[ { "surah": "33", "ayah": 31, "translation": "Ang sinumang magmamasunurin kabilang sa inyo kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] at gagawa ng maayos ay magbibigay sa kanya ng pabuya niya nang dalawang ulit. Naglaan Kami para sa kanya ng isang panustos na masagana [sa Paraiso]." }, { "surah": "33", "ayah": 32, "translation": "O mga maybahay ng Propeta, hindi kayo gaya ng isa sa mga babae.[458] Kung nangilag kayong magkasala ay huwag kayong magmalamyos sa pagsabi para magmithi ang sa puso niya ay may karamdaman[459] at magsabi kayo ng isang pananalitang nakabubuti." }, { "surah": "33", "ayah": 33, "translation": "Manatili kayo sa mga bahay ninyo at huwag kayong magtanghal[460] gaya ng pagtatanghal ng unang Panahon ng Kamangmangan.[461] Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zak\u0101h, at tumalima kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya. Nagnanais lamang si All\u0101h na mag-alis sa inyo ng karumihan [na kapinsalaan, kasamaan, at kasalanan], O mga tao ng bahay [ng Propeta], at magdalisay sa inyo nang isang [lubos na] pagdadalisay." }, { "surah": "33", "ayah": 34, "translation": "Tandaan ninyo [mga maybahay ng Sugo] ang binibigkas sa mga bahay ninyo na mga talata ni All\u0101h at karunungan. Tunay na si All\u0101h ay laging Mapagtalos, Mapagbatid." }, { "surah": "33", "ayah": 35, "translation": "Tunay na ang mga lalaking tagapagpasakop [kay All\u0101h] at ang mga babaing tagapagpasakop, ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya, ang mga lalaking masunurin at ang mga babaing masunurin, ang mga lalaking tapat at ang mga babaing tapat, ang mga lalaking nagtitiis at ang mga babaing nagtitiis, ang mga lalaking nagpapakataimtim [sa paggalang kay All\u0101h] at ang mga babaing nagpapakataimtim, ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa, ang mga lalaking nag-aayuno at ang mga babaing nag-aayuno, ang mga lalaking nag-iingat sa mga ari nila at ang mga babaing nag-iingat,[462] at ang mga lalaking nag-aalaala kay All\u0101h nang madalas at ang mga babaing nag-aalaala ay naghanda si All\u0101h para sa kanila ng isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan [ng Paraiso]." }, { "surah": "33", "ayah": 36, "translation": "Hindi naging ukol sa isang lalaking mananampalataya ni sa isang babaing mananampalataya, kapag humusga si All\u0101h at ang Sugo Niya ng isang bagay, na magkaroon sila ng mapagpipilian sa nauukol sa kanila. Ang sinumang susuway kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] ay naligaw nga nang isang pagkaligaw na malinaw." }, { "surah": "33", "ayah": 37, "translation": "[Banggitin, O Propeta Muh\u0323ammad] noong nagsasabi ka [kay Zayd bin H\u0323a\u0304rithah na] biniyayaan ni All\u0101h [ng Isla\u0304m] at biniyayaan mo [ng pagpapalaya]: \u201cMagpanatili ka sa iyo ng maybahay mo at mangilag kang magkasala kay All\u0101h,\u201d samantalang nagkukubli ka sa sarili mo ng bagay na si All\u0101h ay maglalantad nito at natatakot ka sa mga tao samantalang si All\u0101h ay higit na karapat-dapat na matakot ka sa Kanya. Kaya noong nakatapos si Zayd mula sa kanya ng isang pangangailangan, ipinakasal Namin siya sa iyo upang walang mangyari sa mga mananampalataya na isang kaasiwaan sa mga maybahay ng mga ampon nila kapag nakatapos ang mga ito mula sa mga iyon ng isang pangangailangan. Laging ang utos ni All\u0101h ay nagagawa." }, { "surah": "33", "ayah": 38, "translation": "Hindi nangyaring sa Propeta ay may anumang kaasiwaan sa anumang isinatungkulin ni All\u0101h para sa kanya. Bilang kalakaran ni All\u0101h sa mga nakalipas bago pa niyan. Laging ang kautusan ni All\u0101h ay isang pagtatakdang itinakda." }, { "surah": "33", "ayah": 39, "translation": "[Itong mga propeta ay] ang mga nagpapaabot ng mga pasugo ni All\u0101h at natatakot sa Kanya at hindi natatakot sa isa man maliban kay All\u0101h. Nakasapat si All\u0101h bilang Mapagtuos." }, { "surah": "33", "ayah": 40, "translation": "Si Mu\u1e25ammad ay hindi ama ng isa sa mga lalaki ninyo, subalit ang Sugo ni All\u0101h at ang pangwakas sa mga propeta. Laging si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "33", "ayah": 41, "translation": "O mga sumampalataya, mag-alaala kayo kaya All\u0101h nang pag-aalaalang madalas" }, { "surah": "33", "ayah": 42, "translation": "at magluwalhati kayo sa Kanya sa umaga at gabi." }, { "surah": "33", "ayah": 43, "translation": "Siya ay ang nagbabasbas sa inyo at ang mga anghel Niya [ay humihiling sa Kanya ng gayon], upang magpalabas Siya sa inyo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag. Laging Siya sa mga mananampalataya ay Maawain." }, { "surah": "33", "ayah": 44, "translation": "Ang pagbati nila sa Araw na makikipagkita sila sa Kanya ay kapayapaan. Naghanda Siya para sa kanila ng isang pabuyang marangal [sa Paraiso]." }, { "surah": "33", "ayah": 45, "translation": "O Propeta [Muh\u0323ammad], tunay na Kami ay nagsugo sa iyo bilang tagasaksi, bilang tagapagbalita ng nakagagalak,[463] bilang mapagbabala,[464]" }, { "surah": "33", "ayah": 46, "translation": "bilang tagapag-anyaya tungo kay All\u0101h ayon sa pahintulot Niya, at bilang sulo na nagbibigay-liwanag [ng patnubay]." }, { "surah": "33", "ayah": 47, "translation": "Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya hinggil sa pagkakaroon nila mula kay All\u0101h ng isang kabutihang-loob na malaki." }, { "surah": "33", "ayah": 48, "translation": "Huwag kang tumalima sa [ipinaaanyaya ng] mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, magwaksi ka ng pananakit sa kanila, at manalig ka kay All\u0101h. Nakasapat si All\u0101h bilang Pinananaligan." }, { "surah": "33", "ayah": 49, "translation": "O mga sumampalataya, kapag nag-asawa kayo ng mga babaing mananampalataya, pagkatapos nagdiborsiyo kayo sa kanila bago pa kayo sumaling sa kanila,[465] walang ukol sa inyong tungkulin sa kanila na isang panahon ng paghihintay na bibilangin ninyo. Kaya magpatamasa kayo sa kanila at magpalaya kayo sa kanila nang isang pagpapalayang marilag." }, { "surah": "33", "ayah": 50, "translation": "O Propeta [Muh\u0323ammad], tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo ng mga maybahay mong nagbigay ka ng mga bigay-kaya nila, ng anumang minay-ari ng kanang kamay mo kabilang sa [mga bihag na] ipinasamsam ni All\u0101h sa iyo, ng mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ama, ng mga babaing anak ng tiyahin mo sa ama, ng mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ina, ng mga babaing anak ng tiyahin mo sa ina, na lumikas kasama sa iyo, at ng isang babaing mananampalataya kung nagkaloob ito ng sarili nito sa Propeta kung nagnais naman ang Propeta na mapangasawa ito, bilang natatangi sa iyo bukod sa [nalalabi sa] mga mananampalataya. Nakaalam nga Kami ng isinatungkulin Namin sa kanila kaugnay sa mga maybahay nila at minay-ari ng kanang kamay nila [sa pamamagitan ng mga paraang ayon sa batas] upang hindi magkaroon sa iyo ng isang kaasiwaan. Laging si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "33", "ayah": 51, "translation": "Makapagpapaliban ka ng [toka ng] sinumang niloloob mo kabilang sa kanila at makapagpapatuloy ka sa iyo ng sinumang niloloob mo; at ang sinumang hinangad mo mula sa [pansamantalang] hiniwalayan mo ay walang maisisisi sa iyo [na magpatuloy sa kanya]. Iyon ay higit na angkop na guminhawa ang mga mata nila. Hindi sila malungkot at malugod sila sa ibinigay mo sa kanila sa kabuuan nila. Si All\u0101h ay nakaaalam sa nasa mga puso ninyo. Laging si All\u0101h ay Maalam, Matimpiin." }, { "surah": "33", "ayah": 52, "translation": "Hindi ipinahihintulot para sa iyo, [O Propeta Muh\u0323ammad,] ang mga babae [na karagdagan] matapos na niyan ni na magpalit ka sa kanila ng mga [ibang] maybahay, kahit pa nagpahanga sa iyo ang kagandahan nila, maliban sa minay-ari ng kanang kamay mo. Laging si All\u0101h sa bawat bagay ay Mapagmasid." }, { "surah": "33", "ayah": 53, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay ng Propeta maliban na magpahintulot sa inyo para sa isang pagkain, na hindi mga naghihintay sa pagkaluto nito, subalit kapag inanyayahan kayo ay pumasok kayo; saka kapag nakakain na kayo ay maghiwa-hiwalay kayo, na hindi mga naghahalubilo para sa isang pag-uusap. Tunay na iyon ay nakapeperhuwisyo noon sa Propeta ngunit nahihiya siya [na humiling] sa inyo [na umalis] samantalang si All\u0101h ay hindi nahihiya sa [pagpapabatid ng] katotohanan. Kapag humiling kayo sa kanila [na mga maybahay niya] ng isang kailangan ay humiling kayo sa kanila mula sa likuran ng isang lambong. Iyon ay higit na dalisay para sa mga puso ninyo at mga puso nila. Hindi naging ukol sa inyo na mamerhuwisyo kayo sa Sugo ni All\u0101h ni mag-asawa kayo ng mga maybahay niya matapos na niya magpakailanman; tunay na iyon laging sa ganang kay All\u0101h ay sukdulan." }, { "surah": "33", "ayah": 54, "translation": "Kung maglalahad kayo ng isang bagay o magkukubli kayo nito, tunay na si All\u0101h laging sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "33", "ayah": 55, "translation": "Walang maisisisi sa kanila kaugnay sa [hindi pagbebelo sa] mga ama nila,[466] ni mga lalaking anak nila, ni mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, ni mga [kapwa] babae nila, ni mga babaing minay-ari ng mga kanang kamay nila.[467] Mangilag kayong magkasala kay All\u0101h; tunay na si All\u0101h laging sa bawat bagay ay Saksi." }, { "surah": "33", "ayah": 56, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay nagbabasbas sa Propeta at ang mga anghel Niya [ay humihiling sa Kanya ng gayon]. O mga sumampalataya, dumalangin kayo [kay All\u0101h] ng pagbasbas sa kanya at bumati kayo sa kanya ng pagbati ng kapayapaan." }, { "surah": "33", "ayah": 57, "translation": "Tunay na ang mga namemerhuwisyo kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] ay isinumpa sila ni All\u0101h sa Mundo at Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang manghahamak." }, { "surah": "33", "ayah": 58, "translation": "Ang mga namemerhuwisyo ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya dahil sa iba pa sa nakamit ng mga ito ay pumasan nga ng isang paninirang-puri at isang kasalanang malinaw." }, { "surah": "33", "ayah": 59, "translation": "O Propeta [Muh\u0323ammad], sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglugay sila sa ibabaw nila ng mula sa mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila [bilang babaing mananampalatayang mahinhin] para hindi sila maperhuwisyo. Laging si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "33", "ayah": 60, "translation": "Talagang kung hindi tumigil ang mga mapagpaimbabaw, ang mga [mahalay na] sa mga puso nila ay may sakit, at ang mga tagapagkalat ng sabi-sabi sa Mad\u012bnah ay talagang mag-uudyok nga Kami sa iyo laban sa kanila, pagkatapos hindi sila makikipagkapit-bahay sa iyo roon kundi nang kaunti." }, { "surah": "33", "ayah": 61, "translation": "Mga isinumpa saan man sila nasumpungan, dadaklutin sila at pagpapatayin sila nang isang pagpapatay [dahil sa katiwalian nila]," }, { "surah": "33", "ayah": 62, "translation": "bilang kalakaran ni All\u0101h [ito] sa mga nagdaan bago pa niyan. Hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni All\u0101h ng isang pagpapalit." }, { "surah": "33", "ayah": 63, "translation": "Nagtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Huling Sandali.[468] Sabihin mo: \u201cTanging ang kaalaman doon ay nasa kay All\u0101h. Ano ang nagpapabatid sa iyo na harinawa ang Huling Sandali ay nagiging malapit na?\u201d" }, { "surah": "33", "ayah": 64, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay sumumpa ng mga tagatangging sumasampalataya at naghanda para sa kanila ng isang liyab." }, { "surah": "33", "ayah": 65, "translation": "Bilang mga mananatili roon magpakailanman, hindi sila makatatagpo ng isang katangkilik ni isang mapag-adya." }, { "surah": "33", "ayah": 66, "translation": "Sa Araw na itataob ang mga mukha nila sa Apoy ay magsasabi sila: \u201cO kung sana kami ay tumalima kay All\u0101h at tumalima sa Sugo.\u201d" }, { "surah": "33", "ayah": 67, "translation": "Magsasabi sila: \u201cO Panginoon namin, tunay na kami ay tumalima sa mga pinapanginoon namin at mga malaking tao sa amin ngunit nagligaw sila sa amin palayo sa landas [ng Isla\u0304m]." }, { "surah": "33", "ayah": 68, "translation": "O Panginoon namin, magbigay Ka sa kanila ng dalawang ibayo mula sa pagdurusa at sumpain Mo sila nang isang sumpang malaki.\u201d" }, { "surah": "33", "ayah": 69, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga nananakit kay Moises, ngunit nagpawalang-kapintasan sa kanya si All\u0101h laban sa sinabi nila. Siya noon sa ganang kay All\u0101h ay pinarangalan." }, { "surah": "33", "ayah": 70, "translation": "O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay All\u0101h[469] at magsabi kayo ng isang sinasabing tama," }, { "surah": "33", "ayah": 71, "translation": "magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo[470] at magpapatatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay All\u0101h at sa Sugo Niya ay nagtamo nga ng isang pagkatamong sukdulan.[471]" }, { "surah": "33", "ayah": 72, "translation": "Tunay na Kami ay nag-alok ng pagtitiwala sa mga langit, lupa, at mga bundok; ngunit tumanggi ang mga ito na pumasan niyon at nabagabag ang mga ito roon, at pumasan naman niyon ang tao; tunay na siya ay naging napakamapaglabag sa katarungan, napakamangmang [sa kahihinatnan nito]." }, { "surah": "33", "ayah": 73, "translation": "[Ito ay] upang pagdusahin ni All\u0101h ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw, at ang mga lalaking tagapagtambal at ang mga babaing tagapagtambal, at [upang] tumanggap si All\u0101h ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Laging si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "34", "ayah": 1, "translation": "Ang papuri ay ukol kay All\u0101h na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa at ukol sa Kanya ang papuri sa Kabilang-buhay. Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid." }, { "surah": "34", "ayah": 2, "translation": "Nakaaalam Siya sa anumang lumalagos sa lupa at anumang lumalabas mula rito, at anumang bumababa mula sa langit at anumang pumapanik doon. Siya ay ang Maawain, ang Mapagpatawad." }, { "surah": "34", "ayah": 3, "translation": "Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: \u201cHindi pupunta sa amin ang Huling Sandali.\u201d Sabihin mo: \u201cOo, sumpa man sa Panginoon ko \u2013 talagang pupunta nga ito sa inyo \u2013 na Tagaalam sa nakalingid.\u201d Walang nawawaglit buhat sa Kanya na isang kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa, ni higit na maliit kaysa roon, ni higit na malaki, malibang nasa isang talaang malinaw" }, { "surah": "34", "ayah": 4, "translation": "upang gumanti Siya sa mga gumawa ng mga maayos. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang kapatawaran at isang panustos na masagana [sa Paraiso]." }, { "surah": "34", "ayah": 5, "translation": "Ang mga nagpunyagi laban sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] bilang mga nagtatangkang bumigo, ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusa mula sa isang pasakit na masakit." }, { "surah": "34", "ayah": 6, "translation": "Nakakikita ang mga binigyan ng kaalaman na ang [Qur\u2019a\u0304n na ito na] pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang totoo at nagpapatnubay tungo sa landasin ng [Panginoong] Makapangyarihan, Kapuri-puri." }, { "surah": "34", "ayah": 7, "translation": "Nagsabi naman ang mga tumangging sumampalataya: \u201cMagtuturo kaya kami sa inyo sa isang lalaking magbabalita sa inyo kapag ginutay-gutay kayo nang buong pagkagutay-gutay? Tunay na kayo ay talagang nasa isang pagkakalikhang bago.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 8, "translation": "Gumawa-gawa ba siya laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan o sa kanya ay may kabaliwan? Bagkus ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay nasa pagdurusa at pagkaligaw na malayo." }, { "surah": "34", "ayah": 9, "translation": "Kaya hindi ba sila nakakikita sa anumang nasa pagitan ng mga kamay nila at anumang nasa likuran nila na langit at lupa? Kung loloobin Namin ay magpapalamon Kami sa kanila ng lupa o magpapabagsak Kami sa kanila ng mga tipak mula sa langit. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa bawat lingkod na nagsisising nanunumbalik [kay All\u0101h]." }, { "surah": "34", "ayah": 10, "translation": "Talaga ngang nagbigay Kami kay David mula sa Amin ng isang kabutihang-loob. [Nagsabi Kami]: \u201cO mga bundok, mag-ulit-ulit kayo ng pagluluwalhati kasama sa kanya at [gayon din] ang mga ibon. Nagpalambot Kami para sa kanya ng bakal," }, { "surah": "34", "ayah": 11, "translation": "[na nagsasabi]: Gumawa ka ng mga buong baluti at magtaya ka sa mga pandugtong. Gumawa kayo, [O mga mananampalataya,] ng maayos; tunay na Ako sa anumang ginagawa Niya ay Nakakikita.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 12, "translation": "[Pinagsilbi] para kay Solomon ang hangin. Ang pang-umagang paglalakbay nito ay [singlayo ng] isang buwan at ang pantanghaling paglalakbay nito ay [singlayo ng] isang buwan. Tumunaw Kami para sa kanya ng bukal ng tanso. Mayroong mga jinn na gumagawa sa harapan niya ayon sa pahintulot ng Panginoon niya. Ang sinumang lumiko kabilang sa kanila palayo sa utos Namin ay magpapalasap Kami sa kanya mula sa pagdurusa sa Liyab." }, { "surah": "34", "ayah": 13, "translation": "Gumagawa sila para sa kanya ng anumang niloob niya na mga sambahan, mga rebulto, mga batya gaya ng mga labangan, at mga kalderong nakahimpil. Gumawa kayo, mag-anak ni David, bilang pasasalamat. Kaunti mula sa mga lingkod Ko [na tao at jinn] ang mapagpasalamat." }, { "surah": "34", "ayah": 14, "translation": "Kaya noong nagtadhana Kami sa kanya[472] ng kamatayan ay walang nagturo sa kanila sa pagkamatay niya kundi ang gumagalaw na nilalang ng lupa na kumakain sa panungkod niya. Kaya noong bumagsak siya ay napaglinawan ng mga jinn na kung sakaling sila noon ay nakaaalam sa nakalingid, hindi sana sila namalagi sa pagdurusang nanghahamak." }, { "surah": "34", "ayah": 15, "translation": "Talaga ngang nagkaroon ang [liping] Sheba sa tirahan nila ng isang tanda: dalawang hardin sa gawing kanan at kaliwa. [Sinabihan sila]: \u201cKumain kayo mula sa panustos ng Panginoon ninyo at magpasalamat kayo sa Kanya. [Mayroon kayong] isang bayang kaaya-aya at isang Panginoong Mapagpatawad." }, { "surah": "34", "ayah": 16, "translation": "Ngunit umayaw sila [kay All\u0101h] kaya nagsugo Kami laban sa kanila ng baha ng saplad at nagpalit Kami sa dalawang hardin nila ng dalawang hardin na mga may bungang mapait, mga tamarisko, at mangilan-ngilang mansanitas na kaunti." }, { "surah": "34", "ayah": 17, "translation": "Iyon ay iginanti Namin sa kanila dahil tumanggi silang sumampalataya. Hindi Kami gumaganti kundi sa mga mapagtangging magpasalamat." }, { "surah": "34", "ayah": 18, "translation": "Naglagay Kami [bago ng pagbagsak nila] sa pagitan nila at ng mga pamamayanan na nagpala Kami sa mga iyon ng mga pamayanang nakalantad. Itinakda Namin doon ang paghayo [na maging madali, na nagsasabi]: \u201cHumayo kayo roon sa mga gabi at mga araw nang mga matiwasay.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 19, "translation": "Ngunit nagsabi sila: \u201cPanginoon namin, magpalayo Ka sa pagitan ng mga paglalakbay namin.\u201d Lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila kaya gumawa Kami sa kanila bilang mga [panghalimbawang] usap-usapan [ng nakalipas] at gumutay-gutay Kami sa kanila nang buong paggutay-gutay. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat." }, { "surah": "34", "ayah": 20, "translation": "Talaga ngang nagpatotoo sa kanila si Satanas ng palagay niya sapagkat sumunod sila sa kanya maliban sa isang pangkat kabilang sa mga mananampalataya." }, { "surah": "34", "ayah": 21, "translation": "Hindi siya nagkaroon sa kanila [na tao at jinn] ng anumang kapamahalaan maliban upang magtangi Kami sa sinumang sumasampalataya sa Kabilang-buhay mula sa sinumang ito hinggil doon ay nasa isang pagdududa. Ang Panginoon mo sa bawat bagay ay Mapag-ingat." }, { "surah": "34", "ayah": 22, "translation": "Sabihin mo: \u201cDumalangin kayo sa mga inangkin ninyo [na mga katambal na diyos] bukod pa kay All\u0101h, samantalang hindi sila nagmamay-ari ng kasimbigat ng isang katiting sa mga langit ni sa lupa, walang ukol sa kanila sa mga ito na anumang pakikitambal [sa Kanya] at walang ukol sa Kanya mula sa kanila na anumang mapagtaguyod." }, { "surah": "34", "ayah": 23, "translation": "Hindi magpapakinabang ang pamamagitan sa harap Niya maliban sa para sa sinumang nagpahintulot Siya para rito.\u201d Hanggang sa nang naalisan ng hilakbot sa mga puso nila ay nagsabi sila [sa isa\u2019t isa]: \u201cAno ang sinabi ng Panginoon ninyo?\u201d Nagsabi sila: \u201cAng katotohanan, at Siya ay ang Mataas, ang Malaki.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 24, "translation": "Sabihin mo: \u201cSino ang tumutustos sa inyo mula sa mga langit at lupa?\u201d Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h. Tunay na kami o kayo ay talagang nasa isang patnubay o nasa isang pagkaligaw na malinaw.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 25, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi kayo tatanungin tungkol sa pagpapakasalarin namin at hindi kami tatanungin tungkol sa ginagawa ninyo.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 26, "translation": "Sabihin mo: \u201cMagtitipon sa atin ang Panginoon natin, pagkatapos maghahatol Siya sa pagitan natin ayon sa katotohanan. Siya ay ang Palahatol, ang Maalam.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 27, "translation": "Sabihin mo: \u201cMagpakita kayo sa akin ng ikinapit ninyo sa Kanya bilang mga katambal. Aba\u2019y hindi: [walang katambal sa Kanya]! Bagkus Siya ay si All\u0101h, ang Makapangyarihan, ang Marunong.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 28, "translation": "Hindi Kami nagsugo sa iyo maliban sa kalahatan para sa mga tao bilang mapagbalita ng nakagagalak at bilang mapagbabala, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "34", "ayah": 29, "translation": "Nasasabi sila: \u201cKailan ang pangakong ito [ng pagdurusa] kung kayo ay naging mga tapat?\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 30, "translation": "Sabihin mo: \u201cUkol sa inyo ang tipanan ng isang Araw na hindi kayo makapag-aantala roon ng isang sandali at hindi kayo makapagpapauna.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 31, "translation": "Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: \u201cHindi kami sasampalataya sa Qur\u2019\u0101n na ito ni sa nauna rito [na mga kasulatan].\u201d Kung sakaling makikita mo kapag ang mga tagalabag sa katarungan ay mga pinatitindig sa harap ng Panginoon nila habang nagpapalitan ang isa\u2019t isa sa kanila ng sinasabi, [makakikita ka ng kamangha-mangha]. Magsasabi ang mga siniil sa mga nagmalaki: \u201cKung hindi dahil sa inyo ay talaga sanang kami ay naging mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 32, "translation": "Magsasabi ang mga nagmalaki sa mga siniil: \u201cKami ba ay bumalakid sa inyo sa patnubay matapos noong dumating ito sa inyo? Bagkus kayo noon ay mga salarin.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 33, "translation": "Magsasabi ang mga siniil sa mga nagmalaki: \u201cBagkus, [humadlang sa amin] ang pakana [ninyo] sa gabi at maghapon noong nag-uutos kayo sa amin na tumanggi kaming sumampalataya kay All\u0101h at [na] gumawa kami para sa Kanya ng mga kaagaw.\u201d Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Maglalagay Kami ng mga kulyar sa mga leeg ng tumangging sumampalataya. Gagantihan kaya sila ng maliban pa sa dati nilang ginagawa [na mga kasalanan]?" }, { "surah": "34", "ayah": 34, "translation": "Hindi Kami nagsugo sa isang pamayanan ng anumang mapagbabala malibang nagsabi ang mga pinariwasa rito: \u201cTunay na kami sa ipinasugo sa inyo ay mga tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 35, "translation": "Nagsabi sila: \u201cKami ay higit na marami sa mga yaman at mga anak at kami ay hindi mga pagdurusahin.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 36, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ang Panginoon ko ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit [para sa sinumang niloloob Niya] subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 37, "translation": "Hindi ang mga yaman ninyo at hindi ang mga anak ninyo ang nagpapalapit sa inyo sa ganang Amin[473] sa kadikitan bagkus ang [pagiging mga] sumampalataya at gumawa ng maayos sapagkat ang mga iyon ay ukol sa kanila ang ganti ng pag-iibayo [ng gantimpala] dahil sa ginawa nila at sila sa mga silid [sa Paraiso] ay mga natitiwasay." }, { "surah": "34", "ayah": 38, "translation": "Ang mga nagpupunyagi laban sa mga tanda Namin habang mga nagtatangkang bumigo, ang mga iyon sa pagdurusa [sa Impiyerno] ay mga padadaluhin." }, { "surah": "34", "ayah": 39, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ang Panginoon ko ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit dito. Ang anumang ginugol ninyo na anuman, Siya ay magtutumbas nito at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagapagtustos.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 40, "translation": "[Banggitin] ang araw na kakalap Siya sa kanila[474] nang lahatan, pagkatapos magsasabi Siya sa mga anghel: \u201cAng mga ito ba ay sa inyo dati sila sumasamba?\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 41, "translation": "Magsasabi sila: \u201cKaluwalhatian sa iyo, [O All\u0101h]! Ikaw ay ang Katangkilik namin sa halip nila. Bagkus sila dati ay sumasamba sa mga jinn; ang higit na marami sa kanila sa mga ito ay mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 42, "translation": "Kaya sa araw na ito [ng Paghuhusga], hindi makapagdudulot ang iba sa kanila para sa iba pa ng isang pakinabang ni isang pinsala, at magsasabi Kami sa mga lumabag sa katarungan: \u201cLumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy na kayo noon dito ay nagpapasinungaling.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 43, "translation": "Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi sila: \u201cWalang iba [si Muh\u0323ammad na] ito kundi isang lalaking nagnanais na sumagabal sa inyo sa sinasamba noon ng mga ninuno ninyo.\u201d Nagsabi pa sila: \u201cWalang iba [si Muh\u0323ammad na ito] kundi isang panlilinlang na ginawa-gawa.\u201d Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: \u201cWalang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 44, "translation": "Hindi Kami nagbigay sa kanila ng anumang mga kasulatan na pinag-aaralan nila. Hindi Kami nagsugo sa kanila bago mo ng anumang mapagbabala." }, { "surah": "34", "ayah": 45, "translation": "Nagpasinungaling ang mga bago pa nila at hindi sila umabot sa ikapu ng ibinigay Namin sa mga iyon, ngunit nagpasinungaling sila sa mga sugo Ko kaya magiging papaano na [katindi] ang pagtutol Ko?" }, { "surah": "34", "ayah": 46, "translation": "Sabihin mo: \u201cNangangaral lamang ako sa inyo ng isa: na tumayo kayo para kay All\u0101h nang dalawahan at nang bukud-bukod, pagkatapos mag-isip-isip kayo [sa mensahe].\u201d Walang taglay ang kasamahan ninyo [na Si Propeta Muh\u0323ammad] na anumang kabaliwan [dahil sa isang masamang jinn]. Walang iba siya kundi isang mapagbabala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi." }, { "surah": "34", "ayah": 47, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya [para sa mensaheng ito] sapagkat ito ay para sa inyo; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay All\u0101h. Siya sa bawat bagay ay Saksi.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 48, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ang Panginoon ko ay humahagis ng katotohanan [laban sa kabulaanan at Siya ay] ang Palaalam sa mga nakalingid.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 49, "translation": "Sabihin mo: \u201cDumating ang katotohanan, at hindi nagpapasimula ang kabulaanan[475] at hindi ito nagpapanumbalik.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 50, "translation": "Sabihin mo: \u201cKung naligaw ako ay maliligaw lamang ako laban sa sarili ko. Kung napatnubayan ako ay dahil sa ikinakasi sa akin ng Panginoon ko. Tunay na Siya ay Madinigin, Malapit.\u201d" }, { "surah": "34", "ayah": 51, "translation": "Kung sakaling makikita mo kapag nanghilakbot sila [na mga tagatangging sumampalataya] ngunit walang lusot [sa sandaling iyon] at dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit." }, { "surah": "34", "ayah": 52, "translation": "Magsasabi sila: \u201cSumampalataya kami rito [ngayon].\u201d Paanong ukol sa kanila ang pag-abot [sa pananampalataya] mula sa isang pook na malayo?" }, { "surah": "34", "ayah": 53, "translation": "Tumanggi nga silang sumampalataya rito bago pa niyan at naghahakahaka sila hinggil sa nakalingid mula sa isang pook na malayo." }, { "surah": "34", "ayah": 54, "translation": "Haharangan sa pagitan nila at ng ninanasa nila, gaya ng ginawa sa mga kakampi nila bago pa niyan. Tunay na sila ay dating nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan [sa buhay sa Kabilang-buhay]." }, { "surah": "35", "ayah": 1, "translation": "Ang papuri ay ukol kay All\u0101h, na Tagapaglalang ng mga langit at lupa, na Tagagawa sa mga anghel bilang mga sugo na may mga pakpak na dalawahan, tatluhan, at apatan. Nagdaragdag Siya sa paglikha ng anumang niloloob Niya. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "35", "ayah": 2, "translation": "Ang anumang binubuksan ni All\u0101h para sa mga tao na awa ay walang tagapigil para rito at ang anumang pinipigil Niya ay walang tagapagpakawala para rito matapos na niyon. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "35", "ayah": 3, "translation": "O mga tao, alalahanin ninyo ang biyaya ni All\u0101h sa inyo. May tagalikha kayang iba pa kay All\u0101h, na nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? Walang Diyos kundi Siya, kaya paanong nalilinlang kayo [palayo sa katotohanan]?" }, { "surah": "35", "ayah": 4, "translation": "Kung nagpapasinungaling sila sa iyo, may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa. Tungo kay All\u0101h pinababalik ang mga usapin." }, { "surah": "35", "ayah": 5, "translation": "O mga tao, tunay na ang pangako ni All\u0101h[476] ay totoo kaya huwag ngang lilinlang sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang lilinlang sa inyo hinggil kay All\u0101h ang mapanlinlang [na si Satanas]." }, { "surah": "35", "ayah": 6, "translation": "Tunay na ang demonyo para sa inyo ay isang kaaway, kaya gawin ninyo siyang isang kaaway. Nag-aanyaya lamang siya sa lapian niya upang sila ay maging kabilang sa mga kasamahan sa Liyab." }, { "surah": "35", "ayah": 7, "translation": "Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang malaki." }, { "surah": "35", "ayah": 8, "translation": "Kaya [napatnubayan] ba ang sinumang ipinang-akit sa kanya ang kasagwaan ng gawain niya kaya nagturing siya rito bilang maganda, sapagkat tunay na si All\u0101h ay [makatarungang] nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay [bilang kabutihang-loob mula sa Kanya] sa sinumang niloloob Niya? Kaya huwag masawi ang sarili mo dahil sa kanila sa mga panghihinayang. Tunay na si All\u0101h ay Maalam sa anumang niyayari nila." }, { "surah": "35", "ayah": 9, "translation": "Si All\u0101h ay ang nagsugo ng mga hangin saka nagpagalaw ang mga ito ng mga ulap. Umakay Kami sa mga ito tungo sa isang bayang patay saka nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng mga ito sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon ang pagkabuhay." }, { "surah": "35", "ayah": 10, "translation": "Ang sinumang nagnanais ng karangalan ay sa kay All\u0101h ang karangalan nang lahatan. Tungo sa Kanya umaakyat ang pananalitang kaaya-aya, at ang gawang maayos ay nag-aangat nito. Ang mga nagpapakana ng mga masagwang gawa, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga iyon ay mapaririwara." }, { "surah": "35", "ayah": 11, "translation": "Si All\u0101h ay lumikha sa inyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos gumawa sa inyo ng mga asawa. Walang nagbubuntis na isang babae at walang nagsisilang malibang nasa kaalaman Niya. Walang pinatatanda na isang pinatatanda at walang ibinabawas mula sa edad nito malibang nasa isang talaan. Tunay na iyon kay All\u0101h ay madali." }, { "surah": "35", "ayah": 12, "translation": "Hindi nagkakapantay ang dalawang katubigan. Itong [isa] ay tabang na pagkatabang-tabang na kasiya-siya ang pag-inom nito at itong [isa] naman ay maalat na mapait. Mula sa bawat isa ay kumakain kayo ng isang lamang malambot [na isda] at humango kayo ng hiyas na isinusuot ninyo. Nakikita mo ang mga daong rito habang mga umaararo upang maghangad kayo ng kagandahang-loob Niya at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat [sa Tagalikha ninyo]." }, { "surah": "35", "ayah": 13, "translation": "Nagpapalagos Siya ng gabi sa maghapon at nagpapalagos Siya ng maghapon sa gabi. Pinagsilbi Niya ang araw at ang buwan [para sa inyo], habang bawat isa ay umiinog para sa isang taning na tinukoy. Iyon ay si All\u0101h, ang Panginoon ninyo; ukol sa Kanya ang paghahari. Ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles.[477]" }, { "surah": "35", "ayah": 14, "translation": "Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay magkakaila sila sa pagtatambal ninyo. Walang nagbabalita sa iyo ng tulad ng [kay All\u0101h na] isang Mapagbatid." }, { "surah": "35", "ayah": 15, "translation": "O mga tao, kayo ay ang mga maralita kay All\u0101h at si All\u0101h ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri." }, { "surah": "35", "ayah": 16, "translation": "Kung loloobin Niya ay mag-aalis Siya sa inyo at magdadala Siya ng isang nilikhang bago." }, { "surah": "35", "ayah": 17, "translation": "Hindi iyon para kay All\u0101h mabigat." }, { "surah": "35", "ayah": 18, "translation": "Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba.[478] Kung may mag-aanyayang isang nabibigatan [ng iba pa] sa pagdala nito ay walang dadalahin mula rito na anuman, kahit pa man siya ay isang may pagkakamag-anak. Makapagbabala ka lamang sa mga natatakot sa Panginoon nila nang nakalingid [sa pagkatalos nila] at nagpanatili ng pagdarasal. Ang sinumang nagpakabusilak ay nagpapakabusilak lamang para sa [kabutihan ng] sarili niya. Sa kay All\u0101h ang kahahantungan [ng lahat]." }, { "surah": "35", "ayah": 19, "translation": "Hindi nagkakapantay ang bulag at ang nakakikita," }, { "surah": "35", "ayah": 20, "translation": "ni hindi ang mga kadiliman at ang liwanag," }, { "surah": "35", "ayah": 21, "translation": "ni ang lilim at ang init." }, { "surah": "35", "ayah": 22, "translation": "Hindi nagkakapantay ang mga buhay at ang mga patay. Tunay na si All\u0101h ay nagpaparinig sa sinumang niloloob Niya samantalang ikaw ay hindi tagapagparinig sa sinumang mga nasa mga libingan." }, { "surah": "35", "ayah": 23, "translation": "Walang iba ka kundi isang mapagbabala." }, { "surah": "35", "ayah": 24, "translation": "Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo, [O Muh\u0323ammad,] kalakip ng katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak[479] at bilang mapagbabala. [480] Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang mapagbabala." }, { "surah": "35", "ayah": 25, "translation": "Kung nagpapasinungaling sila sa iyo, nagpasinungaling nga ang mga bago pa nila. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila [ula kay All\u0101h] ng mga malinaw na patunay, ng mga kautusan, at ng kasulatang nagbibigay-liwanag." }, { "surah": "35", "ayah": 26, "translation": "Pagkatapos dumaklot Ako sa mga tumangging sumampalataya kaya magiging papaano ang pagtutol Ko?" }, { "surah": "35", "ayah": 27, "translation": "Hindi mo ba nakita na si All\u0101h ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga bungang nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito. Mula sa mga bundok ay may mga guhit na puti at pula, na magkakaiba ang mga pagkakulay ng mga ito, at may mga matingkad na itim." }, { "surah": "35", "ayah": 28, "translation": "Mayroon sa mga tao, mga umuusad na hayop, at mga hayupang nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito gayon din. Tanging natatakot kay All\u0101h kabilang sa mga lingkod Niya ang mga nakaaalam. Tunay na si All\u0101h ay Makapangyarihan, Mapagpatawad." }, { "surah": "35", "ayah": 29, "translation": "Tunay na ang mga bumibigkas ng Aklat ni All\u0101h, nagpanatili ng pagdarasal, at gumugol mula sa itinustos sa kanila nang palihim at hayagan ay nag-aasam ng isang pangangalakal na hindi mapaririwara," }, { "surah": "35", "ayah": 30, "translation": "upang maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila at magdagdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya ay Mapagpatawad, Mapagpasalamat." }, { "surah": "35", "ayah": 31, "translation": "Ang ikinasi Namin sa iyo, [O Propeta Muh\u0323ammad,] na Aklat ay ang totoo, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito.[481] Tunay na si All\u0101h sa mga lingkod Niya ay talagang Mapagbatid, Nakakikita." }, { "surah": "35", "ayah": 32, "translation": "Pagkatapos ipinamana Namin ang Aklat sa mga hinirang Namin mula sa mga lingkod Namin; ngunit mayroon sa kanila na tagalabag sa katarungan sa sarili niya,[482] mayroon sa kanila na katamtaman,[483] at mayroon sa kanila na nangunguna sa mga kabutihan ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Iyon ay ang malaking kabutihang-loob.[484]" }, { "surah": "35", "ayah": 33, "translation": "Ang mga hardin ng Eden ay papasukin nila. Gagayakan sila sa mga iyon ng mga pulseras na ginto at mga perlas. Ang kasuutan nila sa mga iyon ay sutla." }, { "surah": "35", "ayah": 34, "translation": "Magsasabi sila: \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h na nag-alis sa amin ng lungkot. Tunay na ang Panginoon namin ay talagang Mapagpatawad, Mapagpasalamat.\u201d" }, { "surah": "35", "ayah": 35, "translation": "[Siya] ang nagpatahan sa amin sa tahanan ng pananatilihan dahil sa kabutihang-loob Niya. Walang sumasaling sa amin doon na isang pagkapagal at walang sumasaling sa amin na isang pagkapata." }, { "surah": "35", "ayah": 36, "translation": "Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno. Hindi humuhusga sa kanila para mamatay sila at hindi nagpapagaan sa kanila ng pagdurusang dulot nito. Gayon Kami gaganti sa bawat mapagtangging magpasalamat." }, { "surah": "35", "ayah": 37, "translation": "Sila ay magtititili roon: \u201cPanginoon namin, magpalabas Ka sa amin [para makabalik sa Mundo], gagawa kami ng maayos na iba sa dati naming ginagawa.\u201d [Magsasabi si All\u0101h:] Hindi ba Kami nagpatanda sa inyo sa [edad na] nakapagsasaalaala rito ang sinumang nakapagsasaalaala at dumating sa inyo ang mapagbabala? Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa sa Impiyerno] sapagkat walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang mapag-adya." }, { "surah": "35", "ayah": 38, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay Tagaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa. Tunay na Siya ay Maalam sa kaibuturan ng mga dibdib." }, { "surah": "35", "ayah": 39, "translation": "Siya ay ang gumawa sa inyo na mga kahalili sa lupa kaya ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila kundi ng isang pagkamuhi. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi ng isang pagkalugi." }, { "surah": "35", "ayah": 40, "translation": "Sabihin mo: \u201cNagsaalang-alang ba kayo sa mga pantambal ninyo na dinadalangin ninyo bukod pa kay All\u0101h? Magpakita kayo sa Akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa. O mayroon silang pakikitambal sa mga langit? O nagbigay Kami sa kanila ng isang aklat kaya sila ay nasa isang malinaw na katunayan mula roon? Bagkus hindi nangangako ang mga tagalabag sa katarungan sa isa\u2019t isa sa kanila kundi ng isang panlilinlang.\u201d" }, { "surah": "35", "ayah": 41, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay humahawak sa mga langit at lupa na hindi maalis ang mga ito. Talagang kung naalis ang mga ito ay walang hahawak sa mga ito na isa man matapos ng [ng paghawak] Niya. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad." }, { "surah": "35", "ayah": 42, "translation": "Sumumpa sila kay All\u0101h nang taimtim sa mga panunumpa nila na talagang kung may pumunta sa kanila na isang mapagbabala ay talagang sila nga ay magiging higit na napatnubayan kaysa sa isa sa mga kalipunan. Ngunit noong may dumating sa kanila na isang mapagbabala,[485] walang naidagdag ito sa kanila kundi isang pagkaayaw," }, { "surah": "35", "ayah": 43, "translation": "dala ng pagmamalaki sa lupain at pagpapakana ng masagwa. Hindi pumapaligid ang pakanang masagwa maliban sa mga kampon nito. Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa kalakaran ng mga sinauna? Ngunit hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni All\u0101h ng isang pagpapalit at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni All\u0101h ng isang paglilipat." }, { "surah": "35", "ayah": 44, "translation": "Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila samantalang ang mga iyon dati ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Hindi nangyaring si All\u0101h ay ukol mapawalang-kakayahan ng anuman sa mga langit ni sa lupa. Tunay na Siya ay laging Maalam, May-kakayahan." }, { "surah": "35", "ayah": 45, "translation": "Kung sakaling magpapanagot si All\u0101h sa mga tao dahil sa nakamit nila ay hindi na sana Siya nag-iwan sa balat nito ng anumang gumagalaw na nilalang subalit nag-aantala Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila, tunay na si All\u0101h sa mga lingkod Niya ay laging Nakakikita." }, { "surah": "36", "ayah": 1, "translation": "Y\u0101. S\u012bn. [486]" }, { "surah": "36", "ayah": 2, "translation": "Sumpa man sa Qur\u2019\u0101n na marunong," }, { "surah": "36", "ayah": 3, "translation": "tunay na ikaw ay talagang kabilang sa mga isinugo" }, { "surah": "36", "ayah": 4, "translation": "batay sa isang landasing tuwid," }, { "surah": "36", "ayah": 5, "translation": "bilang pagbababa [ng Qur\u2019a\u0304n] ng Makapangyarihan, Maawain," }, { "surah": "36", "ayah": 6, "translation": "upang magbabala ka sa mga tao na hindi binalaan ang mga ninuno nila, kaya sila ay mga nalilingat." }, { "surah": "36", "ayah": 7, "translation": "Talaga ngang nagkatotoo ang sabi [ng pagtatakda] sa higit na marami sa kanila, kaya sila ay hindi sumasampalataya." }, { "surah": "36", "ayah": 8, "translation": "Tunay na Kami ay naglagay sa mga leeg nila ng mga kulyar saka ang mga ito ay hanggang sa mga baba nila, kaya sila ay mga pinatitingala." }, { "surah": "36", "ayah": 9, "translation": "Naglagay Kami sa harapan nila ng isang sagabal at sa likuran nila ng isang sagabal, saka bumalot Kami sa kanila kaya sila ay hindi nakakikita.[487]" }, { "surah": "36", "ayah": 10, "translation": "Magkapantay sa kanila na nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila: hindi sila sumasampalataya." }, { "surah": "36", "ayah": 11, "translation": "Makapagbabala ka lamang sa sinumang sumunod sa paalaala at natakot sa Napakamaawain nang nakalingid [sa pandama nila]. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang kapatawaran at isang pabuyang marangal." }, { "surah": "36", "ayah": 12, "translation": "Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay at nagtatala ng anumang ipinauna nila at mga bakas nila [na maganda at masagwa]. Sa bawat bagay ay nag-isa-isa Kami sa isang talaang malinaw." }, { "surah": "36", "ayah": 13, "translation": "Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad [na kasaysayan] ng mga naninirahan sa pamayanan [ng Antioquia] noong dumating doon ang mga isinugo," }, { "surah": "36", "ayah": 14, "translation": "noong nagsugo Kami sa kanila ng dalawa [sa mga apostol ni Jesus] ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya kinatigan Namin ng ikatlo, saka nagsabi sila: \u201cTunay na kami sa inyo ay mga isinugo.\u201d" }, { "surah": "36", "ayah": 15, "translation": "Nagsabi ang mga iyon: \u201cWalang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Hindi nagpababa ang Napakamaawain ng anuman. Walang iba kayo kundi nagsisinungaling.\u201d" }, { "surah": "36", "ayah": 16, "translation": "Nagsabi sila [sa mga tao ng pamayanan]: \u201cAng Panginoon namin ay nakaaalam na tunay na Kami sa inyo ay talagang mga isinugo.\u201d" }, { "surah": "36", "ayah": 17, "translation": "Walang kailangan sa Amin kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe ng Panginoon]." }, { "surah": "36", "ayah": 18, "translation": "Nagsabi ang mga iyon [sa mga apostol]: \u201cTunay na kami ay nag-ugnay ng kamalasan sa inyo. Talagang kung hindi kayo titigil ay talagang babato nga kami sa inyo at talagang may sasalingin nga sa inyo mula sa amin na isang pagdurusang masakit.\u201d" }, { "surah": "36", "ayah": 19, "translation": "Nagsabi [ang mga apostol]: \u201cAng kamalasang inuugnay ninyo ay kasama sa inyo. Kung pinaalalahanan ba kayo, [mag-uugnay kayo ng kamalasan]? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis.\u201d" }, { "surah": "36", "ayah": 20, "translation": "May dumating mula sa pinakaliblib ng lungsod na isang lalaking[488] tumatakbo, na nagsabi: \u201cO mga kababayan ko, sumunod kayo sa mga isinugo." }, { "surah": "36", "ayah": 21, "translation": "Sumunod kayo sa mga hindi humihingi sa inyo ng isang pabuya at sila ay mga napapatnubayan." } ]