[ { "surah": "5", "ayah": 83, "translation": "Kapag nakarinig sila ng pinababa sa Sugo ay makakikita ka sa mga mata nila habang nag-uumapaw sa luha dahil sa nakilala nila na katotohanan. Nagsasabi sila: \u201cPanginoon Namin, sumampalataya kami kaya magtala Ka sa amin kasama sa mga tagasaksi.[153]" }, { "surah": "5", "ayah": 84, "translation": "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami sumasampalataya kay All\u0101h at sa dumating sa amin na katotohanan, at naghahangad kami na magpapasok sa amin ang Panginoon namin [sa Paraiso] kasama sa mga taong maayos?[154]" }, { "surah": "5", "ayah": 85, "translation": "Kaya naggantimpala sa kanila si All\u0101h, dahil sa sinabi nila, ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang ganti sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "5", "ayah": 86, "translation": "Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n], ang mga iyon ay mga maninirahan sa Impiyerno." }, { "surah": "5", "ayah": 87, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong magbawal ng mga kaaya-ayang ipinahintulot ni All\u0101h para sa inyo at huwag kayong lumabag. Tunay na si All\u0101h ay hindi umiibig sa mga tagalabag." }, { "surah": "5", "ayah": 88, "translation": "Kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni All\u0101h bilang ipinahintulot na kaaya-aya. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya." }, { "surah": "5", "ayah": 89, "translation": "Hindi magpapanagot sa inyo si All\u0101h dahil sa pagkadulas sa mga panunumpa ninyo subalit magpapanagot Siya sa inyo dahil sa [pagsira ng] isinagawa ninyo na mga panunumpa. Kaya ang panakip-sala niyon ay ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa ipinakakain ninyo sa mag-anak ninyo o ang pagpapadamit sa kanila o ang pagpapalaya sa isang alipin, ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay pag-aayuno ng tatlong araw. Iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo kapag nanumpa kayo. Pag-ingatan ninyo ang mga panunumpa ninyo. Gayon naglilinaw si All\u0101h para sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat." }, { "surah": "5", "ayah": 90, "translation": "O mga sumampalataya, ang alak, ang pagpusta, ang [pag-aalay sa] mga dambana, at [ang pagsasapalaran gamit] ang mga tagdan ng palaso ay kasalaulaan lamang kabilang sa gawain ng demonyo, kaya umiwas kayo rito, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay." }, { "surah": "5", "ayah": 91, "translation": "Nagnanais lamang ang demonyo na magsadlak sa pagitan ninyo ng poot at suklam dahil sa alak at pagpusta, at humadlang sa inyo sa pag-alaala kay All\u0101h at sa pagdarasal, kaya kayo ba ay mga titigil?" }, { "surah": "5", "ayah": 92, "translation": "Tumalima kayo kay All\u0101h at tumalima kayo sa Sugo at mag-ingat kayo. Ngunit kung tumalikod kayo ay alamin ninyo na tanging kailangan sa Sugo Namin ang pagpapaabot na malinaw." }, { "surah": "5", "ayah": 93, "translation": "Walang maisisisi sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos kaugnay sa anumang kinain nila [noon] kapag nangilag silang magkasala, sumampalataya sila, at gumawa sila ng mga maayos, pagkatapos nangilag silang magkasala at sumampalataya sila, pagkatapos nangilag silang magkasala at gumawa sila ng maganda. Si All\u0101h ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "5", "ayah": 94, "translation": "O mga sumampalataya, talagang magsusulit nga sa inyo si All\u0101h [habang nasa ih\u0323ra\u0304m] sa pamamagitan ng isang bagay gaya ng pinangangasong hayop, na nagtatamo nito ang mga kamay ninyo at ang mga sibat ninyo, upang maghayag si All\u0101h sa sinumang nangangamba sa Kanya nang nakalingid. Kaya ang sinumang lumabag matapos niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "5", "ayah": 95, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong pumatay ng pinangangasong hayop habang kayo ay mga nasa i\u1e25r\u0101m. Ang sinumang pumatay nito kabilang sa inyo nang sinasadya, may isang ganti, na tulad ng pinatay niya, mula sa mga hayupan, na hahatol dito ang dalawang may katarungan kabilang sa inyo bilang handog na aabot sa Ka`bah;[155] o may isang panakip-sala na pagpapakain ng mga dukha o katumbas niyon na pag-aayuno upang makalasap siya ng kasaklapan ng nauukol sa kanila. Nagpaumanhin si All\u0101h sa anumang nagdaan. Ang sinumang nanumbalik ay maghihiganti si All\u0101h sa kanya. Si All\u0101h ay Makapangyarihan, May paghihiganti." }, { "surah": "5", "ayah": 96, "translation": "Ipinahintulot para sa inyo ang nahuhuli sa dagat at ang pagkain doon bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga manlalakbay. Ipinagbawal sa inyo ang nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa i\u1e25r\u0101m. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h na tungo sa Kanya kakalapin kayo [para gantihan]." }, { "surah": "5", "ayah": 97, "translation": "Ginawa ni All\u0101h ang Ka`bah, ang Bahay na Pinakababanal, bilang pagpapanatili para sa mga tao, ang Buwang Pinakababanal, ang alay, at ang mga nakakuwintas. Iyon ay upang makaalam kayo na si All\u0101h ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa at na si All\u0101h, sa bawat bagay, ay Maalam." }, { "surah": "5", "ayah": 98, "translation": "Alamin ninyo na si All\u0101h ay matindi ang parusa at na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "5", "ayah": 99, "translation": "Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot. Si All\u0101h ay nakaaalam sa anumang ihinahayag ninyo at sa anumang itinatago ninyo." }, { "surah": "5", "ayah": 100, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi nagkakapantay ang karima-rimarim at ang kaaya-aya, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim.\u201d Kaya mangilag kayong magkasala kay All\u0101h, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay." }, { "surah": "5", "ayah": 101, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito. Kung magtatanong kayo tungkol sa mga ito sa sandaling ibinababa ang Qur\u2019\u0101n ay ihahayag ang mga ito sa inyo. Nagpaumanhin si All\u0101h sa mga [bagay na] ito. Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Matimpiin." }, { "surah": "5", "ayah": 102, "translation": "May nagtanong nga ng mga ito na mga tao bago pa ninyo, pagkatapos sila sa mga ito ay naging mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "5", "ayah": 103, "translation": "Hindi nagtalaga si All\u0101h ng ba\u1e25\u012brah, ni s\u0101\u2019ibah, ni wa\u1e63\u012blah, ni \u1e25\u0101m\u012b, subalit ang mga tumangging sumampalataya ay gumawa-gawa kay All\u0101h ng kasinungalingan, at ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.[156]" }, { "surah": "5", "ayah": 104, "translation": "Kapag sinabi sa kanila: \u201cHalikayo sa pinababa ni All\u0101h at sa Sugo\u201d ay nagsasabi sila: \u201cKasapatan sa amin ang natagpuan namin sa mga magulang namin.\u201d Kahit ba noon ang mga magulang nila ay hindi nakaaalam ng anuman at hindi napapatnubayan?" }, { "surah": "5", "ayah": 105, "translation": "O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo. Tungo kay All\u0101h ang babalikan ninyo nang lahatan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa." }, { "surah": "5", "ayah": 106, "translation": "O mga sumampalataya, ang pagsasaksi sa pagitan ninyo kapag dumalo sa isa sa inyo ang kamatayan sa sandali ng tagubilin ay [gagawin ng] dalawang may katarungan kabilang sa inyo o dalawang iba pa kabilang sa iba sa inyo kung kayo ay naglakbay sa lupain at tumama sa inyo ang pagtama ng kamatayan. Pipigil kayo sa kanilang dalawa matapos na ng pagdarasal at manunumpa silang dalawa kay All\u0101h, kung nag-aalinlangan kayo, [na nagsasabi]: \u201cHindi kami magbebenta nitong [panunumpa] sa isang halaga, kahit pa man iyon ay isang may pagkakamag-anak, at hindi kami magtatago ng pagsasaksi kay All\u0101h; tunay na kami, kung gayon, ay talagang kabilang sa mga nagkakasala.\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 107, "translation": "Ngunit kung natuklasan na silang dalawang ay naging karapat-dapat sa isang kasalanan [ng sinungaling na panunumpa], may dalawang ibang tatayo sa katayuan nilang dalawa, na dalawang pinakamalapit na kaanak kabilang sa mga naging karapat-dapat [sa pagmamana], saka manunumpa ang dalawang ito kay All\u0101h: \u201cTalagang ang pagsasaksi namin ay higit na totoo kaysa sa pagsasaksi nilang dalawa at hindi kami lumabag; tunay na kami, samakatuwid, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 108, "translation": "Iyon ay higit na malamang na magsagawa sila ng pagsasaksi ayon sa katunayan nito o mangamba sila na tanggihan ang mga panunumpa matapos ng mga panunumpa nila. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at duminig kayo. Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail." }, { "surah": "5", "ayah": 109, "translation": "Sa araw na kakalap si All\u0101h sa mga sugo saka magsasabi Siya: \u201cAno ang isinagot sa inyo [ng mga kalipunan ninyo]?\u201d ay magsasabi sila: \u201cWalang kaalaman sa amin; tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid.\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 110, "translation": "[Banggitin] kapag magsasabi si All\u0101h: \u201cO Jesus na anak ni Maria, bumanggit ka sa biyaya Ko sa iyo at sa ina mo noong umalalay Ako sa iyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan[157] habang nagsasalita ka sa mga tao habang nasa duyan at nasa kasapatang-gulang; noong nagturo Ako sa iyo ng pagsulat, karunungan, at Torah, at Ebanghelyo; noong lumilikha ka mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon ayon sa pahintulot Ko saka umiihip ka rito kaya ito ay nagiging ibon, at nagpapagaling ka ng ipinanganak na bulag at ng ketungin ayon sa pahintulot Ko; noong nagpapalabas ka sa mga patay ayon sa pahintulot Ko; at noong pumigil Ako sa [tangkang pagpatay ng] mga anak ni Israel palayo sa iyo noong naghatid ka sa kanila ng mga malinaw na patunay at nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila: Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 111, "translation": "[Banggitin] noong nagkasi Ako sa mga disipulo, na [nagsasabi]: \u201cSumampalataya kayo sa Akin at sa Sugo Ko\u201d ay nagsabi sila: \u201cSumampalataya kami at sumaksi Ka na kami ay mga Muslim.[158]\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 112, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi ang mga disipulo: \u201cO Jesus na anak na Maria, makakakaya kaya ang Panginoon mo na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?\u201d ay nagsabi siya: \u201cMangilag kayong magkasala kay All\u0101h kung kayo ay mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 113, "translation": "Nagsabi sila: \u201cNagnanais kami na kumain mula roon, mapanatag ang mga puso namin, makaalam kami na nagpakatapat ka nga sa amin, at kami roon ay maging kabilang sa mga tagasaksi.\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 114, "translation": "Nagsabi si Jesus na anak ni Maria: \u201cO All\u0101h, Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag mula sa langit, na para sa amin ay magiging isang pagdiriwang para sa una sa amin at huli sa amin at isang tanda mula sa Iyo. Magtustos Ka sa amin, at Ikaw ay pinakamainam sa mga tagatustos.\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 115, "translation": "Nagsabi si All\u0101h: \u201cTunay na Ako ay magbababa nito sa inyo; kaya ang sinumang tatangging sumampalataya matapos niyon kabilang sa inyo, tunay na Ako ay magpaparusa sa kanya ng isang pagdurusang hindi Ako nagpaparusa nito sa isa kabilang sa mga nilalang.\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 116, "translation": "[Banggitin] kapag magsasabi si All\u0101h: \u201cO Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang diyos bukod pa kay All\u0101h?\u201d Magsasabi ito: \u201cKaluwalhatian sa Iyo! Hindi nagiging ukol sa akin na magsabi ako ng anumang ukol sa akin ay hindi isang karapatan. Kung nangyaring nagsabi ako niyon ay nakaalam Ka nga niyon. Nakaaalam Ka ng nasa sarili ko at hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid." }, { "surah": "5", "ayah": 117, "translation": "Hindi ako nagsabi sa kanila maliban ng ipinag-utos Mo sa akin na: Sumamba kayo kay All\u0101h na Panginoon ko at Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi." }, { "surah": "5", "ayah": 118, "translation": "Kung magpaparusa Ka sa kanila, tunay na sila ay mga lingkod Mo; at kung magpapatawad Ka sa kanila, tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.\u201d" }, { "surah": "5", "ayah": 119, "translation": "Magsasabi si All\u0101h: \u201cIto ay Araw na magpapakinabang sa mga tapat ang katapatan nila. Ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman.\u201d Nalugod si All\u0101h sa kanila at nalugod naman sila sa Kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan." }, { "surah": "5", "ayah": 120, "translation": "Sa kay All\u0101h ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa mga ito. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "6", "ayah": 1, "translation": "Ang papuri ay ukol kay All\u0101h na lumikha ng mga langit at lupa, at gumawa sa mga kadiliman at liwanag. Pagkatapos ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa Kanya sa iba]." }, { "surah": "6", "ayah": 2, "translation": "Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa putik, pagkatapos nagpasya Siya ng isang taning [ng buhay]. May isang taning [ng pagkabuhay] na tinukoy sa ganang Kanya, pagkatapos kayo ay nagtataltalan." }, { "surah": "6", "ayah": 3, "translation": "Siya ay si All\u0101h [ang Diyos] sa mga langit at sa lupa. Nakaaalam Siya sa lihim ninyo at kahayagan ninyo at nakaaalam Siya sa nakakamit ninyo." }, { "surah": "6", "ayah": 4, "translation": "Walang pumupunta sa kanila na isang tanda mula sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila noon sa mga ito ay mga tagaayaw" }, { "surah": "6", "ayah": 5, "translation": "sapagkat nagpasinungaling nga sila sa katotohanan noong dumating ito sa kanila kaya pupunta sa kanila ang mga balita ng dati nilang kinukutya." }, { "surah": "6", "ayah": 6, "translation": "Hindi ba sila nagsaalang-alang na kay rami ng ipinahamak Namin, bago pa nila, na [makasalanang] salinlahi na nagbigay-kapangyarihan Kami sa mga iyon sa lupa habang hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo? Nagsugo Kami sa langit sa ibabaw nila ng masaganang ulan at gumawa Kami sa mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim nila, saka nagpahamak Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila at nagpasimula Kami, matapos na nila, ng salinlahing iba." }, { "surah": "6", "ayah": 7, "translation": "Kung sakaling nagbaba Kami sa iyo ng isang aklat na nasa isang kalatas saka humipo sila nito ng mga kamay nila ay talaga sanang nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: \u201cWalang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 8, "translation": "Nagsabi sila: \u201cBakit kasi walang pinababa sa kanya na isang anghel?\u201d Kung sakaling nagpababa Kami sa kanya ng isang anghel ay talaga sanang napagpasyahan ang usapin, pagkatapos hindi sila palulugitan [para magbalik-loob]." }, { "surah": "6", "ayah": 9, "translation": "Kung sakaling gumawa Kami sa kanya na isang anghel ay talaga sanang gumawa Kami sa kanya na [nasa anyo ng] isang lalaki at talaga sanang nagpalito Kami sa kanila ng ikinalilito nila." }, { "surah": "6", "ayah": 10, "translation": "Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dati nilang kinukutya." }, { "surah": "6", "ayah": 11, "translation": "Sabihin mo: \u201cHumayo kayo sa lupain, pagkatapos tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 12, "translation": "Sabihin mo: \u201cKanino ang anumang nasa mga langit at mga lupa?\u201d Sabihin mo: \u201cSa kay All\u0101h.\u201d Itinakda Niya sa sarili Niya ang awa. Talagang magtitipon nga Siya sa inyo sa Araw ng Pagbangon, walang pag-aalinlangan dito. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya." }, { "surah": "6", "ayah": 13, "translation": "Sa Kanya ang anumang nanahan sa gabi at maghapon. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "6", "ayah": 14, "translation": "Sabihin mo: \u201cSa iba pa kay All\u0101h ba gagawa ako bilang katangkilik, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, at Siya ay nagpapakain at hindi pinakakain?\u201d Sabihin mo: \u201cTunay na ako ay inutusan na maging una sa nagpasakop [kay All\u0101h].\u201d Huwag ka ngang magiging kabilang sa mga tagapagtambal [kay All\u0101h]." }, { "surah": "6", "ayah": 15, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon ko, sa pagdurusa sa isang Araw na sukdulan.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 16, "translation": "Ang sinumang pinalihis palayo roon sa Araw na iyon ay naawa nga Siya rito. Iyon ay ang pagkatamong malinaw." }, { "surah": "6", "ayah": 17, "translation": "Kung sumasaling sa iyo si All\u0101h ng isang kapinsalaan ay walang tagapawi para rito kundi Siya. Kung sumasaling Siya sa iyo ng isang kabutihan, Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "6", "ayah": 18, "translation": "Siya ay ang Tagagapi sa ibabaw ng mga lingkod Niya at Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid." }, { "surah": "6", "ayah": 19, "translation": "Sabihin mo: \u201cAling bagay ang pinakamalaki sa pagsasaksi?\u201d Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h ay saksi sa pagitan ko at ninyo. Ikinasi sa akin ang Qur\u2019\u0101n na ito upang magbabala ako sa inyo nito at sa sinumang naabot nito. Tunay na kayo ba ay talagang sumasaksi na may kasama kay All\u0101h na mga ibang diyos?\u201d Sabihin mo: \u201cHindi ako sumasaksi.\u201d Sabihin mo: \u201cSiya ay nag-iisang Diyos lamang at tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo [sa Kanya].\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 20, "translation": "Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay nakakikilala sa kanya gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya." }, { "surah": "6", "ayah": 21, "translation": "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga talata Niya [sa Qur\u2019a\u0304n]? Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "6", "ayah": 22, "translation": "Sa araw na kakalap Kami sa kanila nang lahatan, pagkatapos magsasabi Kami sa mga nagtambal: \u201cNasaan ang mga itinambal ninyo na dati ninyong inaakala?\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 23, "translation": "Pagkatapos walang [tugon sa] pagsusulit sa kanila kundi na nagsabi sila: \u201cSumpa man kay All\u0101h na Panginoon Namin, kami noon ay hindi mga tagapagtambal.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 24, "translation": "Tumingin ka kung papaanong nagsinungaling sila laban sa mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa." }, { "surah": "6", "ayah": 25, "translation": "Mayroon sa kanila na nakikinig sa iyo ngunit naglagay Kami sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung makakikita sila ng bawat tanda ay hindi sila sasampalataya rito; hanggang sa nang dumating sila sa iyo habang makikipagtalo sila sa iyo ay magsasabi ang mga tumangging sumampalataya: \u201cWalang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 26, "translation": "Sila ay sumasaway [sa mga tao] laban sa kanya at lumalayo sa kanya. Hindi sila nagpapahamak kundi sa mga sarili nila ngunit hindi nila nararamdaman." }, { "surah": "6", "ayah": 27, "translation": "Kung sakaling makakikita ka kapag patitigilin sila sa ibabaw ng Apoy saka magsasabi sila: \u201cO kung sana kami ay pababalikin [sa Mundo] at [upang] hindi magpasinungaling sa mga tanda ng Panginoon Natin at maging kabilang sa mga mananampalataya!\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 28, "translation": "Bagkus lumitaw sa kanila ang dati nilang ikinukubli[159] bago pa niyan. Kung sakaling pinabalik sila [sa Mundo] ay talaga sanang nanumbalik sila sa isinaway sa kanila. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling." }, { "surah": "6", "ayah": 29, "translation": "Nagsabi sila: \u201cWalang iba ito kundi ang buhay namin sa Mundo, at kami ay hindi mga bubuhayin [para tuusin].\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 30, "translation": "Kung sakaling nakakikita ka kapag pinatayo sila sa Panginoon mo ay magsasabi Siya: \u201cHindi ba [ang pagbuhay na] ito ay ang totoo?\u201d Magsasabi sila: \u201cOpo, sumpa man sa Panginoon namin.\u201d Magsasabi Siya: \u201cKaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya [sa pagbuhay].\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 31, "translation": "Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagkita kay All\u0101h; hanggang sa nang dumating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan ay nagsabi sila: \u201cO panghihinayang namin dahil sa nagpabaya kami kaugnay rito,\u201d habang sila ay nagdadala ng mga pasanin nila sa mga likod nila. Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila!" }, { "surah": "6", "ayah": 32, "translation": "Walang iba ang buhay na pangmundo kundi isang paglalaro at isang paglilibang; ngunit talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?" }, { "surah": "6", "ayah": 33, "translation": "Nalalaman nga Namin na tunay na talagang nagpapalungkot sa iyo ang sinasabi nila ngunit tunay na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo subalit ang mga tagalabag sa katarungan ay sa mga tanda ni All\u0101h nagkakaila." }, { "surah": "6", "ayah": 34, "translation": "Talaga ngang may pinasinungalingan na mga sugo bago mo pa ngunit nagtiis sila sa anumang ipinasinungaling sa kanila at ipinaminsala sa kanila hanggang sa pumunta sa kanila ang pag-aadya Namin. Walang tagapalit sa mga salita ni All\u0101h. Talaga ngang may dumating sa iyo na balita ng mga isinugo [bago mo]." }, { "surah": "6", "ayah": 35, "translation": "Kung nangyaring bumigat sa iyo ang pag-ayaw nila saka kung nakaya mo na maghanap ng isang lagusan sa lupa o isang hagdan sa langit para magdala ka sa kanila ng isang tanda, [gawin mo]. Kung sakaling niloob ni All\u0101h ay talaga sanang tinipon Niya sila sa patnubay, kaya huwag ka ngang magiging kabilang sa mga mangmang." }, { "surah": "6", "ayah": 36, "translation": "Tumutugon lamang ang mga nakaririnig. Ang mga patay ay bubuhayin ni All\u0101h, pagkatapos tungo sa Kanya sila pababalikin." }, { "surah": "6", "ayah": 37, "translation": "Nagsabi sila: \u201cBakit kasi walang ibinaba sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?\u201d Sabihin mo: \u201cTunay na si All\u0101h ay nakakakaya na magbaba ng isang tanda subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 38, "translation": "Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa ni ibong lumilipad sa pamamagitan ng mga pakpak nito malibang mga kalipunang mga tulad ninyo. Wala Kaming pinabayaan sa Talaan na anumang bagay. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila kakalapin sila." }, { "surah": "6", "ayah": 39, "translation": "Ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] ay mga bingi at mga pipi na nasa mga kadiliman. Ang sinumang loloobin ni All\u0101h ay [makatarungang] magliligaw Siya rito at ang sinumang loloobin Niya ay maglalagay Siya rito sa isang landasing tuwid." }, { "surah": "6", "ayah": 40, "translation": "Sabihin mo: \u201cNaisaalang-alang ba sa inyo kung pumunta sa inyo ang pagdurusa mula kay All\u0101h o pumunta sa inyo ang Huling Sandali? Sa iba pa kay All\u0101h ba kayo dadalangin kung kayo ay mga tapat?\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 41, "translation": "Bagkus sa Kanya kayo dadalangin saka papawi Siya sa idinadalangin ninyo sa Kanya kung niloob Niya at kakalimutan ninyo ang itinatambal ninyo." }, { "surah": "6", "ayah": 42, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami [ng mga sugo] sa mga kalipunan bago mo pa saka nagpataw Kami sa kanila ng kadahupan at kariwaraan, nang sa gayon sila ay magpapakumbaba." }, { "surah": "6", "ayah": 43, "translation": "Ngunit bakit kasi hindi \u2013 noong dumating sa kanila ang parusa Namin \u2013 sila nagpakumbaba? Subalit tumigas ang mga puso nila at ipinang-akit sa kanila ng demonyo ang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "6", "ayah": 44, "translation": "Kaya noong lumimot sila sa ipinaalaala sa kanila ay nagbukas Kami sa kanila ng mga pinto ng bawat bagay; hanggang sa nang natuwa sila sa ibinigay sa kanila ay dumaklot Kami sa kanila nang biglaan kaya biglang sila ay mga nalulumbay." }, { "surah": "6", "ayah": 45, "translation": "Kaya pinutol ang kahuli-hulihan sa mga taong lumabag sa katarungan. Ang papuri ay ukol kay All\u0101h, ang Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "6", "ayah": 46, "translation": "Sabihin mo: \u201cNagsaalang-alang ba kayo kung kumuha si All\u0101h sa pandinig ninyo at mga paningin ninyo at nagpinid Siya sa mga puso ninyo, sinong diyos na iba pa kay All\u0101h ang magdudulot sa inyo nito?\u201d Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, pagkatapos sila ay lumilihis." }, { "surah": "6", "ayah": 47, "translation": "Sabihin mo: \u201cNaisaalang-alang ba sa inyo kung pumunta sa inyo ang pagdurusa mula kay All\u0101h nang biglaan o lantaran? [May] ipinahahamak pa kaya kundi ang mga taong tagalabag sa katarungan?\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 48, "translation": "Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Kaya ang sinumang sumampalataya at nagsaayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot." }, { "surah": "6", "ayah": 49, "translation": "Ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] ay sasaling sa kanila ang pagdurusa dahil sa dati silang nagpapakasuwail." }, { "surah": "6", "ayah": 50, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni All\u0101h. Hindi ako nakaaalam sa nakalingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin.\u201d Sabihin mo: \u201cNagkakapantay kaya ang bulag at ang nakakikita? Hindi ba kayo nag-iisip-isip?\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 51, "translation": "Magbabala ka nito sa mga nangangamba na kalapin sila tungo sa Panginoon nila \u2013 walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan \u2013 nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala." }, { "surah": "6", "ayah": 52, "translation": "Huwag kang magtaboy sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at dapit-hapon, na nagnanais [ng ikalulugod] ng mukha Niya. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa kanila sa anuman at walang pagtutuos sa iyo na kailangan sa kanila sa anuman, para magtaboy ka sa kanila para ikaw ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "6", "ayah": 53, "translation": "Gayon Kami tumukso sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa upang magsabi sila: \u201cAng mga ito ba ay nagmagandang-loob si All\u0101h [sa pagpatnubay] sa kanila sa gitna namin?\u201d Hindi ba si All\u0101h ay higit na maalam sa mga tagapagpasalamat?" }, { "surah": "6", "ayah": 54, "translation": "Kapag dumating sa iyo ang mga sumasampalataya sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] ay sabihin mo: \u201cKapayapaan ay sumainyo.\u201d Nagtakda ang Panginoon ninyo sa sarili Niya ng pagkaawa: na ang sinumang gumawa kabilang sa inyo ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob matapos na nito at nagsaayos, tunay na Siya ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "6", "ayah": 55, "translation": "Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda at upang magpalinaw ang landas ng mga salarin." }, { "surah": "6", "ayah": 56, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay All\u0101h.\u201d Sabihin mo: \u201cHindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo; naligaw nga sana ako samakatuwid at hindi sana ako kabilang sa mga napapatnubayan.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 57, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagpasinungaling kayo rito. Hindi nasa ganang akin ang minamadali ninyo. Ang paghahatol ay ukol kay All\u0101h lamang. Isinasalaysay Niya ang katotohanan at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagabukod.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 58, "translation": "Sabihin mo: \u201cKung sakaling nasa ganang akin ang [pagdurusang] minamadali ninyo ay talaga sanang napagpasyahan ang usapin sa pagitan ko at ninyo. Si All\u0101h ay higit na maalam sa mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 59, "translation": "Taglay Niya ang mga susi ng nakalingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at karagatan. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw." }, { "surah": "6", "ayah": 60, "translation": "Siya ay ang nagpapapanaw sa inyo sa gabi [sa pagtulog] at nakaaalam sa nagawa ninyo sa maghapon. Pagkatapos bumubuhay Siya sa inyo roon upang makatapos ng isang taning na tinukoy. Pagkatapos tungo sa Kanya ang babalikan ninyo. Pagkatapos magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa." }, { "surah": "6", "ayah": 61, "translation": "Siya ay ang Tagagapi sa ibabaw ng mga lingkod Niya. Nagsusugo Siya sa inyo ng mga [anghel na] tagapag-ingat; hanggang sa nang dumating sa isa sa inyo ang kamatayan ay nagpapanaw rito ang mga [anghel ng kamatayan na] sugo Namin habang sila ay hindi nagpapabaya." }, { "surah": "6", "ayah": 62, "translation": "Pagkatapos isasauli sila[160] kay All\u0101h, ang Pinagpapatangkilikan nilang totoo. Pansinin, ukol sa Kanya ang paghahatol, at Siya ay ang pinakamabilis sa mga tagatuos." }, { "surah": "6", "ayah": 63, "translation": "Sabihin mo: \u201cSino ang nagliligtas sa inyo mula sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, na dumadalangin kayo [nang hayagan] sa Kanya dala ng pagpapakumbaba at palihim [na nagsasabi]: \u201cTalagang kung paliligtasin Niya kami mula rito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 64, "translation": "Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h ay magliligtas sa inyo mula roon at mula sa bawat dalamhati, pagkatapos kayo ay nagtatambal.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 65, "translation": "Sabihin mo: \u201cSiya ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusa mula sa ibabaw ninyo o mula sa ilalim ng mga paa ninyo, o na magpalito sa inyo [para maging] mga pangkatin at magpalasap sa ilan sa inyo ng karahasan ng iba pa.\u201d Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, nang sa gayon sila ay makauunawa." }, { "surah": "6", "ayah": 66, "translation": "Nagpasinungaling dito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanan [mula kay All\u0101h]. Sabihin mo: \u201cHindi ako sa inyo isang pinananaligan.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 67, "translation": "Para sa bawat balita ay isang pinagtitigilan, at malalaman ninyo [ang kahihinatnan]." }, { "surah": "6", "ayah": 68, "translation": "Kapag nakakita ka sa mga tumatalakay [sa pagpapabula] sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] ay umayaw ka sa kanila hanggang sa tumalakay sila sa isang pag-uusap na iba roon. Kung magpapalimot nga naman sa iyo ang demonyo ay huwag kang manatili, matapos ng pagkaalaala, kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "6", "ayah": 69, "translation": "Walang kailangan sa mga nangingilag magkasala na pagtutuos sa mga ito sa anuman subalit bilang paalaala, nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala." }, { "surah": "6", "ayah": 70, "translation": "Hayaan mo ang mga gumawa sa relihiyon nila bilang laro at paglilibang at luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo. Magpaalaala ka sa pamamagitan nito[161] na baka may mapariwarang isang kaluluwa dahil sa nakamit niya [na mga kasagwaan], na walang ukol sa kanya bukod pa kay All\u0101h na anumang katangkilik ni mapagpamagitan. Kahit tubusin niya ng bawat pantubos ay hindi iyon kukunin mula sa kanya. Ang mga iyon ay ang mga napariwara dahil sa nakamit nila [na mga pagsuway]. Para sa kanila ay isang inumin mula sa nakapapasong tubig at isang pagdurusang masakit dahil dati silang tumatangging sumampalataya." }, { "surah": "6", "ayah": 71, "translation": "Sabihin mo: \u201cDadalangin ba kami sa bukod pa kay All\u0101h, na hindi nakapagpapakinabang sa amin at hindi nakapipinsala sa amin? Panunumbalikin kami sa [dinaanan ng] mga sakong namin matapos noong pumatnubay sa amin si All\u0101h, gaya ng hinalina ng mga demonyo sa lupa na litung-lito habang mayroon siyang mga kasamahang nag-aanyaya sa kanya tungo sa patnubay, [na nagsasabi]: Pumunta ka sa amin.\u201d Sabihin mo: \u201cTunay na ang patnubay ni All\u0101h ay ang patnubay. Inutusan tayo upang magpasakop tayo sa Panginoon ng mga nilalang," }, { "surah": "6", "ayah": 72, "translation": "at na magpanatili kayo ng pagdarasal at mangilag kayong magkasala sa Kanya.\u201d Siya ay ang tungo sa Kanya kakalapin kayo." }, { "surah": "6", "ayah": 73, "translation": "Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa Araw na magsasabi Siya na mangyari saka mangyayari ito, ang sabi Niya ay ang katotohanan. Sa Kanya ang paghahari sa Araw na iihip sa tambuli. [Siya] ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan. Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid." }, { "surah": "6", "ayah": 74, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niyang si \u0100zar: \u201cGumagawa ka ba sa mga anito bilang mga diyos? Tunay na ako ay nakakikita sa iyo at mga kalipi mo sa isang pagkaligaw na malinaw.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 75, "translation": "Gayon Kami nagpapakita kay Abraham ng kaharian ng mga langit at lupa at upang siya ay maging kabilang sa mga nakatitiyak [sa pananampalataya]." }, { "surah": "6", "ayah": 76, "translation": "Kaya noong tumakip sa kanya ang gabi ay nakakita siya ng isang tala. Nagsabi siya: \u201cIto ay Panginoon ko;\u201d ngunit noong lumubog ito ay nagsabi siya: \u201cHindi ko naiibigan ang mga lumulubog.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 77, "translation": "Kaya noong nakita niya ang buwan na sumisikat ay nagsabi siya: \u201cIto ay Panginoon ko;\u201d ngunit noong lumubog ito ay nagsabi siya: \u201cTalagang kung hindi nagpatnubay sa akin ang Panginoon ko, talagang ako nga ay magiging kabilang sa mga taong ligaw.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 78, "translation": "Kaya noong nakita niya[162] ang araw na sumisikat ay nagsabi siya: \u201cIto ay Panginoon ko; ito ay higit na malaki;\u201d ngunit noong lumubog ito ay nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo." }, { "surah": "6", "ayah": 79, "translation": "Tunay na ako ay nagbaling ng mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang makatotoo, at ako ay hindi kabilang sa mga tagapagtambal.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 80, "translation": "Nangatwiran sa kanya ang mga kalipi niya. Nagsabi siya: \u201cNangangatwiran ba kayo sa akin hinggil kay All\u0101h samantalang nagpatnubay nga Siya sa akin? Hindi ako nangangamba sa anumang itinatambal ninyo sa Kanya malibang may niloloob ang Panginoon ko na isang bagay. Sumasaklaw ang Panginoon ko sa bawat bagay sa kaalaman. Kaya hindi ba kayo nakapag-aalaala?\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 81, "translation": "Papaanong mangangamba ako sa anumang itinambal ninyo [kay All\u0101h] samantalang hindi kayo nangangamba na kayo ay nagtambal kay All\u0101h ng hindi Siya nagbaba sa inyo ng isang katunayan? Kaya alin sa dalawang pangkat ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan, kung kayo ay nakaaalam?" }, { "surah": "6", "ayah": 82, "translation": "Ang mga sumampalataya at hindi naghalo sa pananampalataya nila ng isang kawalang-katarungan [ng pagtatambal], ang mga iyon ay ukol sa kanila ang katiwasayan at sila ay mga napapatnubayan." }, { "surah": "6", "ayah": 83, "translation": "Iyon ay ang katwiran Namin; nagbigay Kami nito kay Abraham laban sa mga kalipi niya. Nag-aangat Kami ng mga antas ng sinumang niloloob Namin. Tunay na ang Panginoon mo ay Marunong, Maalam." }, { "surah": "6", "ayah": 84, "translation": "Nagkaloob Kami sa kanya kina Isaac at Jacob, na sa bawat isa ay nagpatnubay Kami. Kay Noe ay nagpatnubay Kami bago pa niyan at sa kabilang sa mga supling niyang sina David, Solomon, Job, Jose, Moises, at Aaron. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "6", "ayah": 85, "translation": "Sina Zacarias, Juan, Jesus, at Elias ay lahat kabilang sa mga maayos." }, { "surah": "6", "ayah": 86, "translation": "Kina Ismael, Eliseo, Jonas, at Lot, sa lahat ay nagtangi Kami sa mga nilalang." }, { "surah": "6", "ayah": 87, "translation": "[Nagpatnubay Kami] sa kabilang sa mga ama nila, mga supling nila, at mga kapatid nila. Humirang Kami sa kanila at nagpatnubay Kami sa kanila tungo sa isang landasing tuwid." }, { "surah": "6", "ayah": 88, "translation": "Iyon ay patnubay ni All\u0101h; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "6", "ayah": 89, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga binigyan Namin ng Kasulatan, dunong, at pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya sa mga iyan ang mga ito, naipagkatiwala na Namin ang mga iyan sa mga tao[163] na sa mga iyan ay hindi mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "6", "ayah": 90, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga pinatnubayan ni All\u0101h [sa Isla\u0304m], kaya sa patnubay nila ay tumulad ka. Sabihin mo: \u201cHindi ako nanghihingi sa inyo dahil dito ng isang pabuya; walang iba ito kundi isang pagpapaalaala para sa mga nilalang.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 91, "translation": "Hindi sila nagpahalaga kay All\u0101h nang totoong pagpapahalaga sa Kanya noong nagsabi sila: \u201cHindi nagpababa si All\u0101h sa isang tao ng anuman.\u201d Sabihin mo: \u201cSino ang nagpababa sa kasulatang ihinatid ni Moises bilang liwanag at patnubay para sa mga tao? Gumagawa kayo roon bilang mga pahina, na naglalantad kayo [ng ilan] nito at nagkukubli kayo ng marami. Tinuruan kayo ng hindi nalaman ninyo ni ng mga magulang ninyo.\u201d Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h [ay nagpababa nito].\u201d Pagkatapos hayaan mo sila sa masamang pagtatalakay nila habang naglalaro sila." }, { "surah": "6", "ayah": 92, "translation": "[Ang Qur\u2019a\u0304n na] ito ay Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, na tagapagpatotoo sa nauna rito [na mga kasulatan] at upang magbabala ka sa ina ng mga nayon[164] at sa sinumang nasa paligid nito. Ang mga sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay sumasampalataya rito [sa Qur\u2019a\u0304n]; at sila, sa pagdarasal nila, ay nangangalaga." }, { "surah": "6", "ayah": 93, "translation": "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan o nagsabi: \u201cNagkasi sa akin\u201d samantalang hindi nagkasi sa kanya ng anuman, at sinumang nagsabi: \u201cMagpapababa ako ng tulad sa pinababa ni All\u0101h.\u201d Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa mga hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga kamay nila [na nagsasabi]: \u201cMagpalabas kayo ng mga kaluluwa ninyo! Sa araw na ito ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo noon ay nagsasabi hinggil kay All\u0101h ng hindi totoo at kayo noon sa mga talata Niya [sa Qur\u2019a\u0304n] ay nagmamalaki.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 94, "translation": "Talaga ngang dumating kayo sa Amin bilang mga bukod-tangi gaya ng paglikha Namin sa inyo sa unang pagkakataon [na mga nakayapak at hubad]. Umiwan kayo sa mga iginawad Namin sa inyo sa likuran ng mga likod ninyo. Hindi Kami nakakikita kasama sa inyo ng mga tagapagpamagitan ninyo na inakala ninyo na sila sa inyo ay mga katambal [kay All\u0101h]. Talaga ngang nagkaputul-putol [ang ugnayan] sa pagitan ninyo at nawala sa inyo ang dati ninyong inaangkin." }, { "surah": "6", "ayah": 95, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay tagapabuka ng mga butil at mga buto, na nagpapalalabas ng buhay mula sa patay, at tagapagpalabas ng patay mula sa buhay. Iyon si All\u0101h, kaya paanong nalilinlang kayo [palayo sa katotohanan]?" }, { "surah": "6", "ayah": 96, "translation": "[Siya ay] ang tagabuka ng madaling-araw at gumawa sa gabi bilang pamamahinga at sa araw at buwan bilang pagtutuus-tuos. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam." }, { "surah": "6", "ayah": 97, "translation": "Siya ay ang gumawa para sa inyo ng mga bituin upang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa mga kadiliman ng katihan at karagatan. Nagsarisari nga Kami ng mga tanda para sa mga taong umaalam." }, { "surah": "6", "ayah": 98, "translation": "Siya ay ang nagpaluwal sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa saka [nagbigay ng] isang pinagtitigilan at isang pinaglalagakan [sa sinapupunan]. Nagsarisari nga Kami ng mga tanda para sa mga taong umuunawa." }, { "surah": "6", "ayah": 99, "translation": "Siya ay ang nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng halaman ng bawat bagay, saka nagpalabas mula rito ng mga luntian, na nagpapalabas mula sa mga ito ng mga butil na nagkakapatung-patong at mula sa mga punong datiles mula sa bunga ng mga ito ng mga buwig na naaabot, at ng mga hardin ng mga ubas, ng mga oliba, at mga granada, na nagkakahawigan at hindi nagkakahawigan. Tumingin kayo sa mga bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at sa paghinog ng mga ito. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya [kay All\u0101h]." }, { "surah": "6", "ayah": 100, "translation": "Gumawa sila para kay All\u0101h ng mga katambal \u2013 ang mga jinn samantalang nilikha Niya ang mga ito \u2013 at gumawa-gawa sila para sa Kanya ng mga anak na lalaki at mga anak na babae nang walang kaalaman. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang inilalarawan nila." }, { "surah": "6", "ayah": 101, "translation": "Ang Mapagpasimula ng mga langit at lupa ay paano nagiging mayroong anak samantalang hindi naman Siya naging mayroong asawa? Lumikha Siya ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "6", "ayah": 102, "translation": "Iyon ay si All\u0101h, ang Panginoon ninyo; walang Diyos kundi Siya, ang Tagalikha ng bawat bagay kaya sumamba kayo sa Kanya. Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan." }, { "surah": "6", "ayah": 103, "translation": "Hindi nakaaabot sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya ay nakaaabot sa mga paningin. Siya ay ang Mapagtalos, ang Mapagbatid." }, { "surah": "6", "ayah": 104, "translation": "May dumating nga sa inyo na mga hayag na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang nakakita [sa patunay] ay para sa sarili niya [ang pakinabang]; at ang sinumang nabulagan [sa patunay] ay laban dito [ang pinsala]. Hindi ako sa inyo isang mapag-ingat." }, { "surah": "6", "ayah": 105, "translation": "Gayon Kami nagsasarisari ng mga talata at upang magsabi sila na nag-aral ka at upang maglinaw ka nito para sa mga taong umaalam [sa katotohanan]." }, { "surah": "6", "ayah": 106, "translation": "Sumunod ka sa ikinasi sa iyo mula sa Panginoon mo \u2013 walang Diyos kundi Siya \u2013 at umayaw ka sa mga tagapagtambal." }, { "surah": "6", "ayah": 107, "translation": "Kung sakaling niloob ni All\u0101h ay hindi sana sila nagtambal. Hindi Kami gumawa sa iyo para sa kanila na isang mapag-ingat. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan." }, { "surah": "6", "ayah": 108, "translation": "Huwag kayong mang-alipusta sa mga dinadalanginan nila bukod pa kay All\u0101h para mag-alipusta sila kay All\u0101h dala ng pang-aaway nang walang kaalaman. Gayon ipinang-akit Namin para sa bawat kalipunan ang gawa nila. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila ang babalikan nila saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa dati nilang ginagawa." }, { "surah": "6", "ayah": 109, "translation": "Nanumpa sila kay All\u0101h ng mariin sa mga panunumpa nila na talagang kung may dumating sa kanila na isang tanda ay talagang sasampalataya nga sila rito. Sabihin mo: \u201cAng mga tanda ay nasa ganang kay All\u0101h lamang. Ano ang nagpaparamdam sa inyo na kapag dumating ito ay hindi sila sasampalataya?\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 110, "translation": "Pumipihit Kami sa mga puso nila at mga paningin nila [palayo sa katotohanan] kung paanong hindi sila sumampalataya rito sa unang pagkakataon at nagpapabaya Kami sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila." } ]