayah": 7, "translation": "[Banggitin] noong nangangako sa inyo si All\u0101h ng isa sa dalawang pangkatin,[188] na ito ay ukol sa inyo, at nag-aasam kayo na ang walang taglay na sandata ay magiging para sa inyo samantalang nagnanais si All\u0101h na magtotoo sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya at pumutol sa ugat ng mga tagatangging sumampalataya" }, { "surah": "8", "ayah": 8, "translation": "upang magtotoo sa katotohanan at magpabula sa kabulaanan, kahit pa man nasuklam ang mga salarin." }, { "surah": "8", "ayah": 9, "translation": "[Banggitin] noong nagpapasaklolo kayo sa Panginoon ninyo ay tumugon Siya sa inyo, [na nagsasabi]: \u201cTunay na Ako ay mag-aayuda sa inyo ng isang libo mula sa mga anghel na mga nagkakasunud-sunod.\u201d" }, { "surah": "8", "ayah": 10, "translation": "Hindi gumawa niyon si All\u0101h kundi bilang balitang nakagagalak at upang mapanatag doon ang mga puso ninyo. Walang pagwawagi kundi mula sa ganang kay All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "8", "ayah": 11, "translation": "[Banggitin] noong bumabalot Siya sa inyo ng pagkaantok bilang katiwasayan mula sa Kanya at nagbababa Siya sa inyo mula sa langit ng tubig upang magdalisay Siya sa inyo sa pamamagitan nito at mag-alis Siya sa inyo ng udyok ng demonyo at upang magpatibay Siya sa mga puso at magpatatag Siya sa pamamagitan nito ng mga paa." }, { "surah": "8", "ayah": 12, "translation": "[Banggitin] noong nagkakasi ang Panginoon mo sa mga anghel, [na nagsasabi]: \u201cTunay na Ako ay kasama sa inyo kaya patatagin ninyo ang mga sumampalataya. Pupukol Ako sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya ng hilakbot, kaya humagupit kayo sa ibabaw ng mga leeg at humagupit kayo mula sa kanila sa bawat daliri.\u201d" }, { "surah": "8", "ayah": 13, "translation": "Iyon ay dahil sila ay nakipaghidwaan kay All\u0101h at sa Sugo Niya. Ang sinumang nakikipaghidwaan kay All\u0101h at sa Sugo Niya, tunay na si All\u0101h ay matindi ang parusa." }, { "surah": "8", "ayah": 14, "translation": "\u200cIyon [ay ukol sa inyo], kaya lasapin ninyo iyon; at na ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay ang pagdurusa sa Apoy." }, { "surah": "8", "ayah": 15, "translation": "O mga sumampalataya, kapag nakipagkita kayo sa mga tumangging sumampalataya sa isang pagsulong [sa labanan] ay huwag kayong magbaling sa kanila ng mga likod." }, { "surah": "8", "ayah": 16, "translation": "Ang sinumang magbabaling sa kanila sa araw na iyon ng likod niya \u2013 malibang gumigilid para sa pakikipaglaban o sumasama sa isang hukbo \u2013 ay bumalik nga kalakip ng isang galit mula kay All\u0101h. Ang kanlungan niya ay ang Apoy. Kay saklap ang kahahantungan!" }, { "surah": "8", "ayah": 17, "translation": "Kaya hindi kayo pumatay sa kanila, subalit si All\u0101h ay pumatay sa kanila. Hindi ka bumato nang bumato ka, subalit si All\u0101h ay bumato at upang sumubok Siya sa mga mananampalataya ng isang magandang pagsubok mula sa Kanya. Tunay na si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "8", "ayah": 18, "translation": "Iyon nga, at na si All\u0101h ay tagapagpahina ng panlalansi ng mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "8", "ayah": 19, "translation": "[O mga tagatangging sumampalataya,] kung humihiling kayo ng pasya ay dumating na sa inyo ang pasya. Kung titigil kayo, ito ay mabuti para sa inyo. Kung manunumbalik kayo [sa pagkalaban] ay manunumbalik Kami [pagtalo sa inyo] at hindi makapagdudulot sa inyo ang pangkatin ninyo ng anuman kahit pa man dumami ito. Si All\u0101h ay kasama sa mga mananampalataya." }, { "surah": "8", "ayah": 20, "translation": "O mga sumampalataya, tumalima kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya at huwag kayong tumalikod sa kanya habang kayo ay nakaririnig." }, { "surah": "8", "ayah": 21, "translation": "Huwag kayong maging gaya ng mga nagsabi: \u201cNakarinig kami,\u201d samantalang sila ay hindi nakaririnig." }, { "surah": "8", "ayah": 22, "translation": "Tunay na ang pinakamasama sa mga kumikilos na nilalang sa ganang kay All\u0101h ay ang mga bingi at ang mga pipi, na hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "8", "ayah": 23, "translation": "Kung sakaling nakaalam si All\u0101h sa kanila ng isang kabutihan, talaga sanang nagparinig Siya sa kanila; at kung sakaling nagparinig Siya sa kanila, talaga sanang tumalikod sila habang sila ay mga umaayaw." }, { "surah": "8", "ayah": 24, "translation": "O mga sumampalataya, tumugon kayo kay All\u0101h at sa Sugo kapag nag-anyaya siya sa inyo para sa magbibigay-buhay sa inyo. Alamin ninyo na si All\u0101h ay humaharang sa pagitan ng tao at [ninanasa ng] puso nito at na tungo sa Kanya kakalapin kayo." }, { "surah": "8", "ayah": 25, "translation": "Mangilag kayo sa isang pagsubok na hindi nga tatama nang natatangi sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa inyo.[189] Alamin ninyo na si All\u0101h ay matindi ang parusa." }, { "surah": "8", "ayah": 26, "translation": "Alalahanin ninyo noong kayo ay kaunti na mga minamahina sa lupa, na nangangamba kayo na dukutin kayo ng mga tao, ngunit kumanlong Siya sa inyo, nag-ayuda Siya sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya, at tumustos Siya sa inyo mula sa mga kaaya-ayang bagay, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat." }, { "surah": "8", "ayah": 27, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong magtaksil kay All\u0101h at sa Sugo at magtaksil sa mga ipinagkatiwala sa inyo habang kayo ay nakaaalam." }, { "surah": "8", "ayah": 28, "translation": "Alamin ninyo na ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso lamang at na si All\u0101h, sa ganang Kanya, ay may isang pabuyang sukdulan." }, { "surah": "8", "ayah": 29, "translation": "O mga sumampalataya, kung mangingilag kayong magkasala kay All\u0101h ay gagawa Siya para sa inyo ng isang pamantayan [ng tama at mali], magtatakip-sala Siya para sa inyo ng mga masagwang gawa ninyo, at magpapatawad Siya sa inyo. Si All\u0101h ay ang may kabutihang-loob na sukdulan." }, { "surah": "8", "ayah": 30, "translation": "[Banggitin] noong nagpakana sa iyo ang mga tumangging sumampalataya upang bihagin ka nila o patayin ka nila o palisanin ka nila [mula sa bayan mo]. Nagpakana sila at nagpakana si All\u0101h at si All\u0101h ay pinakamabuti sa mga tagapagpakana." }, { "surah": "8", "ayah": 31, "translation": "Kapag binibigkas sa kanila ang mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] ay nagsasabi sila: \u201cNakarinig na kami. Kung sakaling loloobin namin ay talaga sanang nagsabi kami ng tulad nito. Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.\u201d" }, { "surah": "8", "ayah": 32, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi sila: \u201cO All\u0101h, kung ito ay ang katotohanan mula sa ganang Iyo, magpaulan Ka sa amin ng mga bato mula sa langit o magdala Ka sa amin ng isang pagdurusang masakit.\u201d" }, { "surah": "8", "ayah": 33, "translation": "Hindi nangyaring si All\u0101h ay ukol magparusa sa kanila habang ikaw ay nasa kanila. Hindi mangyayaring si All\u0101h ay magpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng tawad." }, { "surah": "8", "ayah": 34, "translation": "Ano ang mayroon sa kanila na hindi magparusa sa kanila si All\u0101h samantalang sila ay sumasagabal sa Masjid na Pinakababanal at sila ay hindi naging mga katangkilik Niya? Walang iba ang mga katangkilik Niya kundi ang mga tagapangilag magkasala, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "8", "ayah": 35, "translation": "Walang iba ang pagdarasal nila sa tabi ng Bahay [ni All\u0101h sa Makkah] kundi sipol at palakpak. Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil dati kayong tumatangging sumampalataya." }, { "surah": "8", "ayah": 36, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay gumugugol ng mga yaman nila upang sumagabal sila sa landas ni All\u0101h. Kaya gugugol sila ng mga ito, pagkatapos ang mga ito sa kanila ito ay magiging isang hinagpis, pagkatapos madadaig sila. Ang mga tumangging sumampalataya ay tungo sa Impiyerno kakalapin" }, { "surah": "8", "ayah": 37, "translation": "upang magbukod si All\u0101h sa karima-rimarin mula sa kaaya-aya at maglagay Siya sa karima-rimarim \u2013 ang ilan sa mga iyon ay nasa ibabaw ng iba \u2013 para magtumpok Siya nito nang lahatan para maglagay Siya nito sa Impiyerno. Ang mga iyon ay ang mga lugi." }, { "surah": "8", "ayah": 38, "translation": "Sabihin mo sa mga tumangging sumampalataya na kung titigil sila ay magpapatawad sa kanila sa anumang nakalipas na at kung manunumbalik sila [sa dati] ay nagdaan na ang kalakaran sa mga sinauna." }, { "surah": "8", "ayah": 39, "translation": "Makipaglaban kayo sa kanila [na nakikipaglaban sa inyo] hanggang sa walang mangyaring ligalig at mangyaring ang relihiyon sa kabuuan nito ay ukol kay All\u0101h. Kaya kung tumigil sila, tunay na si All\u0101h sa anumang ginagawa nila ay Nakakikita." }, { "surah": "8", "ayah": 40, "translation": "Kung tatalikod sila [sa utos sa kanila], alamin ninyo na si All\u0101h ay Pinagpapatangkilikan ninyo. Kay inam na Pinagpapatangkilikan at kay inam na Mapag-adya." } ]