[ { "surah": "2", "ayah": 253, "translation": "253 Ang mga sugong iyon ay nagtangi Kami sa iba sa kanila higit sa iba kabilang sa kanila. Mayroon sa kanila na kinausap ni All\u0101h. Nag-angat Siya sa iba sa kanila sa mga antas. Nagbigay kay Jesus na anak ni Maria ng mga malinaw na patunay at umalalay sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan.[74] Kung sakaling niloob ni All\u0101h ay hindi sana naglaban-laban ang mga matapos na nila matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay; subalit nagkaiba-iba sila sapagkat mayroon sa kanila na sumampalataya at mayroon sa kanila na tumangging sumampalataya. Kung sakaling niloob ni All\u0101h ay hindi sana sila naglaban-laban; subalit si All\u0101h ay gumagawa ng anumang ninanais Niya." }, { "surah": "2", "ayah": 254, "translation": "O mga sumampalataya, gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos Namin sa inyo bago pa may pumuntang isang araw na walang bilihan doon ni pagkakaibigan ni pamamagitan. Ang mga tagatangging sumampalataya ay ang mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 255, "translation": "Si All\u0101h, walang Diyos kundi Siya, ang Buh\u00e1y, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan." }, { "surah": "2", "ayah": 256, "translation": "Walang pamimilit sa relihiyon. Luminaw nga ang pagkagabay sa pagkalisya. Kaya ang sinumang tumatangging sumampalataya sa nagpapakadiyos at sumasampalataya kay All\u0101h ay nakakapit nga sa hawakang pinakamatibay na walang pagkalamat para rito. Si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 257, "translation": "Si All\u0101h ay Katangkilik ng mga sumampalataya; nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang mga tumangging sumampalataya, ang mga katangkilik nila ay ang nagpapakadiyos; nagpapalabas ito sa kanila mula sa liwanag tungo sa mga kadiliman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "2", "ayah": 258, "translation": "Hindi ka ba nakaalam sa nangatwiran[75] kay Abraham hinggil sa Panginoon nito dahil nagbigay sa kanya si All\u0101h ng paghahari? Noong nagsabi si Abraham: \u201cAng Panginoon ko ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan\u201d ay nagsabi siya: \u201cAko ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan.\u201d Nagsabi si Abraham: \u201cNgunit tunay na si All\u0101h ay nagpaparating sa araw mula sa silangan kaya magparating ka nito mula sa kanluran.\u201d Kaya nagitla ang tumangging sumampalataya. Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 259, "translation": "O gaya ng naparaan[76] sa isang pamayanan samantalang iyon ay gumuho sa mga bubungan niyon. Nagsabi ito: \u201cPaanong magbibigay-buhay rito si All\u0101h matapos ng kamatayan nito?\u201d Kaya nagbigay-kamatayan dito si All\u0101h ng isandaang taon, pagkatapos bumuhay Siya rito. Nagsabi Siya: \u201cGaano ka katagal namalaging [patay]?\u201d Nagsabi ito: \u201cNamalagi akong [patay] ng isang araw o ng isang bahagi ng isang araw.\u201d Nagsabi Siya: \u201cBagkus namalagi ka ng isandaang taon. Tumingin ka sa pagkain mo at inumin mo, hindi ito nagbago. Tumingin ka sa asno mo, at upang gawin ka Naming isang tanda para sa mga tao. Tumingin ka sa mga buto [ng asno] kung papaano Kaming magbabangon sa mga ito, pagkatapos magbabalot sa mga ito ng laman.\u201d Kaya noong luminaw ito sa kanya ay nagsabi siya: \u201cNalalaman ko na si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 260, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: \u201cPanginoon ko, ipakita Mo sa akin kung papaano Kang nagbibigay-buhay sa mga patay.\u201d Nagsabi Siya: \u201cAt hindi ka ba sumampalataya?\u201d Nagsabi ito: \u201cOpo; subalit [humiling ako nito] upang mapanatag ang puso ko.\u201d Nagsabi Siya: \u201cKaya kumuha ka ng apat na ibon saka maglagak ka ng mga ito sa iyo [upang pagputul-putulin]. Pagkatapos maglagay ka sa bawat burol mula sa mga ito ng isang bahagi. Pagkatapos manawagan ka sa mga ito, pupunta sa iyo ang mga ito sa iyo nang agaran. Alamin mo na si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 261, "translation": "Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila sa landas ni All\u0101h ay gaya ng paghahalintulad sa isang butil na nagpatubo ng pitong puso, na sa bawat puso ay may isandaang butil. Si All\u0101h ay nagpapaibayo para sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h ay Malawak, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 262, "translation": "Ang mga gumugugol ng mga salapi nila ayon sa landas ni All\u0101h, pagkatapos hindi nila pinasusundan ang anumang ginugol nila ng isang panunumbat ni pananakit, ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot." }, { "surah": "2", "ayah": 263, "translation": "Anumang sinasabing nakabubuti at pagpapatawad ay higit na mainam kaysa sa isang kawanggawang sinusundan ng isang pananakit. Si All\u0101h ay Walang-pangangailangan, Matimpiin." }, { "surah": "2", "ayah": 264, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong magpawalang-saysay sa mga kawanggawa ninyo sa pamamagitan ng panunumbat at pananakit gaya ng gumugugol ng salapi niya dala ng pagpapakita sa mga tao ngunit hindi sumasampalataya kay All\u0101h at sa Huling Araw. Ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng paghahalintulad sa isang batong makinis na sa ibabaw nito ay may alabok at may tumama rito na isang masaganang ulan at nag-iwan iyon rito na hantad. Hindi sila nakakakaya sa anuman mula sa kinamit nila. Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 265, "translation": "Ang paghahalintulad sa mga gumugugol ng mga salapi nila dala ng paghahangad sa kaluguran ni All\u0101h at sa pagpapatatag sa mga sarili nila ay gaya ng paghahalintulad sa isang hardin sa nakaumbok na lupa na may tumama rito na isang masaganang ulan kaya nagbigay ito ng mga bunga nito nang dalawang ibayo, at kung walang tumama rito na isang masaganang ulan ay may ambon naman [na sasapat]. Si All\u0101h, sa anumang ginagawa ninyo, ay Nakakikita." }, { "surah": "2", "ayah": 266, "translation": "Nag-aasam ba ang isa sa inyo na magkaroon siya ng isang hardin ng datiles at mga ubas, na dumadaloy mula sa ilalim nito ang mga ilog, na nagkaroon siya sa loob nito ng lahat ng mga bunga, at tumama sa kanya ang katandaan habang mayroon siyang mga supling na mahihina, saka may tumama roon na isang buhawi na sa loob nito ay may apoy kaya nasunog iyon? Gayon naglilinaw si All\u0101h para sa inyo ng mga tanda, nang sa gayon kayo ay mag-iisip-isip." }, { "surah": "2", "ayah": 267, "translation": "O mga sumampalataya, gumugol kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay na kinamit ninyo at mula sa mga pinalabas Namin para sa inyo mula sa lupa. Huwag kayong maglayon ng karima-rimarim mula roon, na gumugugol kayo samantalang kayo ay hindi mga tatanggap nito maliban na magpikit-mata kayo rito. Alamin ninyo na si All\u0101h ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri." }, { "surah": "2", "ayah": 268, "translation": "Ang demonyo ay nangangako sa inyo ng karalitaan at nag-uutos sa inyo ng kahalayan samantalang si All\u0101h ay nangangako sa inyo ng isang kapatawaran mula sa Kanya at isang kabutihang-loob. Si All\u0101h ay Malawak, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 269, "translation": "Nagbibigay Siya ng karunungan sa sinumang niloloob Niya. Ang sinumang binigyan ng karunungan ay nabigyan nga ng kabutihang marami. Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip." }, { "surah": "2", "ayah": 270, "translation": "Ang anumang ginugol ninyo na gugulin o ipinanata ninyo na panata, tunay na si All\u0101h ay nakaaalam nito. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mga tagaadya." }, { "surah": "2", "ayah": 271, "translation": "Kung maglalantad kayo ng mga kawanggawa ay kay inam ng mga ito! Kung magkukubli kayo ng mga ito at magbibigay kayo ng mga ito sa mga maralita, iyon ay higit na mabuti para sa inyo. Magtatakip-sala si All\u0101h para sa inyo ng ilan sa mga masagwang gawa ninyo. Si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid." }, { "surah": "2", "ayah": 272, "translation": "Hindi nasa iyo ang pagpatnubay sa kanila, subalit si All\u0101h ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay ukol sa mga sarili ninyo. Hindi kayo gumugugol malibang sa paghahangad [ng ikalulugod] ng mukha ni All\u0101h. Ang anumang ginugugol ninyo na kabutihan ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] at kayo ay hindi lalabagin sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 273, "translation": "[Ang mga kawanggawa ay] ukol sa mga maralitang naitalaga ayon sa landas ni All\u0101h; hindi sila nakakakaya ng paglalakbay sa lupain [upang maghanapbuhay]. Nag-aakala sa kanila ang mangmang na mga mayaman [sila] dahil sa pagpipigil na manghingi. Nakakikilala ka sa kanila dahil sa tanda nila: hindi sila nanghihingi sa mga tao nang may pamimilit. Ang anumang ginugugol ninyo na mabuti, tunay si All\u0101h dito ay Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 274, "translation": "Ang mga gumugugol ng mga yaman nila sa gabi at maghapon nang palihim at hayagan ay ukol sa kanila ang pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot." }, { "surah": "2", "ayah": 275, "translation": "Ang mga kumakain ng patubo ay hindi bumabangon malibang kung paanong bumangon ang pinatuliro ng demonyo dahil sa kabaliwan. Iyon ay dahil sila ay nagsabi na ang pagtitinda ay tulad ng patubo lamang. Nagpahintulot si All\u0101h ng pagtitinda at nagbawal Siya ng patubo. Kaya ang sinumang dinatnan ng isang pangaral mula sa Panginoon niya at tumigil siya, sa kanya na ang nagdaan [na nakuha niya] at ang nauukol sa kanya ay kay All\u0101h. Ang sinumang nanumbalik, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "2", "ayah": 276, "translation": "Pumupuksa si All\u0101h sa patubo at nagpapalago Siya sa [gantimpala sa] mga kawanggawa. Si All\u0101h ay hindi umiibig sa bawat palatangging sumampalataya na makasalanan." }, { "surah": "2", "ayah": 277, "translation": "Tunay na ang mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, nagpanatili ng pagdarasal, at nagbigay ng zak\u0101h ay ukol sa kanila ang pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot." }, { "surah": "2", "ayah": 278, "translation": "O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at itigil ninyo ang [pagsingil] anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 279, "translation": "Ngunit kung hindi ninyo ginawa [ang utos sa inyo], tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay All\u0101h at sa Sugo Niya. Kung nagbalik-loob kayo[77] ay ukol sa inyo ang mga puhunan ng mga salapi ninyo. Hindi kayo lalabag sa katarungan[78] at hindi kayo lalabagin sa katarungan. [79]" }, { "surah": "2", "ayah": 280, "translation": "Kung naging may kagipitan [ang nagkautang] ay [magbigay ng] isang paghihintay hanggang sa kaluwagan [niya]; ngunit ang magkawanggawa kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 281, "translation": "Mangilag kayo sa Araw na pababalikin kayo roon tungo kay All\u0101h. Pagkatapos lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang nakamit nito at sila ay hindi lalabagin sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 282, "translation": "O mga sumampalataya, kapag nag-utangan kayo ng isang pautang sa isang taning na tinukoy ay isulat ninyo ito at isulat sa pagitan ninyo ng isang tagasulat ayon sa katarungan. Hindi tatanggi ang isang tagasulat na isulat niya gaya ng itinuro sa kanya ni All\u0101h. Kaya magsulat siya at magdikta ang nasa kanya ang tungkulin, mangilag siyang magkasala kay All\u0101h na Panginoon niya, at huwag siyang magpakulang mula roon ng anuman. Ngunit kung ang nasa kanya ang tungkulin ay isang hunghang o isang mahina o hindi nakakakaya na magdikta mismo ay magdikta ang katangkilik niya ayon sa katarungan. Magpasaksi kayo ng dalawang saksi mula sa kalalakihan ninyo; ngunit kung silang dalawa ay hindi dalawang lalaki, [magpasaksi sa] isang lalaki at dalawang babae kabilang sa sinumang nalugod kayo na mga saksi, upang kung makalimot ang isa sa dalawang [babae] ay magpapaalaala ang isa sa dalawa sa isa pa. Hindi tatanggi ang mga saksi kapag tinawag sila. Huwag kayong magsawa na magsulat kayo nitong [utang], maliit man o malaki, hanggang sa taning nito. Iyon ay higit na makatarungan sa ganang kay All\u0101h, higit na mananatili para sa pagsasaksi, at higit na malapit upang hindi kayo mag-alinlangan, malibang ito ay isang kalakalang dinadaluhan, na nagsasagawa kayo nito sa pagitan ninyo sapagkat walang maisisisi sa inyo na hindi kayo magsulat nito. Magpasaksi kayo kapag nagbilihan kayo. Hindi pinipinsala ang isang tagasulat ni ang isang saksi. Kung gagawa kayo [nito], tunay na ito ay mga kasuwailan sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at magtuturo sa inyo si All\u0101h. Si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 283, "translation": "Kung kayo ay nasa isang paglalakbay at hindi kayo nakatagpo ng isang tagasulat, mga sanglang mapanghahawakan [ang maiiwan]. Ngunit kung natiwasay ang iba sa inyo sa iba pa ay magsagawa ang pinagkatiwalaan ng ipinagkatiwala sa kanya at mangilag siyang magkasala kay All\u0101h na Panginoon niya. Huwag kayong maglingid ng pagsasaksi. Ang sinumang maglingid niyon, tunay na siya ay nagkakasala ang puso niya. Si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 284, "translation": "Sa kay All\u0101h ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kung maglalantad kayo ng nasa mga sarili ninyo o magkukubli kayo nito, magtutuos sa inyo nito si All\u0101h, saka magpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "2", "ayah": 285, "translation": "Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya [mula sa Qur\u2019a\u0304n] mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay All\u0101h, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] \u201cHindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya.\u201d Nagsabi sila: \u201cNakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 286, "translation": "Hindi nag-aatang si All\u0101h sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Ukol dito ang [gantimpala sa] kinamit nito at laban dito ang [ganti sa] nakamit nito. Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami. Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga bago pa namin.[80] Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon. Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin. Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "3", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. M\u012bm. [81]" }, { "surah": "3", "ayah": 2, "translation": "Si All\u0101h, walang Diyos kundi Siya, ang Buhay, ang Mapagpanatili." }, { "surah": "3", "ayah": 3, "translation": "Nagbaba Siya sa iyo [O Propeta] ng Aklat kalakip ng katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, nagpababa Siya ng Torah at Ebanghelyo," }, { "surah": "3", "ayah": 4, "translation": "na bago pa niyan ay isang patnubay para sa mga tao, at nagpababa Siya ng Pamantayan [ng tama at mali]. Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa mga talata ni All\u0101h, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Si All\u0101h ay Makapangyarihan, May paghihiganti." }, { "surah": "3", "ayah": 5, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay walang naikukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit." }, { "surah": "3", "ayah": 6, "translation": "Siya ay ang nagbibigay-anyo sa inyo sa mga sinapupunan kung papaanong niloloob Niya. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "3", "ayah": 7, "translation": "Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; mula rito ay may mga talatang isinatahasan \u2013 na ang mga ito ay ang saligan ng Aklat \u2013 at may mga ibang pinatalinghaga. Hinggil sa mga nasa mga puso nila ay may pagliko [palayo sa katotohanan], sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagbibigay-pakahulugan dito samantalang walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si All\u0101h. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: \u201cSumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin.\u201d Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip." }, { "surah": "3", "ayah": 8, "translation": "\u201cPanginoon namin, huwag Kang magpaliko sa mga puso namin matapos noong nagpatnubay Ka sa amin at magkaloob Ka sa amin ng awa mula sa panig Mo; tunay na Ikaw ay ang Palakaloob." }, { "surah": "3", "ayah": 9, "translation": "Panginoon namin, tunay na Ikaw ay ang Tagatipon sa mga tao para sa isang araw na walang pag-aalinlangan doon.\u201d Tunay na si All\u0101h ay hindi sumisira sa naipangako." }, { "surah": "3", "ayah": 10, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay hindi magpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay All\u0101h sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga panggatong sa Apoy." }, { "surah": "3", "ayah": 11, "translation": "Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, nagpasinungaling sila sa mga tanda kaya nagparusa sa kanila si All\u0101h dahil sa mga pagkakasala nila. Si All\u0101h ay matindi ang parusa." }, { "surah": "3", "ayah": 12, "translation": "Sabihin mo sa mga tumangging sumampalataya: \u201cGagapihin kayo at kakalapin kayo patungo sa Impiyerno. Kay saklap ang himlayan!\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 13, "translation": "Nagkaroon nga kayo ng isang tanda sa dalawang pangkat na nagkita [sa labanan sa Badr]: may isang pangkat na nakikipaglaban ayon sa landas ni All\u0101h at may isa pang tagatangging sumampalataya. Nakakikita sila sa mga iyon na dalawang tulad nila ayon sa pagkakita ng mata. Si All\u0101h ay nag-aalalay sa pamamagitan ng pag-aadya Niya sa sinumang niloloob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga may paningin." }, { "surah": "3", "ayah": 14, "translation": "Ipinaakit para sa mga tao ang pagkaibig sa mga ninanasa gaya ng mga babae, mga anak, bunton-bunton na nakabuntong ginto at pilak, mga kabayong tinatakan, mga hayupan, at sakahan. Iyon ay ang natatamasa sa buhay na pangmundo samantalang si All\u0101h ay taglay Niya ang kagandahan ng uwian." }, { "surah": "3", "ayah": 15, "translation": "Sabihin mo: \u201cMagbabalita ba ako sa inyo ng higit na mabuti kaysa roon? Ukol sa mga nangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ay mga harding dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, mga asawang dinalisay, at isang pagkalugod mula kay All\u0101h. Si All\u0101h ay Nakakikita sa mga lingkod.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 16, "translation": "Ang mga nagsasabi: \u201cPanginoon Namin, tunay na kami ay sumampalataya kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 17, "translation": "[Sila] ang mga matiisin, ang mga tapat,[82] ang mga masunurin, ang mga gumugugol,[83] at ang mga humihingi ng tawad sa mga huling bahagi ng gabi." }, { "surah": "3", "ayah": 18, "translation": "Sumaksi si All\u0101h na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "3", "ayah": 19, "translation": "Tunay na ang relihiyon sa ganang kay All\u0101h ay ang Isl\u0101m. Hindi nagkaiba-iba ang mga binigyan ng kasulatan kundi matapos na dumating sa kanila ang kaalaman dala ng paglabag sa pagitan nila. Ang sinumang tatangging sumampalataya sa mga tanda ni All\u0101h, tunay na si All\u0101h ay mabilis ang pagtutuos." }, { "surah": "3", "ayah": 20, "translation": "Kaya kung nangatwiran sila sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] ay sabihin mo: \u201cNagpasakop ako ng mukha ko kay All\u0101h at ang sinumang sumunod sa akin.\u201d Sabihin mo sa mga binigyan ng Kasulatan at mga iliterato:[84] \u201cNagpasakop ba kayo?\u201d Kung nagpasakop sila ay napatnubayan nga sila; at kung tumalikod sila, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot. Si All\u0101h ay Nakakikita sa mga lingkod." }, { "surah": "3", "ayah": 21, "translation": "Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni All\u0101h, pumapatay sa mga propeta nang walang isang karapatan, at pumapatay sa mga nag-uutos sa pagkamakatarungan kabilang sa mga tao ay magbalita ka sa kanila ng isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "3", "ayah": 22, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay, at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya." }, { "surah": "3", "ayah": 23, "translation": "Hindi ka ba nakaalam sa mga binigyan ng isang bahagi mula sa Kasulatan? Inanyayahan sila tungo sa Kasulatan[85] ni All\u0101h upang humatol Siya sa pagitan nila, pagkatapos may tumatalikod na isang pangkat kabilang sa kanila habang sila ay mga umaayaw." }, { "surah": "3", "ayah": 24, "translation": "Iyon ay dahil sila ay nagsabi: \u201cHindi sasaling sa amin ang Apoy maliban sa mga araw na nabibilang.\u201d Luminlang sa kanila kaugnay sa relihiyon nila ang dati nilang ginagawa-gawa." }, { "surah": "3", "ayah": 25, "translation": "Kaya papaano kapag nagtipon Kami sa kanila para sa isang araw na walang pag-aalinlangan doon, at nilubus-lubos ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang nakamit nito habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan?" }, { "surah": "3", "ayah": 26, "translation": "Sabihin mo: \u201cO All\u0101h, Tagapagmay-ari ng paghahari, nagbibigay Ka ng paghahari sa sinumang niloloob Mo, nag-aalis Ka ng paghahari mula sa sinumang niloloob Mo, nagpaparangal Ka sa sinumang niloloob Mo, at nang-aaba Ka sa sinumang niloloob Mo. Nasa kamay Mo ang kabutihan. Tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "3", "ayah": 27, "translation": "Nagpapalagos Ka ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Ka ng maghapon sa gabi. Nagpapalabas Ka ng buhay mula sa patay at nagpapalabas Ka ng patay mula sa buhay. Nagtutustos Ka sa sinumang niloloob Mo nang walang pagtutuos.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 28, "translation": "Huwag gumawa ang mga mananampalataya sa mga tagatangging sumampalataya bilang mga katangkilik bukod pa sa mga mananampalataya. Ang sinumang gagawa niyon ay hindi siya kaugnay kay All\u0101h sa anuman, maliban na mangilag kayo sa kanila sa isang pinangingilagan. Nagbibigay-babala sa inyo si All\u0101h sa sarili Niya. Tungo kay All\u0101h ang kahahantungan." }, { "surah": "3", "ayah": 29, "translation": "Sabihin mo: \u201cKung magkukubli kayo ng anumang nasa mga dibdib ninyo o maglalantad kayo niyon, makaaalam niyon si All\u0101h. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "3", "ayah": 30, "translation": "Sa Araw na makatatagpo ang bawat kaluluwa sa anumang ginawa niya na kabutihan na padadaluhin at sa anumang ginawa niya na kasagwaan, mag-aasam siya na kung sana sa pagitan niya at niyon ay may isang agwat na malayo. Nagbibigay-babala sa inyo si All\u0101h ng sarili Niya. Si All\u0101h ay Mahabagin sa mga lingkod.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 31, "translation": "Sabihin mo [O Propeta Muh\u0323ammad]: \u201cKung kayo ay umiibig kay All\u0101h, sumunod kayo sa akin; iibig sa inyo si All\u0101h at magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 32, "translation": "Sabihin mo: \u201cTumalima kayo kay All\u0101h at sa Sugo,\u201d ngunit kung tumalikod sila, tunay na si All\u0101h ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "3", "ayah": 33, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay humirang kay Adan, kay Noe, sa mag-anak ni Abraham, at sa mag-anak ni `Imr\u0101n higit sa mga nilalang \u2013" }, { "surah": "3", "ayah": 34, "translation": "mga supling na ang ilan sa kanila ay mula sa ilan. Si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "3", "ayah": 35, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi ang maybahay ni `Imr\u0101n: \u201cPanginoon ko, tunay na ako ay nagpanata para sa Iyo ng nasa sinapupunan ko bilang nakalaan, kaya tanggapin Mo mula sa akin; tunay na Ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 36, "translation": "Ngunit noong nagsilang siya ito ay nagsabi siya: \u201cPanginoon ko, tunay na ako ay nagsilang sa kanya na isang babae,\u201d \u2013 samantalang si All\u0101h ay higit na maalam sa isinilang niya at ang lalaki ay hindi gaya ng babae \u2013 \u201ctunay na ako ay nagpangalan sa kanya na Maria, at tunay na ako ay naglalagay sa kanya at mga supling niya sa pagkukupkop Mo laban sa demonyong kasumpa-sumpa.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 37, "translation": "Kaya tinanggap ito ng Panginoon nito sa isang pagtanggap na maganda, hinubog Niya ito sa isang paghubog na maganda, at ipinaaruga Niya ito kay Zacarias. Sa tuwing pumapasok sa kinaroroonan nito si Zacarias sa sambahan, nakatatagpo siya sa piling nito ng isang panustos.[86] Nagsabi Siya: \u201cO Maria, paanong mayroon ka nito?\u201d Nagsabi ito: \u201cIto ay mula sa ganang kay All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang pagtutuos.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 38, "translation": "Doon dumalangin si Zacarias sa Panginoon niya. Nagsabi siya: \u201cPanginoon ko, magkaloob Ka sa akin mula sa nasa Iyo ng isang supling na kaaya-aya; tunay na Ikaw ay Madinigin sa panalangin.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 39, "translation": "Kaya nanawagan sa kanya ang mga anghel, habang siya ay nakatayong nagdarasal sa isang silid-dasalan, na [nagsasabi]: \u201cSi All\u0101h ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil kay Juan bilang tagapagpatotoo sa isang salita mula kay All\u0101h, bilang ginoo, bilang matimtiman, at bilang propeta kabilang sa mga maayos.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 40, "translation": "Nagsabi ito: \u201cPanginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang umabot na sa akin ang katandaan at ang maybahay ko naman ay baog?\u201d Nagsabi Siya: \u201cGayon si All\u0101h, gumagawa Siya ng anumang niloloob Niya.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 41, "translation": "Nagsabi ito: \u201cPanginoon ko, gumawa Ka para sa akin ng isang tanda.\u201d Nagsabi Siya: \u201cAng tanda mo ay na hindi ka makipag-usap sa mga tao nang tatlong araw malibang sa senyas. Alalahanin mo ang Panginoon mo nang madalas at magluwalhati ka sa hapon at umaga.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 42, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel kay Maria: \u201cO Maria, tunay na si All\u0101h ay humirang sa iyo, nagdalisay[87] sa iyo, at humirang sa iyo higit sa mga babae ng mga nilalang." }, { "surah": "3", "ayah": 43, "translation": "O Maria, magmasunurin ka sa Panginoon mo, magpatirapa ka, at yumukod ka kasama ng mga yumuyukod [sa pagdarasal]." }, { "surah": "3", "ayah": 44, "translation": "Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid; nagkakasi Kami nito sa iyo [O Propeta]. Wala ka noon sa piling nila noong nagpapalabunutan sila sa mga panulat nila kung alin sa kanila ang mag-aaruga kay Maria at wala ka noon sa piling nila noong nag-aalitan sila." }, { "surah": "3", "ayah": 45, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel: \u201cO Maria, tunay na si All\u0101h ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang salita mula sa Kanya, na ang pangalan nito ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria, bilang pinarangalan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit [kay All\u0101h]." }, { "surah": "3", "ayah": 46, "translation": "Magsasalita siya sa mga tao habang nasa duyan pa at nasa kasapatang-gulang na, at [magiging] kabilang sa mga maayos.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 47, "translation": "Nagsabi siya: \u201cO Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang anak samantalang walang nakasaling sa akin na isang lalaki?\u201d Nagsabi ito:[88] \u201cGayon si All\u0101h, lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito." }, { "surah": "3", "ayah": 48, "translation": "Magtuturo Siya rito ng Kasulatan, karunungan, Torah, at Ebanghelyo." }, { "surah": "3", "ayah": 49, "translation": "[Gagawa Siya rito] bilang sugo sa mga anak ni Israel, [na magsasabi]: \u2018Na ako ay naghatid nga sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo; na ako ay lilikha para sa inyo mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon, saka iihip rito, saka ito ay magiging isang ibon ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Magpapagaling ako ng ipinanganak na bulag at ketungin. Magbibigay-buhay ako sa mga patay ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Magbabalita ako sa inyo ng kinakain ninyo at iniimbak ninyo sa mga bahay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya." }, { "surah": "3", "ayah": 50, "translation": "[Dumating ako] bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo. Naghatid ako sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at tumalima kayo sa akin." }, { "surah": "3", "ayah": 51, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid.\u2019\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 52, "translation": "Ngunit noong nakadama si Jesus mula sa kanila ng kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya: \u201cSino ang mga tagaadya ko tungo kay All\u0101h?\u201d Nagsabi ang mga disipulo: \u201cKami ay ang mga tagaadya ni All\u0101h; sumampalataya kami kay All\u0101h, at sumaksi ka na kami ay mga tagapagpasakop[89] [kay All\u0101h]." }, { "surah": "3", "ayah": 53, "translation": "Panginoon namin, sumampalataya kami sa pinababa Mo [na Ebanghelyo] at sumunod kami sa sugo kaya isulat Mo kami kasama sa mga tagasaksi [sa katotohanan].\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 54, "translation": "Nagpakana sila [laban kay Jesus] at nagpakana si All\u0101h [laban sa kanila], at Si All\u0101h ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpakana." }, { "surah": "3", "ayah": 55, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si All\u0101h: \u201cO Jesus, tunay na Ako ay hahango sa iyo, mag-aangat sa iyo tungo sa Akin, magdadalisay sa iyo laban sa mga tumangging sumampalataya, at gagawa sa mga sumunod sa iyo na higit sa mga tumangging sumampalataya hanggang sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos tungo sa Akin ang babalikan ninyo, saka hahatol Ako sa pagitan ninyo sa anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba." }, { "surah": "3", "ayah": 56, "translation": "Ngunit tungkol sa mga tumangging sumampalataya [kay Kristo], pagdurusahin Ko sila ng isang pagdurusang matindi sa Mundo at Kabilang-buhay, at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 57, "translation": "Hinggil sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila. Si All\u0101h ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "3", "ayah": 58, "translation": "Iyon ay binibigkas Namin sa iyo mula sa mga tanda at paalaalang marunong." }, { "surah": "3", "ayah": 59, "translation": "Tunay na ang paghahalintulad kay Jesus sa ganang kay All\u0101h ay gaya ng paghahalintulad kay Adan; lumikha Siya rito mula sa alabok, pagkatapos nagsabi Siya rito na mangyari saka mangyayari ito." }, { "surah": "3", "ayah": 60, "translation": "Ang katotohanan ay mula sa Panginoon mo kaya huwag kang maging kabilang sa mga tagapagtaltalan." }, { "surah": "3", "ayah": 61, "translation": "Kaya ang sinumang nangatwiran sa iyo hinggil sa kanya matapos na may dumating sa iyo na kaalaman ay magsabi ka: \u201cHalikayo, magsitawag tayo sa mga anak namin at mga anak ninyo, mga kababaihan namin at mga kababaihan ninyo, at mga sarili namin at mga sarili ninyo. Pagkatapos maalab na manalangin tayo saka manawagan tayo ng sumpa ni All\u0101h sa mga sinungaling.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 62, "translation": "Tunay na ito ay talagang ang kasaysayang totoo [tungkol kay Jesus]. Walang anumang diyos kundi si All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay talagang ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "3", "ayah": 63, "translation": "Kaya kung tumalikod sila, tunay na si All\u0101h ay Maalam sa mga tagagulo." }, { "surah": "3", "ayah": 64, "translation": "Sabihin mo: \u201cO mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay All\u0101h, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay All\u0101h.\u201d Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: \u201cSumaksi kayo na kami ay mga Muslim.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 65, "translation": "O mga May Kasulatan, bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil kay Abraham samantalang hindi pinababa ang Torah at ang Ebanghelyo kundi matapos na niya? Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?" }, { "surah": "3", "ayah": 66, "translation": "Kayo itong nakikipagkatwiran hinggil sa mayroon kayo ritong kaalaman kaya bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil sa wala kayo ritong kaalaman? Si All\u0101h ay nakaaalam at kayo ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "3", "ayah": 67, "translation": "Hindi nangyaring si Abraham ay isang Hudyo ni isang Kristiyano, subalit siya noon ay isang makatotoong Muslim at hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay All\u0101h]." }, { "surah": "3", "ayah": 68, "translation": "Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Abraham ay talagang ang mga sumunod sa kanya, ang Propetang ito, at ang mga sumampalataya. Si All\u0101h ay ang Katangkilik ng mga mananampalataya." }, { "surah": "3", "ayah": 69, "translation": "Inasam ng isang pangkatin kabilang sa mga May Kasulatan na kung sana ay nagliligaw sila sa inyo, ngunit hindi sila nagliligaw kundi sa mga sarili nila ngunit hindi sila nakararamdam." }, { "surah": "3", "ayah": 70, "translation": "O mga May Kasulatan, bakit kayo tumatangging sumampalataya sa mga talata ni All\u0101h samantalang kayo ay nakasasaksi [sa katotohanan]." }, { "surah": "3", "ayah": 71, "translation": "O mga May Kasulatan, bakit kayo naglalahok sa katotohanan ng kabulaanan at nagtatago kayo ng katotohanan[90] samantalang kayo ay nakaaalam?" }, { "surah": "3", "ayah": 72, "translation": "Nagsabi ang isang pangkatin kabilang sa mga May Kasulatan: \u201cSumampalataya kayo sa pinababa sa mga sumampalataya sa simula ng maghapon at tumanggi kayong sumampalataya sa katapusan niyon, nang sa gayon sila ay babalik [sa dati]." }, { "surah": "3", "ayah": 73, "translation": "Huwag kayong maniwala maliban sa sinumang sumunod sa relihiyon ninyo.\u201d Sabihin mo: \u201cTunay na ang patnubay ay ang patnubay ni All\u0101h. [May pangamba ba] na magbigay sa isa ng [kalamangang] tulad ng ibinigay sa inyo o makikipagkatwiran sila sa inyo sa piling ng Panginoon ninyo?\u201d Sabihin mo: \u201cTunay na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni All\u0101h; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h ay Malawak, Maalam.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 74, "translation": "Nagtatangi Siya sa awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h ay may kabutihang-loob na sukdulan." }, { "surah": "3", "ayah": 75, "translation": "Mayroon sa mga May Kasulatan na kung magtitiwala ka sa kanya ng isang bunton [na salapi] ay magsasauli siya nito sa iyo. Mayroon sa kanila na kung magtitiwala ka sa kanya ng isang d\u012bn\u0101r ay hindi siya magsasauli nito sa iyo malibang hindi ka tumigil sa kanya na naniningil. Iyon ay dahil sila ay nagsabi: \u201cWala sa aming kasalanan kaugnay sa mga iliterato.\u201d Nagsasabi sila hinggil kay All\u0101h ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam." }, { "surah": "3", "ayah": 76, "translation": "Bagkus ang sinumang magpatupad sa kasunduan sa kanya at nangilag magkasala sapagkat tunay na si All\u0101h ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "3", "ayah": 77, "translation": "Tunay na ang mga bumili kapalit ng kasunduan kay All\u0101h at mga sinumpaan nila ng isang kaunting panumbas, ang mga iyon ay walang bahagi ukol sa kanila sa Kabilang-buhay. Hindi kakausap sa kanila si All\u0101h, hindi Siya titingin sa kanila sa Araw ng Pagbangon, at hindi Siya magbubusilak sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "3", "ayah": 78, "translation": "Tunay na kabilang sa kanila ay talagang isang pangkat na pumipilipit ng mga dila nila sa [pagbasa ng] kasulatan upang mag-akala kayong iyon ay mula sa Kasulatan samantalang iyon ay hindi bahagi ng Kasulatan, na nagsasabing iyon ay mula sa ganang kay All\u0101h samantalang iyon ay hindi mula sa ganang kay All\u0101h, at na nagsasabi hinggil kay All\u0101h ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam." }, { "surah": "3", "ayah": 79, "translation": "Hindi naging ukol sa isang tao na magbigay rito si All\u0101h ng kasulatan, kapamahalaan, at pagkapropeta, pagkatapos magsabi ito sa mga tao: \u201cKayo ay maging mga mananamba para sa akin bukod pa kay All\u0101h,\u201d bagkus [magsabi ito]: \u201cKayo ay maging mga paham dahil kayo noon ay nagtuturo ng kasulatan at dahil kayo noon ay nag-aaral;\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 80, "translation": "ni mag-uutos ito sa inyo na gumawa kayo sa mga anghel at mga propeta bilang mga panginoon. Nag-uutos ba ito sa inyo ng kawalang-pananampalataya matapos noong kayo ay naging mga Muslim?" }, { "surah": "3", "ayah": 81, "translation": "[Banggitin] noong gumawa si All\u0101h ng kasunduan sa mga propeta, [na nagsasaad]: \u201cTalagang ang anumang ibinigay Ko sa inyo na kasulatan at karunungan, pagkatapos may dumating sa inyo na isang Sugo na tagapagpatotoo para sa taglay ninyo, ay talagang sasampalataya nga kayo rito at talagang mag-aadya nga kayo rito.\u201d Nagsabi Siya: \u201cKumilala ba kayo at tumanggap ba kayo kaugnay roon sa kasunduan sa Akin?\u201d Nagsabi sila: \u201cKumilala kami.\u201d Nagsabi Siya: \u201cKaya sumaksi kayo, at Ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagasaksi.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 82, "translation": "Kaya ang sinumang tumalikod matapos niyon, ang mga iyon ay ang mga suwail." }, { "surah": "3", "ayah": 83, "translation": "Kaya ba sa iba pa sa relihiyon ni All\u0101h naghahangad sila samantalang sa Kanya nagpasakop ang sinumang nasa mga langit at lupa sa pagkukusang-loob at pagkasuklam at sa Kanya sila pababalikin?" }, { "surah": "3", "ayah": 84, "translation": "Sabihin mo: \u201cSumampalataya kami kay All\u0101h, sa anumang pinababa sa amin, at sa anumang pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, sa [mga propeta] mga lipi [ng Israel]\u200c, sa anumang ibinigay kina Moises at Jesus, at sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa sa kanila at kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.\u201d" }, { "surah": "3", "ayah": 85, "translation": "Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Isl\u0101m bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi." }, { "surah": "3", "ayah": 86, "translation": "Papaanong magpapatnubay si All\u0101h sa mga taong tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila at sumaksi na ang Sugo ay totoo at dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay? Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "3", "ayah": 87, "translation": "Ang mga iyon, ang ganti sa kanila ay na sa kanila ang sumpa ni All\u0101h, ng mga anghel, at ng mga tao nang magkakasama," }, { "surah": "3", "ayah": 88, "translation": "bilang mga mananatili roon. Hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa ni sila ay palulugitan," }, { "surah": "3", "ayah": 89, "translation": "maliban sa mga nagbalik-loob matapos na niyon at nagsaayos sapagkat tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "3", "ayah": 90, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya matapos ng pananampalataya nila, pagkatapos nadagdagan sila ng kawalang-pananampalataya, ay hindi tatanggapin ang pagbabalik-loob nila. Ang mga iyon ay ang mga naliligaw." }, { "surah": "3", "ayah": 91, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila ang kasukat ng Mundo na ginto at kahit pa man ipantubos niya ito. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit at walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya." }, { "surah": "3", "ayah": 92, "translation": "Hindi kayo magtatamo ng pagsasamabuting-loob hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo. Ang ginugugol ninyo na anuman, tunay na si All\u0101h rito ay Maalam." } ]