[ { "surah": "46", "ayah": 1, "translation": "\u1e24\u0101. M\u012bm. [558]" }, { "surah": "46", "ayah": 2, "translation": "Ang pagbababa ng Aklat [na Qur\u2019a\u0304n] ay mula kay All\u0101h, ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "46", "ayah": 3, "translation": "Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at sa isang taning na tinukoy. Ang mga tumangging sumampalataya, hinggil sa ibinabala sa kanila ay mga umaayaw." }, { "surah": "46", "ayah": 4, "translation": "Sabihin mo: \u201cNagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay All\u0101h? Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa mga langit. Magdala kayo sa akin ng isang aklat [na ibinaba] bago pa nito o ng isang [natitirang] bakas mula sa kaalaman, kung kayo ay mga tapat.\u201d[559]" }, { "surah": "46", "ayah": 5, "translation": "Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa bukod pa kay All\u0101h, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagbangon samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?" }, { "surah": "46", "ayah": 6, "translation": "Kapag kinalap ang mga tao, ang mga [dinalanginang] ito para sa kanila ay magiging mga kaaway at ang mga ito sa pagsamba sa mga ito ay magiging mga tagatanggi [sa pagkilala]." }, { "surah": "46", "ayah": 7, "translation": "Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya hinggil sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: \u201cIto ay isang panggagaway na malinaw.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 8, "translation": "O nagsasabi sila: \u201cGinawa-gawa niya [ang Qur\u2019a\u0304n na] ito.\u201d Sabihin mo: \u201cKung gumawa-gawa ako nito ay hindi kayo makapagdudulot para sa akin laban kay All\u0101h ng anuman. Siya ay higit na maalam sa anumang sinusuong. Nakasapat Siya bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 9, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi ako isang pinasimulan mula sa mga sugo at hindi ako nakababatid sa gagawin sa akin ni sa inyo [sa Mundo]. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin at walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 10, "translation": "Sabihin mo: \u201cNagsaalang-alang ba kayo kung [ang Qur\u2019a\u0304n na] ito ay mula sa ganang kay All\u0101h at tumanggi kayong sumampalataya rito samantalang may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel [na ito ay mula kay All\u0101h batay sa] tulad [sa nasaad sa Torah], kaya sumampalataya siya samantalang nagmalaki kayo?\u201d Tunay na si All\u0101h ay hindi pumapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "46", "ayah": 11, "translation": "Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: \u201cKung sakaling [ang Isla\u0304m na] ito ay kabutihan, hindi sana sila nakauna sa amin dito.\u201d Yayamang hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito ay magsasabi sila: \u201cIto ay isang panlilinlang na luma.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 12, "translation": "Bago pa nito, ang Kasulatan ni Moises ay bilang gabay at bilang awa. [Ang Qur\u2019a\u0304n na] ito ay Aklat na tagapagpatotoo, sa wikang Arabe, upang magbabala ito sa mga lumabag sa katarungan[560] at bilang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "46", "ayah": 13, "translation": "Tunay na ang mga nagsabi: \u201cAng Panginoon namin ay si All\u0101h,\u201d pagkatapos nagpakatuwid sila,[561] ay walang pangamba sa kanila ni sila ay\u201d malulungkot.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 14, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso bilang mga mananatili roon bilang ganti sa dati nilang ginagawa." }, { "surah": "46", "ayah": 15, "translation": "Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya ng paggawa ng maganda. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa hirap at nagsilang ito sa kanya sa hirap. Ang pagdadalang-tao sa kanya at ang pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan; hanggang sa nang umabot siya sa katindihan niya at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay magsasabi siya: \u201cPanginoon ko, udyukan Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, na gumawa ako ng maayos na kalulugdan Mo, at magsaayos Ka para sa akin sa mga supling ko; tunay na ako ay nagbalik-loob sa Iyo [sa pagsisisi at pagtalima] at tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 16, "translation": "Ang mga iyon ay tatanggapan Namin buhat sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila at palalampasan Namin ng mga masagwang gawa nila [upang mapabilang sila] sa mga maninirahan sa Paraiso bilang pangako ng katapatan na sa kanila noon ay ipinangangako." }, { "surah": "46", "ayah": 17, "translation": "Ang nagsabi sa mga magulang niya: \u201cPagkasuya sa inyong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palabasin ako [sa libingan] samantalang lumipas na ang mga [ibang] salinlahi bago ko pa?\u201d samantalang silang dalawa [na mga madulang] ay nagpapasaklolo kay All\u0101h, [na nagsasabi]: \u201cKapighatian sa iyo! Sumampalataya ka! Tunay na ang pangako ni All\u0101h ay [laging] totoo,\u201d ngunit nagsasabi naman siya: \u201cWalang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 18, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga nagindapat sa kanila ang hatol [ng pagdurusa] sa mga kalipunang lumipas bago pa nila, kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay naging mga lugi." }, { "surah": "46", "ayah": 19, "translation": "Para sa lahat ay may mga antas [ng baytang] mula sa anumang ginawa nila, at upang maglulubus-lubos Siya sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila habang hindi sila nilalabag sa katarungan." }, { "surah": "46", "ayah": 20, "translation": "Sa araw na isasalang ang mga tumangging sumampalataya sa Apoy [ay sasabihin]: \u201cNag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyo sa Mundo at nagtamasa kayo roon. Kaya ngayong araw ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo dati ay nagmamalaki sa lupa nang walang karapatan at dahil kayo dati ay nagpapakasuwail.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 21, "translation": "Banggitin mo [si Hu\u0304d], ang kapatid ng [liping] `\u0100d, noong nagbabala siya sa mga kalipi niya sa Buhanginan.[562] Lumipas na ang mga mapagbabala noong bago pa niya at noong matapos na niya, [na nagsasabi]: \u201cHuwag kayong sumamba maliban kay All\u0101h; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 22, "translation": "Nagsabi sila: \u201cDumating ka ba sa amin upang magpalihis ka sa amin palayo sa mga diyos namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin, kung ikaw ay naging sa mga tapat.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 23, "translation": "Nagsabi siya: \u201cTanging ang kaalaman ay nasa ganang kay All\u0101h. Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 24, "translation": "Kaya noong nakakita sila niyon na isang ulap na [nakaharang na] nakaharap sa mga lambak nila ay nagsabi sila: \u201cIto ay isang ulap na magpapaulan sa atin.\u201d Bagkus iyon ay ang minadali ninyo na isang hanging sa loob nito ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "46", "ayah": 25, "translation": "Wawasak ito sa bawat bagay ayon sa utos ng Panginoon nito kaya sila ay magiging walang nakikita kundi ang mga tirahan nila. Gayon Kami gumaganti sa mga taong salarin." }, { "surah": "46", "ayah": 26, "translation": "Talaga ngang nagbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa [paraang] hindi Kami nagbigay-kapangyarihan sa inyo. Gumawa Kami para sa kanila ng pandinig, mga paningin, at mga puso ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga puso nila ng anuman yayamang sila dati ay nagkakaila sa mga tanda ni All\u0101h. Papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya." }, { "surah": "46", "ayah": 27, "translation": "Talaga ngang nagpahamak Kami sa nasa paligid ninyo na mga pamayanan at nagsarisari Kami ng mga tanda nang sa gayon sila ay babalik [sa masamang gawi nila]." }, { "surah": "46", "ayah": 28, "translation": "Kaya bakit hindi nag-adya sa kanila ang mga ginawa nila bukod pa kay All\u0101h bilang ipinanlalapit-loob [sa Kanya] na mga diyos? Bagkus naligaw ang mga ito palayo sa kanila. Iyon ay ang panlilinlang nila at ang dati nilang ginagawa-gawa." }, { "surah": "46", "ayah": 29, "translation": "[Banggitin] noong naglihis Kami tungo sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur\u2019\u0101n, saka noong dumalo sila roon ay nagsabi sila: \u201cTumahimik kayo [upang makinig].\u201d Kaya noong nagwakas ito ay umuwi sila sa mga kalahi nila bilang mga tagapagbabala [sa kanila]." }, { "surah": "46", "ayah": 30, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO mga kalahi namin, tunay na kami ay nakapakinig sa isang Aklat[563] na pinababa matapos na ni Moises, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, na nagpapatnubay tungo sa katotohanan at tungo sa isang landasing tuwid [ng Isla\u0304m]." }, { "surah": "46", "ayah": 31, "translation": "O mga kalahi namin, sumagot kayo sa tagapag-anyaya ni All\u0101h [na si Propeta Muh\u0323ammad] at sumampalataya kayo rito, magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at kakalinga Siya sa inyo laban sa isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "46", "ayah": 32, "translation": "Ang sinumang hindi sumagot sa tagapag-anyaya ni All\u0101h [na si Propeta Muh\u0323ammad] ay hindi makapagpapawalang-kakayahan [sa Kanya] sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw." }, { "surah": "46", "ayah": 33, "translation": "Hindi ba nila napag-alaman na si All\u0101h na lumikha ng mga langit at lupa at hindi napata sa paglikha ng mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay? Oo; tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "46", "ayah": 34, "translation": "Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya [ay sasabihin sa kanila]: \u201cHindi ba ito ang katotohanan?\u201d Magsasabi sila: \u201cOpo; sumpa man sa Panginoon namin.\u201d Magsasabi Siya: \u201cKaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo dati ay tumatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "46", "ayah": 35, "translation": "Kaya magtiis ka [O Propeta Muh\u0323ammad] kung paanong nagtiis ang mga may pagtitika kabilang sa mga sugo[564] at huwag kang magmadali para sa kanila. Para bang sila, sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila, ay hindi namalagi kundi isang oras mula sa maghapon. Isang pagpapaabot [ito] kaya walang ipahahamak kundi ang mga taong suwail [kay All\u0101h]." }, { "surah": "47", "ayah": 1, "translation": "Ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni All\u0101h[565] ay magpapawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila." }, { "surah": "47", "ayah": 2, "translation": "Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos at sumampalataya sa [Qur\u2019a\u0304n na] ibinaba kay [Propeta] Mu\u1e25ammad \u2013 at ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila \u2013 ay magtatakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila at magsasaayos Siya sa lagay nila [sa Mundo at Kabilang-buhay]." }, { "surah": "47", "ayah": 3, "translation": "Iyon ay dahil ang mga tumangging sumampalataya ay sumunod sa kabulaanan at ang mga sumampalataya naman ay sumunod sa katotohanan mula sa Panginoon nila. Gayon naglalahad si All\u0101h para sa mga tao ng mga paghahalintulad sa kanila." }, { "surah": "47", "ayah": 4, "translation": "Kaya kapag nakipagkita kayo [sa labanan] sa mga tumangging sumampalataya ay tumaga sa mga leeg nila; hanggang sa nang nakalipol kayo sa kanila ay maghigpit kayo ng mga paggapos [sa mga bihag] saka maaaring maging may pagmamagandang-loob matapos niyon o maaaring maging may pagpapatubos [sa mga bihag] hanggang sa magbaba ang digmaan ng mga pasanin nito. Iyon nga [ang utos ni All\u0101h]; at kung sakaling loloobin ni All\u0101h ay talaga sanang naghiganti Siya laban sa kanila subalit [ipinag-utos ang pakikibaka laban sa mga kaaway ng katotohanan, katarungan, at kapayapaan] upang sumubok Siya sa iba sa inyo sa pamamagitan ng iba pa. Ang mga pinatay sa landas ni All\u0101h ay hindi Siya magwawala sa mga gawa nila." }, { "surah": "47", "ayah": 5, "translation": "Magpapatnubay Siya sa kanila at magsasaayos Siya sa [kasalukuyang] lagay nila." }, { "surah": "47", "ayah": 6, "translation": "Magpapapasok Siya sa kanila sa Paraiso, na ipinakilala Niya sa kanila." }, { "surah": "47", "ayah": 7, "translation": "O mga sumampalataya, kung mag-aadya kayo kay All\u0101h [sa layunin Niya], mag-aadya Siya sa inyo at magpapatatag Siya sa mga paa ninyo [sa labanan]." }, { "surah": "47", "ayah": 8, "translation": "Ang mga tumangging sumampalataya, kasawian ay ukol sa kanila at iwawala Niya ang mga gawa nila." }, { "surah": "47", "ayah": 9, "translation": "Iyon ay dahil sila ay nasuklam sa [Qur\u2019a\u0304n na] pinababa ni All\u0101h kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila." }, { "surah": "47", "ayah": 10, "translation": "Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dumurog si All\u0101h sa kanila. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ang mga tulad niyon." }, { "surah": "47", "ayah": 11, "translation": "Iyon ay dahil si All\u0101h ang Pinagpapatangkilikan ng mga sumampalataya at [dahil] ang mga tagatangging sumampalataya ay walang pinagpapatangkilikan ukol sa kanila." }, { "surah": "47", "ayah": 12, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapakatamasa [sa Mundo] at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan. Ang Apoy ay tuluyan para sa kanila." }, { "surah": "47", "ayah": 13, "translation": "Kay raming pamayanan ay higit na matindi sa lakas kaysa sa [Makkah na] pamayanan mo na nagpalisan sa iyo! Nagpahamak Kami sa kanila sapagkat walang tagapag-adya para sa kanila." }, { "surah": "47", "ayah": 14, "translation": "Kaya ba ang sinumang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya ay gaya ng mga ipinaakit para sa kanila ang kasagwaan ng gawain nila at sumunod sila sa mga pithaya nila?" }, { "surah": "47", "ayah": 15, "translation": "Ang paglalarawan sa Paraiso \u2013 na pinangakuan ang mga tagapangilag magkasala roon ng mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago, ng mga ilog mula sa gatas na hindi nagbago ang lasa nito, ng mga ilog mula sa alak na kasarapan para sa mga tagainom, at ng mga ilog mula sa pulut-pukyutan na dinalisay, at may ukol sa kanila roon na lahat ng mga bunga at isang kapatawaran mula sa Panginoon nila \u2013 ay gaya ba ng mga mamamalagi sa Apoy at paiinumin ng isang nakapapasong tubig kaya magpuputul-putol ito sa mga bituka nila?" }, { "surah": "47", "ayah": 16, "translation": "Mayroon sa kanila [ng mga tagatangging sumampalataya] na [nagkukunwaring] nakikinig sa iyo; hanggang nang nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ng kaalaman: \u201cAno ang sinabi niya kanina?\u201d Ang mga iyon ay ang mga nagpinid si All\u0101h sa mga puso nila at sumunod sa mga pithaya nila." }, { "surah": "47", "ayah": 17, "translation": "Ang mga napatnubayan [sa landas ng Isla\u0304m] ay nagdagdag Siya sa kanila ng patnubay at nagbigay Siya sa kanila ng pangingilag nilang magkasala." }, { "surah": "47", "ayah": 18, "translation": "Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa Huling Sandali, na sumapit ito sa kanila nang bigla sapagkat dumating na ang mga tanda nito? Kaya papaanong ukol sa kanila, kapag dumating [ang Huling Sandali na] ito sa kanila, ang paalaala sa kanila?" }, { "surah": "47", "ayah": 19, "translation": "Kaya alamin mo na walang Diyos [na karapat-dapat sambahin] kundi si All\u0101h at humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at para sa [mga pagkakasala ng] mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Si All\u0101h ay nakaaalam sa ginagalawan ninyo at tuluyan ninyo [sa gabi ninyo]." }, { "surah": "47", "ayah": 20, "translation": "Nagsasabi ang mga sumampalataya: \u201cBakit kasi walang ibinaba na isang kabanata?\u201d[566] Ngunit nang may pinababa na isang kabanatang isinatahasan at binanggit dito ang pakikipaglaban, makikita mo ang mga sa mga puso nila ay may sakit [ng pagpapaimbabaw] na tumitingin sa iyo nang pagtingin ng hinimatay dahil sa [takot sa] kamatayan. Kaya higit na nararapat para sa kanila ay" }, { "surah": "47", "ayah": 21, "translation": "pagtalima [kay All\u0101h] at pagsasabing nakabubuti. Kaya kapag naisatungkulin ang usapin [ng pakikipaglaban] saka kung sakaling nagpakatotoo sila kay All\u0101h, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila." }, { "surah": "47", "ayah": 22, "translation": "Kaya marahil kayo kaya, kung tumalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol ng ugnayan sa mga kaanak ninyo?" }, { "surah": "47", "ayah": 23, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga isinumpa ni All\u0101h, kaya bumingi Siya sa kanila at bumulag Siya sa mga paningin nila [sa katotohanan]." }, { "surah": "47", "ayah": 24, "translation": "Kaya hindi ba sila nagmumuni-muni sa Qur\u2019\u0101n o sa mga puso ay may mga pampinid ng mga ito?" }, { "surah": "47", "ayah": 25, "translation": "Tunay na ang mga bumalik sa mga tinalikdan nila matapos na luminaw para sa kanila ang patnubay, ang demonyo ay humalina sa kanila at nagpapatagal [ng maling pag-asa] para sa kanila." }, { "surah": "47", "ayah": 26, "translation": "Iyon ay dahil sila ay nagsabi sa mga nasuklam sa [Qur\u2019a\u0304n na] ibinaba ni All\u0101h: \u201cTatalima kami sa inyo sa ilan sa usapin,\u201d samantalang si All\u0101h ay nakaaalam sa paglilihim nila." }, { "surah": "47", "ayah": 27, "translation": "Kaya papaano kapag bumawi sa kanila ang mga anghel habang pumapalo ang mga ito sa mga mukha nila at mga likod nila?" }, { "surah": "47", "ayah": 28, "translation": "Iyon ay dahil sila ay sumunod sa nagpainis kay All\u0101h at nasuklam sila sa pagkalugod Niya kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila." }, { "surah": "47", "ayah": 29, "translation": "O nag-akala ang mga sa mga puso nila ay may sakit [ng pagpapaimbabaw] na hindi magpapalabas si All\u0101h sa mga poot nila?" }, { "surah": "47", "ayah": 30, "translation": "Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ipinakita Namin sa iyo sila kaya talaga sanang nakilala mo sila sa pamamagitan ng mga tatak nila at talaga sanang makikilala mo nga sila sa himig ng pagkakasabi [nila]. Si All\u0101h ay nakaaalam sa mga gawa ninyo." }, { "surah": "47", "ayah": 31, "translation": "Talagang susubok nga Kami sa inyo hanggang sa maghayag Kami sa mga nakikibaka [sa pakikipaglaban] kabilang sa inyo at mga nagtitiis at sumubok Kami sa mga gawain ninyo." }, { "surah": "47", "ayah": 32, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya, sumagabal [sa mga tao] sa landas ni All\u0101h, at nakipaghidwaan sa Sugo matapos na luminaw para sa kanila ang patnubay ay hindi makapipinsala kay All\u0101h sa anuman at magpapawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila." }, { "surah": "47", "ayah": 33, "translation": "O mga sumampalataya, tumalima kayo kay All\u0101h at tumalima kayo sa Sugo, at huwag kayong magpawalang-saysay sa mga [magandang] gawa ninyo." }, { "surah": "47", "ayah": 34, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa landas ni All\u0101h \u2013 pagkatapos namatay sila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya \u2013 ay hindi magpapatawad si All\u0101h sa kanila." }, { "surah": "47", "ayah": 35, "translation": "Kaya huwag kayong panghinaan at [huwag] kayong mag-anyaya sa pakikipagpayapaan samantalang kayo ay ang mga pinakamataas at si All\u0101h ay kasama sa inyo. Hindi Siya magbabawas sa inyo sa [gantimpala sa] mga gawa ninyo." }, { "surah": "47", "ayah": 36, "translation": "Ang buhay na pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang. Kung sasampalataya kayo at mangingilag kayong magkasala ay magbibigay Siya sa inyo ng mga pabuya ninyo at hindi Siya hihingi sa inyo ng mga yaman ninyo." }, { "surah": "47", "ayah": 37, "translation": "Kung hihingi Siya sa inyo niyon saka magpipilit Siya sa inyo ay magmamaramot kayo at magpapalabas Siya sa mga poot ninyo." }, { "surah": "47", "ayah": 38, "translation": "Kayo nga itong tinatawagan upang gumugol kayo sa landas ni All\u0101h ngunit mayroon sa inyo na nagmamaramot. Ang sinumang nagmamaramot ay nagmamaramot lamang sa sarili niya. Si All\u0101h ay ang Walang-pangangailangan samantalang kayo ay ang mga maralita [sa Kanya]. Kung tatalikod kayo ay papalitan Niya [kayo] ng mga taong iba sa inyo, pagkatapos hindi sila magiging mga tulad ninyo." }, { "surah": "48", "ayah": 1, "translation": "Tunay na Kami ay nagpawagi sa iyo [O Muh\u0323ammad] ng isang malinaw na pagwagi[567]" }, { "surah": "48", "ayah": 2, "translation": "upang magpatawad sa iyo si All\u0101h sa anumang nauna na pagkakasala mo at anumang naantala, [upang] lumubos Siya sa biyaya Niya sa iyo, [upang] magpatnubay Siya sa iyo sa isang landasing tuwid," }, { "surah": "48", "ayah": 3, "translation": "at [upang] mag-adya Siya sa iyo ng isang pag-aadyang makapangyarihan." }, { "surah": "48", "ayah": 4, "translation": "Siya ay ang nagpababa ng katahimikan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila [sa kasalukuyan] ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila. Sa kay All\u0101h ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "48", "ayah": 5, "translation": "[Ito ay] upang magpapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, [upang] magtakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila \u2013 laging iyon sa ganang kay All\u0101h ay isang pagkatamong sukdulan \u2013" }, { "surah": "48", "ayah": 6, "translation": "at [upang] pagdusahin Niya ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw, at ang mga lalaking tagapagtambal at ang mga babaing tagapagtambal, na mga nagpapalagay kay All\u0101h ng pagpapalagay ng kasagwaan. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Nagalit si All\u0101h sa kanila, sumumpa Siya sa kanila, at naghanda Siya para sa kanila ng Impiyerno. Kay saklap iyon bilang kahahantungan!" }, { "surah": "48", "ayah": 7, "translation": "Sa kay All\u0101h ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "48", "ayah": 8, "translation": "Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] bilang tagasaksi, bilang tagapagbalita ng nakagagalak [na mamamalaging Kaginhawahan], at bilang mapagbabala [ng Pagdurusa]," }, { "surah": "48", "ayah": 9, "translation": "upang sumampalataya kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya, kumatig kayo rito, gumalang kayo rito, at magluwalhati kayo sa Kanya sa umaga at sa gabi." }, { "surah": "48", "ayah": 10, "translation": "Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] ay nangangako lamang ng katapatan kay All\u0101h habang ang kamay ni All\u0101h ay nasa ibabaw ng mga kamay nila. Kaya ang sinumang sumira [sa pangako] ay sumisira lamang siya laban sa sarili niya. Ang sinumang tumupad sa pakikipagkasunduan kay All\u0101h ay magbibigay Siya sa kanya ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]." }, { "surah": "48", "ayah": 11, "translation": "Magsasabi sa iyo ang mga pinaiwan [dahil sa pag-ibig sa kamunduhan] kabilang sa mga Arabeng disyerto: \u201cUmabala sa amin ang mga ari-arian namin at ang mga mag-anak namin kaya magpatawad Ka sa amin.\u201d Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Sabihin mo: \u201cSino ang makapagdudulot para sa inyo laban kay All\u0101h ng anuman kung nagnais Siya sa inyo ng isang kapinsalaan o nagnais Siya sa inyo ng isang kapakinabangan? Bagkus laging si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid." }, { "surah": "48", "ayah": 12, "translation": "Bagkus nagpalagay kayo na hindi uuwi ang Sugo at ang mga mananampalataya sa mga mag-anak nila magpakailanman, ipinang-akit iyon sa mga puso ninyo, nagpalagay kayo ng pagpapalagay ng kasagwaan, at kayo ay naging mga taong napariwara.\u201d" }, { "surah": "48", "ayah": 13, "translation": "Ang sinumang hindi sumampalataya kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] ay tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang Liyab." }, { "surah": "48", "ayah": 14, "translation": "Sa kay All\u0101h ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagpapatawad Siya sa kaninumang niloloob Niya at nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Laging si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "48", "ayah": 15, "translation": "Magsasabi ang mga pinaiwan kapag lumisan kayo patungo sa mga samsam upang kumuha ng mga iyon: \u201cMagpaubaya kayo sa amin, susunod kami sa inyo.\u201d Nagnanais sila na magpalit ng Pananalita ni All\u0101h. Sabihin mo: \u201cHindi kayo susunod sa amin; gayon nagsabi si All\u0101h bago pa niyan.\u201d Kaya magsasabi sila: \u201cBagkus naiinggit kayo sa amin.\u201d Bagkus sila noon ay hindi nakauunawa[568] kundi ng kaunti." }, { "surah": "48", "ayah": 16, "translation": "Sabihin mo sa mga pinaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto: \u201cAanyayahan kayo [para makipaglaban] tungo sa mga taong may matinding kapangyarihan. Makikipaglaban kayo sa kanila o magpapasakop sila. Kaya kung tatalima kayo ay magbibigay sa inyo si All\u0101h ng isang pabuyang maganda [sa Paraiso]. Kung tatalikod kayo kung paanong tumalikod kayo bago pa niyan, pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang masakit.\u201d" }, { "surah": "48", "ayah": 17, "translation": "Walang maisisisi sa bulag, walang maisisisi sa pilay, at walang maisisisi sa may-sakit [na magpaiwan]. Ang sinumang tumatalima kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang sinumang tumalikod ay pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "48", "ayah": 18, "translation": "Talaga ngang nalugod si All\u0101h sa mga mananampalataya noong nangangako sila ng katapatan sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] sa ilalim ng punong-kahoy sapagkat nakaalam Siya sa nasa mga puso nila kaya naman nagpababa Siya ng katahimikan sa kanila at gumantimpala Siya sa kanila ng isang pagpapawaging malapit," }, { "surah": "48", "ayah": 19, "translation": "at maraming samsam na makukuha nila. Laging si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "48", "ayah": 20, "translation": "Nangako sa inyo si All\u0101h ng maraming samsam na makukuha ninyo kaya minadali Niya para sa inyo ang mga ito[569] at pumigil Siya sa mga kamay ng mga tao laban sa inyo,[570] at upang ang mga [samsam sa digmaan na] ito ay maging isang tanda para sa mga mananampalataya at magpatnubay Siya sa inyo sa isang landasing tuwid [ng Isla\u0304m]." }, { "surah": "48", "ayah": 21, "translation": "May iba pa [na mga pagwawaging ipinangako] na hindi kayo nakakaya sa mga iyon, na pumaligid si All\u0101h sa mga iyon. Laging si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "48", "ayah": 22, "translation": "Kung sakaling kumalaban sa inyo ang mga tumangging sumampalataya ay talaga sanang nagbaling sila ng mga likod, pagkatapos hindi sila nakatatagpo ng isang katangkilik ni isang mapag-adya." }, { "surah": "48", "ayah": 23, "translation": "[Nagsakalakaran] ng kalakaran ni All\u0101h na nagdaan na bago pa niyan at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni All\u0101h ng isang pagpapalit." }, { "surah": "48", "ayah": 24, "translation": "Siya ay ang pumigil sa mga kamay nila laban sa inyo at sa mga kamay ninyo laban sa kanila sa lambak ng [H\u0323udaybi\u0304yah malapit sa] Makkah matapos na nagpanalo Siya sa inyo laban sa kanila [na sumalakay sa inyo papunta sa Makkah]. Laging si All\u0101h sa anumang ginagawa ay Nakakikita." }, { "surah": "48", "ayah": 25, "translation": "Sila ay ang mga tumangging sumampalataya at sumagabal sa inyo sa Masjid na Pinakababanal at sa inaalay habang pinigilan na makarating sa pinag-aalayan nito. Kung hindi dahil sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na hindi kayo nakaalam sa kanila [sa Makkah] \u2013 na baka makapaslang kayo sa kanila para may tumama sa inyo dahil sa kanila na isang kapintasan nang wala sa kaalaman [ninyo] \u2013 [talaga sanang nagpahintulot Siya sa iyo sa pagsakop sa Makkah] upang magpapapasok si All\u0101h ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Kung sakaling nabukod sila [ng mga mananampalataya at mga tagatangging sumampalataya] ay talaga sanang pinagdusa Namin ang mga tumanging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "48", "ayah": 26, "translation": "Noong naglagay ang mga tumangging sumampalataya sa mga puso nila ng [pagkadama ng] kapalaluan, kapalaluan ng Panahon ng Kamangmangan, ay nagpababa si All\u0101h ng katahimikan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpanatili Siya sa kanila sa salita ng pangingilag magkasala, at sila ay higit na may karapatan doon at higit na karapat-dapat doon.[571] Laging si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "48", "ayah": 27, "translation": "Talaga ngang nagsakatuparan si All\u0101h sa Sugo Niya ng panaginip ayon sa katotohanan. Talagang papasok nga kayo sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah], kung niloob ni All\u0101h, na mga ligtas na mga nag-ahit ng mga ulo ninyo [ang ilan] at mga nagpaiksi [ng buhok ang ilan], na hindi kayo nangangamba, saka nakaalam Siya ng hindi ninyo nalaman kaya gumawa Siya bukod pa roon[572] ng isang pagpapawaging malapit." }, { "surah": "48", "ayah": 28, "translation": "28 Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] kalakip ng patnubay at Relihiyon ng Katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [ibang] relihiyon sa kabuuan nito. Nakasapat si All\u0101h bilang Saksi." }, { "surah": "48", "ayah": 29, "translation": "Si Mu\u1e25ammad ay ang Sugo ni All\u0101h. Ang mga kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya, mga maawain sa isa\u2019t isa sa kanila. Makikita mo sila na mga nakayukod, mga nakapatirapa, na naghahangad ng isang kabutihang-loob mula kay All\u0101h at ng isang kasiyahan [Niya]. Ang tatak nila ay nasa mga mukha nila, mula sa bakas ng pagpapatirapa. Iyon ay ang paglalarawan sa kanila sa Torah.[573] Ang paglalarawan naman sa kanila sa Ebanghelyo[574] ay gaya ng tanim na nagluwal ng usbong nito, saka pinalakas nito iyon, saka kumapal iyon, saka tumayo iyon sa puno nito, na nagpatuwa sa mga tagatanim, upang magpangitngit Siya sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako si All\u0101h sa mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos kabilang sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]." }, { "surah": "49", "ayah": 1, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong manguna sa harap ni All\u0101h at ng Sugo Niya at mangilag kayong magkasala kay All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "49", "ayah": 2, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong magtaas ng mga tinig ninyo higit sa tinig ni Propeta [Muh\u0323ammad] at huwag kayong maglakas [ng tinig] sa kanya sa pagsasabi gaya ng pagpapalakas ng tinig ng ilan sa inyo sa iba pa dahil [baka] mawalang-kabuluhan ang mga [magandang] gawa ninyo samantalang kayo ay hindi nakararamdam." }, { "surah": "49", "ayah": 3, "translation": "Tunay na ang mga nagbababa ng mga tinig nila sa piling ng Sugo ni All\u0101h, ang mga iyon ay ang mga nasubok ni All\u0101h ang mga puso nila para sa pangingilag magkasala. Ukol sa kanila ay isang pabuyang sukdulan." }, { "surah": "49", "ayah": 4, "translation": "Tunay na ang mga tumatawag sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] mula sa likuran ng mga silid, ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "49", "ayah": 5, "translation": "Kung sakaling sila ay nagtiis hanggang sa lumabas ka sa kanila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila. Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "49", "ayah": 6, "translation": "O mga sumampalataya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang balita ay magsiyasat kayo dahil baka makapaminsala kayo ng mga tao dahil sa kamangmangan, saka kayo dahil sa nagawa ninyo ay baka maging mga nagsisisi." }, { "surah": "49", "ayah": 7, "translation": "Alamin ninyo na nasa inyo ang Sugo ni All\u0101h [na si Propeta Muh\u0323ammad]. Kung sakaling tatalima siya sa inyo sa marami sa usapin ay talaga sanang nahirapan kayo. Subalit si All\u0101h ay nagpaibig sa inyo sa pananampalataya, nagpaakit nito sa mga puso ninyo, at nagpasuklam sa inyo ng kawalang-pananampalataya at kasuwailan. Ang mga iyon ay ang mga nagagabayan." }, { "surah": "49", "ayah": 8, "translation": "[Nangyari ito] bilang kabutihang-loob mula kay All\u0101h at bilang biyaya [Niya]. Si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "49", "ayah": 9, "translation": "Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa; ngunit kung lumabag ang isa sa dalawa sa iba ay kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni All\u0101h. Kaya kung bumalik ito [at tumigil ito sa pangangaway] ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa ayon sa katarungan at magpakamakatarungan kayo; tunay na si All\u0101h ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan." }, { "surah": "49", "ayah": 10, "translation": "Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang, kaya magpayapa kayo sa pagitan ng mga kapatid ninyo. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h nang sa gayon kayo ay kaaawaan." }, { "surah": "49", "ayah": 11, "translation": "O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]; at huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa\u2019t isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya [sa Isla\u0304m]. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "49", "ayah": 12, "translation": "O mga sumampalataya, umiwas kayo sa maraming pagpapalagay; tunay na ang ilan sa pagpapalagay ay kasalanan. Huwag kayong maniktik. Huwag manlibak ang ilan sa inyo ang iba pa. Iibigin ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya kapag patay na? Nasuklam kayo rito [kaya kasuklaman ninyo ang panlilibak]. Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain." }, { "surah": "49", "ayah": 13, "translation": "O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa isang lalaki [na si Adan] at isang babae [na si Eva] at gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang magkakilalahan kayo.[575] Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay All\u0101h ay ang pinakamapangilag magkasala sa inyo.[576] Tunay na si All\u0101h ay Maalam, Mapagbatid." }, { "surah": "49", "ayah": 14, "translation": "Nagsabi ang [ilan sa] mga Arabeng disyerto: \u201cSumampalataya kami.\u201d Sabihin mo: \u201cHindi [pa] kayo sumampalataya, subalit sabihin ninyo: \u2018Nagpasakop kami [sa Isla\u0304m].\u2019 Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo. Kung tatalima kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] ay hindi Siya babawas sa inyo mula sa mga gawa ninyo ng anuman. Tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain.\u201d" }, { "surah": "49", "ayah": 15, "translation": "Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad], pagkatapos hindi sila nag-alinlangan, at nakibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni All\u0101h. Ang mga iyon ay ang mga tapat." }, { "surah": "49", "ayah": 16, "translation": "Sabihin mo: \u201cNagtuturo ba kayo kay All\u0101h ng relihiyon ninyo[577] samantalang si All\u0101h ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam.\u201d" }, { "surah": "49", "ayah": 17, "translation": "Nanunumbat sila sa iyo na nagpasakop sila. Sabihin mo: \u201cHuwag kayong manumbat sa akin ng pagpapasakop ninyo, bagkus si All\u0101h ay nagmamagandang-loob sa inyo na pumatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya, kung kayo ay naging mga tapat.\u201d" }, { "surah": "49", "ayah": 18, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay nakaaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa. Si All\u0101h ay Nakakikita sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "50", "ayah": 1, "translation": "Q\u0101f.[578] Sumpa man sa Qur\u2019\u0101n na maringal: [si Muh\u0323ammad ay talagang Sugo ni All\u0101h]." }, { "surah": "50", "ayah": 2, "translation": "Bagkus nagtaka sila na dumating sa kanila ang isang tagapagbabala [na si Propeta Muh\u0323ammad] kabilang sa kanila, kaya nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: \u201cIto ay isang bagay na kataka-taka." }, { "surah": "50", "ayah": 3, "translation": "Kapag ba kami ay namatay at naging alabok, [bubuhayin ba kami]? Iyon ay isang pagpapabalik na malayo [nang mangyari].\u201d" }, { "surah": "50", "ayah": 4, "translation": "Nakaalam nga Kami sa anumang ibinabawas ng lupa mula sa kanila. Sa piling Namin ay may isang talaang mapag-ingat." }, { "surah": "50", "ayah": 5, "translation": "Bagkus nagpasinungaling sila sa katotohanan[579] noong dumating ito sa kanila, kaya sila ay nasa kalagayang natutuliro." }, { "surah": "50", "ayah": 6, "translation": "Kaya hindi ba sila tumingin sa langit sa ibabaw nila kung papaanong nagpatayo Kami nito at gumayak Kami nito [ng mga bituin], at wala itong anumang mga bitak?" }, { "surah": "50", "ayah": 7, "translation": "Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matatag na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat uring marilag," }, { "surah": "50", "ayah": 8, "translation": "bilang pagpapakita at bilang paalaala para sa bawat lingkod na nagsisising nagbabalik [kay All\u0101h sa pagtalima at pagsisisi]." }, { "surah": "50", "ayah": 9, "translation": "Nagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na biniyayaan saka nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga hardin at mga butil na inaani," }, { "surah": "50", "ayah": 10, "translation": "at mga puno ng datiles, habang mga pumapaitaas na may bunga na patung-patong," }, { "surah": "50", "ayah": 11, "translation": "bilang panustos para sa mga lingkod [ni All\u0101h]. Nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan nito ng isang lupaing patay. Gayon ang paglabas [ng buhay]." }, { "surah": "50", "ayah": 12, "translation": "Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe, ang mga naninirahan sa Rass, ang [liping] Tham\u016bd," }, { "surah": "50", "ayah": 13, "translation": "ang [mga kalipi ng] `\u0100d, si Paraon, at ang mga kapatid ni Lot," }, { "surah": "50", "ayah": 14, "translation": "ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan], at ang mga kalipi ni Tubba`. Bawat [isa] ay nagpasinungaling sa mga sugo [Ko] kaya nagindapat ang banta Ko." }, { "surah": "50", "ayah": 15, "translation": "Kaya nangalupaypay ba Kami sa unang paglikha? Bagkus sila ay nasa isang pagkalito sa paglikhang bago [sa Kabilang-buhay]." }, { "surah": "50", "ayah": 16, "translation": "Talaga ngang lumikha Kami sa tao, habang nakaaalam Kami sa anumang isinusulsol sa kanya ng sarili niya at Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat ng leeg." }, { "surah": "50", "ayah": 17, "translation": "[Banggitin] kapag tumatanggap ang dalawang [tagatalang anghel na] tagatanggap sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang nakaupo [na nagtatala]." }, { "surah": "50", "ayah": 18, "translation": "Wala siyang binibigkas na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang [anghel] mapagmasid na nakalaan [na magtala]." }, { "surah": "50", "ayah": 19, "translation": "Maghahatid ang hapdi ng kamatayan ng katotohanan; iyon ay ang dati mong tinatakasan." }, { "surah": "50", "ayah": 20, "translation": "Iihip sa tambuli, iyon ay ang Araw ng [Pagtupad sa] Pagbabanta." }, { "surah": "50", "ayah": 21, "translation": "Darating ang bawat kaluluwa na may kasama itong isang [anghel na] tagaakay at isang [anghel na] saksi [sa mga salita niya at mga gawa niya]." }, { "surah": "50", "ayah": 22, "translation": "[Sasabihin]: \u201cTalaga ngang ikaw dati ay nasa isang pagkalingat rito, kaya humawi Kami sa iyo ng takip mo kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas.\u201d" }, { "surah": "50", "ayah": 23, "translation": "Magsasabi ang [anghel na] kaugnay niya: \u201cItong taglay ko [na talaan ng mga gawa niya] ay nakalaan.\u201d" }, { "surah": "50", "ayah": 24, "translation": "[Magsasabi si All\u0101h]: \u201cMagtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat palatanggi na mapagmatigas," }, { "surah": "50", "ayah": 25, "translation": "palakait ng kabutihan, tagalabag na tagapagpaalinlangan," }, { "surah": "50", "ayah": 26, "translation": "na gumawa kasama kay All\u0101h ng isang diyos na iba pa. Kaya itapon ninyong dalawa siya sa pagdurusang matindi.\u201d" }, { "surah": "50", "ayah": 27, "translation": "Magsasabi ang [demonyong] kaugnay niya: \u201cPanginoon namin, hindi ako nagpalabis sa kanya, subalit siya dati ay nasa isang pagkaligaw na malayo.\u201d" }, { "surah": "50", "ayah": 28, "translation": "Magsasabi Siya: \u201cHuwag kayong magkaalitan sa piling Ko at nagpauna na Ako para sa inyo ng banta." }, { "surah": "50", "ayah": 29, "translation": "Hindi pinapalitan ang nasabi sa ganang Akin at Ako ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod.\u201d" }, { "surah": "50", "ayah": 30, "translation": "Sa Araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: \u201cNapuno ka kaya?\u201d at magsasabi ito: \u201cMay dagdag pa kaya?\u201d" }, { "surah": "50", "ayah": 31, "translation": "Palalapitin ang Paraiso para sa mga tagapangilag magkasala nang hindi malayo." }, { "surah": "50", "ayah": 32, "translation": "[Sasabihin]: \u201cIto ay ang ipinangangako sa inyo \u2013 para sa bawat palabalik, mapag-ingat," }, { "surah": "50", "ayah": 33, "translation": "na sinumang natakot sa Napakamaawain nang nakalingid at naghatid ng isang pusong nagsisising bumabalik [sa Kanya]." }, { "surah": "50", "ayah": 34, "translation": "Pumasok kayo rito [sa Paraiso] sa kapayapaan; iyon ay ang Araw ng Pamamalagi.\u201d" }, { "surah": "50", "ayah": 35, "translation": "Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila rito at mayroon Kaming isang dagdag.[580]" }, { "surah": "50", "ayah": 36, "translation": "Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik, saka gumalugad sila sa bayan; may mapupuslitan kaya?" }, { "surah": "50", "ayah": 37, "translation": "Tunay na sa gayon ay talagang may paalaala para sa sinumang may puso o nag-ukol ng pakikinig habang siya ay saksi." }, { "surah": "50", "ayah": 38, "translation": "Talaga ngang lumikha Kami ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw at walang sumaling sa Amin na anumang pagkapata." }, { "surah": "50", "ayah": 39, "translation": "Kaya magtiis ka sa sinasabi nila at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog [nito]." }, { "surah": "50", "ayah": 40, "translation": "Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa mga katapusan ng pagpapatirapa.[581]" }, { "surah": "50", "ayah": 41, "translation": "Makinig ka sa Araw na mananawagan [para sa Pagkabuhay] ang [anghel na] tagapanawagan mula sa isang pook na malapit," }, { "surah": "50", "ayah": 42, "translation": "sa Araw na maririnig nila ang Sigaw [ng tambuli] kalakip ng katotohanan. Iyon ay ang Araw ng Paglabas [mula sa mga libingan]." }, { "surah": "50", "ayah": 43, "translation": "Tunay na Kami mismo ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan at tungo sa Amin ang kahahantungan," }, { "surah": "50", "ayah": 44, "translation": "sa araw na magkakabiyak-biyak ang lupa palayo sa kanila habang nasa pagmamadali. Iyon ay isang pagkakalap, na sa Amin ay madali." }, { "surah": "50", "ayah": 45, "translation": "Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang palasupil, kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur\u2019\u0101n sa sinumang nangangamba sa banta Ko." }, { "surah": "51", "ayah": 1, "translation": "Sumpa[582] man sa mga [hanging] tagapagpalipad sa pagpapalipad [ng alikabok]," }, { "surah": "51", "ayah": 2, "translation": "saka sa mga [ulap na] tagapagdala ng lulan [na tubig]," }, { "surah": "51", "ayah": 3, "translation": "at sa mga [daong na] tagapaglayag nang magaan," }, { "surah": "51", "ayah": 4, "translation": "saka sa mga [anghel na] tagapagbahagi ng nauukol," }, { "surah": "51", "ayah": 5, "translation": "tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang tapat," }, { "surah": "51", "ayah": 6, "translation": "at tunay na ang Pagtutumbas ay talagang magaganap!" }, { "surah": "51", "ayah": 7, "translation": "Sumpa man sa langit na may mga daanan," }, { "surah": "51", "ayah": 8, "translation": "tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba [tungkol sa Qur\u2019a\u0304n na ito]." }, { "surah": "51", "ayah": 9, "translation": "Nalilinlang palayo rito [sa Qur\u2019a\u0304n] ang sinumang nalinlang." }, { "surah": "51", "ayah": 10, "translation": "Napahamak ang mga palasapantaha," }, { "surah": "51", "ayah": 11, "translation": "na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta." }, { "surah": "51", "ayah": 12, "translation": "Nagtatanong sila: \u201cKailan ang Araw ng Pagtutumbas?\u201d" }, { "surah": "51", "ayah": 13, "translation": "[Ito ay] sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban." }, { "surah": "51", "ayah": 14, "translation": "Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali!" }, { "surah": "51", "ayah": 15, "translation": "Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal," }, { "surah": "51", "ayah": 16, "translation": "habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "51", "ayah": 17, "translation": "Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip.[583]" }, { "surah": "51", "ayah": 18, "translation": "Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad [kay All\u0101h]." }, { "surah": "51", "ayah": 19, "translation": "Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan.[584] [na hindi nanghihingi]." }, { "surah": "51", "ayah": 20, "translation": "Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak," }, { "surah": "51", "ayah": 21, "translation": "at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita?" }, { "surah": "51", "ayah": 22, "translation": "Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo." }, { "surah": "51", "ayah": 23, "translation": "Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng [katotohanan na] kayo ay bumibigkas [niyon]." }, { "surah": "51", "ayah": 24, "translation": "Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan?" }, { "surah": "51", "ayah": 25, "translation": "Noong pumasok sila [na mga anghel] sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: \u201cKapayapaan, mga taong di-kilala.\u201d" }, { "surah": "51", "ayah": 26, "translation": "Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang [inihaw na] guyang mataba." }, { "surah": "51", "ayah": 27, "translation": "Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: \u201cHindi ba kayo kakain?\u201d" }, { "surah": "51", "ayah": 28, "translation": "Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: \u201cHuwag kang mangamba.\u201d Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa [pagsilang ni Isaac na] isang batang lalaking maalam." }, { "surah": "51", "ayah": 29, "translation": "Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw [sa tuwa] saka tinampal nito ang mukha nito [sa pagtataka] at nagsabi: \u201cMatandang babaing baog [ako]!\u201d" }, { "surah": "51", "ayah": 30, "translation": "Nagsabi sila: \u201cGayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam.\u201d" } ]