[ { "surah": "39", "ayah": 32, "translation": "Kaya sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagsinungaling laban kay All\u0101h[503] at nagpasinungaling sa katapatan[504] noong dumating [ang kaalamang] ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?" }, { "surah": "39", "ayah": 33, "translation": "Ang naghatid [na si Propeta Muh\u0323ammad] ng katapatan[505] at nagpatotoo rito, ang mga iyon ay ang mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "39", "ayah": 34, "translation": "Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila. Iyon ay ang ganti sa mga tagagawa ng maganda" }, { "surah": "39", "ayah": 35, "translation": "upang magtakip-sala si All\u0101h para sa kanila sa pinakamasagwa sa ginawa nila at gumanti Siya sa kanila ng pabuya nila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa." }, { "surah": "39", "ayah": 36, "translation": "Hindi ba si All\u0101h ay Tagapagpasapat sa lingkod Niya? Nagpapangamba sila sa iyo sa pamamagitan ng mga [sinasambang] bukod pa sa Kanya. Ang sinumang ililigaw ni All\u0101h [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan] ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay." }, { "surah": "39", "ayah": 37, "translation": "Ang sinumang papatnubayan ni All\u0101h ay walang ukol dito na anumang tagapagligaw. Hindi ba si All\u0101h ay Makapangyarihan, May paghihiganti [sa kasamaan]?" }, { "surah": "39", "ayah": 38, "translation": "Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga silang si All\u0101h. Sabihin mo: \u201cKaya nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay All\u0101h? Kung nagnais sa akin si All\u0101h ng isang pinsala, sila kaya ay makapag-aalis ng pinsala Niya? O kung nagnais Siya sa akin ng awa, sila kaya ay makapipigil ng awa Niya?\u201d Sabihin mo: \u201cKasapatan sa akin si All\u0101h. Sa Kanya nananalig ang mga nananalig.\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 39, "translation": "Sabihin mo: \u201cO mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo; tunay na ako ay gumagawa kaya makaaalam kayo" }, { "surah": "39", "ayah": 40, "translation": "sa kung kanino pupunta ang isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at dadapo ang isang pagdurusang mananatili.\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 41, "translation": "Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, [O Propeta Muh\u0323ammad,] ng Aklat [na Qur\u2019a\u0304n] para sa mga tao kalakip ng katotohanan. Kaya ang sinumang napatnubayan ay para sa sarili niya at ang sinumang naligaw ay naliligaw lamang para sa [kapinsalaan] nito. Ikaw sa kanila ay hindi isang pinananaligan." }, { "surah": "39", "ayah": 42, "translation": "Si All\u0101h ay kumukuha sa mga kaluluwa sa sandali ng kamatayan ng mga ito at sa [mga kaluluwa ng] mga hindi namatay sa pagtulog ng mga ito. Kaya pumipigil Siya sa mga [kaluluwang] nagtadhana Siya sa mga ito ng kamatayan at nagpapawala Siya sa mga iba pa hanggang sa isang taning na tinukoy. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip." }, { "surah": "39", "ayah": 43, "translation": "O gumawa ba sila sa bukod pa kay All\u0101h bilang mga tagapagpamagitan? Sabihin mo: \u201cKahit ba sila ay hindi nakapangyayari sa anuman at hindi nakapag-uunawa?\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 44, "translation": "Sabihin mo: \u201cUkol kay All\u0101h ang [pagpapahintulot ng] pamamagitan nang lahatan. Sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuuusin].\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 45, "translation": "Kapag binanggit si All\u0101h nang mag-isa, nangririmarim ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay. Kapag binanggit ang mga [sinasamba nila] bukod pa sa Kanya,[506] biglang sila ay nagagalak." }, { "surah": "39", "ayah": 46, "translation": "Sabihin mo: \u201cO All\u0101h, Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, Ikaw ay humahatol sa pagitan ng mga lingkod Mo sa anumang dati silang nagkakaiba-iba.\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 47, "translation": "Kung sakaling taglay ng mga lumabag sa katarungan[507] ang anumang nasa lupa nang lahatan at tulad nito kasama rito, talaga sanang tumubos sila [sa mga sarili para maligtas] sa pamamagitan nito mula sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Matatambad para sa kanila mula kay All\u0101h ang hindi nila dati aakalain." }, { "surah": "39", "ayah": 48, "translation": "Matatambad sa kanila ang mga masagwa sa nakamit nila [na malalaking kasalanan] at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya." }, { "surah": "39", "ayah": 49, "translation": "Kaya kapag may sumaling sa tao na isang pinsala ay dumadalangin siya sa Amin. Pagkatapos kapag gumawad Kami sa kanya ng isang biyaya mula sa Amin ay nagsasabi siya: \u201cBinigyan lamang ako nito dahil sa kaalaman.\u201d Bagkus ito ay isang pagsubok, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "39", "ayah": 50, "translation": "Nagsabi na nito ang mga bago pa nila ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit [na kasamaan]." }, { "surah": "39", "ayah": 51, "translation": "Kaya tumama sa kanila ang mga masagwa [na kahihinatnan] sa nakamit nila. Ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa mga ito ay tatama sa kanila ang mga masagwa [na kahihinatnan] sa nakamit nila at hindi sila mga makapagpapawalang-kakayahan." }, { "surah": "39", "ayah": 52, "translation": "Hindi ba sila nakaalam na si All\u0101h ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit [para sa sinumang niloloob Niya]? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya." }, { "surah": "39", "ayah": 53, "translation": "Sabihin mo [O Propeta na sinabi Ko]: \u201cO mga lingkod Ko na nagpakalabis laban sa mga sarili nila, huwag kayong masiraan ng loob sa awa ni All\u0101h; tunay na si All\u0101h ay nagpapatawad sa mga pagkakasala nang lahatan. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 54, "translation": "Nagsisising bumalik kayo sa Panginoon ninyo at magpasakop kayo sa Kanya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa, pagkatapos hindi kayo maiaadya." }, { "surah": "39", "ayah": 55, "translation": "Sumunod kayo sa [Qur\u2019a\u0304n na] pinakamaganda sa pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa nang biglaan habang kayo ay hindi nakararamdam," }, { "surah": "39", "ayah": 56, "translation": "na baka magsabi ang isang kaluluwa: \u201cO panghihinayang sa anumang pinabayaan ko sa nauukol kay All\u0101h at tunay na ako dati ay talagang kabilang sa mga nanunuya;\u201d[508]" }, { "surah": "39", "ayah": 57, "translation": "o baka magsabi ito: \u201cKung sakaling si All\u0101h ay nagpatnubay sa akin, talaga sanang ako ay naging kabilang sa mga tagapangilag magkasala;\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 58, "translation": "o baka magsabi ito kapag nakikita nito ang pagdurusa: \u201cKung sana mayroon akong isang pagbabalik [sa Mundo] para ako ay maging kabilang sa mga tagagawa ng maganda.\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 59, "translation": "Bagkus dumating nga sa iyo ang mga talata Ko ngunit nagpasinungaling ka sa mga ito, nagmalaki ka, at ikaw ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "39", "ayah": 60, "translation": "Sa Araw ng Pagbangon, makikita mo ang mga nagsinungaling laban kay All\u0101h[509] habang ang mga mukha nila ay nangingitim. Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga nagpapakamalaki?" }, { "surah": "39", "ayah": 61, "translation": "Magliligtas si All\u0101h sa mga [mga mananampalatayang Muslim na] nangilag magkasala sa pamamagitan ng pagtamo nila; hindi sasaling sa kanila ang kasagwaan ni sila ay malulungkot." }, { "surah": "39", "ayah": 62, "translation": "Si All\u0101h ay ang Tagalikha ng bawat bagay at Siya sa bawat bagay ay Pinananaligan [ng nilikha]." }, { "surah": "39", "ayah": 63, "translation": "Sa Kanya ang mga susi ng mga langit at lupa. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni All\u0101h, ang mga iyon ay ang mga lugi." }, { "surah": "39", "ayah": 64, "translation": "Sabihin mo: \u201cKaya ba sa iba pa kay All\u0101h nag-uutos kayo sa akin na sumamba ako, O mga mangmang?\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 65, "translation": "Talaga ngang ikinasi sa iyo at sa mga [propetang] bago mo pa na talagang kung nagtambal ka [kay All\u0101h] ay talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa mo at talagang magiging kabilang ka nga sa mga lugi." }, { "surah": "39", "ayah": 66, "translation": "Bagkus kay All\u0101h ay sumamba ka at maging kabilang ka sa mga tagapagpasalamat." }, { "surah": "39", "ayah": 67, "translation": "Hindi sila nagpahalaga kay All\u0101h nang totoong pagpapahalaga sa Kanya samantalang ang lupa ay lahatang isang dakot Niya sa Araw ng Pagbangon at ang mga langit ay mga nakatupi sa kanang kamay Niya. Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila sa Kanya." }, { "surah": "39", "ayah": 68, "translation": "Iihip sa tambuli saka mahihimatay ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa maliban sa sinumang niloob ni All\u0101h. Pagkatapos iihip dito sa muli, saka biglang sila ay mga nakatayo, na nakatingin [sa gagawin ni All\u0101h]." }, { "surah": "39", "ayah": 69, "translation": "Sisikat ang lupa sa liwanag ng Panginoon nito, ilalagay ang talaan [ng mga gawa], dadalhin ang mga propeta at ang mga saksi, at maghuhusga sa pagitan nila ayon sa katotohanan habang sila ay nilalabag sa katarungan." }, { "surah": "39", "ayah": 70, "translation": "Lulubus-lubusin ang bawat kaluluwa sa [kabayaran ng] anumang ginawa nito; at Siya ay higit na maalam sa anumang ginagawa nila." }, { "surah": "39", "ayah": 71, "translation": "Aakayin ang mga tumangging sumampalataya patungo sa Impiyerno nang [nagkasunud-sunod na] pangkat-pangkat; hanggang sa nang dumating sila roon ay bubuksan ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ang mga tagatanod niyon: \u201cWala bang pumunta sa inyo na mga sugong kabilang sa inyo, na bumibigkas sa inyo ng mga tanda ng Panginoon ninyo at nagbababala sa inyo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito?\u201d Magsasabi sila: \u201cOo; ngunit nagindapat ang hatol ng pagdurusa sa mga tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 72, "translation": "Sasabihin: \u201cPumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Kaya kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 73, "translation": "Aakayin ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila patungo sa Paraiso nang [nagkasunud-sunod na] pangkat-pangkat; hanggang sa nang dumating sila roon ay bubuksan ang mga pintuan niyon at magsasabi sa kanila ang mga tagatanod niyon: \u201cKapayapaan ay sumainyo! Nagpakaaya-aya kayo kaya pumasok kayo rito bilang mga mananatili.\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 74, "translation": "Magsasabi sila: \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h na nagtotoo sa amin ng pangako Niya at nagpamana sa amin ng lupain [ng Paraiso]. Manunuluyan kami sa Paraiso saanman namin loloobin. Kaya kay inam ang pabuya sa mga tagagawa [ng mabuti]!\u201d" }, { "surah": "39", "ayah": 75, "translation": "Makikita mo ang mga anghel na nakapalibot sa paligid ng Trono, habang nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila. Huhusga sa pagitan nila [na mga nilikha] ayon sa katotohanan at sasabihin: \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h, ang Panginoon ng mga nilalang.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 1, "translation": "\u1e24\u0101. M\u012bm. [510]" }, { "surah": "40", "ayah": 2, "translation": "Ang pagbababa ng Aklat [na Qur\u2019a\u0304n] ay mula kay All\u0101h, ang Makapangyarihan, ang Maalam," }, { "surah": "40", "ayah": 3, "translation": "ang Tagapagpatawad ng pagkakasala, ang Tagatanggap ng pagbabalik-loob, ang Matindi ang parusa, ang May-kaya. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ang kahahantungan." }, { "surah": "40", "ayah": 4, "translation": "Walang nakikipagtalo hinggil sa mga talata ni All\u0101h [sa Qur\u2019a\u0304n] kundi ang mga tumangging sumampalataya, kaya huwag luminlang sa iyo ang [malayang] paggala-gala nila sa bayan." }, { "surah": "40", "ayah": 5, "translation": "Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe [sa propeta nila] at ang mga [tumatangging sumampalatayang] lapian matapos na nila. Nagbalak ang bawat kalipunan sa sugo nila upang dumaklot sa kanya. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako, [si All\u0101h,] sa kanila kaya papaano naging ang parusa Ko?" }, { "surah": "40", "ayah": 6, "translation": "Gayon nagindapat ang salita ng Panginoon mo sa mga tumangging sumampalataya, na sila ay mga maninirahan sa Apoy." }, { "surah": "40", "ayah": 7, "translation": "Ang mga [anghel] na nagpapasan ng Trono at ang mga nasa paligid nito ay nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Panginoon nila, sumasampalataya sa Kanya, at humihingi ng tawad para sa mga sumampalataya, [na nagsasabi]: \u201cPanginoon namin, sumaklaw Ka sa bawat bagay sa awa at kaalaman, kaya magpatawad Ka sa mga nagbalik-loob at sumunod sa landas Mo, at magsanggalang Ka sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno." }, { "surah": "40", "ayah": 8, "translation": "Panginoon namin, at magpapasok Ka sa kanila sa mga Hardin ng Eden na ipinangako Mo sa kanila at sa sinumang umayos kabilang sa mga magulang nila, mga asawa nila, at mga supling nila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "40", "ayah": 9, "translation": "Magsanggalang Ka sa kanila sa mga masagwang gawa. Ang sinumang isasanggalang Mo sa mga masagwang gawa sa Araw na iyon ay naawa Ka nga sa kanya. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 10, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya ay tatawagin [sa Araw ng Pagbangon]: \u201cTalagang ang pagkamuhi ni All\u0101h [ngayon sa inyo] ay higit na malaki kaysa sa pagkamuhi ninyo sa mga sarili ninyo noong inaanyayahan kayo sa pananampalataya ngunit tumatanggi kayong sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 11, "translation": "Magsasabi sila: \u201cPanginoon namin, nagbigay-kamatayan Ka sa amin nang dalawang ulit[511] at nagbigay-buhay Ka sa amin nang dalawang ulit,[512] saka umamin kami sa mga pagkakasala namin. Kaya tungo sa paglabas [sa Impiyerno] kaya ay may anumang landas?\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 12, "translation": "[Sasabihan sila]: \u201cIyon ay [pagdurusang ukol sa inyo] dahil kapag dinalanginan si All\u0101h nang mag-isa, tumatanggi kayong sumampalataya; at kung tinatambalan Siya,[513] sumasampalataya kayo. Kaya ang paghahatol ay ukol kay All\u0101h, ang Mataas, ang Malaki.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 13, "translation": "Siya ay ang nagpapakita sa inyo ng mga tanda Niya at nagbababa para sa inyo mula sa langit ng panustos. Walang nagsasaalaala kundi ang sinumang nagsisising bumabalik [sa Kanya]." }, { "surah": "40", "ayah": 14, "translation": "Kaya dumalangin kayo kay All\u0101h habang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon kahit pa man nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "40", "ayah": 15, "translation": "[Si All\u0101h] ang Angat sa mga antas, ang May Trono, nagtatalaga Siya ng pagsisiwalat mula sa utos Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya upang magbabala [ang sugo] ng Araw ng pakikipagkita [ng mga una at mga huli]." }, { "surah": "40", "ayah": 16, "translation": "Sa Araw na sila ay mga lilitaw, walang nakakukubli kay All\u0101h mula sa kanila na anuman. Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito? Sa kay All\u0101h, ang Nag-iisa, ang Palalupig." }, { "surah": "40", "ayah": 17, "translation": "Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito. Walang [gagawing] kawalang-katarungan sa Araw na ito. Tunay na si All\u0101h ay Mabilis ang pagtutuos." }, { "surah": "40", "ayah": 18, "translation": "Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Papalapit kapag ang mga puso ay nasa tabi ng mga lalamunan habang mga nagpipigil. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan[514] na anumang matalik na kaibigan ni tagapagpamagitang tatalimain." }, { "surah": "40", "ayah": 19, "translation": "Nakaaalam Siya sa taksil sa mga mata at anumang ikinukubli ng mga dibdib." }, { "surah": "40", "ayah": 20, "translation": "Si All\u0101h ay humuhusga ayon sa katotohanan samantalang ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay hindi humuhusga ayon sa anuman. Tunay na si All\u0101h ay ang Madinigin, ang Nakakikita." }, { "surah": "40", "ayah": 21, "translation": "Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga iyon dati bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas at mga bakas sa lupain, ngunit dumaklot sa kanila si All\u0101h dahil sa mga pagkakasala nila. Hindi nagkaroon sa kanila laban kay All\u0101h ng anumang tagasangga." }, { "surah": "40", "ayah": 22, "translation": "Iyon ay [nasadlak sa kanila] dahil sila dati ay dinadalhan ng mga sugo nila [mula kay All\u0101h] ng mga malinaw na patunay ngunit tumanggi silang sumampalataya [sa mga ito] kaya dumaklot sa kanila si All\u0101h. Tunay na Siya ay Malakas, Matindi ang pagpaparusa." }, { "surah": "40", "ayah": 23, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw" }, { "surah": "40", "ayah": 24, "translation": "kina Paraon, H\u0101m\u0101n, at Q\u0101r\u016bn, ngunit nagsabi sila: \u201cIsang manggaway na palasinungaling [siya]!\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 25, "translation": "Kaya noong naghatid si Moises na sa kanila ng katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: \u201cPatayin ninyo ang mga lalaking anak ng mga sumampalataya kasama sa kanya at pamuhayin ninyo ang mga babae nila [para maglingkod].\u201d Walang iba ang panlalansi ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw." }, { "surah": "40", "ayah": 26, "translation": "Nagsabi si Paraon: \u201cHayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises at dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpalit siya sa relihiyon ninyo o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 27, "translation": "Nagsabi si Moises: \u201cTunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo laban sa bawat nagpapakamalaking hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagtutuos.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 28, "translation": "May nagsabing isang lalaking mananampalataya[515] kabilang sa mag-anak ni Paraon, na nagtatago ng pananampalataya niya: \u201cPapatay ba kayo ng isang lalaki[516] dahil nagsasabi siya: \u2018Ang Panginoon ko ay si All\u0101h,\u2019 samantalang naghatid nga siya sa inyo ng mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo? Kung siya ay naging isang sinungaling, laban sa kanya ang kasinungalingan niya. Kung siya ay naging isang tapat, tatama sa inyo ang ilan sa ipinangangako niya sa inyo. Tunay na si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa sinumang siya ay nagpapakalabis na palasinungaling." }, { "surah": "40", "ayah": 29, "translation": "O mga kalipi ko, sa inyo ang paghahari ngayong araw habang mga tagapangibabaw sa lupain [ng Ehipto], ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa parusa ni All\u0101h kung dumating ito sa atin?\u201d Nagsabi si Paraon: \u201cWala akong ipinakikita sa inyo kundi ang nakikita ko at wala akong ipinapatnubay sa inyo kundi ang landas ng kagabayan.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 30, "translation": "Nagsabi ang sumampalataya: \u201cO mga kalipi ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng tulad ng araw ng mga [tumangging sumampalatayang] lapian [noon]," }, { "surah": "40", "ayah": 31, "translation": "tulad ng kinagawian ng mga kababayan ni Noe, ng [liping] `\u0100d, ng [liping] Tham\u016bd, at ng mga matapos na sa kanila. Hindi si All\u0101h nagnanais ng isang kawalang-katarungan para sa mga lingkod [Niya]." }, { "surah": "40", "ayah": 32, "translation": "O mga kababayan ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa Araw ng Pagtatawagan," }, { "surah": "40", "ayah": 33, "translation": "sa Araw na tatalikod kayo habang mga tumatakas. Walang ukol sa inyo laban kay All\u0101h [sa parusa Niya] na anumang tagapagsanggalang. Ang sinumang ililigaw ni All\u0101h [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan] ay walang ukol dito na anumang tagapagpatnubay." }, { "surah": "40", "ayah": 34, "translation": "Talaga ngang naghatid sa inyo si Jose bago pa niyan ng mga malinaw na patunay, ngunit hindi kayo natigil sa isang pagdududa hinggil sa inihatid niya sa inyo; hanggang sa nang namatay siya ay nagsabi kayo: \u201cHindi magpapadala si All\u0101h nang matapos niya ng isang sugo.\u201d Gayon nagliligaw si All\u0101h sa sinumang siya ay nagpapakalabis na nag-aalinlangan." }, { "surah": "40", "ayah": 35, "translation": "Ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni All\u0101h nang walang katunayang pumunta sa kanila ay malaki sa pagkamuhi sa ganang kay All\u0101h at sa ganang mga sumampalataya. Gayon nagpipinid si All\u0101h sa bawat pusong nagpapakamalaking palasupil." }, { "surah": "40", "ayah": 36, "translation": "Nagsabi si Paraon: \u201cO H\u0101m\u0101n, magpatayo ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay aabot sa mga daanan:" }, { "surah": "40", "ayah": 37, "translation": "mga daanan tungo sa mga langit para makatingin ako sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay isang sinungaling.\u201d Gayon ipinang-akit para kay Paraon ang kasagwaan ng gawain niya at hinadlangan siya sa landas. Walang [kahahantungan] ang panlalansi ni Paraon kundi sa isang pagkawasak." }, { "surah": "40", "ayah": 38, "translation": "Nagsabi ang sumampalataya: \u201cO mga kababayan ko, sumunod kayo sa akin, magpapatnubay ako sa inyo sa landas ng kagabayan." }, { "surah": "40", "ayah": 39, "translation": "O mga kalipi ko, ang buhay na ito sa Mundo ay isang natatamasa lamang at tunay na ang Kabilang-buhay ay ang tahanan ng pamamalagian." }, { "surah": "40", "ayah": 40, "translation": "Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito.[517] Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na lalaki man o babae habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Hardin, na tutustusan doon nang walang pagtutuos." }, { "surah": "40", "ayah": 41, "translation": "O mga kababayan ko, ano ang mayroon ako na nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa kaligtasan samantalang nag-aanyaya kayo sa akin tungo sa Apoy?" }, { "surah": "40", "ayah": 42, "translation": "Nag-aanyaya kayo sa akin upang tumanggi akong sumampalataya kay All\u0101h at magtambal ako sa Kanya ng anumang hindi ako nagkaroon ng kaalaman hinggil doon samantalang ako ay nag-aanyaya sa inyo tungo sa [pananampalataya kay All\u0101h], ang Makapangyarihan, ang Palapatawad." }, { "surah": "40", "ayah": 43, "translation": "Walang pasubali na ang ipinaaanyaya ninyo sa akin [na sambahin] ay walang ukol ditong isang pag-aanyaya sa Mundo ni sa Kabilang-buhay, na ang pagsasaulian sa amin ay kay All\u0101h, at na ang mga nagpapakalabis ay ang mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno]." }, { "surah": "40", "ayah": 44, "translation": "Kaya makaaalaala kayo sa sinasabi ko sa inyo. Ipinagkakatiwala ko ang nauukol sa akin kay All\u0101h; tunay na si All\u0101h ay Nakakikita sa mga lingkod [Niya].\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 45, "translation": "Kaya nagsanggalang sa kanya si All\u0101h sa [mga kahihinatnan ng] mga masagwang gawa ng ipinakana nila. Pumaligid sa mga kampon ni Paraon ang kasagwaan ng pagdurusa." }, { "surah": "40", "ayah": 46, "translation": "Ang Apoy,[518] isasalang sila roon sa umaga at gabi. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali [ay sasabihin]: \u201cMagpapasok kayo sa mga kampon ni Paraon sa pinakamatindi sa pagdurusa.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 47, "translation": "[Banggitin] kapag magkakatwiranan sila sa loob ng apoy saka magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: \u201cTunay na kami para sa inyo ay naging tagasunod. Kaya kayo kaya ay mga magtutulak para sa amin ng isang bahagi mula sa apoy?\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 48, "translation": "Magsasabi ang mga nagmalaki: \u201cTunay na tayo ay lahat nasa loob nito; tunay na si All\u0101h ay humatol na sa pagitan ng mga lingkod [Niya].\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 49, "translation": "Magsasabi ang mga nasa apoy sa mga [anghel na] tagatanod ng Impiyerno: \u201cDumalangin kayo sa Panginoon ninyo na magpagaan Siya para sa amin ng isang araw mula sa pagdurusa.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 50, "translation": "Magsasabi sila: \u201cHindi ba dati nagdadala sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga malinaw na patunay?\u201d Magsasabi ang mga iyon: \u201cOo.\u201d Magsasabi sila: \u201cKaya dumalangin kayo,\u201d at walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa isang pagkaligaw.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 51, "translation": "Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sugo Namin at mga sumampalataya sa buhay na pangmundo at sa Araw na titindig ang mga saksi," }, { "surah": "40", "ayah": 52, "translation": "sa Araw na hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan ang dahi-dahilan nila. Ukol sa kanila ang sumpa at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan." }, { "surah": "40", "ayah": 53, "translation": "Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng patnubay at nagpamana Kami sa mga anak ni Israel ng Kasulatan" }, { "surah": "40", "ayah": 54, "translation": "bilang patnubay at bilang paalaala para sa mga may isip." }, { "surah": "40", "ayah": 55, "translation": "Kaya magtiis ka; tunay na ang pangako ni All\u0101h ay totoo. Humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa gabi at pag-uumaga." }, { "surah": "40", "ayah": 56, "translation": "Tunay na ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni All\u0101h nang walang isang katunayang pumunta sa kanila, walang nasa mga dibdib nila kundi [pagnanais ng] isang pagmamalaking hindi sila makaaabot roon. Kaya humiling ka ng pagkukupkop ni All\u0101h; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita." }, { "surah": "40", "ayah": 57, "translation": "Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa ay higit na malaki kaysa sa pagkalikha sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "40", "ayah": 58, "translation": "Hindi nagkakapantay ang bulag at ang nakakikita, ang mga sumampalataya at mga gumawa ng mga maayos at ang tagagawa ng masagwa. Kaunti ang isinasaalaala ninyo!" }, { "surah": "40", "ayah": 59, "translation": "Tunay na ang Huling Sandali[519] ay talagang darating na walang pag-aalinlangan dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya." }, { "surah": "40", "ayah": 60, "translation": "Nagsabi ang Panginoon ninyo: \u201cDumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.\u201d Tunay na ang mga nagmamalaki sa palayo [pagbukod-tangi sa Akin sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba." }, { "surah": "40", "ayah": 61, "translation": "Si All\u0101h ang gumawa para sa inyo ng gabi upang tumahan kayo roon at ng maghapon bilang nagpapakita. Tunay na si All\u0101h ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat." }, { "surah": "40", "ayah": 62, "translation": "Gayon si All\u0101h, ang Panginoon ninyo na Tagalikha ng bawat bagay. Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo?" }, { "surah": "40", "ayah": 63, "translation": "Gayon nalilinlang ang mga sila dati ay sa mga tanda ni All\u0101h nagkakaila." }, { "surah": "40", "ayah": 64, "translation": "Si All\u0101h ay ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang pamamalagian at ng langit bilang bubungan, nagbigay-anyo sa inyo saka nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo ng mga kaaya-ayang bagay. Gayon si All\u0101h, ang Panginoon ninyo. Kaya napakamapagpala si All\u0101h, ang Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "40", "ayah": 65, "translation": "Siya ay ang Buhay; walang Diyos kundi Siya kaya dumalangin kayo sa Kanya habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ang papuri ay ukol kay All\u0101h, ang Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "40", "ayah": 66, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay All\u0101h, noong dumating sa akin ang mga malinaw na patunay mula sa Panginoon ko, at inutusan na magpasakop sa Panginoon ng mga nilalang.\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 67, "translation": "Siya ay ang lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos nagpapalabas Siya inyo bilang bata, pagkatapos upang umabot kayo sa katindihan ninyo, pagkatapos upang kayo ay maging mga matanda \u2013 at mayroon sa inyo na pinapapanaw bago pa niyan \u2013 at upang umabot kayo sa isang taning na tinukoy, at nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa.[520]" }, { "surah": "40", "ayah": 68, "translation": "Siya ay ang nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, saka kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya rito na mangyari saka mangyayari ito." }, { "surah": "40", "ayah": 69, "translation": "Hindi ka ba nakakita sa mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni All\u0101h kung paano silang inililihis [palayo sa katotohanan]?" }, { "surah": "40", "ayah": 70, "translation": "Ang mga nagpasinungaling sa Aklat at sa ipinasugo Namin sa mga sugo Namin ay makaaalam [sa kahihinatnan ng pagpapasinungaling nila]" }, { "surah": "40", "ayah": 71, "translation": "kapag ang mga kulyar ay nasa mga leeg nila at ang mga tanikala habang hinahatak sila" }, { "surah": "40", "ayah": 72, "translation": "sa nakapapasong tubig. Pagkatapos sa Apoy ay paliliyabin sila." }, { "surah": "40", "ayah": 73, "translation": "Pagkatapos sasabihin sa kanila: \u201cNasaan na ang dati ninyo itinatambal" }, { "surah": "40", "ayah": 74, "translation": "bukod pa kay All\u0101h. Magsasabi sila: \u201cNawala sila sa amin; bagkus hindi kami dati dumadalangin bago pa niyan sa anuman.\u201d Gayon nagliligaw si All\u0101h sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "40", "ayah": 75, "translation": "[Sasabihin]: \u201cIyon ay dahil kayo dati ay natutuwa sa Mundo ayon sa hindi karapatan at dahil kayo dati ay nagpapakasaya." }, { "surah": "40", "ayah": 76, "translation": "Pumasok kayo sa mga pintuan ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Kaya kay saklap ang tuluyan ng mga nagpapakamalaki!\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 77, "translation": "Kay magtiis ka; tunay na ang pangako ni All\u0101h ay totoo. Kaya kung magpapakita nga naman Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapapanaw nga naman Kami sa iyo ay tungo sa Amin pababalikin sila [para gantihan]." }, { "surah": "40", "ayah": 78, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa. Mayroon sa kanila na isinalaysay Namin sa iyo at mayroon sa kanila na hindi Namin isinalaysay sa iyo. Hindi naging ukol sa isang sugo na magdala ito ng isang tanda malibang ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Kaya kapag dumating ang utos ni All\u0101h, huhusga ayon sa katotohanan at malulugi roon ang mga nagpapabula." }, { "surah": "40", "ayah": 79, "translation": "Si All\u0101h ay ang gumawa para sa inyo ng mga hayupan upang sumakay kayo mula sa mga ito at mula sa mga ito ay kumakain kayo." }, { "surah": "40", "ayah": 80, "translation": "Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang at upang umabot kayo lulan ng mga ito sa isang pangangailangang nasa mga dibdib ninyo.[521] Lulan ng mga ito at lulan ng mga daong dinadala kayo." }, { "surah": "40", "ayah": 81, "translation": "Nagpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya. Kaya sa alin sa mga tanda ni All\u0101h kayo nagkakaila?" }, { "surah": "40", "ayah": 82, "translation": "Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na marami kaysa sa kanila at higit na matindi sa lakas at mga bakas sa lupain ngunit walang naidulot sa kanila ang dati nilang nakakamit." }, { "surah": "40", "ayah": 83, "translation": "Kaya noong naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay All\u0101h] ng mga malinaw na patunay, natuwa sila sa taglay nila na kaalaman [na sumasalungat sa inihatid ng mga sugo] at pumaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya." }, { "surah": "40", "ayah": 84, "translation": "Kaya noong nakakita sila sa parusa Namin, nagsabi sila: \u201cSumampalataya kami kay All\u0101h lamang at tumanggi kaming sumampalataya sa anumang kami dati ay sa Kanya mga tagapagtambal [niyon].\u201d" }, { "surah": "40", "ayah": 85, "translation": "Ngunit hindi mangyayaring magpapakinabang sa kanila ang pananampalataya nila kapag nakita nila ang parusa Namin. [Ito] ang kalakaran ni All\u0101h na nagdaan nga sa mga lingkod Niya. Nalugi roon ang mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "41", "ayah": 1, "translation": "\u1e24\u0101. M\u012bm.[522]" }, { "surah": "41", "ayah": 2, "translation": "[Ito ay] isang pagbababa mula [kay All\u0101h], ang Napakamaawain, ang Maawain," }, { "surah": "41", "ayah": 3, "translation": "isang Aklat na dinetalye ang mga talata nito, bilang Qur\u2019\u0101n na Arabe para sa mga taong umaalam,[523]" }, { "surah": "41", "ayah": 4, "translation": "bilang mapagbalita ng nakagagalak[524] at bilang mapagbabala,[525] ngunit umayaw ang higit na marami sa kanila kaya sila ay hindi dumidinig." }, { "surah": "41", "ayah": 5, "translation": "Nagsabi sila: \u201cAng mga puso namin ay nasa loob ng mga panakip laban sa ipinaaanyaya mo sa amin, sa mga tainga namin ay may pagkabingi, at sa pagitan namin at pagitan mo ay may isang lambong. Kaya gumawa ka [ayon sa pamamaraan mo]; tunay na kami ay mga tagagawa [ayon sa pamamaraan namin].\u201d" }, { "surah": "41", "ayah": 6, "translation": "Sabihin mo, [O Propeta Muh\u0323ammad]: \u201cAko ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang, kaya magpakatuwid kayo sa Kanya at humingi kayo ng tawad sa Kanya.\u201d Kapighatian ay ukol sa mga tagapagtambal [kay All\u0101h]," }, { "surah": "41", "ayah": 7, "translation": "na mga hindi nagbibigay ng zak\u0101h at sila sa Kabilang-buhay, sila ay mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "41", "ayah": 8, "translation": "Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang pabuyang hindi matitigil." }, { "surah": "41", "ayah": 9, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na kayo ba ay talagang tumatangging sumampalataya sa lumikha ng lupa sa dalawang araw at gumagawa sa Kanya ng mga kaagaw? Iyon ay ang Panginoon ng mga nilalang.\u201d" }, { "surah": "41", "ayah": 10, "translation": "Naglagay Siya rito ng mga matatag na bundok mula sa ibabaw nito. Nagpala Siya rito at nagtakda Siya rito ng mga makakain dito sa [pagkalubos ng] apat na araw nang magkapantay para sa mga nagtatanong." }, { "surah": "41", "ayah": 11, "translation": "Pagkatapos bumaling Siya sa langit habang ito ay usok pa saka nagsabi Siya rito at sa lupa: \u201cPumunta kayong dalawa sa pagtalima o sapilitan.\u201d Nagsabi silang dalawa: \u201cPupunta kami na mga tumatalima.\u201d" }, { "surah": "41", "ayah": 12, "translation": "Saka tumapos Siya sa mga ito bilang pitong langit sa dalawang araw at nagkasi Siya sa bawat langit ng utos dito. Gumayak Kami sa langit na pinakamababa ng mga lampara at [nagtalaga sa mga ito] bilang pangangalaga [laban sa mga demonyo]. Iyon ay ang pagtatakda [ni All\u0101h], ang Makapangyarihan, ang Maalam." }, { "surah": "41", "ayah": 13, "translation": "Kaya kung umayaw sila ay sabihin mo: \u201cNagbabala ako sa inyo ng isang lintik tulad ng lintik [na bumagsak] sa `\u0100d at Tham\u016bd." }, { "surah": "41", "ayah": 14, "translation": "Noong dumating sa kanila ang mga sugo mula sa nakaraan nila at mula sa hinaharap nila, [nagsasabi ang mga ito]: \u201cHuwag kayong sumamba kundi kay All\u0101h.\u201d Nagsabi naman sila: \u201cKung sakaling niloob ng Panginoon namin ay talaga sanang nagpababa Siya ng mga anghel, kaya tunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "41", "ayah": 15, "translation": "Hinggil sa [liping] `\u0100d, nagmalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan at nagsabi sila: \u201cSino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?\u201d Hindi ba sila nagsaalang-alang na si All\u0101h na lumikha sa kanila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] ay nagkakaila." }, { "surah": "41", "ayah": 16, "translation": "Kaya nagsugo Kami sa kanila ng isang hanging humahagunot sa mga araw na sawing-palad upang magpalasap Kami sa kanila ng pagdurusa ng kahihiyan sa buhay na pangmundo. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na kahiya-hiya habang sila ay hindi iaadya." }, { "surah": "41", "ayah": 17, "translation": "Hinggil sa [liping] Tham\u016bd, nagpatnubay Kami sa kanila ngunit umibig sila nang higit sa pagkabulag kaysa sa patnubay kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusang humahamak dahil sa dati nilang nakakamit [na mga pagsuway]." }, { "surah": "41", "ayah": 18, "translation": "Nagligtas Kami sa mga sumampalataya at nangingilag magkasala noon." }, { "surah": "41", "ayah": 19, "translation": "[Banggitin] ang araw na kakalapin ang mga kaaway ni All\u0101h patungo sa Apoy saka sila ay papipilahin;" }, { "surah": "41", "ayah": 20, "translation": "hanggang sa nang dumating sila roon [sa Apoy] ay sasaksi laban sa kanila ang pandinig nila, ang mga paningin nila, at mga balat nila sa dati nilang ginagawa [na mga pagsuway]." }, { "surah": "41", "ayah": 21, "translation": "Magsasabi sila sa mga balat nila: \u201cBakit kayo sumaksi laban sa amin?\u201d Magsasabi ang mga ito: \u201cNagpabigkas sa amin si All\u0101h na nagpabigkas sa bawat bagay. Siya ay lumikha sa inyo sa unang pagkakataon, at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin]." }, { "surah": "41", "ayah": 22, "translation": "Hindi kayo dati nagtatakip [ng mga sarili] na baka sumaksi laban sa inyo ang pandinig ninyo, ni ang mga paningin ninyo, at ni ang mga balat ninyo; subalit nagpalagay kayo na si All\u0101h ay hindi nakaaalam sa marami sa ginagawa ninyo [na mga pagsuway]." }, { "surah": "41", "ayah": 23, "translation": "Yaong pagpapalagay ninyo na ipinagpalagay ninyo sa Panginoon ninyo ay nagpasawi sa inyo kaya kayo [sa Araw na ito] ay naging kabilang sa mga lugi.\u201d" }, { "surah": "41", "ayah": 24, "translation": "Kaya kung makatitiis sila, ang Apoy ay isang tuluyan para sa kanila. Kung hihiling silang magpasiya [kay All\u0101h] ay hindi sila kabilang sa mga magpapasiya." }, { "surah": "41", "ayah": 25, "translation": "Nagtalaga Kami para sa kanila ng mga kapisan[526] kaya nang -aakit ang mga ito sa kanila ng nasa harapan nila at nasa likuran nila [na masagwang gawa]. Nagindapat sa kanila ang pag-atas [ng pagdurusa] sa mga kalipunang nagdaan na bago pa nila kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila ay mga lugi noon." }, { "surah": "41", "ayah": 26, "translation": "Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: \u201cHuwag kayong makinig sa Qur\u2019\u0101n na ito at sumatsat kayo [sa pagbigkas] nito, nang sa gayon kayo ay mananaig." }, { "surah": "41", "ayah": 27, "translation": "Kaya talagang magpapalasap nga Kami sa mga tumangging sumampalataya ng isang pagdurusang matindi at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pinakamasagwa sa dati nilang ginagawa." }, { "surah": "41", "ayah": 28, "translation": "Iyon ay ang ganti sa mga kaaway ni All\u0101h \u2013 ang Apoy. Ukol sa kanila roon ang tahanan ng kawalang-hanggan bilang ganti dahil sila dati sa mga tanda Namin ay nagkakaila." }, { "surah": "41", "ayah": 29, "translation": "Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: \u201cPanginoon namin, magpakita Ka sa amin ng dalawang nagligaw sa amin kabilang sa jinn at tao, maglalagay kami sa kanilang dalawa sa ilalim ng mga paa namin upang silang dalawa ay maging kabilang sa mga pinakamababa.\u201d" }, { "surah": "41", "ayah": 30, "translation": "Tunay na ang mga nagsabi: \u201cSi All\u0101h ay ang Panginoon namin,\u201d pagkatapos nagpakatuwid, magbababaan sa kanila ang mga anghel [sa paghihingalo nila at magsasabi]: \u201cHuwag kayong mangamba, huwag kayong malungkot, at magalak kayo sa Paraiso na sa inyo dati ay ipinangangako." }, { "surah": "41", "ayah": 31, "translation": "Kami [na mga anghel] ay mga katangkilik ninyo sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Ukol sa inyo roon [sa Paraiso] ang ninanasa ng mga sarili ninyo at ukol sa inyo roon ang anumang hinihiling ninyo," }, { "surah": "41", "ayah": 32, "translation": "bilang pang-aaliw mula sa Mapagpatawad, Maawain.\u201d" }, { "surah": "41", "ayah": 33, "translation": "Sino pa ang higit na maganda sa sinasabi kaysa sa sinumang nag-anyaya tungo kay All\u0101h,[527] gumawa ng maayos, at nagsabi: \u201cTunay na ako ay kabilang sa mga Muslim [na sumusuko kay All\u0101h].\u201d" }, { "surah": "41", "ayah": 34, "translation": "Hindi nagkakapantay ang magandang gawa at ang masagwang gawa. Itulak mo [ang masagwa] sa pamamagitan ng siyang higit na maganda, biglang ang [taong] sa pagitan mo at niya ay may pagkamuhi ay [magiging] para bang siya ay isang katangkilik na matalik." }, { "surah": "41", "ayah": 35, "translation": "Walang ginagawaran nito kundi ang mga nagtiis at walang ginagawaran nito kundi ang isang may isang bahaging dakila." }, { "surah": "41", "ayah": 36, "translation": "Kung may magbubuyo nga sa iyo mula sa demonyo na isang pambubuyo ay humiling ka ng pagkukupkop kay All\u0101h; tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "41", "ayah": 37, "translation": "Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw ni sa buwan. Magpatirapa kayo kay All\u0101h na lumikha ng mga ito, kung kayo ay sa Kanya sumasamba." }, { "surah": "41", "ayah": 38, "translation": "Ngunit kung nagmalaki sila, ang mga nasa piling ng Panginoon mo ay nagluluwalhati sa Kanya sa gabi at maghapon habang sila ay hindi nanghihinawa [sa pagsamba sa Kanya]." }, { "surah": "41", "ayah": 39, "translation": "Kabilang sa mga tanda Niya na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay tigang ngunit kapag nagpababa Kami sa ibabaw nito ng tubig ay gumalaw-galaw ito at lumago ito. Tunay na ang nagbigay-buhay rito ay talagang tagapagbigay-buhay sa mga patay. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "41", "ayah": 40, "translation": "Tunay na ang mga lumalapastangan sa mga tanda Namin ay hindi nakakukubli sa Amin. Kaya ba ang sinumang itatapon sa Apoy ay higit na mabuti o ang sinumang pupunta nang ligtas sa Araw ng Pagbangon? Gawin ninyo ang niloob ninyo; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita." }, { "surah": "41", "ayah": 41, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa [Qur\u2019a\u0304n bilang] paalaala noong dumating ito sa kanila [ay mga pagdurusahin.] Tunay na ito ay talagang isang Aklat na makapangyarihan." }, { "surah": "41", "ayah": 42, "translation": "Hindi pumupunta rito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni mula sa likuran nito. [Ito ay] isang pagbababa mula sa Marunong, Kapuri-puri." }, { "surah": "41", "ayah": 43, "translation": "Walang sinasabi sa iyo [na pagpapasinungaling] kundi ang sinabi na sa mga sugo [ni All\u0101h] bago mo pa; tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad at may parusang masakit." }, { "surah": "41", "ayah": 44, "translation": "Kung sakaling gumawa Kami rito bilang Qur\u2019\u0101n na di-Arabe ay talaga sanang nagsabi sila: \u201cBakit kaya hindi dinetalye ang mga talata nito [sa wikang Arabe]? [Ito] ba ay di-Arabe at Arabe [ang Sugo]? Sabihin mo: \u201cIto para sa mga sumampalataya ay isang patnubay at isang lunas.\u201d Ang mga hindi sumasampalataya, sa mga tainga nila ay may kabingihan at ito sa kanila ay pagkabulag. Ang mga iyon ay tinatawag mula sa isang pook na malayo." }, { "surah": "41", "ayah": 45, "translation": "Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan, ngunit nagkaiba-iba hinggil doon. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil doon [sa Qur\u2019a\u0304n]." }, { "surah": "41", "ayah": 46, "translation": "Ang sinumang gumawa ng maayos, [ito] ay para sa sarili niya; at ang sinumang nagpasagwa, [ito] ay laban dito. Ang Panginoon mo ay hindi palalabag sa katarungan sa mga [tao at jinn na] alipin [Niya]." } ]