[ { "surah": "58", "ayah": 1, "translation": "Narinig nga ni All\u0101h ang sabi ng [babaing][615] nakikipagtalo sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] hinggil sa asawa niya[616] at dumaraing kay All\u0101h at si All\u0101h ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si All\u0101h ay Madinigin, Nakakikita." }, { "surah": "58", "ayah": 2, "translation": "Ang mga nagsasagawa ng dhih\u0101r[617] kabilang sa inyo sa mga maybahay nila [ay nagsinungaling]; ang mga ito ay hindi mga ina nila; walang iba ang mga ina nila kundi ang mga nanganak sa kanila. Tunay na sila ay talagang nagsasabi ng isang nakasasama kabilang sa sinasabi at isang kabulaanan. Tunay na si All\u0101h ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad." }, { "surah": "58", "ayah": 3, "translation": "Ang mga nagsasagawa ng dhih\u0101r sa mga maybahay nila, pagkatapos bumabawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago pa silang dalawa magsalingan.[618] Gayon kayo pinangangaralan. Si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid." }, { "surah": "58", "ayah": 4, "translation": "Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo [ng aliping mapalalaya, kailangan sa kanya] ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunuran bago pa silang dalawa magsalingan;[619] ngunit ang sinumang hindi nakakaya [ay kailangan sa kanya] ang pagpapakain ng animnapung dukha. Iyon ay upang sumampalataya kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya. Iyon ay ang mga hangganan ni All\u0101h. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "58", "ayah": 5, "translation": "Tunay na ang mga sumasalansang kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] ay dudustain kung paanong dinusta ang mga [sumalansang sa mga sugo] bago pa nila. Nagpababa nga Kami ng mga tandang malilinaw. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak," }, { "surah": "58", "ayah": 6, "translation": "sa Araw na bubuhay sa kanila si All\u0101h nang lahatan saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila [na masagwa sa Mundo]. Mag-iisa-isa niyon si All\u0101h samantalang lumimot sila niyon. Si All\u0101h sa bawat bagay ay Saksi." }, { "surah": "58", "ayah": 7, "translation": "Hindi mo ba napag-alaman na si All\u0101h ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Walang anumang sarilinang pag-uusap ng tatlo malibang Siya ay ang ikaapat nila, ni ng lima malibang Siya ay ang ikaanim nila, ni ng higit na mababa kaysa roon, ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila nasaan man sila [sa kaalaman Niya]. Pagkatapos magbabalita Siya sa kanila, hinggil sa anumang ginawa nila [buhay nila], sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "58", "ayah": 8, "translation": "Hindi ka ba tumingin sa mga sinaway laban sa sarilinang pag-uusap, pagkatapos nanunumbalik sila sa sinaway sa kanila at sarilinang nag-uusapan sila hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo? Kapag dumating sila sa iyo ay bumabati sila sa iyo ng [pagbating] hindi ibinati sa iyo ni All\u0101h at nagsasabi sila sa mga sarili nila: \u201cBakit hindi tayo pagdusahin ni All\u0101h dahil sa sinasabi natin?\u201d Kasapatan sa kanila ang Impiyerno. Masusunog sila roon, kaya kay saklap ang kahahantungan!" }, { "surah": "58", "ayah": 9, "translation": "O mga sumampalataya, kapag sarilinang nag-usapan kayo ay huwag kayong sarilinang mag-usapan hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo [ni All\u0101h], bagkus sarilinang mag-usapan kayo hinggil sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h na tungo sa Kanya ay kakalapin kayo." }, { "surah": "58", "ayah": 10, "translation": "Ang [masamang] sarilinang pag-uusap ay mula sa demonyo lamang upang malungkot ang mga sumampalataya at hindi siya makapipinsala sa kanila ng anuman malibang may pahintulot ni All\u0101h. Kay All\u0101h ay manalig ang mga mananampalataya." }, { "surah": "58", "ayah": 11, "translation": "O mga sumampalataya, kapag sinabi sa inyo na magpaluwang-luwang kayo sa mga pagtitipon [ninyo] ay magpaluwang kayo \u2013 magpapaluwang si All\u0101h para sa inyo [mula sa awa Niya; at kapag sinabi sa inyo na umangat kayo [mula sa kinauupuan] ay umangat kayo \u2013 mag-aangat si All\u0101h ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid." }, { "surah": "58", "ayah": 12, "translation": "O mga sumampalataya, kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng isang kawanggawa. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo [ng maikakawanggawa], tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "58", "ayah": 13, "translation": "Nabagabag ba kayo [sa karukhaan] na maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng mga kawanggawa? Kaya kapag hindi ninyo nagawa at tumanggap si All\u0101h sa inyo ng pagbabalik-loob ay magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zak\u0101h, at tumalima kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya. Si All\u0101h ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "58", "ayah": 14, "translation": "Hindi ka ba tumingin sa mga [mapagpaimbabaw na] tumangkilik sa mga taong [Hudyo na] nagalit si All\u0101h sa mga iyon? Sila ay hindi kabilang sa inyo [O mga mananampalataya] at hindi kabilang sa mga [tagatangging sumampalatayang] iyon. Sumusumpa sila sa kasinungalingan habang sila ay nakaaalam." }, { "surah": "58", "ayah": 15, "translation": "Naghanda si All\u0101h para sa kanila ng isang pagdurusang matindi. Tunay na sila ay kay sagwa ang dati nilang ginagawa!" }, { "surah": "58", "ayah": 16, "translation": "Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang panakip [laban sa pagkapatay] kaya sumagabal sila sa landas ni All\u0101h, kaya ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak." }, { "surah": "58", "ayah": 17, "translation": "Hindi makapagpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay All\u0101h sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili," }, { "surah": "58", "ayah": 18, "translation": "sa Araw na bubuhay sa kanila si All\u0101h nang lahatan saka manunumpa sila sa Kanya kung paanong nanunumpa sila sa inyo [na mga mananampalataya]. Nag-aakala sila na sila ay [nakabatay] sa isang bagay. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling." }, { "surah": "58", "ayah": 19, "translation": "Nakagapi sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila ng pag-alaala kay All\u0101h. Ang mga iyon ay ang lapian ng demonyo. Pansinin, tunay na ang lapian ng demonyo ay ang mga lugi." }, { "surah": "58", "ayah": 20, "translation": "Tunay na ang mga sumasalansang kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad], ang mga iyon ay kabilang sa mga pinakakaaba-aba." }, { "surah": "58", "ayah": 21, "translation": "Nagtakda si All\u0101h: \u201cTalagang mananaig nga Ako mismo at ang mga sugo Ko.\u201d Tunay na si All\u0101h ay Malakas, Makapangyarihan." }, { "surah": "58", "ayah": 22, "translation": "Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay All\u0101h at sa Huling Araw na nakikipagmahalan sa sinumang sumalansang kay All\u0101h at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay sinulatan Niya sa mga puso nila ng pananampalataya at inalalayan Niya sa pamamagitan ng isang espiritu[620] mula sa Kanya. Magpapapasok Siya sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Nalugod si All\u0101h sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang lapian ni All\u0101h. Pansinin, tunay na ang lapian ni All\u0101h ay ang mga matagumpay." }, { "surah": "59", "ayah": 1, "translation": "Nagluwalhati kay All\u0101h ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "59", "ayah": 2, "translation": "Siya ay ang nagpalisan sa mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan[621] mula sa mga tahanan nila sa unang pagkakalap [at pagpapatapon sa kanila]. Hindi kayo nagpalagay na sila ay lilisan. Nagpalagay sila na sila ay ipagtatanggol ng mga kuta nila laban kay All\u0101h, ngunit nagpapunta sa kanila si All\u0101h [ng pagdurusa] mula sa kung saan hindi nila inaasahan. Bumato Siya sa mga puso nila ng hilakbot. Sumisira sila ng mga bahay nila sa pamamagitan ng mga kamay nila at mga kamay ng mga mananampalataya. Kaya magsaalang-alang kayo [mula rito], O mga may paningin." }, { "surah": "59", "ayah": 3, "translation": "Kung sakaling hindi nagtakda si All\u0101h sa kanila ng paglayas ay talaga sanang pinagdusa Niya sila sa Mundo. Ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ang pagdurusa sa Apoy." }, { "surah": "59", "ayah": 4, "translation": "Iyon ay dahil sa sila ay nakipaghidwaan kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad]. Ang sinumang nakikipaghidwaan kay All\u0101h, tunay na si All\u0101h ay matindi ang parusa." }, { "surah": "59", "ayah": 5, "translation": "Ang anumang pinutol ninyo na isang [punong] datiles [nila] o iniwan ninyo ito na nakatayo sa mga puno nito ay ayon sa pahintulot ni All\u0101h at upang magpahiya Siya sa mga suwail." }, { "surah": "59", "ayah": 6, "translation": "Ang anumang ipinakumpiska ni All\u0101h sa Sugo Niya mula sa kanila ay hindi kayo nagpatulin para rito ng anumang mga kabayo ni mga kamelyo, subalit nagpapangibabaw si All\u0101h sa mga sugo Niya sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "59", "ayah": 7, "translation": "Ang anumang ipinakumpiska ni All\u0101h sa Sugo Niya mula sa mga naninirahan sa mga pamayanan ay ukol kay All\u0101h, ukol sa Sugo, ukol sa may pagkakamag-anak [sa Sugo],[622] mga ulila, mga dukha, at kinapos sa landas upang hindi ito maging isang yamang palipat-lipat sa pagitan ng mga mayaman kabilang sa inyo. Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo [na si Propeta Muh\u0323ammad] ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h; tunay na si All\u0101h ay matindi ang parusa." }, { "surah": "59", "ayah": 8, "translation": "[May bahagi] para sa mga maralitang tagalikas, na mga pinalisan mula sa mga tahanan nila at mga yaman nila, habang naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay All\u0101h at isang pagkalugod, at nag-aadya kay All\u0101h[623] at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay ang mga tapat." }, { "surah": "59", "ayah": 9, "translation": "Ang mga namalagi sa tahanan [sa Mad\u012bnah] at pananampalataya bago pa ng mga iyon[624] ay umiibig sa sinumang lumikas kanila, hindi nakatatagpo sa mga dibdib nila ng isang pangangailangan sa anumang ibinigay sa mga iyon, at nagtatangi [sa mga iyon] higit sa mga sarili nila, kahit pa man sa kanila ay may kadahupan. Ang sinumang ipinagsasanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay [sa landas nila]." }, { "surah": "59", "ayah": 10, "translation": "Ang mga dumating matapos na nila ay nagsasabi: \u201cPanginoon namin, magpatawad Ka sa amin at sa mga kapatid namin na nauna sa amin sa pananampalataya at huwag Kang maglagay sa mga puso namin ng isang pagkamuhi sa mga sumampalataya. Panginoon namin, tunay na Ikaw ay Mahabagin, Maawain.\u201d" }, { "surah": "59", "ayah": 11, "translation": "Hindi ka ba tumingin sa mga nagpaimbabaw habang nagsasabi sa mga kapatid nila na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan:[625] \u201cTalagang kung pinalisan kayo ay talagang lilisan nga kami kasama sa inyo. Hindi kami tatalima alang-alang sa inyo sa isa man magpakailanman. Kung kinalaban kayo ay talagang mag-aadya nga kami sa inyo.\u201d Si All\u0101h ay sumasaksi na sila ay talagang mga sinungaling." }, { "surah": "59", "ayah": 12, "translation": "Talagang kung pinalisan ang mga ito ay hindi sila lilisan kasama sa mga ito. Talagang kung kinalaban ang mga ito ay hindi mag-aadya sa mga ito sila [na mga mapagpaimbabaw]. Talagang kung nag-aadya man sila sa mga ito ay talaga ngang magbabaling sila ng mga likuran [nila], pagkatapos hindi sila maiaadya." }, { "surah": "59", "ayah": 13, "translation": "Talagang kayo [na mga mananampalataya] ay higit na matindi sa pangingilabot sa mga dibdib nila kaysa kay All\u0101h. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "59", "ayah": 14, "translation": "Hindi sila[626] nakikipaglaban sa inyo nang lahatan maliban sa mga pamayanang pinatibay o mula sa likod ng mga pader. Ang karahasan nila sa pagitan nila ay matindi. Mag-aakala ka na sila ay magkasama samantalang ang mga puso nila ay hati-hati. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "59", "ayah": 15, "translation": "Katulad ng mga [Hudyo] bago pa nila kamakailan, lumasap sila ng kasaklapan ng nauukol sa kanila at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "59", "ayah": 16, "translation": "[Ang mga mapagpaimbabaw ay] katulad ng demonyo noong nagsabi siya sa tao: \u201cTumanggi kang sumampalataya!\u201d Ngunit noong tumangging sumampalataya ito ay nagsabi siya: \u201cTunay na ako ay walang-kaugnayan sa iyo; tunay na ako ay nangangamba kay All\u0101h, ang Panginoon ng mga nilalang.\u201d" }, { "surah": "59", "ayah": 17, "translation": "Kaya ang kahihinatnan nilang dalawa ay na silang dalawa ay sa Apoy [ng Impiyerno] bilang mga mananatili roon. Iyon ay ang ganti sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "59", "ayah": 18, "translation": "O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay All\u0101h, at tumingin ang kaluluwa sa ipinauna niya para sa bukas. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h; tunay na si All\u0101h ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "59", "ayah": 19, "translation": "Huwag kayong maging gaya ng mga lumimot kay All\u0101h[627] kaya nagpalimot Siya sa kanila ng mga sarili nila.[628] Ang mga iyon ay ang mga suwail." }, { "surah": "59", "ayah": 20, "translation": "Hindi nagkakapantay ang mga maninirahan sa Apoy at ang mga maninirahan sa Paraiso. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga magwawagi." }, { "surah": "59", "ayah": 21, "translation": "Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur\u2019\u0101n na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka rito na nagtataimtim na nagkabitak-bitak dahil sa takot kay All\u0101h. Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip." }, { "surah": "59", "ayah": 22, "translation": "Siya ay si All\u0101h na walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya, ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan. Siya ay ang Napakamaawain, ang Maawain." }, { "surah": "59", "ayah": 23, "translation": "Siya ay si All\u0101h na walang Diyos kundi Siya, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Sakdal, ang Tagapagpasampalataya, ang Tagapagsubaybay, ang Makapangyarihan, ang Palasupil, ang Nakapagmamalaki. Kaluwalhatian kay All\u0101h higit sa anumang itinatambal nila!" }, { "surah": "59", "ayah": 24, "translation": "Siya ay si All\u0101h, ang Tagalikha, ang Tagapaglalang [na nagpasimula ng nilikha mula sa wala], ang Tagapag-anyo; taglay Niya ang mga pangalang napakagaganda. Nagluluwalhati sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "60", "ayah": 1, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa kaaway Ko at kaaway ninyo bilang mga katangkilik na nag-uukol kayo sa kanila ng pagmamahal samantalang tumanggi na silang sumampalataya sa dumating sa inyo na katotohanan, habang nagpapalisan sila sa Sugo [ni All\u0101h] at sa inyo dahil sumampalataya kayo kay All\u0101h na Panginoon ninyo. [Iyon ay] kung kayo ay hahayo dala ng isang pakikibaka sa landas Ko at dala ng paghahangad sa kaluguran Ko. Nagtatapat kayo sa kanila ng pagmamahal samantalang Ako ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo at anumang inihahayag ninyo. Ang sinumang gumagawa niyon kabilang sa inyo ay naligaw nga siya palayo sa katumpakan ng landas." }, { "surah": "60", "ayah": 2, "translation": "Kung mananaig sila inyo, sila para sa inyo ay magiging mga kaaway, magpapaabot sila laban sa inyo ng mga kamay nila at mga dila nila sa pamamagitan ng kasagwaan. Nag-asam sila na kung sana tumatanggi kayong sumampalataya." }, { "surah": "60", "ayah": 3, "translation": "Hindi magpapakinabang sa inyo ang mga pagkakaanak ninyo ni ang mga anak ninyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magpapahiwalay Siya sa pagitan ninyo.[629] Si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita." }, { "surah": "60", "ayah": 4, "translation": "Nagkaroon nga para sa inyo ng isang magandang huwaran sa kay Abraham at sa mga kasama sa kanya noong nagsabi sila sa mga kababayan nila: \u201cTunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa sinasamba ninyo bukod pa kay All\u0101h; tumanggi kami sa inyo at lumantad na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang suklam magpakailanman hanggang sa sumampalataya kayo kay All\u0101h lamang,\u201d maliban sa sabi ni Abraham sa ama niya: \u201cTalagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo samantalang hindi ako nakapagdudulot para sa iyo laban kay All\u0101h ng anuman. Panginoon namin, sa Iyo kami nanalig, tungo sa Iyo kami nagsisising bumalik [sa pagsisisi at pagtalima], at tungo sa Iyo ang kahahantungan." }, { "surah": "60", "ayah": 5, "translation": "Panginoon namin, huwag Kang gumawa amin bilang pinag-uusig para sa mga tumangging sumampalataya[630] at magpatawad Ka sa amin, Panginoon namin; tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.\u201d" }, { "surah": "60", "ayah": 6, "translation": "Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa kanila[631] ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam kay All\u0101h at sa Huling Araw. Ang sinumang tatalikod, tunay na si All\u0101h ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri." }, { "surah": "60", "ayah": 7, "translation": "Marahil si All\u0101h ay maglagay sa pagitan ninyo at ng mga inaway ninyo kabilang sa kanila ng isang pagmamahal. Si All\u0101h ay May-kakayahan. Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "60", "ayah": 8, "translation": "Hindi sumasaway sa inyo si All\u0101h kaugnay sa mga [tagatangging sumampalataya na] hindi nakipaglaban sa inyo dahil sa Relihiyon [ninyo] at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na magsamabuting-loob kayo sa kanila at magpakamakatarungan kayo sa kanila. Tunay na si All\u0101h ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan." }, { "surah": "60", "ayah": 9, "translation": "Sumasaway lamang sa inyo si All\u0101h kaugnay sa mga [tagatangging sumampalataya na] nakipaglaban sa inyo dahil sa Relihiyon [ninyo], nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, at nagtaguyod sa pagpapalisan sa inyo, na tumangkilik kayo sa kanila. Ang sinumang tumangkilik sa kanila, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "60", "ayah": 10, "translation": "O mga sumampalataya, kapag dumating sa inyo ang mga babaing mananampalataya bilang mga tagalikas ay sulitin ninyo sila. Si All\u0101h ay higit na maalam sa pananampalataya nila. Kaya kung nalaman ninyo na sila ay mga babaing mananampalataya, huwag kayong magpapabalik sa kanila sa mga tagatangging sumampalataya. Hindi sila ipinahintulot para sa mga ito ni ang mga ito ay pinahihintulutan para sa kanila. Magbigay kayo sa mga ito ng ginugol ng mga ito [na bigay-kaya sa mga maybahay ng mga ito]. Walang maisisisi sa inyo na magpakasal kayo sa kanila kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila. Huwag kayong kumapit sa mga bigkis ng kasal sa mga babaing tagatangging sumampalataya. Humingi kayo ng ginugol ninyo [na bigay-kaya] at humingi ang mga ito ng ginugol ng mga ito. Iyon ay ang kahatulan ni All\u0101h; humahatol Siya sa pagitan ninyo. Si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "60", "ayah": 11, "translation": "Kung may nakaalpas sa inyo na sinuman mula sa mga maybahay ninyo patungo sa mga tagatangging sumampalataya at nakasamsam kayo [sa digmaan], magbigay kayo sa mga inalisan ng mga maybahay nila ng tulad ng ginugol nila [na bigay-kaya]. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya." }, { "surah": "60", "ayah": 12, "translation": "O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga babaing mananampalataya, na nangangako ng katapatan sa iyo na hindi sila magtatambal kay All\u0101h ng anuman, hindi sila magnanakaw, hindi sila mangangalunya, hindi sila papatay ng mga anak nila, hindi sila magdadala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila,[632] at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humingi ka ng tawad para sa kanila kay All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "60", "ayah": 13, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong tumangkilik sa mga tao na nagalit si All\u0101h sa kanila [na mga Hudyo], na nawalan na sila ng pag-asa sa [gantimpala sa] Kabilang-buhay kung paanong nawalang ng pag-asa ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa [panunumbalik ng] mga kasamahan ng mga libingan." }, { "surah": "61", "ayah": 1, "translation": "Nagluwalhati kay All\u0101h ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "61", "ayah": 2, "translation": "O mga sumampalataya, bakit kayo nagsasabi ng hindi ninyo ginagawa?" }, { "surah": "61", "ayah": 3, "translation": "Lumaki sa pagkamuhi sa ganang kay All\u0101h na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa." }, { "surah": "61", "ayah": 4, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay umiibig sa mga nakikipaglaban sa landas Niya sa isang hanay na para bang sila ay isang gusaling pinasiksik." }, { "surah": "61", "ayah": 5, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: \u201cO mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin samantalang nalalaman na ninyo na ako ay Sugo ni All\u0101h sa inyo?\u201d Kaya noong lumiko sila ay nagpaliko si All\u0101h sa mga puso nila. Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail." }, { "surah": "61", "ayah": 6, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Jesus na anak ni Maria: \u201cO mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni All\u0101h sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa nauna sa akin na Torah at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay A\u1e25mad.[633]\u201d Ngunit noong naghatid siya sa kanila ng mga malinaw na patunay ay nagsabi sila: \u201cIto ay isang panggagaway na malinaw.\u201d" }, { "surah": "61", "ayah": 7, "translation": "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng kasinungalingan samantalang ito ay inaanyayahan sa Isl\u0101m.[634] Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "61", "ayah": 8, "translation": "Nagnanais sila na umapula sa liwanag ni All\u0101h sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang si All\u0101h ay maglulubos sa liwanag Niya, kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "61", "ayah": 9, "translation": "Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] kalakip ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [huwad na] relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa man nasuklam ang mga tagapagtambal." }, { "surah": "61", "ayah": 10, "translation": "O mga sumampalataya, magtuturo kaya ako sa inyo sa isang pangangalakal na magliligtas sa inyo mula sa isang pagdurusang masakit?" }, { "surah": "61", "ayah": 11, "translation": "Sasampalataya kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] at makikibaka kayo sa landas ni All\u0101h sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam." }, { "surah": "61", "ayah": 12, "translation": "[Kung gagawin ninyo,] magpapatawad Siya sa inyo ng mga pagkakasala ninyo at magpapapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog at sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. Iyon ang pagkatamong sukdulan." }, { "surah": "61", "ayah": 13, "translation": "May iba pang [biyaya] iibigin ninyo: isang pag-aadya mula kay All\u0101h at isang pagsakop na malapit. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya." }, { "surah": "61", "ayah": 14, "translation": "O mga sumampalataya, maging mga tagapag-adya ni All\u0101h kayo gaya ng sinabi ni Jesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: \u201cSino ang mga tagapag-adya ko tungo kay All\u0101h?\u201d Nagsabi ang mga disipulo: \u201cKami ay ang mga tagapag-adya tungo kay All\u0101h.\u201d Kaya may sumampalataya na isang pangkatin mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkatin. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw." }, { "surah": "62", "ayah": 1, "translation": "Nagluluwalhati kay All\u0101h ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "62", "ayah": 2, "translation": "Siya ay ang nagpadala sa mga iliterato ng isang sugo [na si Propeta Muh\u0323ammad] kabilang sa kanila, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Niya, nagbubusilak sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat [na Qur\u2019a\u0304n] at Karunungan \u2013 at bagamat sila dati bago pa niyan ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw \u2013" }, { "surah": "62", "ayah": 3, "translation": "at [nagpadala rito] sa mga iba pa[635] kabilang sa kanila na hindi pa sumama sa kanila. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "62", "ayah": 4, "translation": "Iyon ay kabutihang-loob ni All\u0101h; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h ay may kabutihang-loob na sukdulan." }, { "surah": "62", "ayah": 5, "translation": "Ang paghahalintulad sa mga pinagpasan ng Torah, pagkatapos hindi pumasan nito, ay gaya ng paghahalintulad sa asno habang pumapasan ng mga makapal na aklat.[636] Kay saklap ang paghahalintulad sa mga taong nagpasinungaling sa mga talata ni All\u0101h [sa Qur\u2019a\u0304n]! Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "62", "ayah": 6, "translation": "Sabihin mo: \u201cO mga naghudyo, kung umangkin kayo na kayo ay mga katangkilik para kay All\u0101h bukod sa mga tao ay magmithi kaya ng kamatayan kung kayo ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "62", "ayah": 7, "translation": "Hindi sila magmimithi niyon magpakailanman dahil sa ipinauna ng mga kamay nila. Si All\u0101h ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "62", "ayah": 8, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ang kamatayan na tumatakas kayo mula roon, tunay na ito ay makikipagkita sa inyo. Pagkatapos ibabalik kayo sa Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.\u201d" }, { "surah": "62", "ayah": 9, "translation": "O mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay All\u0101h at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam." }, { "surah": "62", "ayah": 10, "translation": "Kaya kapag natapos ang pagdarasal ay magsikalat kayo sa lupain, maghangad kayo mula sa kabutihang-loob ni All\u0101h, at mag-alaala kayo kay All\u0101h nang madalas nang sa gayon kayo ay magtatagumpay." }, { "surah": "62", "ayah": 11, "translation": "Ngunit nang [minsang] nakakita sila ng isang pangangalakal o isang paglilibangan ay nagkahiwa-hiwalay sila patungo roon at umiwan sila sa iyo na nakatayo. Sabihin mo: \u201cAng nasa ganang kay All\u0101h ay higit na mabuti kaysa sa paglilibangan at [higit na mabuti] kaysa sa pangangalakal. Si All\u0101h ay ang pinakamabuti sa mga tagatustos.\u201d" }, { "surah": "63", "ayah": 1, "translation": "Kapag dumating sa iyo ang mga mapagpaimbabaw ay nagsasabi sila: \u201cSumasaksi kami na tunay na ikaw ay talagang Sugo ni All\u0101h.\u201d Si All\u0101h ay nakaaalam na tunay na ikaw ay talagang Sugo Niya. Si All\u0101h ay sumasaksi na tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay talagang mga sinungaling.[637]" }, { "surah": "63", "ayah": 2, "translation": "Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang panangga [laban sa pagkapatay] kaya sumagabal sila sa landas[638] ni All\u0101h. Tunay na sila ay kay sagwa ang dati ginagawa!" }, { "surah": "63", "ayah": 3, "translation": "Iyon ay dahil sila ay sumampalataya, pagkatapos tumangging sumampalataya, kaya nagpinid sa mga puso nila, kaya sila ay hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "63", "ayah": 4, "translation": "Kapag nakakita ka sa kanila ay magpapahanga sa iyo ang mga anyo nila at kung magsasabi sila ay makikinig ka sa sabi nila. Para bang sila ay mga kahoy na isinandal [na walang buhay]. Nag-aakala sila na bawat sigaw ay laban sa kanila. Sila ay ang mga kalaban kaya mag-ingat ka sa kanila. Sumpain sila ni All\u0101h! Paanong nalilinlang sila [palayo sa pananampalataya]?" }, { "surah": "63", "ayah": 5, "translation": "Kapag sinabi sa kanila: \u201cHalikayo, hihingi ng tawad [mula kay All\u0101h] para sa inyo ang Sugo ni All\u0101h,\u201d ay nag-iiling-iling sila ng mga ulo nila at nakakikita ka sa kanila na sumasagabal habang sila ay mga nagmamalaki." }, { "surah": "63", "ayah": 6, "translation": "Magkapantay sa kanila na humingi ka man ng tawad para sa kanila o hindi ka humingi ng tawad para sa kanila; hindi magpapatawad si All\u0101h sa kanila. Tunay na si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail." }, { "surah": "63", "ayah": 7, "translation": "Sila ay ang mga nagsasabi: \u201cHuwag kayong gumugol sa mga nasa piling ng Sugo ni All\u0101h hanggang sa magkahiwa-hiwalay sila [palayo sa kanya].\u201d Sa kay All\u0101h ang mga ingatang-yaman ng mga langit at lupa, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "63", "ayah": 8, "translation": "Nagsasabi sila: \u201cTalagang kung bumalik kami sa Mad\u012bnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakakaaba-kaaba.\u201d Sa kay All\u0101h ang kapangyarihan, sa Sugo Niya, at sa mga mananampalataya, subalit ang mga mapagpaimbabaw ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "63", "ayah": 9, "translation": "O mga sumampalataya, huwag lumibang sa inyo ang mga yaman ninyo ni ang mga anak ninyo palayo sa pag-alaala kay All\u0101h. Ang sinumang gumawa niyon, ang mga iyon ay ang mga lugi." }, { "surah": "63", "ayah": 10, "translation": "Gumugol kayo [sa kawanggawa] mula sa itinustos Namin sa inyo bago pa pumunta sa isa sa inyo ang kamatayan para magsabi siya: \u201cPanginoon ko, bakit hindi Ka nag-aantala sa akin hanggang sa isang taning na malapit para magkawanggawa ako at ako ay maging kabilang sa mga maayos?\u201d" }, { "surah": "63", "ayah": 11, "translation": "Hindi mag-aantala si All\u0101h sa isang kaluluwa kapag dumating ang taning nito. Si All\u0101h ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "64", "ayah": 1, "translation": "Nagluluwalhati kay All\u0101h ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa; sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "64", "ayah": 2, "translation": "Siya ay ang lumikha sa inyo, saka kabilang sa inyo ay tagatangging sumampalataya at kabilang sa inyo ay mananampalataya. Si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita." }, { "surah": "64", "ayah": 3, "translation": "Lumikha Siya ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan, nagbigay-anyo Siya sa inyo saka nagpaganda Siya ng mga anyo ninyo; tungo sa Kanya ang kahahantungan." }, { "surah": "64", "ayah": 4, "translation": "Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa at nakaaalam Siya sa anumang inililihim ninyo at anumang inihahayag ninyo. Si All\u0101h ay Maalam sa laman ng mga dibdib." }, { "surah": "64", "ayah": 5, "translation": "Hindi ba sumapit sa inyo ang ulat hinggil sa mga tumangging sumampalataya bago pa niyan? Kaya lumasap sila ng kasaklapan ng nauukol sa kanila, at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "64", "ayah": 6, "translation": "Iyon ay dahil noon ay nagdadala sa kanila ang mga sugo nila [mula kay All\u0101h] ng mga malinaw na patunay ngunit nagsabi sila: \u201cMga tao ba ang papatnubay sa amin?\u201d Kaya tumanggi silang sumampalataya, tumalikod sila, at nagwalang-halaga si All\u0101h [sa pagtalima nila]. Si All\u0101h ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri." }, { "surah": "64", "ayah": 7, "translation": "Nag-angkin ang mga tumangging sumampalataya na hindi raw sila bubuhayin. Sabihin mo: \u201cOo naman; sumpa man sa Panginoon ko, talagang bubuhayin nga kayo, pagkatapos talagang babalitaan nga kayo hinggil sa ginawa ninyo. Iyon kay All\u0101h ay madali.\u201d" }, { "surah": "64", "ayah": 8, "translation": "Kaya sumampalataya kayo kay All\u0101h, sa Sugo Niya [na si Propeta Muh\u0323ammad], at sa liwanag [ng patnubay] na pinababa. Si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid." }, { "surah": "64", "ayah": 9, "translation": "Sa Araw na magtitipon Siya sa inyo para sa Araw ng pagtitipon. Iyon ay ang araw ng lamangan. Ang sinumang sumasampalataya kay All\u0101h at gumagawa ng matuwid ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapapasok Siya rito sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan." }, { "surah": "64", "ayah": 10, "translation": "Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n], ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno] bilang mga mananatili roon. Kay saklap ang kahahantungan!" }, { "surah": "64", "ayah": 11, "translation": "Walang tumama na anumang kasawian [sa sinuman] malibang ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Ang sinumang sumasampalataya kay All\u0101h ay magpapatnubay Siya sa puso nito. Si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "64", "ayah": 12, "translation": "Tumalima kayo kay All\u0101h at tumalima kayo sa Sugo [na si Propeta Muh\u0323ammad]. Kaya kung tumalikod kayo, tanging kailangan sa Sugo Namin ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe]." }, { "surah": "64", "ayah": 13, "translation": "Si All\u0101h, walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya. Kay All\u0101h ay manalig ang mga mananampalataya." }, { "surah": "64", "ayah": 14, "translation": "O mga sumampalataya, tunay na mayroon sa mga maybahay ninyo at mga anak ninyo na kaaway para sa inyo[639] kaya mag-ingat kayo sa kanila. Kung magpapaumanhin kayo, magpapalampas kayo,[640] at magpapatawad kayo, tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "64", "ayah": 15, "translation": "Ang mga yaman ninyo at ang mga anak ninyo ay isang tukso lamang samantalang si All\u0101h sa ganang Kanya ay may isang pabuyang sukdulan." }, { "surah": "64", "ayah": 16, "translation": "Kaya mangilag kayong magkasala kay All\u0101h sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo, at gumugol kayo [sa landas ni All\u0101h] ng isang kabutihan para sa mga sarili ninyo. Ang sinumang ipinagsanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay." }, { "surah": "64", "ayah": 17, "translation": "Kung magpapautang kayo kay All\u0101h ng isang pagpapautang na maganda[641] ay magpapaibayo Siya nito para sa inyo at magpapatatawad Siya sa inyo. Si All\u0101h ay Mapagpasalamat, Matimpiin," }, { "surah": "64", "ayah": 18, "translation": "ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "65", "ayah": 1, "translation": "O Propeta, kapag magdidiborsiyo kayo ng mga maybahay ay magdiborsiyo kayo sa kanila sa para sa [simula ng] panahon ng paghihintay nila, [642] magbilang kayo ng panahon ng paghihintay,[643] at mangilag kayong magkasala kay All\u0101h na Panginoon ninyo. Huwag kayong magpalisan sa kanila sa mga bahay [ng mga asawa] nila at hindi sila lilisan [sa panahon ng paghihintay] maliban na makagawa sila ng isang mahalay na naglilinaw. Iyon ay ang mga hangganan ni All\u0101h. Ang sinumang lalabag sa mga hangganan ni All\u0101h ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya. Hindi ka nakababatid marahil si All\u0101h ay magpangyari matapos niyon ng isang bagay [para magbalikan]." }, { "surah": "65", "ayah": 2, "translation": "Kaya kapag umabot sila sa taning nila ay humawak kayo sa kanila ayon sa isang nakabubuti o makipaghiwalay kayo sa kanila ayon sa isang nakabubuti. Magpasaksi kayo sa dalawang may katarungan kabilang sa inyo at magpanatili kayo ng pagsasaksi kay All\u0101h. Iyon ay ipinangangaral sa sinumang naging sumasampalataya kay All\u0101h at sa Huling Araw. Ang sinumang nangingilag magkasala kay All\u0101h ay gagawa Siya para rito ng isang malalabasan [sa bawat kagipitan]," }, { "surah": "65", "ayah": 3, "translation": "at magtutustos Siya rito mula sa kung saan hindi nito inaasahan. Ang sinumang nananalig kay All\u0101h, Siya ay kasapatan dito. Tunay na si All\u0101h ay umaabot sa nauukol sa Kanya. Gumawa nga si All\u0101h para sa bawat bagay ng isang pagtatakda." }, { "surah": "65", "ayah": 4, "translation": "Ang mga nawalan ng regla kabilang sa mga maybahay ninyo, kung nag-alinlangan kayo, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan, at [gayundin] ang mga hindi na niregla. Ang mga may dinadalang-tao, ang taning [ng paghihintay] nila ay na magsilang sila ng dinadalang-tao nila. Ang sinumang nangingilag magkasala kay All\u0101h,[644] gagawa Siya para rito mula sa lagay nito ng isang kaluwagan." }, { "surah": "65", "ayah": 5, "translation": "Iyon ay utos ni All\u0101h; nagpababa Siya nito sa inyo. Ang sinumang nangingilag magkasala kay All\u0101h[645] ay magtatakip Siya rito sa mga masagwang gawa nito at magpapasukdulan Siya para rito ng pabuya." }, { "surah": "65", "ayah": 6, "translation": "Magpatira kayo sa kanila [na mga babaing diniborsiyo] kung saan kayo nakatira ayon sa kaya ninyo at huwag kayong makipinsala sa kanila upang manggipit kayo sa kanila. Kung sila ay mga may dinadalang-tao, gumugol kayo sa kanila hanggang sa magsilang sila ng dinadalang-tao nila; saka kung nagpasuso sila [ng mga anak ninyo] para sa inyo, magbigay kayo sa kanila ng mga upa nila at mag-utusan kayo sa pagitan ninyo ayon sa isang nakabubuti. Kung nagkapahirapan kayo ay magpapasuso para rito ang ibang babae." }, { "surah": "65", "ayah": 7, "translation": "Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni All\u0101h. Hindi nag-aatang si All\u0101h sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito. Gagawa si All\u0101h, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa." }, { "surah": "65", "ayah": 8, "translation": "Kay rami ng pamayanang nagpakapalalo sa utos ng Panginoon ng mga ito at ng sugo ng mga ito. Kaya magtutuos Kami sa mga ito sa isang pagtutuos na matindi [na pagdurusa sa Mundo] at magdudulot Kami ng parusa sa mga ito sa isang pagdurusang pagkasama-sama [sa Mundo at Kabilang-buhay]." }, { "surah": "65", "ayah": 9, "translation": "Kaya lumasap ang mga ito ng kasaklapan ng nauukol sa mga ito at ang kinahinatnan ng nauukol sa mga ito ay naging isang pagkalugi [na walang-hanggan]." }, { "surah": "65", "ayah": 10, "translation": "Naghanda si All\u0101h para sa kanila ng isang pagdurusang matindi, kaya mangilag kayong magkasala kay All\u0101h, O mga may isip na mga sumampalataya. Nagpababa nga si All\u0101h sa inyo ng isang paalaala:" }, { "surah": "65", "ayah": 11, "translation": "isang Sugo[646] na bumibigkas sa inyo ng mga talata ni All\u0101h [sa Qur\u2019a\u0304n], bilang mga naglilinaw, upang magpalabas Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Ang sinumang sumasampalataya kay All\u0101h at gumagawa ng maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si All\u0101h para rito sa pagtustos." }, { "surah": "65", "ayah": 12, "translation": "Si All\u0101h ay ang lumikha ng pitong langit at mula sa lupa ng tulad ng mga ito. Nagbababaan ang kautusan sa pagitan ng mga ito upang makaalam kayo na si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan, at na si All\u0101h ay pumaligid nga sa bawat bagay sa kaalaman." }, { "surah": "66", "ayah": 1, "translation": "O Propeta, bakit ka nagbabawal [sa sarili mo] ng ipinahintulot ni All\u0101h para sa iyo, na naghahangad ng kaluguran ng mga maybahay mo? Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "66", "ayah": 2, "translation": "Nagsatungkulin nga si All\u0101h para sa inyo ng pagkalas sa mga panunumpa ninyo. Si All\u0101h ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo at Siya ay ang Maalam, ang Marunong." }, { "surah": "66", "ayah": 3, "translation": "[Banggitin] noong nagtapat ang Propeta sa isa sa mga maybahay niya [na si H\u0323afs\u0323ah] ng isang napag-usapan, saka noong nagsabalita ito hinggil doon [kay`A\u0304\u2019ishah] at naglantad naman niyon si All\u0101h sa kanya, nagbigay-alam siya ng isang bahagi nito at nagwalang-bahala siya sa ibang bahagi. Kaya noong nagsabalita siya rito hinggil doon ay nagsabi ito: \u201cSino ang nagbalita sa iyo nito?\u201d Nagsabi siya: \u201cNagsabalita sa akin [si All\u0101h,] ang Maalam, ang Mapagbatid.\u201d" }, { "surah": "66", "ayah": 4, "translation": "[Tatanggapin] kung magbabalik-loob kayong dalawa[647] kay All\u0101h sapagkat kumiling nga ang mga puso ninyong dalawa.[648] Kung magtataguyuran kayong dalawa laban sa kanya,[649] tunay na si All\u0101h ay Mapagtangkilik sa kanya at si Gabriel at ang maayos sa mga mananampalataya. Ang mga anghel, matapos niyon, ay mapagtaguyod [sa Kanya]." }, { "surah": "66", "ayah": 5, "translation": "Marahil ang Panginoon niya, kung nagdiborsiyo siya sa inyo, ay magpapalit sa kanya ng mga maybahay na higit na mabuti kaysa sa inyo \u2013 mga babaing tagapagpasakop, mga babaing mananampalataya, mga babaing masunurin, mga babaing tagapagbalik-loob, mga babaing mananamba, mga babaing tagaayuno, na mga dating nakapag-asawa at mga birhen." }, { "surah": "66", "ayah": 6, "translation": "O mga sumampalataya, magsanggalang kayo sa mga sarili ninyo at mga mag-anak ninyo sa isang apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato, na sa ibabaw nito ay may mga anghel na mababagsik na matitindi na hindi sumusuway kay All\u0101h sa anumang ipinag-utos Niya sa kanila at gumagawa sa anumang inuutos sa kanila." }, { "surah": "66", "ayah": 7, "translation": "O mga tumangging sumampalataya, huwag kayong magdahi-dahilan sa Araw [na ito]; gagantihan lamang kayo sa dati ninyong ginagawa [na kasamaan]." }, { "surah": "66", "ayah": 8, "translation": "O mga sumampalataya, magbalik-loob kayo kay All\u0101h sa isang pagbabalik-loob na tunay. Marahil ang Panginoon ninyo ay magtatakip para sa inyo sa mga masagwang gawa ninyo at magpapasok sa inyo sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog, sa Araw na hindi magpapahiya si All\u0101h sa Propeta at mga sumampalataya kasama sa kanya. Ang liwanag nila ay sisinag sa harapan nila at sa mga kanang kamay nila, habang nagsasabi: \u201cPanginoon namin, lumubos Ka para sa amin ng liwanag[650] namin at magpatawad Ka sa amin; tunay na Ikaw sa bawat bagay ay May-kakayahan.\u201d" }, { "surah": "66", "ayah": 9, "translation": "O Propeta [Muh\u0323ammad], makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw[651] at magpakabagsik ka sa kanila [sa digmaan]. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!" }, { "surah": "66", "ayah": 10, "translation": "Naglahad si All\u0101h ng isang paghahalintulad, para sa mga tumangging sumampalataya, sa maybahay ni Noe at maybahay ni Lot. Silang dalawa noon ay nasa ilalim ng dalawang lingkod kabilang sa mga lingkod Naming maaayos ngunit nagtaksil[652] silang dalawa sa dalawang ito kaya hindi nakapagdulot ang dalawang ito para sa kanilang dalawa mula kay All\u0101h ng anuman. Sasabihin: \u201cPumasok kayong dalawa sa Apoy kasama ng mga papasok.\u201d" }, { "surah": "66", "ayah": 11, "translation": "Naglahad si All\u0101h ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya, sa maybahay[653] ni Paraon noong nagsabi siya: \u201cPanginoon ko, magpatayo Ka para sa akin sa piling Mo ng isang bahay sa Paraiso, magligtas Ka sa akin laban kay Paraon at sa [karumal-dumal na] gawain niya, at magligtas Ka sa akin laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "66", "ayah": 12, "translation": "[Naglahad ng isang paghahalimbawa] kay Maria na anak ni `Imr\u0101n,[654] na nangalaga sa puri niya, kaya umihip Kami doon [sa bulsa ng baro] sa pamamagitan ng Espiritu Namin [na si Anghel Gabriel]. Nagpatotoo siya sa mga salita ng Panginoon niya at mga kasulatan Nito at siya noon ay kabilang sa mga masunurin [sa Panginoon]." } ]