[ { "surah": "6", "ayah": 111, "translation": "Kahit pa Kami ay nagbaba sa kanila ng mga anghel, kumausap sa kanila ang mga patay, at kumalap sa kanila ng bawat bagay nang harapan, hindi sila naging ukol na sumampalataya maliban na niloob ni All\u0101h, subalit ang higit na marami sa kanila ay nagpapakamangmang." }, { "surah": "6", "ayah": 112, "translation": "Gayon Kami gumawa para sa bawat propeta ng kaaway na mga demonyo ng tao at jinn, na nagkakasi ang iba sa kanila sa iba pa ng palamuti ng sinasabi bilang panlilinlang. Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay hindi sana sila gumawa iyon. Kaya hayaan mo sila at ang anumang ginagawa-gawa nila," }, { "surah": "6", "ayah": 113, "translation": "at upang humilig doon ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, at upang malugod sila roon, at upang magkamit sila ng anumang sila ay mga magkakamit." }, { "surah": "6", "ayah": 114, "translation": "Kaya sa iba pa ba kay All\u0101h maghahangad ako ng isang hukom samantalang Siya ay ang nagpababa sa inyo ng Aklat bilang dinidetalye? Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay nakaaalam na ito ay ibinaba mula sa Panginoon mo sa katotohanan kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtaltalan." }, { "surah": "6", "ayah": 115, "translation": "Nalubos ang Salita ng Panginoon mo sa katapatan at katarungan. Walang tagapalit sa mga Salita Niya. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "6", "ayah": 116, "translation": "Kung tatalima ka sa higit na marami sa mga nasa lupa ay magliligaw sila sa iyo palayo sa landas ni All\u0101h. Sumusunod sila sa pagpapalagay lamang at sila ay nagsasapantaha lamang." }, { "surah": "6", "ayah": 117, "translation": "Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naliligaw palayo sa landas Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan." }, { "surah": "6", "ayah": 118, "translation": "Kaya kumain kayo mula sa binanggit ang pangalan ni All\u0101h roon, kung kayo sa mga tanda Niya ay mga mananampalataya." }, { "surah": "6", "ayah": 119, "translation": "Ano ang mayroon sa inyo na hindi kayo kumakain mula sa anumang binanggit ang pangalan ni All\u0101h rito samantalang nagdetalye nga Siya sa inyo ng ipinagbawal Niya sa inyo, maliban sa anumang napilitan kayo roon? Tunay na may marami na talagang nagliligaw sa pamamagitan ng mga pithaya nila nang walang kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na nakaaalam sa mga tagalabag." }, { "surah": "6", "ayah": 120, "translation": "Iwan ninyo ang nakalantad sa kasalanan at ang nakakubli rito. Tunay na ang mga nagkakamit ng kasalanan ay gagantihan sa dati nilang nagagawa." }, { "surah": "6", "ayah": 121, "translation": "Huwag kayong kumain mula sa anumang hindi binanggit ang pangalan ni All\u0101h roon. Tunay na [pagkaing ito] ito ay talagang kasuwailan. Tunay na ang mga demonyo ay talagang nagkakasi sa mga katangkilik nila upang makipagtalo sila sa inyo. Kung tumalima kayo sa kanila, tunay na kayo ay talagang mga tagapagtambal." }, { "surah": "6", "ayah": 122, "translation": "Ang sinumang noon ay patay [sa pananampalataya] saka bumuhay Kami sa kanya [sa pananampalataya] at naglagay Kami sa kanya ng isang liwanag [ng kapatnubayan] na naglalakad siya sa pamamagitan nito sa mga tao ay gaya ba ng sinumang ang paghahalintulad sa kanya ay nasa mga kadiliman, na hindi lalabas mula sa mga ito? Gayon ipinaakit para sa mga tagatangging sumampalataya ang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "6", "ayah": 123, "translation": "Gayon Kami nagtalaga para sa bawat pamayanan ng pinakamalaki sa mga salarin nito upang magpakana sila rito ngunit hindi sila nagpapakana maliban sa mga sarili nila ngunit hindi sila nakararamdam." }, { "surah": "6", "ayah": 124, "translation": "Kapag may dumating sa kanila na isang tanda ay nagsasabi sila: \u201cHindi kami sasampalataya hanggang sa bigyan kami ng tulad sa ibinigay sa mga sugo ni All\u0101h.\u201d Si All\u0101h ay higit na maalam kung saan Siya maglalagay ng pasugo Niya. May tatama sa mga nagpakasalarin na isang pagmamaliit sa ganang All\u0101h at isang pagdurusang sukdulan dahil sa sila noon ay nagpapakana." }, { "surah": "6", "ayah": 125, "translation": "Kaya sa sinumang ninanais ni All\u0101h na patnubayan ay magpapaluwag Siya ng dibdib nito para sa Isl\u0101m. Sa sinumang magnanais Siya na magligaw ay gagawa Siya sa dibdib nito na [maging] isang masikip na pagkaasiwa na para bang umaakyat siya sa kalangitan. Gayon naglalagay si All\u0101h ng kasalaulaan sa mga hindi sumasampalataya [sa Kanya]." }, { "surah": "6", "ayah": 126, "translation": "Ito ay landasin ng Panginoon mo: tuwid. Nagdetalye nga Kami ng mga tanda para sa mga taong nakapag-aalaala." }, { "surah": "6", "ayah": 127, "translation": "Ukol sa kanila ang tahanan ng kaligtasan sa piling ng Panginoon nila. Siya ay Katangkilik nila dahil sa dati nilang ginagawa [na kabutihan]." }, { "surah": "6", "ayah": 128, "translation": "[Banggitin] ang araw na kakalap Siya sa kanila nang lahatan: \u201cO umpukan ng jinn, nagparami nga kayo [ng pagliligaw] sa tao at jinn.\u201d Magsasabi ang mga katangkilik nila kabilang sa tao: \u201cPanginoon namin, nagtamasa ang ilan sa amin sa iba pa at umabot kami sa taning na itinaning Mo para sa amin.\u201d Magsasabi Siya: \u201cAng Apoy ay tuluyan ninyo bilang mga mananatili roon, maliban sa niloob ni All\u0101h. Tunay na ang Panginoon mo ay Marunong, Maalam." }, { "surah": "6", "ayah": 129, "translation": "Gayon Namin ipinatatangkilik [sa kasamaan] ang iba sa mga tagalabag sa katarungan sa iba pa dahil sa dati nilang ginagawa [na mga pagsuway]." }, { "surah": "6", "ayah": 130, "translation": "O umpukan ng jinn at tao, wala bang pumunta sa inyo na mga sugo kabilang sa inyo, na sumasaysay sa inyo ng mga tanda Ko at nagbababala sa inyo ng pakikipagkita sa Araw ninyong ito? Magsasabi sila: \u201cSumaksi kami laban sa mga sarili namin.\u201d Luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo, at sumaksi sila laban sa mga sarili nila na sila ay noon mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "6", "ayah": 131, "translation": "Iyon ay dahil hindi nangyaring ang Panginoon mo ay magpapahamak sa mga pamayanan dahil sa kawalang-katarungan habang ang mga naninirahan sa mga ito ay mga nalilingat." }, { "surah": "6", "ayah": 132, "translation": "Lahat ay may mga antas ayon sa ginawa nila. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa mga ginagawa nila." }, { "surah": "6", "ayah": 133, "translation": "Ang Panginoon mo ay ang Walang-pangangailangan, ang May Awa. Kung loloobin Niya ay mag-aalis Siya sa inyo at magtatalaga Siya bilang kahalili, matapos na ninyo, ng loloobin Niya kung paanong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa mga supling ng mga ibang tao." }, { "surah": "6", "ayah": 134, "translation": "Tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang pupunta, at kayo ay hindi mga makapagpapahina." }, { "surah": "6", "ayah": 135, "translation": "Sabihin mo: \u201cO mga tao ko, gumawa kayo ayon sa paraan ninyo; tunay na ako ay gumagawa; saka malalaman ninyo kung sino ang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan [ng Kabilang-buhay]. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 136, "translation": "Nagtalaga sila[165] ukol kay All\u0101h ng isang bahagi mula sa nilalang Niya na pananim at mga hayupan saka nagsabi sila: \u201cIto ay ukol kay All\u0101h,\u201d ayon sa pag-aangkin nila: \u201cat ito ay ukol sa mga pantambal natin [kay All\u0101h].\u201d Ang anumang ukol sa mga itinambal nila ay hindi nakararating kay All\u0101h; at ang anumang ukol kay All\u0101h, ito ay nakararating sa mga itinatambal nila. Kay sagwa ang ihinahatol nila!" }, { "surah": "6", "ayah": 137, "translation": "Gayon ipinang-akit sa marami sa mga tagapagtambal ng mga pantambal nila [kay All\u0101h] ang pagpatay sa mga anak nila upang magpahamak ang mga ito sa kanila at upang manlito ang mga ito sa kanila sa relihiyon nila. Kung sakaling niloob ni All\u0101h ay hindi sana sila gumawa niyon. Kaya hayaan mo sila at ang ginagawa-gawa nila." }, { "surah": "6", "ayah": 138, "translation": "Nagsabi sila: \u201cAng mga ito ay mga hayupan at mga pananim na bawal, na walang kakain sa mga ito kundi ang sinumang niloloob natin,\u201d ayon sa pag-aangkin nila. May mga hayupang ipinagbawal ang mga likod ng mga ito at may mga hayupang hindi sila bumabanggit ng pangalan ni All\u0101h sa [pagkakatay sa] mga ito, dala ng isang paggawa-gawa [ng kasinungalingan] sa Kanya. Gaganti Siya sa kanila sa anumang dati nilang ginagawa-gawa." }, { "surah": "6", "ayah": 139, "translation": "Nagsabi sila: \u201cAng nasa mga tiyan ng mga hayupan na ito ay nakalaan para sa mga lalaki namin at ipinagbabawal sa mga maybahay namin. Kung ito ay [isinilang na] isang patay, sila rito ay magkakatambal.\u201d Gaganti Siya sa paglalarawan [ng pagbabatas] nila; tunay na Siya ay Marunong, Maalam." }, { "surah": "6", "ayah": 140, "translation": "Nalugi nga ang mga pumatay sa mga anak nila dala ng isang kahunghangang walang kaalaman at nagbawal sa itinustos sa kanila ni All\u0101h dala ng paggawa-gawa [ng kasinungalingan] laban kay All\u0101h. Naligaw nga sila at sila noon ay hindi mga napatnubayan." }, { "surah": "6", "ayah": 141, "translation": "Siya ay ang nagpalabas ng mga hardin na mga binalagan at hindi mga binalagan, ng mga datiles at mga pananim na nagkakaiba-iba ang lasa ng mga ito, at ng mga oliba at mga granada na nagkakahawigan at hindi nagkakahawigan. Kumain kayo mula sa bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at magbigay kayo ng tungkulin ng mga ito sa araw ng pag-aani ng mga ito. Huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis." }, { "surah": "6", "ayah": 142, "translation": "May mga hayupang [nilikhang] bilang tagapasan at bilang munti. Kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni All\u0101h at huwag kayong sumunod sa mga hakbang ng demonyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw." }, { "surah": "6", "ayah": 143, "translation": "[Lumikha ng] walong pares. Mula sa mga tupa ay may dalawa at mula sa mga kambing ay may dalawa. Sabihin mo: \u201cAng dalawang lalaki ba ay ipinagbawal Niya o ang dalawang babae o ang nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae? Magbalita kayo sa akin ng isang kaalaman kung kayo ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 144, "translation": "Mula sa mga kamelyo ay may dalawa at mula sa mga baka ay may dalawa. Sabihin mo: \u201cSa dalawang lalaki ba ay nagbawal Siya o sa dalawang babae o sa nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae? O kayo ba noon ay mga saksi noong nagtagubilin sa inyo si All\u0101h nito? Kaya sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan upang magligaw sa mga tao nang walang kaalaman. Tunay na si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 145, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi sa akin ng isang ipinagbabawal sa isang tagakain na kakain niyon maliban na ito ay maging isang namatay,[166] o dugong ibinubo, o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaan o isang kasuwailang inaalay sa iba pa kay All\u0101h; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas, tunay na ang Panginoon mo ay Mapagpatawad, Maawain.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 146, "translation": "Sa mga nagpakahudyo ay nagbawal Kami ng bawat may mga buong kuko. Mula sa mga baka at mga tupa ay nagbawal Kami sa kanila ng mga taba ng dalawang [uring] ito maliban sa anumang kinapitan ng mga likod ng dalawang [uring] ito o ng mga bituka nito o anumang nahalo sa buto. Iyon ay iginanti Namin sa kanila dahil sa paglabag nila. Tunay na Kami ay talagang Tapat." }, { "surah": "6", "ayah": 147, "translation": "Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo ay sabihin mo: \u201cAng Panginoon ninyo ay may awang malawak ngunit hindi naitutulak ang parusa Niya palayo sa mga taong salarin.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 148, "translation": "Magsasabi ang mga nagtambal: \u201cKung sakaling niloob ni All\u0101h ay hindi sana kami nagtambal ni ang mga ninuno namin at hindi sana kami nagbawal ng anuman.\u201d Gayon nagpasinungaling ang mga bago pa nila hanggang sa lumasap sila ng parusa Namin. Sabihin mo: \u201cMayroon kaya sa ganang inyo na anumang kaalaman para magpalabas kayo niyon sa Amin? Sumusunod kayo sa pagpapalagay lamang. Walang iba kayo kundi nagsasapantaha.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 149, "translation": "Sabihin mo: \u201cNgunit kay All\u0101h ang katwirang masidhi kaya kung sakaling niloob Niya ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa inyo nang magkakasama.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 150, "translation": "Sabihin mo: \u201cMaglahad kayo ng mga saksi ninyo na sasaksi na si All\u0101h ay nagbawal nito, saka kung sumaksi sila ay huwag kang sumaksi kasama sa kanila. Huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay habang sila sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa iba].\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 151, "translation": "Sabihin mo: \u201cHalikayo, bibigkas ako ng ipinagbawal ng Panginoon ninyo sa inyo: na huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman; sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda; huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dahil sa isang paghihikahos, Kami ay nagtutustos sa inyo at sa kanila; huwag kayong lumapit sa mga malaswa: anumang nalantad mula sa mga ito at anumang nakubli; at huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni All\u0101h malibang ayon sa [legal na] karapatan.\u201d Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa." }, { "surah": "6", "ayah": 152, "translation": "Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa katindihan niya. Magpalubus-lubos kayo sa pagtatakal at timbangan ayon sa pagkamakatarungan. Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito. Kapag nagsabi kayo ay magpakamakatarungan kayo kahit pa sa isang may pagkakamag-anak. Sa kasunduan kay All\u0101h ay magpatupad kayo. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala." }, { "surah": "6", "ayah": 153, "translation": "Na [ang Isla\u0304m na] ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya. Iyon ay itinagubilin Niya sa inyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala." }, { "surah": "6", "ayah": 154, "translation": "Karagdagan, nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan bilang paglulubos [ng biyaya] para sa gumawa ng maganda, bilang pagdedetalye para sa bawat bagay, bilang patnubay, at bilang awa, nang sa gayon sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay sasampalataya." }, { "surah": "6", "ayah": 155, "translation": "[Ang Qur\u2019a\u0304n na] ito ay isang Aklat na pinababa Namin, na pinagpala, kaya sumunod kayo rito at mangilag kayong magkasala, nang sa gayon kayo ay kaaawaan," }, { "surah": "6", "ayah": 156, "translation": "dahil [baka] magsabi kayo: \u201cPinababa lamang ang kasulatan sa dalawang pangkatin [na mga Hudyo at mga Kristiyano] bago pa namin at tunay na kami noon, sa pag-aaral nila, ay talagang mga nalilingat,\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 157, "translation": "o [dahil baka] magsabi kayo: \u201cKung sakaling kami ay pinababaan ng kasulatan, talaga sanang kami ay naging higit na napatnubayan kaysa sa kanila [na binabaan ng kasulatan],\u201d sapagkat may dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo, isang patnubay, at isang awa. Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagpasinungaling sa mga tanda ni All\u0101h at lumihis palayo sa mga ito? Gaganti Kami sa mga lumilihis palayo sa mga tanda Namin ng kasagwaan ng pagdurusa dahil sila noon ay lumilihis." }, { "surah": "6", "ayah": 158, "translation": "Naghihintay kaya sila maliban pa na pumunta sa kanila ang mga anghel o pumunta ang Panginoon mo o pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo? Sa araw na pumunta ang ilan sa mga tanda ng Panginoon mo ay hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito [kung] hindi ito dating sumampalataya bago pa niyan o nagkamit ito sa pananampalataya nito ng isang kabutihan. Sabihin mo: \u201cMaghintay kayo; tunay na Kami ay mga naghihintay.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 159, "translation": "Tunay na ang mga nagwatak-watak sa relihiyon nila at sila ay naging mga sekta, hindi ka kabilang sa kanila sa anuman. Ang nauukol sa kanila ay nasa kay All\u0101h lamang. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila hinggil sa anumang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "6", "ayah": 160, "translation": "Ang sinumang naghatid ng magandang gawa ay ukol sa kanya ang sampung tulad nito, at ang sinumang naghatid ng masagwang gawa ay hindi siya gagantihan maliban ng tulad nito; at sila ay hindi lalabagin sa katarungan." }, { "surah": "6", "ayah": 161, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ako ay pinatnubayan ng Panginoon ko tungo sa landasing tuwid \u2013 isang relihiyong tama, na kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 162, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ang dasal ko, ang pag-aalay ko, ang buhay ko, at ang kamatayan ko ay ukol kay All\u0101h, ang Panginoon ng mga nilalang \u2013" }, { "surah": "6", "ayah": 163, "translation": "walang katambal sa Kanya. Gayon nag-utos sa akin, at ako ay una sa mga Muslim.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 164, "translation": "Sabihin mo: \u201cSa iba pa ba kay All\u0101h maghahangad ako bilang Panginoon samantalang Siya ay Panginoon ng bawat bagay? Walang [kasalanang] nakakamit ang bawat kaluluwa malibang laban dito. Hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo ang babalikan ninyo saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba.\u201d" }, { "surah": "6", "ayah": 165, "translation": "Siya ay ang gumawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa. Nag-angat Siya sa iba sa inyo higit sa iba sa mga antas upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon mo ay mabilis ang parusa at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "7", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. M\u012bm. S\u0101d.[167]" }, { "surah": "7", "ayah": 2, "translation": "[Ito ay] isang Aklat na pinababa sa iyo, kaya huwag magkaroon sa dibdib mo ng pagkaasiwa mula rito, upang magbabala ka sa pamamagitan nito at bilang paalaala para sa mga mananampalataya." }, { "surah": "7", "ayah": 3, "translation": "Sumunod kayo sa pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo at huwag kayong sumunod sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik. Kakaunti ang isinasaalaala ninyo!" }, { "surah": "7", "ayah": 4, "translation": "Kay rami ng [makasalanang] pamayanang ipinahamak Namin[168] saka dumating doon ang parusa Namin sa magdamag o habang sila ay mga umiidlip sa hapon," }, { "surah": "7", "ayah": 5, "translation": "saka walang iba ang panawagan nila noong dumating sa kanila ang parusa Namin maliban na nagsabi sila: \u201cTunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 6, "translation": "Saka talagang magtatanong nga Kami sa mga pinagsuguan at talagang magtatanong nga Kami sa mga isinugo." }, { "surah": "7", "ayah": 7, "translation": "Kaya talagang magsasalaysay nga Kami sa kanila [ng mga ginawa nila] nang may kaalaman at Kami lagi ay hindi nakaliban." }, { "surah": "7", "ayah": 8, "translation": "Ang pagtitimbang sa Araw na iyon ay ang katotohanan. Kaya ang mga bumigat ang mga timbangan nila [ng kabutihan], ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay." }, { "surah": "7", "ayah": 9, "translation": "Ang mga gumaan ang mga timbangan nila [ng kabutihan], ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila dahil sila noon sa mga tanda Namin ay lumalabag sa katarungan." }, { "surah": "7", "ayah": 10, "translation": "Talaga ngang nagbigay-kapangyarihan Kami sa inyo sa lupa at gumawa Kami para sa inyo rito ng mga kabuhayan. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!" }, { "surah": "7", "ayah": 11, "translation": "Talaga ngang lumikha Kami sa inyo. Pagkatapos nag-anyo Kami sa inyo. Pagkatapos nagsabi Kami sa mga anghel: \u201cMagpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],\u201d kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas; hindi siya naging kabilang sa mga nagpapatirapa." }, { "surah": "7", "ayah": 12, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cAno ang pumigil sa iyo na hindi ka magpatirapa noong nag-utos Ako sa iyo?\u201d Nagsabi ito: \u201cAko ay higit na mainam kaysa sa kanya. Lumikha Ka sa akin mula sa apoy samantalang lumikha Ka sa kanya mula sa putik.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 13, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cKaya lumapag ka mula rito sapagkat hindi nagiging ukol sa iyo na magpakamalaki rito. Kaya lumabas ka; tunay na ikaw ay kabilang sa mga nanliliit.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 14, "translation": "Nagsabi ito: \u201cMagpaliban Ka sa akin hanggang sa araw na bubuhayin sila.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 15, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cTunay na ikaw ay kabilang sa mga ipagpapaliban.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 16, "translation": "Nagsabi ito: \u201cKaya dahil nagpalisya Ka sa akin, talagang mag-aabang nga ako sa kanila sa landasin Mong tuwid." }, { "surah": "7", "ayah": 17, "translation": "Pagkatapos talagang pupunta nga ako sa kanila sa harapan nila at sa likuran nila at sa dakong mga kanan nila at sa dakong mga kaliwa nila. Hindi Ka makatatagpo sa higit na marami sa kanila bilang mga tagapagpasalamat.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 18, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cLumabas ka mula rito bilang nilalait na pinalalayas. Talagang ang sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila ay talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno mula sa inyo nang magkakasama." }, { "surah": "7", "ayah": 19, "translation": "O Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso, saka kumain kayong dalawa mula saanman ninyo loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito para kayong dalawa ay [hindi] maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 20, "translation": "Ngunit nagpasaring sa kanilang dalawa ang demonyo upang magtambad siya sa kanilang dalawa ng binalot para sa kanilang dalawa mula sa kahubaran nilang dalawa. Nagsabi siya: \u201cHindi sumaway sa inyong dalawa ang Panginoon ninyong dalawa laban sa punong-kahoy na ito maliban na kayong dalawa ay maging mga anghel o kayong dalawa ay maging kabilang sa mga nananatiling-buhay.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 21, "translation": "Nakipagsumpaan siya sa kanilang dalawa: \u201cTunay na ako para sa inyong dalawa ay kabilang sa mga tagapagpayo.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 22, "translation": "Kaya nagpamithi siya sa kanilang dalawa dahil sa isang pagkalinlang. Kaya noong nakatikim silang dalawa sa [bunga ng] punong-kahoy ay natambad sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa at nagsimula silang dalawa na magkapit sa kanilang dalawa ng mula sa mga dahon ng Paraiso. Nanawagan sa kanilang dalawa ang Panginoon nilang dalawa: \u201cHindi ba Ako sumaway sa inyong dalawa laban sa punong-kahoy na iyon at nagsabi sa inyong dalawa: Tunay na ang demonyo para sa inyong dalawa ay isang kaaway na malinaw?\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 23, "translation": "Nagsabi silang dalawa: \u201cPanginoon namin, lumabag kami sa katarungan sa mga sarili namin. Kung hindi Ka magpapatawad sa amin at maaawa sa amin, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga lugi.\u201d[169]" }, { "surah": "7", "ayah": 24, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cLumapag kayo;[170] ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang pinagtitigilan at isang natatamasa hanggang sa isang panahon.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 25, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cSa loob niyon mabubuhay kayo, sa loob niyon mamamatay kayo, at mula roon ilalabas kayo [para buhayin]." }, { "surah": "7", "ayah": 26, "translation": "O mga anak ni Adan, nagpababa nga Kami sa inyo ng kasuutan na magbabalot sa kahubaran ninyo at bilang gayak. Ang kasuutan ng pangingilag magkasala, iyon ay higit na mabuti. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni All\u0101h, nang sa gayon sila ay magsasaalaala." }, { "surah": "7", "ayah": 27, "translation": "O mga anak ni Adan, huwag ngang tutukso sa inyo ang demonyo yayamang nagpalabas siya sa mga magulang ninyo mula sa Paraiso habang nag-aalis sa kanilang dalawa ng kasuutan nilang dalawa upang magpakita siya sa kanilang dalawa ng kahubaran nilang dalawa. Tunay na siya ay nakakikita sa inyo, siya at ang mga kampon niya, mula sa kung saan hindi kayo nakakikita sa kanila. Tunay na Kami ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik para sa mga hindi sumasampalataya.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 28, "translation": "Kapag gumawa sila ng isang malaswa ay magsasabi sila: \u201cNakatagpo kami sa gayon sa mga magulang namin at si All\u0101h ay nag-utos sa amin niyon.\u201d Sabihin mo: \u201cTunay na si All\u0101h ay hindi nag-uutos ng kalaswaan; nagsasabi ba kayo hinggil kay All\u0101h ng hindi ninyo nalalaman?\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 29, "translation": "Sabihin mo: \u201cNag-utos ang Panginoon ko ng pagkamakatarungan, at na magpanatili kayo ng mga mukha ninyo sa bawat patirapaan at manalangin kayo sa Kanya habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Kung paanong nagsimula Siya sa inyo, [gayon] kayo manunumbalik [bilang mga buhay].\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 30, "translation": "May isang pangkat na pinatnubayan Niya at may isang pangkat na nagindapat sa kanila ang kaligawan. Tunay na sila ay gumawa sa mga demonyo bilang mga katangkilik bukod pa kay All\u0101h at nag-aakala na mga napapatnubayan." }, { "surah": "7", "ayah": 31, "translation": "O mga anak ni Adan, magsuot kayo ng gayak ninyo sa bawat masjid. Kumain kayo at uminom kayo at huwag kayong magpakalabis; tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga nagpapakalabis." }, { "surah": "7", "ayah": 32, "translation": "Sabihin mo: \u201cSino ang nagbawal sa gayak ni All\u0101h na pinalabas Niya para sa mga lingkod Niya at sa mga kaaya-aya mula sa panustos?\u201d Sabihin mo: \u201cIto ay para sa mga sumampalataya sa [sandali ng] buhay sa Mundo samantalang nakalaan [sa kanila] sa Araw ng Pagbangon.\u201d Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong umaalam." }, { "surah": "7", "ayah": 33, "translation": "Sabihin mo: \u201cNagbawal lamang ang Panginoon ko ng mga malaswa: anumang nalantad sa mga ito at anumang nakubli, ng kasalanan, ng paglabag nang walang karapatan, na magtambal kayo kay All\u0101h ng anumang hindi naman Siya nagbaba roon ng isang katunayan, at na magsabi kayo hinggil kay All\u0101h ng hindi ninyo nalalaman.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 34, "translation": "Para sa bawat kalipunan ay may taning. Kaya kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna." }, { "surah": "7", "ayah": 35, "translation": "O mga anak ni Adan, kung may pupunta nga naman sa inyo na mga sugo kabilang sa inyo, na nagsasalaysay sa inyo ng mga tanda Ko, ang mga nangilag magkasala at nagsaayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot." }, { "surah": "7", "ayah": 36, "translation": "Ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] at nagmalaki sa mga ito, ang mga iyon ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "7", "ayah": 37, "translation": "Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Ang mga iyon, aabot sa kanila ang bahagi nila mula sa talaan; hanggang sa nang dumating sa kanila ang mga sugo Namin[171] habang magpapapanaw sa kanila ay magsasabi ang mga ito: \u201cNasaan ang dati ninyong dinadalanginan bukod pa kay All\u0101h?\u201d Magsasabi naman sila: \u201cNawala sila sa amin.\u201d Sasaksi sila laban sa mga sarili nila na sila ay noon mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "7", "ayah": 38, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cPumasok kayo sa Apoy kasama sa mga kalipunang nakalipas bago pa ninyo kabilang sa jinn at tao. Sa tuwing may papasok na isang kalipunan ay susumpain nito ang [kalipunang] kapatid nito; hanggang sa nang nagsunuran sila roon nang lahatan ay magsasabi ang huli sa kanila sa una sa kanila: \u201cPanginoon Namin, ang mga ito ay nagligaw sa amin kaya magbigay Ka sa kanila ng isang ibayong pagdurusa mula sa Apoy.\u201d Magsasabi naman Siya: \u201cUkol sa bawat isa ay ibayo, subalit hindi kayo nakaaalam.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 39, "translation": "Magsasabi ang una sa kanila sa huli sa kanila: \u201cSapagkat hindi kayo nagkaroon higit sa amin ng anumang kalamangan, kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil sa dati ninyong nakakamit [na kawalang-pananampalataya].\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 40, "translation": "Tunay na ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] at nagmalaki sa mga ito ay hindi bubuksan para sa kanila ang mga pinto ng langit at hindi sila papasok sa Paraiso hanggang sa lumagos ang kamelyo sa mata ng karayom. Gayon Kami gaganti sa mga salarin." }, { "surah": "7", "ayah": 41, "translation": "Para sa kanila mula sa Impiyerno ay himlayan at mula sa ibabaw nila ay mga pambalot. Gayon Kami gaganti sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "7", "ayah": 42, "translation": "Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos \u2013 hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa kakayahan nito \u2013 ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "7", "ayah": 43, "translation": "Magtatanggal Kami ng anumang nasa mga dibdib nila na pagkamuhi, habang dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog. Magsasabi sila: \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h na nagpatnubay sa amin para rito. Hindi sana kami naging ukol mapatnubayan kung sakaling hindi dahil nagpatnubay sa amin si All\u0101h. Talaga ngang naghatid ang mga sugo ng Panginoon namin ng katotohanan.\u201d Tatawagin sila: \u201cIyon ay ang Paraiso; ipinamana sa inyo iyon dahil sa dati ninyong ginagawa [na kabutihan].\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 44, "translation": "Mananawagan ang mga maninirahan sa Paraiso sa mga maninirahan sa Apoy, na [nagsasabi]: \u201cNakatagpo nga kami sa ipinangako sa amin ng Panginoon namin bilang totoo, kaya nakatagpo ba kayo sa ipinangako ng Panginoon ninyo bilang totoo?\u201d Magsasabi sila: \u201cOo.\u201d Kaya magpapahayag ang isang tagapagpahayag sa pagitan nila na ang sumpa ni All\u0101h ay nasa mga tagalabag sa katarungan," }, { "surah": "7", "ayah": 45, "translation": "ang mga sumasagabal sa landas ni All\u0101h at naghahangad dito ng isang kabaluktutan samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 46, "translation": "Sa pagitan ng dalawang [pangkat na] ito ay may lambong. Sa mga tuktok ay may mga lalaking nakakikilala sa lahat[172] ayon sa mga tatak ng mga ito. Mananawagan sila sa mga maninirahan sa Paraiso, na [nagsasabi]: \u201cKapayapaan ay sumainyo.\u201d Hindi pa nakapasok ang mga ito roon at ang mga ito ay naghahangad." }, { "surah": "7", "ayah": 47, "translation": "Kapag inilihis ang mga paningin nila paharap sa mga maninirahan sa Apoy ay magsasabi sila: \u201cPanginoon Namin, huwag Kang maglagay sa amin kasama sa mga taong tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 48, "translation": "Mananawagan ang mga nananatili sa mga tuktok sa mga taong nakikilala nila ayon sa mga tatak ng mga ito, na magsasabi: \u201cWalang naidulot para sa inyo ang pagtipon ninyo at ang dati ninyong ipinagmamalaki.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 49, "translation": "[Magsasabi si All\u0101h:] Ang mga ito ba ang mga sumumpa kayong hindi magpapakamit sa kanila si All\u0101h ng awa? [Sasabihin]: \u201cMagsipasok kayo sa Paraiso; walang pangamba sa inyo ni kayo ay malulungkot.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 50, "translation": "Mananawagan ang mga naninirahan sa Apoy sa mga naninirahan sa Paraiso, na [nagsasabi]: \u201cMagpabaha kayo sa amin ng tubig o ng anumang itinustos sa inyo ni All\u0101h.\u201d Magsasabi ang mga ito: \u201cTunay na si All\u0101h ay nagbawal ng dalawang ito sa mga tagatangging sumampalataya," }, { "surah": "7", "ayah": 51, "translation": "na mga gumawa sa relihiyon nila bilang libingan at laro, at luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo.\u201d Kaya ngayong Araw lilimot[173] Kami sa kanila kung paanong lumimot sila sa pakikipagkita sa Araw nilang ito at sila dati sa mga tanda Namin ay nagkakaila." }, { "surah": "7", "ayah": 52, "translation": "Talaga ngang naghatid Kami sa kanila ng isang aklat na dinetalye Namin ayon sa kaalaman bilang patnubay at awa para sa mga taong sumasampalataya [sa katotohanan]." }, { "surah": "7", "ayah": 53, "translation": "Naghihintay kaya sila maliban pa ng pagsasakatuparan nito? Sa araw na pupunta ang pagsasakatuparan nito ay magsasabi ang mga lumimot nito bago pa niyan: \u201cNaghatid nga ang mga sugo ng Panginoon Namin ng katotohanan, kaya mayroon ba kaming anumang mga tagapagpamagitan para mamagitan sila para sa amin, o pababalikin kami [sa Mundo] para gumawa kami ng iba sa dati naming ginagawa?\u201d Nagpalugi nga sila ng mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginawa-gawa." }, { "surah": "7", "ayah": 54, "translation": "Tunay na ang Panginoon ninyo ay si All\u0101h na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si All\u0101h, ang Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "7", "ayah": 55, "translation": "Manalangin kayo sa Panginoon ninyo nang may pagpapakumbaba at pagkukubli. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag." }, { "surah": "7", "ayah": 56, "translation": "Huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Dumalangin kayo sa Kanya sa pangamba at sa paghahangad. Tunay na ang awa ni All\u0101h ay malapit sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "7", "ayah": 57, "translation": "Siya ay ang nagsusugo ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa harap ng awa Niya; hanggang sa nang nagdala ang mga iyon ng mga ulap na mabigat ay aakay Kami sa mga ito tungo sa isang bayang patay saka magpapababa Kami roon ng tubig kaya magpapalabas Kami sa pamamagitan nito ng lahat ng mga bunga. Gayon Kami magpapalabas ng mga patay, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala." }, { "surah": "7", "ayah": 58, "translation": "Ang bayang kaaya-aya ay lumalabas ang tanim nito ayon sa pahintulot ng Panginoon nito at ang naging karima-rimarim ay hindi lumalabas ito kundi pahirapan. Gayon Kami nagsarisari ng mga tanda para sa mga taong nagpapasalamat." }, { "surah": "7", "ayah": 59, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kababayan niya, saka nagsabi siya: \u201cO mga kababayan ko, sumamba kayo kay All\u0101h; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 60, "translation": "Nagsabi ang konseho kabilang sa mga kalipi niya: \u201cTunay na kami ay talagang nakakikita sa iyo sa isang pagkaligaw na malinaw.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 61, "translation": "Nagsabi siya:[174] \u201cO mga kalipi ko, walang kaligawan sa akin, subalit ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "7", "ayah": 62, "translation": "Nagpapaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko, nagpapayo ako sa inyo, at nakaaalam ako mula kay All\u0101h ng hindi ninyo nalalaman." }, { "surah": "7", "ayah": 63, "translation": "Namangha ba kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa Panginoon ninyo dala ng isang lalaking kabilang sa inyo upang magbabala siya sa inyo, upang mangilag kayong magkasala, at nang sa gayon kayo ay kaaawaan?\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 64, "translation": "Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya, kaya pinaligtas Namin siya at ang mga kasama sa kanya sa daong at nilunod Namin ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Tunay na sila noon ay mga taong bulag." }, { "surah": "7", "ayah": 65, "translation": "[Nagsugo sa liping] `\u0100d ng kapatid nilang si H\u016bd. Nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, sumamba kayo kay All\u0101h; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 66, "translation": "Nagsabi ang konseho na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: \u201cTunay na kami ay talagang nakakikita sa iyo sa isang kahunghangan at tunay na kami ay nakatitiyak sa iyo na kabilang sa mga sinungaling.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 67, "translation": "Nagsabi siya:[175] \u201cO mga kalipi ko, walang kahunghangan sa akin subalit ako ay isang sugo mula sa Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "7", "ayah": 68, "translation": "Nagpapaabot ako sa inyo ng mga pasugo ng Panginoon ko, at ako para sa inyo ay isang tagapagpayong pinagkakatiwalaan." }, { "surah": "7", "ayah": 69, "translation": "Namangha ba kayo na may dumating sa inyo na isang paalaala mula sa Panginoon ninyo dala ng isang lalaking kabilang sa inyo upang magbabala sa inyo [ng parusa ni All\u0101h]? Alalahanin ninyo noong nagtalaga Siya sa inyo bilang kahalili matapos na ng mga tao ni Noe at nagdagdag Siya sa inyo ng kalakasan sa pangangatawan. Kaya alalahanin ninyo ang mga pagpapala ng Panginoon ninyo, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay." }, { "surah": "7", "ayah": 70, "translation": "Nagsabi sila: \u201cDumating ka ba sa Amin upang sumamba kami kay All\u0101h lamang at umiwan Kami sa anumang dating sinasamba ng mga magulang namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga tapat.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 71, "translation": "Nagsabi siya: \u201cMay bumagsak nga sa inyo mula sa Panginoon ninyo na isang kasalaulaan at isang galit. Nakikipagtalo ba kayo sa akin hinggil sa mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga magulang ninyo, na hindi nagbaba si All\u0101h sa mga ito ng anumang katunayan. Kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga naghihintay.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 72, "translation": "Kaya pinaligtas Namin siya at ang mga kasama sa kanya dahil sa isang awa mula sa Amin. Pumutol Kami sa ugat ng mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Sila noon ay hindi mga mananampalataya." }, { "surah": "7", "ayah": 73, "translation": "[Nagsugo sa liping] Tham\u016bd ng kapatid nilang si \u1e62\u0101li\u1e25. Nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, sumamba kayo kay All\u0101h; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Ito ay dumalagang kamelyo ni All\u0101h; para sa inyo ay isang tanda, kaya hayaan ninyo itong manginain sa lupain ni All\u0101h at huwag ninyong salingin ito ng isang kasagwaan para hindi kayo daklutin ng isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "7", "ayah": 74, "translation": "Alalahanin ninyo noong gumawa Siya sa inyo na mga kahalili matapos na ng [liping] `\u0100d at nagpatahan Siya sa inyo sa lupain. Gumagawa kayo mula sa mga kapatagan nito ng mga palasyo at lumililok kayo ng mga bundok na maging mga bahay. Kaya alalahanin ninyo ang mga biyaya ni All\u0101h at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 75, "translation": "Nagsabi ang konseho na mga nagmalaki kabilang sa mga kalipi niya sa mga minamahina \u2013 sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila: \u201cNakaaalam ba kayo na si \u1e62\u0101li\u1e25 ay isang isinugo mula sa Panginoon niya?\u201d Nagsabi ang mga ito: \u201cTunay na kami sa ipinasugo sa kanya ay mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 76, "translation": "Nagsabi ang mga nagmalaki: \u201cTunay na kami sa sinampalatayanan ninyo ay mga tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 77, "translation": "Kaya kinitil nila ang dumalagang kamelyo, nagpakasutil sila sa utos ng Panginoon nila, at nagsabi sila: \u201cO \u1e62\u0101li\u1e25, maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga isinugo [ni All\u0101h].\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 78, "translation": "Kaya dumaklot sa kanila ang yanig, saka sila, sa tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob." }, { "surah": "7", "ayah": 79, "translation": "Kaya tumalikod siya sa kanila at nagsabi: \u201cO mga kalipi ko, talaga ngang nagpaabot ako sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko at nagpayo ako sa inyo subalit hindi kayo umiibig sa mga tagapagpayo.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 80, "translation": "[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: \u201cGumagawa ba kayo ng mahalay, na walang nakauna sa inyo roon na isa man kabilang sa mga nilalang?" }, { "surah": "7", "ayah": 81, "translation": "Tunay na kayo ay talagang pumupunta sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa bukod pa sa mga babae, bagkus kayo ay mga taong nagpapakalabis.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 82, "translation": "Walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: \u201cPalabasin ninyo sila[176] mula sa pamayanan ninyo; tunay na sila ay mga taong nagpapakadalisay.\u201d" }, { "surah": "7", "ayah": 83, "translation": "Kaya pinaligtas Namin siya at ang mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay naging kabilang sa mga nagpapaiwan [sa parusa ni All\u0101h]." }, { "surah": "7", "ayah": 84, "translation": "Nagpaulan Kami sa kanila ng isang ulan [ng mga bato], kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga salarin." }, { "surah": "7", "ayah": 85, "translation": "[Nagsugo sa mga mamamayan ng] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, sumamba kayo kay All\u0101h; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Kaya magpalubus-lubos kayo sa pagtatakal at timbangan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manggulo sa lupa matapos ng pagsasaayos nito. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya." }, { "surah": "7", "ayah": 86, "translation": "Huwag kayong umupo sa bawat landasin, na nagbabanta kayo at sumasagabal kayo sa landas ni All\u0101h sa sinumang sumampalataya sa Kanya, at naghahangad kayo rito ng isang kabaluktutan. Alalahanin ninyo, noong kayo dati ay kakaunti, pinarami Niya kayo. Tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagatiwali [bago ninyo]." }, { "surah": "7", "ayah": 87, "translation": "Kung may isang pangkatin kabilang sa inyo na sumampalataya sa ipinasugo sa akin at may isang pangkating hindi sumampalataya, magtiis kayo hanggang sa humatol si All\u0101h sa pagitan natin. Siya ay ang pinakamainam sa mga tagahatol.\u201d" } ]