[ { "surah": "2", "ayah": 142, "translation": "Magsasabi ang mga hunghang[32] kabilang sa mga tao: \u201cAno ang nagpatalikod sa kanila palayo sa qiblah[33] nila na sila dati ay nakabatay roon?\u201d Sabihin mo: \u201cSa kay All\u0101h ang silangan at ang kanluran. Nagpapatnubay siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 143, "translation": "Gayon Kami gumawa sa inyo [O mga Muslim] bilang kalipunang[34] makakatamtaman[35] upang kayo ay maging mga saksi sa mga tao at ang Sugo sa inyo ay maging saksi. Hindi Kami gumawa sa qiblah na ikaw dati ay nakabatay roon kundi upang magpaalam Kami sa sinumang susunod sa Sugo sa sinumang tatalikod sa mga sakong niya. Tunay na ito ay naging talagang mabigat, maliban sa mga pinatnubayan ni All\u0101h. Hindi nangyaring si All\u0101h ay ukol na magsayang ng pananampalataya[36] ninyo. Tunay na si All\u0101h sa mga tao ay talagang Mahabagin, Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 144, "translation": "Nakakikita nga Kami sa pagtuon ng mukha mo sa langit, kaya magbabaling nga Kami sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] sa isang qiblah na kalulugdan mo iyon. Kaya magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah]. Saan man kayo ay magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon. Tunay na ang mga binigyan ng Kasulatan[37] ay talagang nakaaalam na iyon ay ang totoo mula sa Panginoon nila. Si All\u0101h ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa nila." }, { "surah": "2", "ayah": 145, "translation": "Talagang kung naghatid ka sa mga binigyan ng Kasulatan ng bawat tanda ay hindi sila susunod sa qiblah mo. Ikaw ay hindi susunod sa qiblah nila, at ang iba sa kanila ay hindi susunod sa qiblah ng iba pa. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, tunay na ikaw samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 146, "translation": "Ang mga binigyan Namin ng kasulatan[38] ay nakakikilala rito[39] gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila. Tunay na may isang pangkat kabilang sa kanila na talagang nagkukubli sa katotohanan habang sila ay nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 147, "translation": "Ang katotohanan ay mula sa Panginoon mo kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtaltalan." }, { "surah": "2", "ayah": 148, "translation": "Bawat [kalipunan] ay may dakong ito ay humaharap doon. Kaya mag-unahan kayo sa mga kabutihan. Saan man kayo naroon ay maghahatid sa inyo si All\u0101h nang lahatan [para tuusin]. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "2", "ayah": 149, "translation": "Mula saan ka man lumabas [para magdasal, O Propeta Muh\u0323ammad,] ay magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah]. Tunay na ito ay talagang ang katotohanan mula sa Panginoon mo. Si All\u0101h ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "2", "ayah": 150, "translation": "Mula saan ka man lumabas [para magdasal] ay magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah]. Saanman kayo naroon ay magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon upang hindi magkaroon para mga tao laban sa inyo ng isang katwiran maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila, kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Akin, at upang lumubos Ako ng biyaya Ko sa inyo at nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan." }, { "surah": "2", "ayah": 151, "translation": "Kung paanong nagsugo Kami sa inyo ng isang Sugo kabilang sa inyo, na bumigkas sa inyo ng mga tanda Namin, nagbubusilak sa inyo, nagtuturo sa inyo ng Aklat at Karunungan, at nagtuturo sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman." }, { "surah": "2", "ayah": 152, "translation": "Kaya alalahanin ninyo Ako, aalalahanin Ko kayo; at magpasalamat kayo sa Akin at huwag kayong tumangging sumampalataya sa Akin." }, { "surah": "2", "ayah": 153, "translation": "O mga sumampalataya, magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na si All\u0101h ay kasama ng mga nagtitiis." }, { "surah": "2", "ayah": 154, "translation": "Huwag kayong magsabi hinggil sa mga namamatay ayon sa landas ni All\u0101h na mga patay [sila], bagkus mga buhay [sila], subalit hindi ninyo nararamdaman." }, { "surah": "2", "ayah": 155, "translation": "Talagang susubok nga Kami sa inyo sa pamamagitan ng isang anuman kabilang sa pangamba at gutom, at ng isang kabawasan mula sa mga ari-arian, mga buhay, at mga bunga. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga nagtitiis," }, { "surah": "2", "ayah": 156, "translation": "na mga kapag tinamaan sila ng isang kasawian ay nagsasabi sila: \u201cTunay na kami ay kay All\u0101h at tunay na kami ay tungo sa Kanya mga babalik." }, { "surah": "2", "ayah": 157, "translation": "Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na mga pagbubunyi mula sa Panginoon nila at awa. Ang mga iyon ay ang mga napapatnubayan." }, { "surah": "2", "ayah": 158, "translation": "Tunay na ang \u1e62af\u0101 at ang Marwah ay kabilang sa mga sagisag ni All\u0101h. Kaya ang sinumang nagsagawa ng \u1e25ajj sa Bahay[40] o nagsagawa ng `umrah ay walang maisisisi sa kanya na magpabalik-balik sa pagitan ng dalawang iyon. Ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, tunay na si All\u0101h ay Tagapagpasalamat, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 159, "translation": "Tunay na ang mga nagtatago ng anumang pinababa na mga malinaw na patunay at patnubay [tungkol sa Propeta] matapos na naglinaw nito sa Kasulatan, ang mga iyon ay isinusumpa ni All\u0101h at isinusumpa ng mga tagasumpa.[41]" }, { "surah": "2", "ayah": 160, "translation": "Maliban sa mga nagbalik-loob, nagpakaayos, at naglinaw [ng katotohanan] sapagkat ang mga iyon ay tatanggapan Ko ng pagbabalik-loob at Ako ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maaawain." }, { "surah": "2", "ayah": 161, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay habang sila ay mga tagatangging sumampalataya, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang sumpa ni All\u0101h, ng mga anghel, at ng mga tao nang magkakasama," }, { "surah": "2", "ayah": 162, "translation": "bilang mga mananatili roon. Hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa ni sila ay palulugitan." }, { "surah": "2", "ayah": 163, "translation": "Ang Diyos ninyo ay nag-iisang Diyos; walang Diyos kundi Siya, ang Napakamaawain, ang Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 164, "translation": "Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa, sa pagsasalit-salitan ng gabi at maghapon, sa mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat kalakip ng ipinakikinabang nito sa mga tao, sa anumang pinababa ni All\u0101h mula sa langit na tubig saka nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa matapos ng kamatayan nito at nagkalat Siya rito ng bawat gumagalaw na nilalang, at sa pagpihit sa mga hangin at mga ulap na pinagsisilbi sa pagitan ng langit at lupa ay talagang mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa." }, { "surah": "2", "ayah": 165, "translation": "Mayroon sa mga tao na gumagawa sa bukod pa kay All\u0101h bilang mga kaagaw, na umiibig sila sa mga ito gaya ng pag-ibig kay All\u0101h samantalang ang mga sumampalataya ay higit na matindi sa pag-ibig kay All\u0101h. Kung sana nakakikita ang mga lumabag sa katarungan,[42] kapag nakikita nila ang pagdurusa, na ang lakas ay sa kay All\u0101h nang lahatan at na si All\u0101h ay matindi ang parusa!" }, { "surah": "2", "ayah": 166, "translation": "[Banggitin] kapag nagpawalang-kaugnayan ang mga sinunod sa mga sumunod, nakakita sila sa pagdurusa, nagkaputul-putol sa kanila ang mga ugnayan," }, { "surah": "2", "ayah": 167, "translation": "at nagsabi ang mga sumunod: \u201cKung sana mayroon kaming isang balik [sa Mundo] para magpawalang-kaugnayan kami sa kanila kung paanong nagpawalang-kaugnayan sila sa amin.\u201d Gayon ipakikita sa kanila ni All\u0101h ang mga gawa nila bilang mga panghihinayang para sa kanila. Sila ay hindi mga makalalabas mula sa Apoy." }, { "surah": "2", "ayah": 168, "translation": "O mga tao, kumain kayo mula sa nasa lupa bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at huwag kayong sumunod sa mga yapak ng demonyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw." }, { "surah": "2", "ayah": 169, "translation": "Nag-uutos lamang Siya sa inyo ng kasagwaan at kahalayan, at na magsabi kayo hinggil kay All\u0101h ng hindi ninyo nalalaman." }, { "surah": "2", "ayah": 170, "translation": "Kapag sinabi sa kanila: \u201cSumunod kayo sa pinababa ni All\u0101h\u201d ay nagsasabi sila: \u201cBagkus sumusunod kami sa nasumpungan namin sa mga magulang namin.\u201d Kahit ba nangyaring ang mga magulang nila ay hindi nakapag-uunawa ng anuman at hindi napapatnubayan?" }, { "surah": "2", "ayah": 171, "translation": "Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya ay gaya ng paghahalintulad sa umuunga sa hindi nakaririnig maliban sa isang tawag at isang panawagan. Mga pipi na mga bingi na mga bulag, kaya sila ay hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "2", "ayah": 172, "translation": "O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo. Magpasalamat kayo kay All\u0101h, kung kayo ay sa Kanya sumasamba." }, { "surah": "2", "ayah": 173, "translation": "Ipinagbawal lamang sa inyo ang namatay,[43] ang dugo, ang laman ng baboy, at ang anumang inialay sa iba pa kay All\u0101h; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas ay walang kasalanan sa kanya. Tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 174, "translation": "Tunay na ang mga nagtatago ng pinababa ni All\u0101h mula sa kasulatan at bumibili kapalit nito ng isang kaunting panumbas, ang mga iyon ay walang kinakain sa mga tiyan nila kundi ang apoy. Hindi kakausap sa kanila si All\u0101h sa Araw ng Pagbangon at hindi Siya magbubusilak sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "2", "ayah": 175, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga bumili ng kaligawan kapalit ng patnubay at ng pagdurusa kapalit ng kapatawaran. Kaya anong mapagtiis nila sa Apoy!" }, { "surah": "2", "ayah": 176, "translation": "Iyon ay dahil si All\u0101h ay nagbaba ng kasulatan kalakip ng katotohanan. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kasulatan[44] ay talagang nasa isang hidwaang malayo [sa katotohanan]." }, { "surah": "2", "ayah": 177, "translation": "Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa harap ng silangan at kanluran, subalit ang pagsasamabuting-loob ay ang sinumang sumampalataya kay All\u0101h, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa kasulatan, at sa mga propeta; nagbigay ng yaman, sa kabila ng pagkaibig dito, sa mga may pagkakamag-anak, sa mga ulila, sa mga dukha, sa kinapos sa daan, sa mga nanghihingi, at alang-alang sa pagpapalaya ng mga alipin; [ang] nagpanatili ng dasal; [ang] nagbigay ng zak\u0101h; at ang mga tumutupad sa kasunduan sa kanila kapag nakipagkasunduan sila; at [lalo na] ang mga matiisin sa kadahupan at kariwaraan, at sa sandali ng labanan. Ang mga iyon ay ang mga nagpakatotoo [sa pananampalataya nila] at ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "2", "ayah": 178, "translation": "O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang ganting-pinsala kaugnay sa mga pinatay: ang malaya sa malaya, ang alipin sa alipin, at ang babae sa babae; ngunit ang sinumang [nakapatay na] pinagpaumanhinan ng kapatid[45] nito ng anuman ay may pagsunod sa makatuwiran at pagsasagawa roon [sa tagapagmana ng napatay] ng isang pagmamagandang-loob. Iyon ay isang pagpapagaan mula sa Panginoon ninyo at isang awa. Kaya ang sinumang nangaway matapos niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "2", "ayah": 179, "translation": "Ukol sa inyo sa [batas ng] ganting-pinsala ay buhay, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala." }, { "surah": "2", "ayah": 180, "translation": "Isinatungkulin sa inyo, kapag darating sa isa sa inyo ang kamatayan kung mag-iiwan siya ng yaman, ang tagubilin para sa mga magulang at mga malapit na kamag-anak ayon sa makatuwiran bilang tungkulin para sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "2", "ayah": 181, "translation": "Kaya ang sinumang nagpalit nito matapos na narinig ito, ang pagkakasala rito ay nasa mga nagpapalit nito lamang. Tunay na si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 182, "translation": "Ngunit ang sinumang nangamba sa isang tagapagsatagubilin ng isang kalisyaan o isang kasalanan, saka nagsaayos sa pagitan nila, ay walang pagkakasala sa kanya. Tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 183, "translation": "O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala." }, { "surah": "2", "ayah": 184, "translation": "[Mag-ayuno ng] mga araw na bilang; ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay naging may-sakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. Kailangan sa mga nakakakaya nito ay isang pantubos na pagpapakain sa mga dukha; ngunit ang sinumang nagkusang-loob ng isang kabutihan, ito ay higit na mabuti para sa kanya. Ang mag-ayuno kayo ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 185, "translation": "Ang buwan ng Rama\u1e0d\u0101n ay ang [buwang] pinababa rito ang Qur\u2019\u0101n bilang patnubay para sa mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula sa patnubay at saligan [ng tama at mali]. Kaya ang sinumang nakasaksi[46] kabilang sa inyo sa buwan [ng Rama\u1e0d\u0101n] ay mag-ayuno siya rito at ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga araw. Nagnanais si All\u0101h sa inyo ng isang ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap at upang bumuo kayo ng bilang at upang dumakila kayo kay All\u0101h dahil nagpatnubay Siya sa inyo, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat." }, { "surah": "2", "ayah": 186, "translation": "Kapag nagtanong sa iyo ang mga lingkod Ko tungkol sa Akin, tunay na Ako ay malapit:[47] sumasagot Ako sa panalangin ng dumadalangin kapag dumalangin siya sa Akin[48] kaya tumugon sila sa Akin at sumampalataya sila sa Akin, nang sa gayon sila ay magagabayan." }, { "surah": "2", "ayah": 187, "translation": "Ipinahintulot sa inyo sa gabi ng pag-aayuno ang pakikipagtalik sa mga maybahay ninyo. Sila ay kasuutan para sa inyo at kayo ay kasuutan para sa kanila.[49] Nakaalam si All\u0101h na kayo noon ay nagtataksil sa mga sarili[50] ninyo ngunit tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob at nagpaumanhin Siya sa inyo. Kaya ngayon ay makipagtalik kayo sa kanila[51] at maghangad kayo ng isinatungkulin ni All\u0101h para sa inyo. Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na sinulid mula sa madaling-araw. Pagkatapos lubusin ninyo ang pag-aayuno hanggang sa gabi. Huwag kayong makipagtalik sa kanila samantalang kayo ay mga namimintuho sa mga masjid. Iyon ay mga hangganan ni All\u0101h kaya huwag kayong lumapit sa mga iyon. Gayon naglilinaw si All\u0101h sa mga tanda Niya para sa mga tao, nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala." }, { "surah": "2", "ayah": 188, "translation": "Huwag kayong kumain ng mga yaman ng iba sa inyo sa pagitan ninyo sa kabulaanan, o mag-abot kayo ng mga ito sa mga namamahala upang makakain kayo ng isang pangkat mula sa mga yaman ng mga tao sa kasalanan samantalang kayo ay nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 189, "translation": "Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bagong buwan. Sabihin mo: \u201cAng mga ito ay mga sukatan ng panahon para sa mga tao at sa \u1e25ajj.\u201d Ang pagsasamabuting-loob ay hindi na pumunta kayo sa mga bahay mula sa mga likod ng mga ito, subalit ang pagsasamabuting-loob ay sinumang nangilag magkasala. Pumunta kayo sa mga bahay mula sa mga pintuan ng mga ito. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay." }, { "surah": "2", "ayah": 190, "translation": "Makipaglaban kayo ayon sa landas ni All\u0101h sa mga kumakalaban sa inyo ngunit huwag kayong lumabag; tunay na si All\u0101h ay hindi umiibig sa mga tagalabag." }, { "surah": "2", "ayah": 191, "translation": "Patayin ninyo sila [na mga tagalabag] saanman kayo makasumpong sa kanila at palisanin ninyo sila mula saanman sila nagpalisan sa inyo. Ang panliligalig ay higit na matindi kaysa sa pagpatay. Huwag kayong makipaglaban sa kanila sa tabi ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] hanggang sa kumalaban sila sa inyo rito. Ngunit kung nakipaglaban sila sa inyo rito ay patayin ninyo sila. Gayon ang ganti sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 192, "translation": "Ngunit kung tumigil sila, tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 193, "translation": "Makipaglaban kayo sa kanila hanggang sa walang mangyaring panliligalig at ang relihiyon ay sa kay All\u0101h. Kaya kung tumigil sila ay walang pang-aaway kundi sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 194, "translation": "Ang Buwang Pinakababanal[52] ay katumbas ng Buwang Pinakababanal[53] at ang mga paglabag ay [may] ganting-pinsala. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo ay awayin ninyo siya ng tulad ng pangangaway niya sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at alamin ninyo na si All\u0101h ay kasama ng mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "2", "ayah": 195, "translation": "Gumugol kayo ayon sa landas ni All\u0101h at huwag kayong magbulid sa pamamagitan ng mga kamay ninyo [sa mga sarili] sa kasawian.[54] Gumawa kayo ng maganda; tunay na si All\u0101h ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "2", "ayah": 196, "translation": "Lubusin ninyo ang \u1e25ajj at ang `umrah para kay All\u0101h ngunit kung nahadlangan kayo ay [mag-alay ng] anumang madaling nakamit na handog.[55] Huwag kayong mag-ahit ng mga ulo ninyo hanggang sa umabot ang handog sa pinag-aalayan dito. Ang sinumang kabilang sa inyo ay naging maysakit o sa kanya ay may isang pinsala sa ulo niya ay [magbibigay ng] isang pantubos na pag-ayuno [ng tatlong araw] o isang kawanggawa [na pagpapakain sa anim na dukha] o isang alay. Kung natiwasay kayo, ang sinumang nagpakatamasa ng `umrah [sa mga buwan ng h\u0323ajj] hanggang sa \u1e25ajj ay [mag-aalay ng] anumang madaling nakamit na handog. Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay [magsasagawa ng] pag-aayuno ng tatlong araw sa \u1e25ajj at pitong [araw] kapag bumalik kayo; iyon ay ganap na sampung [araw]. Iyon ay ukol sa sinumang ang mag-anak niya ay hindi mga nakadalo sa [paligid ng] Masjid na Pinakababanal.[56] Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at alamin ninyo na si All\u0101h ay matindi ang parusa." }, { "surah": "2", "ayah": 197, "translation": "Ang \u1e25ajj ay [nasa] mga buwang nalalaman.[57] Kaya ang sinumang nag-obliga [sa sarili] sa mga ito ng \u1e25ajj ay walang pagtatalik, walang mga kasuwailan, at walang pakikipagtalo sa \u1e25ajj. Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan ay nakaaalam nito si All\u0101h. Magbaon kayo, saka tunay na ang pinakamabuting baon ay ang pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala sa Akin, O mga may isip." }, { "surah": "2", "ayah": 198, "translation": "Hindi sa inyo ay maisisisi na maghangad kayo ng isang kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo.[58] Kaya kapag lumisan kayo mula sa `Araf\u0101t ay alalahanin ninyo si All\u0101h sa Palatandaang Pinakababanal [sa Muzdalifah] at alalahanin ninyo Siya kung paanong nagpatnubay Siya sa inyo. Tunay na kayo bago pa nito ay talagang kabilang sa mga ligaw." }, { "surah": "2", "ayah": 199, "translation": "Pagkatapos lumisan kayo saanman [sa `Arafah] lumisan ang mga tao at humingi kayo ng tawad kay All\u0101h; tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 200, "translation": "Kapag nakatapos kayo ng mga gawaing-pagsamba ninyo ay alalahanin ninyo si All\u0101h gaya ng pag-alaala ninyo sa mga ninuno ninyo o higit na matindi sa pag-alaala. Mayroon sa mga tao na nagsasabi: \u201cPanginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo,\u201d at walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay na anumang bahagi." }, { "surah": "2", "ayah": 201, "translation": "Mayroon sa kanila na nagsasabi: \u201cPanginoon namin, magbigay Ka sa amin sa Mundo ng maganda at sa Kabilang-buhay ng maganda, at magsanggalang Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 202, "translation": "Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang bahagi mula sa kinamit nila. Si All\u0101h ay Mabilis ang pagtutuos." }, { "surah": "2", "ayah": 203, "translation": "Alalahanin ninyo si All\u0101h sa mga araw na binilang,[59] ngunit ang sinumang nagmadali [sa paglisan sa Mina\u0304] sa dalawang araw[60] ay walang kasalanan sa kanya at ang sinumang naantala[61] ay walang kasalanan sa kanya: sa sinumang nangilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at alamin ninyo na kayo ay tungo sa Kanya kakalapin." }, { "surah": "2", "ayah": 204, "translation": "Mayroon sa mga tao na nagpapahanga sa iyo ang sabi niya hinggil sa buhay na pangmundo at nagpapasaksi siya kay All\u0101h sa nasa puso niya samantalang siya ay pinakapalaban sa mga kaalitan." }, { "surah": "2", "ayah": 205, "translation": "Kapag tumalikod siya ay nagpupunyagi siya sa lupa upang manggulo rito at mamuksa ng mga pananim at mga hayupan. Si All\u0101h ay hindi umiibig sa kaguluhan." }, { "surah": "2", "ayah": 206, "translation": "Kapag sinabi sa kanya: \u201cMangilag kang magkasala kay All\u0101h,\u201d tumatangay sa kanya ang kapalaluan dahil sa kasalanan. Kaya kasapatan sa kanya ang Impiyerno. Talagang kay saklap ang himlayan!" }, { "surah": "2", "ayah": 207, "translation": "Mayroon sa mga tao na nagbibili ng sarili niya dala ng paghahangad sa kaluguran ni All\u0101h. Si All\u0101h ay Mahabagin sa mga lingkod." }, { "surah": "2", "ayah": 208, "translation": "O mga sumampalataya, magsipasok kayo sa pagkapasakop nang lubusan at huwag kayong sumunod sa mga yapak ng demonyo; tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw." }, { "surah": "2", "ayah": 209, "translation": "Ngunit kung natisod kayo matapos na dumating sa inyo ang mga malinaw na patunay, alamin ninyo na si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "2", "ayah": 210, "translation": "Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila si All\u0101h na nasa mga lilim ng mga ulap at [gayon din] ang mga anghel at pinagpasyahan na ang usapin? Tungo kay All\u0101h pababalikin ang mga usapin." }, { "surah": "2", "ayah": 211, "translation": "Magtanong ka sa mga anak ni Israel kung ilan ang ibinigay Namin sa kanila na malinaw na tanda. Ang sinumang nagpapalit sa biyaya ni All\u0101h[62] matapos na dumating ito sa kanya, tunay na si All\u0101h ay matindi ang parusa." }, { "surah": "2", "ayah": 212, "translation": "Ipinaakit para sa mga tumangging sumampalataya ang buhay na pangmundo at nanunuya sila sa mga sumampalataya. Ang mga nangilag magkasala ay sa ibabaw nila sa Araw ng Pagbangon. Si All\u0101h ay tumutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang isang pagtutuos." }, { "surah": "2", "ayah": 213, "translation": "Ang mga tao noon ay kalipunang nag-iisa, saka nagpadala si All\u0101h ng mga propeta bilang mga tagapagbalita[63] ng nakagagalak at mga tagapagbabala.[64] Nagpababa Siya kasama sa kanila ng kasulatan kalakip ng katotohanan upang humatol sa pagitan ng mga tao sa anumang nagkaiba-iba sila hinggil doon. Walang nagkaiba-iba hinggil doon kundi ang mga binigyan nito matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay dala ng paglabag sa pagitan nila, ngunit nagpatnubay si All\u0101h sa mga sumampalataya para sa anumang nagkakaiba-iba sila hinggil doon na katotohanan ayon sa pahintulot Niya. Si All\u0101h ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa landasing tuwid." }, { "surah": "2", "ayah": 214, "translation": "O nag-aakala ba kayo na papasok kayo sa Paraiso samantalang hindi pa dumating sa inyo ang tulad ng sa mga lumipas bago pa ninyo? Sumaling sa kanila ang kadahupan at ang kariwaraan. Niyanig sila hanggang sa magsabi ang sugo at ang mga sumampalataya kasama sa kanya: \u201cKailan ang pag-aadya ni All\u0101h?\u201d Pansinin, tunay na ang pag-aadya ni All\u0101h ay malapit na!" }, { "surah": "2", "ayah": 215, "translation": "Nagtatanong sila sa iyo kung ano ang gugugulin nila. Sabihin mo: \u201cAng anumang gugugulin ninyo na kabutihan ay ukol sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, mga dukha, at kinapos sa daan.\u201d Ang anumang ginagawa ninyo na kabutihan, tunay na si All\u0101h dito ay Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 216, "translation": "Isinatungkulin sa inyo ang pakikipaglaban [sa landas ni All\u0101h] samantalang ito ay kasuklam-suklam para sa inyo. Marahil masuklam kayo sa isang bagay samantalang ito ay mabuti para sa inyo at marahil umibig kayo sa isang bagay samantalang ito ay masama para sa inyo. Si All\u0101h ay nakaaalam samantalang kayo ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 217, "translation": "Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa Buwang Pinakababanal: sa pakikipaglaban dito. Sabihin mo: \u201cAng isang pakikipaglaban dito ay isang malaking [kasalanan] samantalang ang isang pagsagabal sa landas ni All\u0101h, ang isang kawalang-pananampalataya sa Kanya, [ang isang paghadlang] sa pagpasok sa Masjid na Pinakababanal, at ang isang pagpapalayas sa mga naninirahan [malapit] dito ay higit na malaking [kasalanan] sa ganang kay All\u0101h. Ang panliligalig [ng pagtatambal] ay higit na malaking [kasalanan] kaysa sa pagpatay. Hindi sila titigil na kumakalaban sa inyo hanggang sa magpatalikod sila sa inyo palayo sa relihiyon ninyo kung makakakaya sila. Ang sinumang tumalikod kabilang sa inyo sa relihiyon niya at namatay habang siya ay isang tagatangging sumampalataya, ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "2", "ayah": 218, "translation": "Tunay na ang mga sumampalataya at ang mga lumikas at nakibaka ayon sa landas ni All\u0101h, ang mga iyon ay nag-aasam ng awa ni All\u0101h. Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 219, "translation": "Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa alak at sugal. Sabihin mo: \u201cSa dalawang ito ay may kasalanang malaki at mga pakinabang para sa mga tao ngunit ang kasalanan sa dalawang ito ay higit na malaki kaysa sa kapakinabangan sa dalawang ito.\u201d Nagtatanong sila sa iyo kung ano gugugulin nila. Sabihin mo: \u201cAng kalabisan [sa pangangailangan ninyo].\u201d Gayon naglilinaw si All\u0101h para sa inyo ng mga tanda, nang sa gayon kayo ay mag-iisip-isip" }, { "surah": "2", "ayah": 220, "translation": "hinggil sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga ulila. Sabihin mo: \u201cAng isang pagsasaayos para sa kanila ay mabuti.\u201d Kung nakihalo kayo sa kanila [sa ukol sa inyo], mga kapatid ninyo [sila]. Si All\u0101h ay nakaaalam sa tagagulo sa tagapagsaayos. Kung sakaling niloob ni All\u0101h ay talaga sanang nagpahirap Siya sa inyo. Tunay na si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "2", "ayah": 221, "translation": "Huwag kayong magpakasal sa mga babaing tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang babaing aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang babaing tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Huwag ninyong ipakasal [ang kababaihan ninyo] sa mga lalaking tagapagtambal hanggang sa sumampalataya sila. Talagang ang isang lalaking aliping mananampalataya ay higit na mabuti kaysa sa isang lalaking tagapagtambal kahit pa man nagpahanga ito sa inyo. Ang mga iyon ay nag-aanyaya tungo sa Apoy samantalang si All\u0101h ay nag-aanyaya tungo sa Paraiso at kapatawaran ayon sa pahintulot Niya. Naglilinaw Siya sa mga tanda Niya sa mga tao, nang sa gayon sila ay magsasaalaala." }, { "surah": "2", "ayah": 222, "translation": "Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa regla. Sabihin mo: \u201cIto ay pinsala kaya humiwalay kayo sa mga babae sa regla[65] at huwag kayong lumapit sa kanila [para makipagtalik] hanggang sa dumalisay sila, at kapag nagpakadalisay sila [sa regla] ay pumunta kayo sa kanila mula sa kung saan nag-utos sa inyo si All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay umiibig sa mga palabalik-loob at umiibig sa mga nagpapakadalisay.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 223, "translation": "Ang mga maybahay ninyo ay punlaan para sa inyo kaya pumunta kayo sa punlaan ninyo kung paanong niloob ninyo. Magpauna kayo [ng kabutihan] para sa mga sarili ninyo. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h. Alamin ninyo na kayo ay mga makikipagkita sa Kanya. Magbalita ka ng nakagagalak ng mga mananampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 224, "translation": "Huwag kayong gumawa kay All\u0101h bilang hadlang sa mga panunumpa ninyo na magsamabuting-loob kayo, mangilag kayong magkasala, at nagsasaayos kayo sa pagitan ng mga tao. Si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 225, "translation": "Hindi magpapanagot sa inyo si All\u0101h sa pagkakamali sa mga panunumpa ninyo subalit magpapanagot Siya sa inyo kinamit ng mga puso ninyo. Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Matimpiin." }, { "surah": "2", "ayah": 226, "translation": "Ukol sa mga nanunumpang tatangging makipagtalik sa mga maybahay nila ay pag-antabay ng apat na buwan; ngunit kung bumalik sila [sa dati], tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 227, "translation": "Kung nagtika sila ng diborsiyo, tunay na si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 228, "translation": "Ang mga babaing diniborsiyo ay mag-aantabay sa mga sarili nila ng tatlong buwanang dalaw. Hindi ipinahihintulot sa kanila na ikubli nila ang nilikha ni All\u0101h sa mga sinapupunan nila, kung sila ay sumasampalataya kay All\u0101h at sa Kabilang-buhay. Ang mga asawa nila ay higit na karapat-dapat sa pagbawi sa kanila sa [panahong] iyon kung nagnais ang mga ito ng isang pagsasaayos. Ukol sa kanila ang tulad ng tungkulin sa kanila ayon sa nakabubuti. Ukol sa mga lalaki sa tungkulin sa kanila ay isang antas [higit sa tungkulin nila]. Si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "2", "ayah": 229, "translation": "Ang [magkakabalikang] diborsiyo ay dalawang ulit, kaya [matapos nito ay] pagpapanatili ayon sa nakabubuti o pagpapalaya ayon sa pagmamagandang-loob. Hindi ipinahihintulot para sa inyo na kumuha kayo mula sa ibinigay ninyo sa kanila na anuman maliban na mangamba silang dalawa na hindi silang dalawa makapagpanatili sa mga hangganan ni All\u0101h. Kaya kung nangangamba kayo na hindi silang dalawa makapagpanatili sa mga hangganan ni All\u0101h, walang maisisisi sa kanilang dalawa kaugnay sa pagtubos [ng maybahay sa sarili]. Iyon ay mga hangganan ni All\u0101h kaya huwag kayong lumabag sa mga iyon. Ang sinumang lumampas sa mga hangganan ni All\u0101h, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 230, "translation": "Kung nagdiborsiyo siya rito [sa ikatlong pagkakataon] ay hindi na ito ipinahihintulot sa kanya matapos na niyan hanggang sa makapag-asawa ito ng isang asawang iba pa sa kanya. Kung nagdiborsiyo naman iyon rito ay walang maisisisi sa kanilang dalawa na magbalikan silang dalawa kung nagpalagay silang dalawa na makapagpanatili silang dalawa sa mga hangganan ni All\u0101h. Iyon ay mga hangganan ni All\u0101h; naglilinaw Siya sa mga ito para sa mga taong umaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 231, "translation": "Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay at [halos] umabot sila sa taning [ng paghihintay] nila ay magpanatili kayo sa kanila ayon sa nakabubuti o magpalaya kayo sa kanila ayon sa nakabubuti. Huwag kayong magpanatili sa kanila bilang pamiminsala para makalabag kayo. Ang sinumang gumagawa niyon ay lumabag nga sa katarungan sa sarili sarili. Huwag kayong gumawa sa mga tanda ni All\u0101h bilang kinukutya. Umalaala kayo sa biyaya ni All\u0101h sa inyo at pinababa Niya sa inyo na Aklat at Karunungan.[66] Nangangaral Siya sa inyo nito. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at alamin ninyo na si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 232, "translation": "Kapag nagdiborsiyo kayo ng mga maybahay ninyo[67] at umabot sila sa `iddah nila ay huwag kayong magpasuliranin sa kanila na magpakasal sila sa mga [dating] asawa nila kapag nagkaluguran sa pagitan nila ayon sa nakabubuti. Iyon ay ipinangangaral sa sinumang kabilang sa inyo na sumasampalataya kay All\u0101h at sa Huling Araw. Iyon ay higit na busilak para sa inyo at higit na dalisay. Si All\u0101h ay nakaaalam at kayo ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 233, "translation": "Ang mga ina ay magpapasuso sa mga anak nila nang dalawang buong taon, para sa sinumang nagnais na lumubos ng pagpapasuso. Tungkulin ng ama ang pagtustos sa kanila at ang pagpapadamit sa kanila ayon sa nakabubuti. Walang inaatangang kaluluwa maliban sa kaya nito. Walang pipinsalaing isang ina dahil sa anak niya ni isang ama dahil sa anak nito. Kailangan sa tagapagmana [ng ama] ang tulad ng [tungkuling] iyon. Kung nagnais silang dalawa ng pag-awat [sa bata] ayon sa pagkakaluguran mula sa kanilang dalawa at pagsasanggunian ay walang maisisisi sa kanilang dalawa. Kung nagnais kayo na ipasuso ninyo [sa iba] ang mga anak ninyo ay walang maisisisi sa inyo kapag nag-abot kayo ng ibibigay ninyo ayon sa nakabubuti. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at alamin ninyo na si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita." }, { "surah": "2", "ayah": 234, "translation": "Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay, mag-aantabay ang mga ito sa mga sarili ng mga ito nang apat na buwan at sampung [araw kung hindi nagdadalang-tao].[68] Kapag umabot ang mga ito sa taning ng mga ito ay walang maisisisi sa inyo sa anumang ginawa ng mga ito sa mga sarili ng mga ito[69] ayon sa nakabubuti. Si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid." }, { "surah": "2", "ayah": 235, "translation": "Walang maisisisi sa inyo sa ipinahiwatig ninyo na isang pag-alok ng kasal sa mga babae o kinimkim ninyo sa mga sarili ninyo. Nakaalam si All\u0101h na kayo ay babanggit sa kanila [nito] subalit huwag kayong makipagtipan sa kanila nang palihim maliban na magsabi kayo ng isang sasabihing nakabubuti. Huwag kayong magpasya ng kasunduan ng kasal hanggang sa umabot ang takdang panahon sa taning nito. Alamin ninyo na si All\u0101h ay nakaaalam sa anumang nasa mga sarili ninyo kaya mag-ingat kayo sa Kanya. Alamin ninyo na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Matimpiin." }, { "surah": "2", "ayah": 236, "translation": "Wala maisisisi sa inyo kung nagdiborsiyo kayo sa mga maybahay hanggat hindi pa kayo sumaling[70] sa kanila o hindi pa kayo nagtakda para sa kanila ng isang tungkuling [bigay-kaya]. Magpatamasa kayo sa kanila \u2013 sa nakaluluwag ayon sa kakayahan niya at sa naghihikahos ayon sa kakayahan niya \u2013 ng isang pampalubag-loob ayon sa nakabubuti bilang tungkulin sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "2", "ayah": 237, "translation": "Kung nagdiborsiyo kayo sa kanila bago pa kayo sumaling[71] sa kanila at nagsatungkulin na kayo para sa kanila ng isang tungkulin, ang kalahati ng isinatungkulin ninyo [ang ibibigay] maliban na magpaubaya sila [na mga babae] o magpaubaya ang [lalaki na] nasa kamay niya ang kasunduan ng kasal. Ang magpaubaya kayo ay higit na malapit sa pangingilag magkasala. Huwag kayong lumimot sa kabutihang-loob sa pagitan ninyo. Tunay na si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita." }, { "surah": "2", "ayah": 238, "translation": "Mangalaga kayo sa mga dasal at [lalo na] sa dasal na pinakagitna. Tumayo kayo kay All\u0101h bilang mga masunurin." }, { "surah": "2", "ayah": 239, "translation": "Saka kung nangamba kayo [sa pagsalakay ng kaaway] ay [magdasal na] mga naglalakad o mga nakasakay. Kapag natiwasay kayo ay umalaala kayo kay All\u0101h gaya ng itinuro Niya sa inyo ng hindi ninyo noon nalalaman." }, { "surah": "2", "ayah": 240, "translation": "Ang mga papapanawin kabilang sa inyo at mag-iiwan ng mga maybahay ay [mag-iiwan ng] isang tagubilin para sa mga maybahay nila na isang sustento hanggang sa buong taon nang walang pagpapalisan [sa kanila mula sa namatay na asawa], ngunit kung lumisan sila ay walang maisisisi sa inyo sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na nakabubuti. Si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong.[72]" }, { "surah": "2", "ayah": 241, "translation": "Ukol sa mga babaing diniborsiyo ay isang sustento ayon sa nakabubuti bilang tungkulin sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "2", "ayah": 242, "translation": "Gayon naglilinaw si All\u0101h para sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa." }, { "surah": "2", "ayah": 243, "translation": "Hindi ka ba nakaalam sa mga lumisan mula sa mga tahanan nila habang sila ay libu-libo dala ng pangingilag sa kamatayan kaya nagsabi sa kanila si All\u0101h: \u201cMamatay kayo,\u201d pagkatapos nagbigay-buhay Siya sa kanila? Tunay na si All\u0101h ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat." }, { "surah": "2", "ayah": 244, "translation": "Makipaglaban kayo ayon sa landas ni All\u0101h at alamin ninyo na si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 245, "translation": "Sino itong magpapautang kay All\u0101h ng isang pautang na maganda[73] para pag-ibayuhin Niya nang maraming ibayo. Si All\u0101h ay nagpapagipit at nagpapaluwag, at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para gantihan]." }, { "surah": "2", "ayah": 246, "translation": "Hindi ka ba nakaalam sa konseho mula sa mga anak ni Israel matapos na ni Moises nang magsabi sila sa isang propeta para sa kanila: \u201cMagtalaga ka para sa amin ng isang hari, makikipaglaban kami ayon sa landas ni All\u0101h.\u201d Nagsabi ito: \u201cHarinawa kayo kaya, kung itinakda sa inyo ang pakikipaglaban, ay hindi kayo makipaglaban?\u201d Nagsabi sila: \u201cHindi ukol sa amin na hindi kami makikipaglaban ayon sa landas ni All\u0101h samantalang pinalisan kami mula sa mga tahanan namin at mga anak namin.\u201d Ngunit noong itinakda sa kanila ang pakikipaglaban ay tumalikod sila maliban sa kakaunti mula sa kanila. Si All\u0101h ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 247, "translation": "Nagsabi sa kanila ang propeta nila [na si Samuel]: \u201cTunay na si All\u0101h ay nagtalaga para sa inyo kay Saul bilang hari.\u201d Nagsabi sila: \u201cPaanong magiging ukol sa kanya ang paghahari sa amin samantalang kami ay higit na karapat-dapat sa paghahari kaysa sa kanya at hindi siya nabigyan ng kasaganaan sa yaman?\u201d Nagsabi ito: \u201cTunay na si All\u0101h ay humirang sa kanya higit sa inyo at nagdagdag sa kanya ng isang paglago sa kaalaman at katawan. Si All\u0101h ay nagbibigay ng paghahari Niya sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h ay Malawak, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 248, "translation": "Nagsabi sa kanila ang propeta nila [na si Samuel]: \u201cTunay na ang tanda ng paghahari niya ay na darating sa inyo ang kaban \u2013 na sa loob nito ay may katahimikan mula sa Panginoon ninyo at may labi mula sa naiwan ng angkan ni Moises at ng angkan ni Aaron \u2013 na dinadala ng mga anghel.\u201d Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa inyo, kung kayo ay mga mananampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 249, "translation": "Kaya noong humayo si Saul kasama ng mga hukbo ay nagsabi siya: \u201cTunay na si All\u0101h ay susubok sa inyo sa isang ilog. Kaya ang sinumang uminom mula roon ay hindi siya kabilang sa akin; at ang sinumang hindi tumikim doon ay tunay na siya ay kabilang sa akin, maliban sa sumalok ng salok sa pamamagitan ng kamay niya.\u201d Ngunit uminom sila maliban sa kaunti kabilang sa kanila. Noong nakalampas doon siya at ang mga sumampalataya kasama sa kanya ay nagsabi sila: \u201cWalang kapangyarihan ukol sa atin ngayong araw laban kay Goliat at sa mga hukbo nito.\u201d Nagsabi ang mga nakatitiyak na sila ay makikipagkita kay All\u0101h: \u201cKay raming pangkat na maliit na dumaig sa pangkat na malaki ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Si All\u0101h ay kasama ng mga nagtitiis.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 250, "translation": "Nang tumambad sila kina Goliat at mga hukbo nito ay nagsabi sila: \u201cPanginoon namin, magbuhos Ka sa amin ng pagtitiis, magpatatag Ka ng mga paa namin, at mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 251, "translation": "Kaya tinalo nila ang mga iyon ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Pinatay ni David si Goliat. Nagbigay rito si All\u0101h ng paghahari at karunungan at nagturo Siya rito ng mula sa anumang niloloob Niya. Kung hindi dahil sa pagpapataboy ni All\u0101h sa mga tao ng iba sa kanila sa pamamagitan ng iba pa ay talaga sanang nagulo ang lupa, subalit si All\u0101h ay may kabutihang-loob sa mga nilalang." }, { "surah": "2", "ayah": 252, "translation": "Iyon ay ang mga tanda ni All\u0101h, na binibigkas ang mga iyon sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] kalakip ng katotohanan. Tunay na ikaw ay talagang kabilang sa mga isinugo." } ]