[ { "surah": "29", "ayah": 45, "translation": "Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay All\u0101h ay higit na malaki.[420] Si All\u0101h ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo." }, { "surah": "29", "ayah": 46, "translation": "Huwag kayong makipagtalo sa mga May Kasulatan malibang ayon sa pinakamaganda, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila. Sabihin ninyo: \u201cSumampalataya kami sa pinababa sa amin at pinababa sa inyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.\u201d[421]" }, { "surah": "29", "ayah": 47, "translation": "Gayon Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kaya ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng kasulatan ay sumasampalataya rito. Mayroon sa mga ito na sumasampalataya rito. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi ang mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "29", "ayah": 48, "translation": "Hindi ka dati bumibigkas bago pa nito ng anumang aklat at hindi ka nagsusulat nito sa pamamagitan ng kanan mo [dahil] kung gayon ay talagang nag-alinlangan ang mga tagapagpabula." }, { "surah": "29", "ayah": 49, "translation": "Bagkus [ang Qur\u2019\u0101n na] ito ay mga talatang malilinaw na nasa mga dibdib ng mga nabigyan kaalaman. Walang nagkakaila sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] kundi ang mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "29", "ayah": 50, "translation": "Nagsabi sila: \u201cBakit kasi walang pinababa sa kanya na mga tanda mula sa Panginoon niya?\u201d Sabihin mo: \u201cAng mga tanda ay nasa ganang kay All\u0101h lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.[422]\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 51, "translation": "Hindi ba nakasapat sa kanila na Kami ay nagpababa sa iyo[423] ng Aklat na binibigkas sa kanila? Tunay na sa gayon ay talagang may awa at paalaala para sa mga taong sumasampalataya." }, { "surah": "29", "ayah": 52, "translation": "Sabihin mo: \u201cNakasapat si All\u0101h sa pagitan ko at ninyo bilang Saksi. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan[424] at tumangging sumampalataya kay All\u0101h, ang mga iyon ay ang mga lugi.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 53, "translation": "Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Kung hindi dahil [may] isang taning na tinukoy, talaga sanang dumating sa kanila ang pagdurusa at talagang pupunta nga ito sa kanila ng biglaan habang sila ay hindi nakararamdam." }, { "surah": "29", "ayah": 54, "translation": "Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Tunay na ang Impiyerno ay talagang tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya" }, { "surah": "29", "ayah": 55, "translation": "sa Araw na babalot sa kanila ang pagdurusa mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng mga paa nila at magsasabi Siya: \u201cLasapin ninyo ang dati ninyong ginagawa [na kasamaan].\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 56, "translation": "O mga alipin Ko [na tao at jinn] na sumampalataya, tunay na ang lupa Ko ay malawak kaya sa Akin ay sumamba kayo." }, { "surah": "29", "ayah": 57, "translation": "Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Pagkatapos tungo sa Amin pababalikin kayo." }, { "surah": "29", "ayah": 58, "translation": "Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapatahan nga Kami mula sa paraiso sa mga [mataas na] silid na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili roon. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa," }, { "surah": "29", "ayah": 59, "translation": "na mga nagtiis at sa Panginoon nila ay nananalig." }, { "surah": "29", "ayah": 60, "translation": "Kay raming gumagalaw na nilalang na hindi nagbubuhat ng panustos ng mga ito, na si All\u0101h ay nagtutustos sa mga ito at sa inyo. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "29", "ayah": 61, "translation": "Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpasilbi ng araw at buwan ay talagang magsasabi nga silang si All\u0101h. Kaya paanong nalilinlang sila [palayo sa pagsamba kay All\u0101h]?" }, { "surah": "29", "ayah": 62, "translation": "Si All\u0101h ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit para rito. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "29", "ayah": 63, "translation": "Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa matapos na ng kamatayan nito ay talagang magsasabi nga silang si All\u0101h. Sabihin mo: \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h,\u201d ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "29", "ayah": 64, "translation": "Walang iba ang buhay na ito sa Mundo kundi isang paglilibang at isang laro. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang pinakabuhay, kung sakaling sila noon ay nakaaalam." }, { "surah": "29", "ayah": 65, "translation": "Kapag nakasakay sila sa daong[425] ay dumadalangin sila kay All\u0101h habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya]" }, { "surah": "29", "ayah": 66, "translation": "upang magkaila sila sa ibinigay Namin sa kanila at upang magpakatamasa sila [nang pansamantala], ngunit malalaman nila [ang kahihinatnan ng asal na ito]." }, { "surah": "29", "ayah": 67, "translation": "Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa ng isang pinagbanalang tiwasay samantalang dinadagit[426] ang mga tao mula sa paligid nila? Kaya ba sa kabulaanan[427] sumasampalataya sila at sa biyaya ni All\u0101h nagkakaila sila?" }, { "surah": "29", "ayah": 68, "translation": "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa katotohanan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?" }, { "surah": "29", "ayah": 69, "translation": "Ang mga nakibaka alang-alang sa Amin ay talagang magpapatnubay nga Kami sa kanila sa mga landas Namin. Tunay na si All\u0101h ay talagang kasama sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "30", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. M\u012bm.[428]" }, { "surah": "30", "ayah": 2, "translation": "Nadaig ang Bizancio." }, { "surah": "30", "ayah": 3, "translation": "sa pinakamalapit na lupain.[429] Sila,[430] matapos na ng pagkadaig sa kanila, ay mananaig[431]" }, { "surah": "30", "ayah": 4, "translation": "sa tatlo hanggang siyam na taon. Sa kay All\u0101h ang pag-uutos bago pa niyan at matapos na niyan. Sa araw na iyon ay matutuwa ang mga mananampalataya" }, { "surah": "30", "ayah": 5, "translation": "dahil sa pag-adya ni All\u0101h. Nag-aadya Siya sa sinumang niloloob Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain." }, { "surah": "30", "ayah": 6, "translation": "Bilang pangako ni All\u0101h, hindi sumisira si All\u0101h sa pangako Niya; subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "30", "ayah": 7, "translation": "Nakaaalam sila[432] ng isang nakalantad mula sa buhay na pangmundo samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga nalilingat." }, { "surah": "30", "ayah": 8, "translation": "Hindi ba sila nag-isip-isip hinggil sa mga sarili nila? Hindi lumikha si All\u0101h ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at isang taning na tinukoy. Tunay na marami sa mga tao sa pakikipagkita sa Panginoon nila ay talagang mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "30", "ayah": 9, "translation": "Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Dati ang mga iyon ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas. Nagbungkal sila ng lupa at luminang sila nito nang higit kaysa sa nilinang nila. Nagdala sa mga iyon ang mga sugo ng mga iyon [mula kay Alla\u0304h] ng mga malinaw na patunay sapagkat si All\u0101h ay hindi naging ukol lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.[433]" }, { "surah": "30", "ayah": 10, "translation": "Pagkatapos naging kinahinatnan ng mga gumawa ng masagwa ang pinakamasagwa dahil nagpasinungaling sila sa mga tanda ni All\u0101h at dati sila sa mga ito ay nangungutya." }, { "surah": "30", "ayah": 11, "translation": "Si All\u0101h ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik Siya nito, pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo." }, { "surah": "30", "ayah": 12, "translation": "Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali,[434] malulumbay ang mga salarin." }, { "surah": "30", "ayah": 13, "translation": "Hindi magkakaroon para sa kanila mula sa mga pantambal nila ng mga tagapagpamagitan. Sila sa mga katambal nila ay magiging mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "30", "ayah": 14, "translation": "Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, sa Araw na iyon ay magkakahati-hati sila." }, { "surah": "30", "ayah": 15, "translation": "Kaya hinggil naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maaayos, sila sa isang halamanan ay pagagalakin." }, { "surah": "30", "ayah": 16, "translation": "Kaya hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] at pakikipagkita sa Kabilang-buhay, ang mga iyon sa pagdurusa ay mga padadaluhin." }, { "surah": "30", "ayah": 17, "translation": "Kaya Kaluwalhatian kay All\u0101h kapag ginagabi kayo at kapag inuumaga kayo." }, { "surah": "30", "ayah": 18, "translation": "Ukol sa Kanya ang papuri sa mga langit at lupa sa gabi at kapag tinatanghali kayo." }, { "surah": "30", "ayah": 19, "translation": "Nagpapalabas Siya ng buhay mula sa patay, nagpapalabas Siya ng patay mula sa buhay, at nagbibigay-buhay Siya sa lupa matapos ng kamatayan nito. Gayon kayo palalabasin." }, { "surah": "30", "ayah": 20, "translation": "Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya sa inyo mula sa alabok, pagkatapos biglang kayo ay mga taong lumalaganap." }, { "surah": "30", "ayah": 21, "translation": "Kabilang sa mga tanda Niya na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip." }, { "surah": "30", "ayah": 22, "translation": "Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkakalikha ng mga langit at lupa at ang pagkakaiba-iba ng mga wika ninyo at mga kulay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga nakaaalam." }, { "surah": "30", "ayah": 23, "translation": "Kabilang sa mga tanda Niya ang pagtulog ninyo sa gabi at maghapon at ang paghahangad ninyo ng kabutihang-loob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig." }, { "surah": "30", "ayah": 24, "translation": "Kabilang sa mga tanda Niya ay nagpapakita Siya sa inyo ng kidlat na [nagdudulot ng] pangamba at paghahangad, at nagbababa Siya mula sa langit ng tubig saka nagbibigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa matapos ng pagkamatay nito. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa." }, { "surah": "30", "ayah": 25, "translation": "Kabilang sa mga tanda Niya na manatili ang langit at ang lupa ayon sa utos Niya. Pagkatapos kapag tumawag Siya sa inyo sa isang pagtawag mula sa lupa, biglang kayo ay lalabas." }, { "surah": "30", "ayah": 26, "translation": "Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Lahat sa Kanya ay mga masunurin." }, { "surah": "30", "ayah": 27, "translation": "Siya ay ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito.[435] Ito ay higit na madali sa Kanya. Sa Kanya ang paglalarawang pinakamataas sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "30", "ayah": 28, "translation": "Naglahad Siya para sa inyo ng isang paghahalintulad mula sa mga sarili ninyo. Mayroon kaya kayo mula sa minamay-ari ng mga kanang kamay ninyo na anumang mga katambal sa anumang itinustos Namin sa inyo, kaya naman kayo roon ay magkapantay, na nangangamba kayo gaya ng pangangamba ninyo sa mga sarili ninyo?[436] Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa." }, { "surah": "30", "ayah": 29, "translation": "Bagkus sumunod ang mga lumabag sa katarungan[437] sa mga pithaya nila nang walang kaalaman. Kaya sino ang papatnubay sa iniligaw ni All\u0101h [dahil sa kapalaluan at pagpupumilit sa kasalanan]? Walang ukol sa kanila na anumang mga tagapag-adya." }, { "surah": "30", "ayah": 30, "translation": "Kaya magpanatili ka ng mukha mo para sa Relihiyon bilang makatotoo. [Mamalagi sa] naturalesa ni All\u0101h na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni All\u0101h. Iyon ay ang Relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "30", "ayah": 31, "translation": "[Maging] mga nagsisising nanunumbalik tungo sa Kanya, mangilag kayong magkasala sa Kanya, magpanatili kayo ng pagdarasal,[438] at huwag kayong maging kabilang sa mga tagapagtambal," }, { "surah": "30", "ayah": 32, "translation": "kabilang sa mga naghati-hati ng relihiyon nila[439] at sila ay naging mga kampihan. Bawat lapian sa taglay nila ay mga natutuwa.[440]" }, { "surah": "30", "ayah": 33, "translation": "Kapag may sumaling sa mga tao na isang kapinsalaan ay dumadalangin sila sa Panginoon nila, habang mga nagsisising nanunumbalik tungo sa Kanya. Pagkatapos kapag nagpalasap Siya sa kanila ng isang awa mula sa Kanya, biglang may isang pangkat kabilang sa kanila na sa Panginoon nila ay nagtatambal" }, { "surah": "30", "ayah": 34, "translation": "upang magkaila sila sa anumang ibinigay Namin sa kanila. Kaya magpakatamasa kayo [sa pansamantala] sapagkat makaaalam kayo.[441]" }, { "surah": "30", "ayah": 35, "translation": "O nagpababa ba Kami sa kanila ng isang katunayan kaya ito ay nagsasalita hinggil sa dati nilang itinatambal sa Kanya?" }, { "surah": "30", "ayah": 36, "translation": "Kapag nagpalasap Kami sa mga tao ng isang awa ay nagagalak sila rito. Kapag may tumama sa kanila na isang masagwa dahil sa ipinauna ng mga kamay nila [na mga kasalanan], biglang sila ay nasisiraan ng loob." }, { "surah": "30", "ayah": 37, "translation": "Hindi ba sila nakakita na si All\u0101h ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit [para sa sinumang niloob Niya]? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya." }, { "surah": "30", "ayah": 38, "translation": "Kaya magbigay ka sa may pagkakamag-anak ng karapatan nito, sa dukha, at sa kinapos sa landas. Iyon ay higit na mabuti para sa mga nagnanais [ng kaluguran] ng mukha ni All\u0101h. Ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay." }, { "surah": "30", "ayah": 39, "translation": "Ang anumang ibinigay ninyo bilang patubuan upang lumago sa mga ari-arian ng mga tao, hindi ito lalago sa ganang kay All\u0101h. Ang anumang ibinigay ninyo na zak\u0101h habang nagnanais kayo [ng kaluguran] ng Mukha ni All\u0101h, ang mga iyon ay ang mga pag-iibayuhin." }, { "surah": "30", "ayah": 40, "translation": "Si All\u0101h ay ang lumikha sa inyo, pagkatapos nagtustos sa inyo, pagkatapos nagbigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos nagbigay-buhay sa inyo [sa muli para tuusin]. Mayroon kaya sa mga pantambal ninyo na gumagawa ng gayon na anuman? Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila [sa Kanya]." }, { "surah": "30", "ayah": 41, "translation": "Lumitaw ang kaguluhan sa lupa at dagat dahil sa nakamit ng mga kamay ng mga tao upang magpalasap Siya sa kanila ng ilan sa ginawa nila, nang sa gayon sila ay babalik [sa Kanya]." }, { "surah": "30", "ayah": 42, "translation": "Sabihin mo: \u201cHumayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa niyan. Ang higit marami sa kanila noon ay mga tagapagtambal.\u201d" }, { "surah": "30", "ayah": 43, "translation": "Kaya magpanatili ka ng mukha mo para sa relihiyong matuwid bago pa may pumuntang isang araw na walang pagtulak para roon mula kay All\u0101h. Sa Araw na iyon, magkakawatak-watak sila." }, { "surah": "30", "ayah": 44, "translation": "Ang sinumang tumangging sumampalataya ay laban sa kanya ang kawalang-pananampalataya niya. Ang sinumang gumawa ng maayos ay para sa sarili nila naghahanda [ng pagpasok sa Paraiso]" }, { "surah": "30", "ayah": 45, "translation": "upang gumanti Siya sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "30", "ayah": 46, "translation": "Kabilang sa mga tanda Niya na magsugo Siya ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at upang magpalasap Siya sa inyo mula sa awa Niya, upang maglayag ang mga daong ayon sa utos Niya, at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat." }, { "surah": "30", "ayah": 47, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami bago mo pa [O Muh\u0323ammad] ng mga sugo sa mga tao nila kaya naghatid sila sa mga iyon ng mga malinaw na patunay saka naghiganti naman Kami sa mga nagpakasalarin. Laging isang tungkulin sa Amin ang pag-aadya sa mga mananampalataya." }, { "surah": "30", "ayah": 48, "translation": "Si All\u0101h ay ang nagsusugo ng mga hangin, saka nagpapagalaw ang mga iyon ng mga ulap, saka naglalatag sa mga ito sa langit kung papaanong niloloob Niya, at gumagawa sa mga ito bilang mga tipak kaya nakikita mo ang ulan habang lumalabas mula sa loob ng mga ito. Kaya kapag nagpatama Siya ng mga ito sa mga niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya, biglang sila ay nagagalak." }, { "surah": "30", "ayah": 49, "translation": "Kahit pa man sila dati bago pa ibinaba ito sa kanila, bago pa nito, ay talagang mga nalulumbay." }, { "surah": "30", "ayah": 50, "translation": "Kaya tumingin ka sa mga bakas ng awa ni All\u0101h kung papaano Siyang nagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na Iyon ay talagang magbibigay-buhay sa mga patay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "30", "ayah": 51, "translation": "Talagang kung nagsugo Kami ng isang hangin [na mapanira] saka nakakita sila [ng pananim nila] habang naninilaw ay talagang nanatili sila matapos na niyon na tumatangging sumampalataya." }, { "surah": "30", "ayah": 52, "translation": "Kaya tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay at hindi nakapagpaparinig sa mga bingi ng panawagan kapag bumaling sila na mga tumatalikod." }, { "surah": "30", "ayah": 53, "translation": "Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa kaligawan nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop." }, { "surah": "30", "ayah": 54, "translation": "Si All\u0101h ay ang lumikha sa inyo mula sa isang kahinaan; pagkatapos gumawa Siya, matapos na ng isang kahinaan, ng isang kalakasan; pagkatapos gumawa Siya, matapos na ng isang kalakasan, ng isang kahinaan at uban. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Siya ay ang Maalam, ang May-kakayahan." }, { "surah": "30", "ayah": 55, "translation": "Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali, susumpa ang mga salarin na hindi sila namalagi maliban pa sa isang sandali. Gayon dati sila nalilinlang [palayo sa katotohanan]." }, { "surah": "30", "ayah": 56, "translation": "Nagsabi ang mga binigyan ng kaalaman at pananampalataya: \u201cTalaga ngang namalagi kayo sa pagtatakda ni All\u0101h hanggang sa Araw ng Pagbuhay, kaya ito ay ang Araw ng Pagbuhay,\u201d subalit kayo dati ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "30", "ayah": 57, "translation": "Kaya sa Araw na iyon, hindi magpapakinabang sa mga lumabag sa katarungan ang pagdadahilan nila ni sila ay hihilinging magpasiya [kay All\u0101h]." }, { "surah": "30", "ayah": 58, "translation": "Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur\u2019\u0101n na ito mula sa bawat paghahalintulad. Talagang kung naghatid ka sa kanila ng isang tanda ay talagang magsasabi nga ang mga tumangging sumampalataya: \u201cWalang iba kayo kundi mga tagagawa ng kabulaanan.\u201d" }, { "surah": "30", "ayah": 59, "translation": "Gayon nagpipinid si All\u0101h sa mga puso ng mga hindi umaalam [sa katotohanan ng mensahe mo]." }, { "surah": "30", "ayah": 60, "translation": "Kaya magtiis ka; tunay na ang pangako ni All\u0101h ay totoo. Huwag ngang magmamaliit[442] sa iyo ang mga hindi nakatitiyak [ng Kabilang-buhay]." }, { "surah": "31", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. M\u012bm. [443]" }, { "surah": "31", "ayah": 2, "translation": "Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na marunong" }, { "surah": "31", "ayah": 3, "translation": "bilang patnubay at awa para sa mga tagagawa ng maganda," }, { "surah": "31", "ayah": 4, "translation": "na mga nagpapanatili ng pagdarasal at nagbibigay ng zak\u0101h [sa mga karapat-dapat], at sila, sa Kabilang-buhay, sila ay nakatitiyak." }, { "surah": "31", "ayah": 5, "translation": "Ang mga iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay." }, { "surah": "31", "ayah": 6, "translation": "Mayroon sa mga tao na bumibili ng paglilibang ng pag-uusap[444] upang magligaw [ng sarili at iba pa] palayo sa landas ni All\u0101h nang walang kaalaman at gumagawa rito bilang pangungutya. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang manghahamak." }, { "surah": "31", "ayah": 7, "translation": "Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] ay tumatalikod siya na nagmamalaki na para bang hindi siya nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "31", "ayah": 8, "translation": "Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ang mga hardin ng kaginhawahan" }, { "surah": "31", "ayah": 9, "translation": "bilang mga mananatili sa mga ito bilang pangako ni All\u0101h, na totohanan. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "31", "ayah": 10, "translation": "Lumikha Siya ng mga langit nang walang mga haliging nakikita ninyo. Naglapat Siya sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya rito ng bawat gumagalaw na nilalang. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig at nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marangal." }, { "surah": "31", "ayah": 11, "translation": "Ito ay ang nilikha ni All\u0101h kaya magpakita kayo sa akin kung ano ang nalikha ng [mga sinasamba ninyo na] bukod pa sa Kanya. Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan [na nagtambal kay All\u0101h] ay nasa isang pagkaligaw na malinaw." }, { "surah": "31", "ayah": 12, "translation": "Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqm\u0101n ng karunungan, na [nagsasabi]: \u201cMagpasalamat ka kay All\u0101h.\u201d Ang sinumang nagpapasalamat ay nagpapasalamat lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya. Ang sinumang tumangging magpasalamat, tunay na si All\u0101h ay Walang-pangangailangan, Kapuri-puri." }, { "surah": "31", "ayah": 13, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Luqm\u0101n sa anak niya habang siya ay nangangaral dito: \u201cO anak ko, huwag kang magtambal kay All\u0101h; tunay na ang pagtatambal [kay All\u0101h] ay talagang isang kawalang-katarungang [kasalanang] sukdulan.\u201d" }, { "surah": "31", "ayah": 14, "translation": "Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya [na maging mabuti] \u2013 nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa isang panlalata sa ibabaw isang panlalata at ang pag-awat sa kanya ay sa dalawang taon \u2013 na [nagsasabi]: \u201cMagpasalamat ka sa Akin at sa mga magulang mo. Tungo sa Akin ang kahahantungan." }, { "surah": "31", "ayah": 15, "translation": "Kung nakipagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti. Sumunod ka sa landas ng sinumang nagsisising nanumbalik tungo sa Akin. Pagkatapos tungo sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa.\u201d" }, { "surah": "31", "ayah": 16, "translation": "[Nagsabi si Luqm\u0101n]: \u201cO anak ko, tunay na ito, kung naging kasimbigat ng isang buto ng mustasa saka naging nasa isang bato o nasa mga langit o nasa lupa, maglalahad nito si All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay Mapagtalos, Mapagbatid." }, { "surah": "31", "ayah": 17, "translation": "O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang tumatama sa iyo; tunay na iyon ay kabilang sa pinagpapasyahan sa mga usapin." }, { "surah": "31", "ayah": 18, "translation": "Huwag kang mag-iwas ng pisngi mo sa mga tao at huwag kang maglakad sa lupa dala ng pagpapakatuwa [sa sarili]. Tunay na si All\u0101h ay hindi umiibig sa bawat hambog na mayabang." }, { "surah": "31", "ayah": 19, "translation": "Magmarahan ka sa paglakad mo at magbaba ka ng tinig mo; tunay ang pinakamasagwa sa mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno." }, { "surah": "31", "ayah": 20, "translation": "Hindi ba kayo nakakita na si All\u0101h ay nagpasilbi para sa inyo ng nasa mga langit at nasa lupa at nagpasagana sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran at pakubli. Mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil kay All\u0101h nang walang isang kaalaman ni isang patnubay ni isang aklat na nagbibigay-liwanag." }, { "surah": "31", "ayah": 21, "translation": "Kapag sinabi sa kanila: \u201cSumunod kayo sa pinababa ni All\u0101h,\u201d nagsasabi sila: \u201cBagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga magulang namin.\u201d Kahit pa ba ang demonyo ay nag-aanyaya sa kanila sa pagdurusa sa Liyab?" }, { "surah": "31", "ayah": 22, "translation": "Ang sinumang nagpasakop ng mukha niya kay All\u0101h habang siya ay tagagawa ng maganda ay nangunyapit nga sa hawakang pinakamatibay. Tungo kay All\u0101h ang kahihinatnan ng mga usapin." }, { "surah": "31", "ayah": 23, "translation": "Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin ang babalikan nila saka magbabalita Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si All\u0101h ay Maalam sa laman ng mga dibdib." }, { "surah": "31", "ayah": 24, "translation": "Magpapatamasa Kami sa kanila[445] nang kaunti, pagkatapos magtataboy Kami sa kanila sa isang pagdurusang mabagsik." }, { "surah": "31", "ayah": 25, "translation": "Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na si All\u0101h. Sabihin mo: \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h.\u201d Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "31", "ayah": 26, "translation": "Sa kay All\u0101h ang anumang nasa mga langit at lupa. Tunay na si All\u0101h ay ang Walang-pangangailangan, ang Kapuri-puri." }, { "surah": "31", "ayah": 27, "translation": "Kung sakaling ang anumang nasa lupa na punong-kahoy ay [ginawang] mga panulat at ang dagat [ay tinta], na may magdaragdag dito matapos na niyon na pitong dagat, hindi mauubos ang mga salita ni All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "31", "ayah": 28, "translation": "Walang iba ang pagkalikha sa inyo ni ang pagbuhay sa inyo [mula sa kamatayan] kundi gaya[446] ng nag-iisang kaluluwa. Tunay na si All\u0101h ay Madinigin, Nakakikita." }, { "surah": "31", "ayah": 29, "translation": "Hindi ka ba nakakita na si All\u0101h ay nagpapalagos ng gabi sa maghapon, nagpapalagos ng maghapon sa gabi, at nagpasilbi ng araw at buwan, na bawat isa ay tumatakbo tungo sa isang taning na tinukoy; at na si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid?" }, { "surah": "31", "ayah": 30, "translation": "Iyon ay dahil si All\u0101h ay ang Totoo, at na ang anumang dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanan, at na si All\u0101h ay ang Mataas, ang Malaki." }, { "surah": "31", "ayah": 31, "translation": "Hindi ka ba nakakita na ang mga daong ay naglalayag sa dagat dahil sa biyaya ni All\u0101h upang magpakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya? Tunay sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat." }, { "surah": "31", "ayah": 32, "translation": "Kapag may bumalot sa kanila na mga alon na gaya ng mga kulandong ay dumadalangin sila kay All\u0101h habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagtalima, ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan ay mayroon sa kanila na katamtaman.[447] Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat palasira sa pangako na mapagtangging magpasalamat." }, { "surah": "31", "ayah": 33, "translation": "O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo at matakot kayo sa isang Araw na walang mananagot na isang magulang para sa anak niya ni isang inanak na mananagot para sa magulang niya sa anuman. Tunay na ang pangako ni All\u0101h ay totoo kaya huwag ngang lilinlang sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang lilinlang sa inyo hinggil kay All\u0101h ang mapanlinlang." }, { "surah": "31", "ayah": 34, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay may taglay ng kaalaman sa Huling Sandali. Nagbababa Siya ng ulan at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan. Hindi nababatid ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan at hindi nababatid ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay. Tunay na si All\u0101h ay Maalam, Mapagbatid." }, { "surah": "32", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. M\u012bm. [448]" }, { "surah": "32", "ayah": 2, "translation": "Ang pagbababa ng Aklat nang walang pag-aalinlangan doon ay mula sa Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "32", "ayah": 3, "translation": "O nagsasabi sila na ginawa-gawa niya [ang Qur\u2019\u0304a\u0304 na] ito? Bagkus ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala bago mo pa, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan." }, { "surah": "32", "ayah": 4, "translation": "Si All\u0101h ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan. Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?" }, { "surah": "32", "ayah": 5, "translation": "Nangangasiwa Siya sa usapin [ng nilikha Niya] mula sa langit patungo sa lupa, pagkatapos papanik iyon sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo." }, { "surah": "32", "ayah": 6, "translation": "Iyon ay ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Maawain," }, { "surah": "32", "ayah": 7, "translation": "na nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya. Nagsimula Siya ng paglikha ng tao mula sa putik." }, { "surah": "32", "ayah": 8, "translation": "Pagkatapos gumawa Siya sa mga inapo nito mula sa isang hinango mula sa isang tubig na aba." }, { "surah": "32", "ayah": 9, "translation": "Pagkatapos humubog Siya rito at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya.[449] Gumawa Siya para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo!" }, { "surah": "32", "ayah": 10, "translation": "Nagsabi sila: \u201cKapag ba nawala kami sa lupa, tunay bang kami ay talagang [bubuhayin] sa isang paglikhang bago?\u201d Bagkus sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "32", "ayah": 11, "translation": "Sabihin mo: \u201cMagpapapanaw sa inyo ang anghel ng kamatayan na itinalaga sa inyo, pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo pababalikin kayo.\u201d" }, { "surah": "32", "ayah": 12, "translation": "Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga salarin ay mga nakatungo ang mga ulo nila sa piling ng Panginoon nila, [na nagsasabi]: \u201cPanginoon namin, nakakita kami at nakarinig kami. Kaya magpabalik Ka sa amin [sa Mundo], gagawa kami ng maayos.[450] Tunay na kami ay mga nakatitiyak.\u201d" }, { "surah": "32", "ayah": 13, "translation": "Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat kaluluwa ng patnubay niya, subalit nagindapat ang pag-atas mula sa Akin: \u201cTalagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang lahat-lahat." }, { "surah": "32", "ayah": 14, "translation": "Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] dahil lumimot kayo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito. Tunay na Kami ay lilimot[451] sa inyo. Lumasap kayo ng pagdurusa ng kawalang-hanggan dahil sa dati ninyong ginagawa [na kasamaan].\u201d" }, { "surah": "32", "ayah": 15, "translation": "Sumasampalataya lamang sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] ang mga kapag pinaalalahanan sa mga ito ay bumabagsak na mga nakapatirapa at nagluluwalhati kalakip ng papuri sa Panginoon nila habang sila ay hindi nagmamalaki." }, { "surah": "32", "ayah": 16, "translation": "Naghihiwalayan ang mga tagiliran nila palayo sa mga hinihigaan [sa gabi para magdasal] habang dumadalangin sila sa Panginoon nila dala ng pangamba at paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila." }, { "surah": "32", "ayah": 17, "translation": "Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na ginhawa ng mga mata bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "32", "ayah": 18, "translation": "Kaya ba ang sinumang naging isang mananampalataya ay gaya ng sinumang naging isang suwail? Hindi sila nagkakapantay." }, { "surah": "32", "ayah": 19, "translation": "Hinggil naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin ng kanlungan bilang tuluyan dahil sa dati nilang ginagawa." }, { "surah": "32", "ayah": 20, "translation": "Hinggil naman sa mga nagpakasuwail,[452] ang kanlungan nila ay ang Apoy. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila: \u201cLasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayo ay nagpapasinungaling dito.\u201d" }, { "surah": "32", "ayah": 21, "translation": "Talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng pinakamalapit na pagdurusa [sa Mundo] bukod pa sa pinakamalaking pagdurusa [sa Kabilang-buhay], nang sa gayon sila ay babalik." }, { "surah": "32", "ayah": 22, "translation": "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan sa pamamagitan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos umaayaw sa mga ito? Tunay na Kami sa mga salarin ay maghihiganti." }, { "surah": "32", "ayah": 23, "translation": "Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa pakikipagkita sa kanya.[453] Gumawa Kami rito bilang patnubay para sa mga anak ni Israel." }, { "surah": "32", "ayah": 24, "translation": "Gumawa Kami mula sa kanila [na mga anak ni Israel] ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak." }, { "surah": "32", "ayah": 25, "translation": "Tunay na ang Panginoon mo ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba." }, { "surah": "32", "ayah": 26, "translation": "Hindi ba nagpatnubay para sa kanila na kay rami ng ipinahamak Namin bago pa nila na mga [makasalanang] salinlahi habang naglalakad ang mga iyon sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda; kaya hindi ba sila dumidinig?" }, { "surah": "32", "ayah": 27, "translation": "Hindi ba sila nakakita na Kami ay umaakay sa tubig patungo sa lupang tigang saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan niyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga hayupan nila at ang mga sarili nila? Kaya hindi ba sila tumitingin [doon]?" }, { "surah": "32", "ayah": 28, "translation": "Nagsasabi sila: \u201cKailan ang pagsakop na ito kung kayo ay mga tapat?\u201d" }, { "surah": "32", "ayah": 29, "translation": "Sabihin mo: \u201cSa araw ng pagsakop, hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya ang pagsampalataya nila ni sila ay palulugitan.\u201d" }, { "surah": "32", "ayah": 30, "translation": "Kaya umayaw ka sa kanila at maghintay ka sa kanila [sa sasapit sa kanila]; tunay na sila ay mga naghihintay.[454]" }, { "surah": "33", "ayah": 1, "translation": "O Propeta [Muh\u0323ammad], mangilag kang magkasala kay All\u0101h at huwag kang tumalima sa [ninanasa ng] mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw. Tunay na si All\u0101h ay laging Maalam, Marunong." }, { "surah": "33", "ayah": 2, "translation": "Sumunod ka sa ikinakasi sa iyo mula sa Panginoon mo. Tunay na si All\u0101h laging sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid." }, { "surah": "33", "ayah": 3, "translation": "Manalig ka kay All\u0101h. Nakasapat si All\u0101h bilang Pinananaligan." }, { "surah": "33", "ayah": 4, "translation": "Hindi gumawa si All\u0101h para sa isang lalaki ng dalawang puso sa kaloob-looban nito. Hindi Siya gumawa sa mga maybahay ninyo na nagtutulad kayo sa kanila sa likod [ng mga ina ninyo] bilang mga ina ninyo. Hindi Siya gumawa sa mga ampon ninyo bilang mga anak ninyo. Iyon ay ang sabi ninyo sa pamamagitan ng mga bibig ninyo. Si All\u0101h ay nagsasabi ng totoo at Siya ay nagpapatnubay sa landas." }, { "surah": "33", "ayah": 5, "translation": "Tumawag kayo sa kanila [na mga ampon ninyo] sa [pangalan ng] mga ama nila; ito ay higit na makatarungan sa ganang kay All\u0101h. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam sa mga ama nila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga nagpapatangkilik sa inyo. Wala sa inyong isang paninisi sa anumang nagkamali kayo subalit [mayroon kasalanan] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo. Laging si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "33", "ayah": 6, "translation": "Ang Propeta ay higit na karapat-dapat sa mga mananampalataya kaysa sa mga sarili nila. Ang mga maybahay niya ay mga ina nila. Ang mga may mga pagkakaanak [sa kaangkanan at dugo], ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] ayon sa Kautusan ni All\u0101h kaysa sa mga mananampalataya at mga lumikas [alang-alang kay All\u0101h], maliban na gumawa kayo sa mga katangkilik ninyo ng isang nakabubuti [sa pamamagitan ng isang habilin]. Noon pa, iyon sa Talaan [na Tablerong Iniingatan] ay nakatitik na." }, { "surah": "33", "ayah": 7, "translation": "[Banggitin] noong tumanggap Kami mula sa mga propeta ng tipan nila, mula sa iyo [O Muh\u0323ammad], at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap Kami mula sa kanila ng tipang mariin," }, { "surah": "33", "ayah": 8, "translation": "upang magtanong Siya sa mga tapat tungkol sa katapatan nila [sa pagpapaabot sa mensahe Niya]. Naghanda Siya para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "33", "ayah": 9, "translation": "O mga sumampalataya, alalahanin ninyo ang biyaya ni All\u0101h sa inyo noong may dumating sa inyo na mga kawal saka nagsugo sa kanila ng isang hangin at mga kawal [na Anghel] na hindi ninyo nakita. Laging si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita." }, { "surah": "33", "ayah": 10, "translation": "[Banggitin] noong dumating sila sa inyo mula sa ibabaw ninyo at mula sa ilalim mula sa inyo, at noong lumiko ang mga paningin, umabot ang mga puso sa mga lalamunan, at nagpapalagay kayo kay All\u0101h ng mga palagay." }, { "surah": "33", "ayah": 11, "translation": "Doon nasubok ang mga mananampalataya at nayanig sila sa isang pagyanig na matindi." }, { "surah": "33", "ayah": 12, "translation": "[Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga sa mga puso nila ay may karamdaman [ng pagdududa]: \u201cHindi nangako sa amin si Alla\u0304h at ang Sugo Niya kundi ng isang panlilinlang.\u201d" }, { "surah": "33", "ayah": 13, "translation": "[Banggitin] noong may nagsabing isang pangkatin kabilang sa kanila: \u201cO mga mamamayan ng Yathrib,[455] walang mapananatilihan [dito] para sa inyo kaya bumalik kayo.\u201d May nagpapaalam na isang pangkat kabilang sa kanila sa Propeta, na nagsasabi: \u201cTunay na ang mga bahay namin ay nakabuyayang,\u201d samantalang ang mga iyon ay hindi nakabuyayang. Walang silang ninanais kundi isang pagtakas." }, { "surah": "33", "ayah": 14, "translation": "Kung sakaling may nakapasok sa kanila mula sa mga pook nito, pagkatapos hinilingan sila [ng kaaway] ng pagtataksil, talaga sanang gumawa sila nito at hindi sila namalagi rito kundi daglian." }, { "surah": "33", "ayah": 15, "translation": "Talaga ngang nangyaring sila ay nakipagkasunduan kay All\u0101h bago pa niyan na hindi sila magbabaling ng mga likod. Laging ang kasunduan kay All\u0101h ay pinananagutan." }, { "surah": "33", "ayah": 16, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi magpapakinabang sa inyo ang pagtakas kung tumakas kayo sa kamatayan o pagkapatay, at sa samakatuwid [kung ginawa ninyo,] hindi kayo pagtatamasain [buhay na ito] kundi nang kaunti.\u201d" }, { "surah": "33", "ayah": 17, "translation": "Sabihin mo: \u201cSino itong magsasanggalang sa inyo laban kay All\u0101h kung nagnais Siya sa inyo ng isang kasagwaan o nagnais Siya sa inyo ng isang awa?\u201d Hindi sila makatatagpo para sa kanila bukod pa kay All\u0101h ng isang katangkilik ni isang mapag-adya." }, { "surah": "33", "ayah": 18, "translation": "Nakaaalam nga si All\u0101h sa mga tagabalakid [sa pakikipaglaban sa landas ni Alla\u0304h] kabilang sa inyo at mga tagasabi sa mga kapatid nila: \u201cPumarito kayo sa amin,\u201d samantalang hindi sila pumupunta sa labanan kundi nang kaunti," }, { "surah": "33", "ayah": 19, "translation": "habang mga sakim sa inyo.[456] Ngunit kapag dumating ang pangamba, makakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo, na umiikot ang mga mata nila gaya ng hinihimatay sa kamatayan; ngunit kapag umalis ang takot ay humahagupit sila sa inyo ng mga dilang matatalas, na mga sakim sa mabuti.[457] Ang mga iyon ay hindi sumampalataya kaya nagpawalang-kabuluhan si All\u0101h sa mga gawa nila. Laging iyon kay All\u0101h ay madali." }, { "surah": "33", "ayah": 20, "translation": "Nag-aakala silang ang mga lapian ay hindi umalis. Kung pumunta [muli] ang mga lapian ay magmimithi sila na kung sana sila ay mga pumapailang sa mga Arabeng disyerto, na nagtatanong tungkol sa mga balita sa inyo. Kung sakaling sila ay nasa inyo ay hindi sila makikipaglaban kundi nang kaunti." }, { "surah": "33", "ayah": 21, "translation": "Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni All\u0101h ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam [sa pakikipagkita] kay All\u0101h at sa Huling Araw at nag-alaala kay All\u0101h nang madalas." }, { "surah": "33", "ayah": 22, "translation": "Noong nakita ng mga mananampalataya ang mga lapian ay nagsabi sila: \u201cIto ay ang ipinangako sa atin ni All\u0101h at ng Sugo Niya at nagpakatapat si All\u0101h at ang Sugo Niya.\u201d Walang naidagdag sa kanila ito kundi pananampalataya at pagtanggap." }, { "surah": "33", "ayah": 23, "translation": "Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat sa ipinangako nila kay All\u0101h sapagkat mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya [hanggang kamatayan] at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi sila nagpalit [sa pangako] sa isang pagpapalit," }, { "surah": "33", "ayah": 24, "translation": "upang gantihan ni All\u0101h ang mga tapat dahil sa katapatan nila at pagdusahin Niya ang mga mapagpaimbabaw kung niloob Niya o tanggapin Niya sa kanila ang pagbabalik-loob. Tunay na si All\u0101h ay laging Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "33", "ayah": 25, "translation": "Nagpaurong si All\u0101h sa mga tumangging sumampalataya habang nasa ngitngit nila, na hindi nagtamo ng isang kabutihan. Nagpasapat si All\u0101h sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Laging si All\u0101h ay Malakas, Makapangyarihan." }, { "surah": "33", "ayah": 26, "translation": "Nagpababa Siya sa mga nagtaguyod sa mga iyon [na mga tagapagtambal] kabilang sa mga May Kasulatan [na mga Hudyo] mula sa mga balwarte ng mga iyon at bumato Siya sa mga puso ng mga iyon ng hilakbot [kaya] may isang pangkat na pinapatay ninyo at may isang pangkat na binibihag ninyo." }, { "surah": "33", "ayah": 27, "translation": "Nagpamana Siya sa inyo ng lupain nila, mga tahanan nila, mga ari-arian nila, at isang lupaing hindi ninyo naapakan [sa kasunod na pagsakop]. Laging si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "33", "ayah": 28, "translation": "O Propeta [Muh\u0323ammad], sabihin mo sa mga maybahay mo: \u201cKung kayo ay nagnanais ng buhay na pangmundo at ng gayak nito, halikayo, magpapatamasa ako sa inyo at magpapalaya ako sa inyo nang pagpapalayang marilag." }, { "surah": "33", "ayah": 29, "translation": "Kung kayo ay nagnanais kay All\u0101h, sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad], at sa tahanan sa Kabilang-buhay, tunay na si All\u0101h ay naghanda para sa mga babaing tagagawa ng maganda kabilang sa inyo ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso].\u201d" }, { "surah": "33", "ayah": 30, "translation": "O mga maybahay ng Propeta, ang sinumang gagawa kabilang sa inyo ng isang mahalay na mapaglilinaw ay pag-iibayuhin para sa kanya [sa Kabilang-buhay] ang pagdurusa nang dalawang ibayo. Laging iyon kay All\u0101h ay madali." }, { "surah": "33", "ayah": 31, "translation": "Ang sinumang magmamasunurin kabilang sa inyo kay All\u0101h at sa Sugo Niya [na si Muh\u0323ammad] at gagawa ng maayos ay magbibigay sa kanya ng pabuya niya nang dalawang ulit. Naglaan Kami para sa kanya ng isang panustos na masagana [sa Paraiso]." }, { "surah": "33", "ayah": 32, "translation": "O mga maybahay ng Propeta, hindi kayo gaya ng isa sa mga babae.[458] Kung nangilag kayong magkasala ay huwag kayong magmalamyos sa pagsabi para magmithi ang sa puso niya ay may karamdaman[459] at magsabi kayo ng isang pananalitang nakabubuti." } ]