[ { "surah": "27", "ayah": 60, "translation": "O ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa para sa inyo mula sa langit ng tubig kaya nagpatubo sa pamamagitan nito ng mga hardin na may dilag na hindi naging ukol sa inyo na magpatubo kayo ng mga punong-kahoy ng mga iyon ay isang diyos kasama kay All\u0101h? Bagkus sila ay mga taong nagpapantay [sa Kanya sa iba]." }, { "surah": "27", "ayah": 61, "translation": "O ang gumawa ba sa lupa bilang pamamalagian, gumawa sa gitna nito ng mga ilog, gumawa para rito ng mga matatag na bundok, at gumawa sa pagitan ng dalawang dagat [na alat at tabang] ng isang harang ay isang diyos ba kasama kay All\u0101h? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "27", "ayah": 62, "translation": "O ang sumasagot ba sa nagigipit kapag dumalangin ito sa Kanya, nag-aalis ng kasagwaan, at gumagawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa ay isang diyos ba kasama kay All\u0101h? Kaunti ang isinasaalaala ninyo!" }, { "surah": "27", "ayah": 63, "translation": "O ang nagpapatnubay sa inyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan at ang nagsusugo ng mga hangin bilang balitang nakagagalak sa harap ng awa Niya ay isang diyos ba kasama kay All\u0101h? Napakataas si Alla\u0304h higit sa anumang itinatambal nila." }, { "surah": "27", "ayah": 64, "translation": "O ang nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito,[390] at ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa ay isang diyos ba kasama kay All\u0101h?\u201d Sabihin mo: \u201cMagbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "27", "ayah": 65, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi nalalaman ng sinumang nasa mga langit at lupa ang nakalingid maliban kay All\u0101h, at hindi nila nararamdaman kung kailan sila bubuhayin.\u201d" }, { "surah": "27", "ayah": 66, "translation": "Bagkus nagwakas ang kaalaman nila hinggil sa Kabilang-buhay. Bagkus sila ay nasa isang pagdududa hinggil doon. Bagkus sila roon ay mga bulag." }, { "surah": "27", "ayah": 67, "translation": "Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: \u201cKapag kami ba ay naging alabok at [gayon din] ang mga magulang namin, tunay na kami ba ay talagang mga palalabasin [sa mga libingan]?" }, { "surah": "27", "ayah": 68, "translation": "Talaga ngang pinangakuan nito Kami mismo at ang mga magulang namin bago pa niyan. Walang iba ito kundi ang mga alamat ng mga sinauna.\u201d" }, { "surah": "27", "ayah": 69, "translation": "Sabihin mo: \u201cHumayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga salarin.\u201d" }, { "surah": "27", "ayah": 70, "translation": "Huwag kang malungkot para sa kanila at huwag kang maging nasa isang paninikip [ng dibdib] mula sa anumang ipinakakana nila." }, { "surah": "27", "ayah": 71, "translation": "Nagsasabi sila: \u201cKailan ang pangakong ito kung kayo ay tapat?\u201d" }, { "surah": "27", "ayah": 72, "translation": "Sabihin mo: \u201cMarahil maging napaaga para sa inyo ang ilan sa minamadali ninyo.\u201d" }, { "surah": "27", "ayah": 73, "translation": "Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat." }, { "surah": "27", "ayah": 74, "translation": "Tunay na ang Panginoon mo ay talagang nakaaalam ng anumang kinikimkim ng mga dibdib nila at anumang inihahayag nila." }, { "surah": "27", "ayah": 75, "translation": "Walang anumang lumilingid sa langit at lupa malibang nasa isang talaang malinaw." }, { "surah": "27", "ayah": 76, "translation": "Tunay na itong Qur\u2019\u0101n ay nagsasalaysay sa mga anak ni Israel ng higit na marami sa [bagay na] sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba." }, { "surah": "27", "ayah": 77, "translation": "Tunay na ito ay talagang isang patnubay at isang awa para sa mga mananampalataya." }, { "surah": "27", "ayah": 78, "translation": "Tunay na ang Panginoon mo ay huhusga sa pagitan nila sa pamamagitan ng kahatulan Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maalam." }, { "surah": "27", "ayah": 79, "translation": "Kaya manalig ka kay All\u0101h; tunay na ikaw ay nasa katotohanang malinaw." }, { "surah": "27", "ayah": 80, "translation": "Tunay na ikaw ay hindi nakapagpaparinig sa mga patay at hindi nakapagpaparinig sa mga bingi ng panawagan kapag bumaling sila na mga tumatalikod." }, { "surah": "27", "ayah": 81, "translation": "Ikaw ay hindi tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa pagkaligaw nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop [sa kalooban ni All\u0101h]." }, { "surah": "27", "ayah": 82, "translation": "Kapag bumagsak ang pag-atas [ng pagdurusa] sa kanila, magpapalabas Kami para sa kanila ng isang gumagalaw na nilalang mula sa lupa na kakausap sa kanila, [na nagsasabi] na ang mga tao noon sa mga tanda Namin ay hindi nakatitiyak." }, { "surah": "27", "ayah": 83, "translation": "[Banggitin] ang araw na kakalap Kami mula sa bawat kalipunan ng isang pulutong kabilang sa nagpapasinungaling sa mga tanda Namin saka sila ay papipilahin;" }, { "surah": "27", "ayah": 84, "translation": "hanggang sa nang dumating sila [sa pagtutuusan sa kanila, si All\u0101h] ay nagsabi: \u201cNagpasinungaling ba kayo sa mga tanda Ko samantalang hindi kayo nakapaligid sa mga ito sa kaalaman, o ano ang dati ninyong ginagawa?\u201d" }, { "surah": "27", "ayah": 85, "translation": "Babagsak ang pag-atas [ng pagdurusa] sa kanila dahil lumabag sila sa katarungan kaya sila ay hindi makabibigkas." }, { "surah": "27", "ayah": 86, "translation": "Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa sa gabi upang matiwasay sila rito at sa maghapon bilang nagbibigay-paningin [para makapaghanap-buhay]? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya." }, { "surah": "27", "ayah": 87, "translation": "[Banggitin] ang araw na iihip sa tambuli saka manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga lupa, maliban sa sinumang niloob ni All\u0101h, habang lahat ay pupunta sa Kanya na mga nagpapakaaba." }, { "surah": "27", "ayah": 88, "translation": "Makikita mo ang mga bundok, habang nag-aakala kang ang mga ito ay nakatigil samantalang ang mga ito ay dumaraan gaya ng pagdaan ng mga ulap, bilang pagkayari ni All\u0101h na nagpahusay sa bawat bagay. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "27", "ayah": 89, "translation": "Ang sinumang magdala ng magandang gawa,[391] ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon habang sila, mula sa hilakbot sa araw na iyon, ay mga matitiwasay." }, { "surah": "27", "ayah": 90, "translation": "Ang sinumang magdala ng masagwang gawa,[392] isusubsob ang mga mukha nila sa Apoy. [Sasabihin:] \u201cGagantihan kaya kayo maliban pa ng anumang dati ninyong ginagawa?\u201d" }, { "surah": "27", "ayah": 91, "translation": "[Sabihin mo]: \u201cInutusan lamang ako na sumamba sa Panginoon ng bayang ito, na nagpabanal nito \u2013 at sa Kanya ang bawat bagay \u2013 at inutusan ako na maging kabilang ako sa mga tagapagpasakop [kay All\u0101h]" }, { "surah": "27", "ayah": 92, "translation": "at na bumigkas ako ng Qur\u2019\u0101n.\u201d Kaya ang sinumang napatnubayan ay napapatnubayan lamang para sa [pakinabang] sarili niya at ang sinumang naligaw ay sabihin mo: \u201cAko ay kabilang sa mga tagapagbabala lamang.\u201d" }, { "surah": "27", "ayah": 93, "translation": "Sabihin mo: \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h. Magpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya kaya makakikilala kayo sa mga ito. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 1, "translation": "T\u0101\u2019. S\u012bn. M\u012bm.[393]" }, { "surah": "28", "ayah": 2, "translation": "Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat[394] na malinaw." }, { "surah": "28", "ayah": 3, "translation": "Bumibigkas Kami sa iyo mula sa balita kay Moises at kay Paraon ayon sa katotohanan para sa mga taong sumasampalataya." }, { "surah": "28", "ayah": 4, "translation": "Tunay na si Paraon ay nagmataas sa lupain at gumawa sa mga naninirahan doon bilang mga kampihan habang naniniil sa isang pangkatin[395] kabilang sa kanila: pinagkakatay niya ang mga lalaking anak nila at pinamumuhay niya ang mga babae nila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo." }, { "surah": "28", "ayah": 5, "translation": "Nagnanais Kami na magmagandang-loob Kami sa mga siniil sa lupain,[396] gumawa Kami sa kanila na mga pasimuno, gumawa Kami sa kanila na mga tagapagmana," }, { "surah": "28", "ayah": 6, "translation": "[Nagnanais Kami na] magbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupain at magpakita Kami kay Paraon, kay H\u0101m\u0101n, at sa mga kawal nilang dalawa kabilang sa kanila ng pinangingilagan nila noon." }, { "surah": "28", "ayah": 7, "translation": "Nagkasi Kami sa ina ni Moises, na [nagsasabi]: \u201cMagpasuso ka sa kanya; ngunit kapag nangamba ka para sa kanya ay itapon mo siya sa ilog at huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na Kami ay magsasauli sa kanya sa iyo at gagawa sa kanya kabilang sa mga isinugo.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 8, "translation": "Kaya napulot siya [sa ilog] ng mag-anak ni Paraon upang siya para sa kanila ay maging isang kaaway at isang kalungkutan. Tunay na si Paraon, si H\u0101m\u0101n, at ang mga kawal nilang dalawa ay mga nagkakamali noon." }, { "surah": "28", "ayah": 9, "translation": "Nagsabi ang maybahay ni Paraon: \u201cIsang ginhawa ng mata para sa akin at para sa iyo, huwag ninyo siyang patayin; marahil magpakinabang siya sa atin o magturing tayo sa kanya bilang anak,\u201d habang sila ay hindi nakararamdam.[397]" }, { "surah": "28", "ayah": 10, "translation": "Ang puso ng ina ni Moises ay naging hungkag.[398] Tunay na muntik talagang maglantad ito sa kanya[399] kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalataya." }, { "surah": "28", "ayah": 11, "translation": "Nagsabi ito sa babaing kapatid niya: \u201cMagsubaybay ka sa kanya.\u201d Kaya nakakita iyon sa kanya mula sa malayo habang sila ay hindi nakararamdam." }, { "surah": "28", "ayah": 12, "translation": "Nagbawal Kami sa kanya ng [ibang] mga tagapasuso bago pa niyan, kaya nagsabi [ang kapatid niyang] iyon: \u201cMagtuturo po kaya ako sa inyo ng isang bahay na kakandili sa kanya para sa inyo habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 13, "translation": "Kaya nagsauli Kami sa kanya sa ina niya upang guminhawa ang mata nito at hindi ito malungkot at upang makaalam ito na ang pangako ni All\u0101h ay totoo, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "28", "ayah": 14, "translation": "Noong umabot [si Moises] sa katindihan niya at nalubos siya sa pag-iisip, nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "28", "ayah": 15, "translation": "Pumasok siya [isang araw] sa lungsod sa isang sandali ng pagkalingat ng mga naninirahan doon saka nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aaway. Itong [una] ay kabilang sa kakampi niya at itong [ikalawa] ay kabilang sa kaaway niya. Nagpasaklolo sa kanya ang kabilang sa kakampi niya laban sa kabilang sa kaaway niya. Kaya binuntal ito ni Moises saka napaslang niya ito. Nagsabi siya: \u201cIto ay kabilang sa gawain ng demonyo; tunay na siya ay isang kaaway na tagapagligaw na malinaw.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 16, "translation": "Nagsabi [si Moises]: \u201cPanginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko kaya magpatawad Ka sa akin.\u201d Kaya nagpatawad Siya rito. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain." }, { "surah": "28", "ayah": 17, "translation": "Nagsabi siya: \u201cPanginoon ko, dahil sa ibiniyaya Mo sa akin, hindi ako magiging isang mapagtaguyod para sa mga salarin.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 18, "translation": "Kaya siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay, saka biglang ang nagpaadya sa kanya kahapon ay nagpapasalba na naman sa kanya. Nagsabi sa kanya si Moises: \u201cTunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 19, "translation": "Kaya noong nagnais siya na sumunggab sa isang kaaway para sa kanilang dalawa ay nagsabi iyon: \u201cO Moises, nagnanais ka ba na pumatay sa akin gaya ng pagpatay mo ng isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi ikaw ay maging isang palasupil sa lupain at hindi ka nagnanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 20, "translation": "May dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na tumatakbo. Nagsabi ito: \u201cO Moises, tunay ang konseho [ng mga tao ni Paraon] ay nagpupulong hinggil sa iyo upang patayin ka nila kaya lumisan ka. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapagpayo.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 21, "translation": "Kaya lumisan siya mula roon habang kinakabahang nag-aantabay. Nagsabi siya: \u201cPanginoon ko, iligtas Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 22, "translation": "Noong nakadako siya sa bandang Madyan ay nagsabi [si Moises]: \u201cMarahil ang Panginoon ko ay magpapatnubay sa akin sa katumpakan ng landas.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 23, "translation": "Noong nakarating siya sa tubigan ng Madyan, nakatagpo siya roon ng isang kalipunan ng mga tao na nagpapainom [ng kawan] at nakatagpo siya bukod pa sa kanila ng dalawang babaing pumipigil [sa kawan]. Nagsabi [si Moises]: \u201cAno ang lagay ninyong dalawa?\u201d Nagsabi silang dalawa: \u201cHindi kami nagpapainom [ng kawan] hanggang sa magpaalis ang mga pastol [ng kawan nila]. Ang ama namin ay lubhang matanda.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 24, "translation": "Kaya nagpainom [si Moises sa kawan] para sa kanilang dalawa. Pagkatapos tumalikod siya patungo sa lilim saka nagsabi: \u201cPanginoon ko, tunay na ako, sa pinababa Mo sa akin na anumang biyaya, ay maralita.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 25, "translation": "Saka dumating sa kanya ang isa sa dalawang babae, na naglalakad nang mahiyain. Nagsabi ito: \u201cTunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo upang gumanti siya sa iyo ng pabuya sa pagpainom mo [sa kawan namin] para sa amin.\u201d Kaya noong dumating siya roon at nagsalaysay siya roon ng mga kasaysayan [niya], nagsabi iyon: \u201cHuwag kang mangamba; naligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 26, "translation": "Nagsabi ang isa sa dalawang babae: \u201cO Ama ko, upahan mo siya; tunay na ang pinakamabuti na sinumang upahan mo ay ang malakas na mapagkakatiwalaan.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 27, "translation": "Nagsabi iyon: \u201cTunay na ako ay nagnanais na ipakasal ko sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak ko na ito sa kundisyong magpaupa ka sa akin nang walong taon, ngunit kung lulubusin mo sa sampung [taon] ay nasa ganang iyo. Hindi ako nagnanais na magpabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni All\u0101h, na kabilang sa mga maayos.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 28, "translation": "Nagsabi [si Moises]: \u201cIyon ay [kasunduan] sa pagitan ko at sa pagitan mo. Alin man sa dalawang taning na matatapos ko ay walang paglabag sa akin. Si All\u0101h sa anumang sinasabi natin ay Pinananaligan.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 29, "translation": "Kaya noong natapos ni Moises ang taning at humayo siya dala kasama ng mag-anak niya, nakatanaw siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: \u201cManatili kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang ulat o isang baga mula sa apoy nang harinawa kayo ay makapagpapainit.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 30, "translation": "Kaya noong nakapunta siya roon, tinawag siya mula sa kanang pangpang ng lambak, sa pook na pinagpala, mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: \u201cO Moises, tunay na Ako ay si All\u0101h, ang Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "28", "ayah": 31, "translation": "Pumukol ka ng tungkod mo.\u201d Ngunit noong nakita niya ito na kumikislut-kislot na para bang ito ay isang ahas, tumalikod siya habang lumilisan at hindi lumingon. [Sinabi]: \u201cO Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay." }, { "surah": "28", "ayah": 32, "translation": "Isingit mo ang kamay mo sa eskotadura mo, lalabas ito na maputi na walang kasagwaan [ng ketong]. Iyapos mo sa iyo ang kamay mo laban sa kilabot. Kaya ang dalawang iyon ay dalawang patotoo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa konseho nito. Tunay na sila noon ay mga taong suwail.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 33, "translation": "Nagsabi [si Moises]: \u201cPanginoon ko, tunay na ako ay nakapatay mula sa kanila ng isang tao kaya nangangamba ako na patayin nila ako." }, { "surah": "28", "ayah": 34, "translation": "Ang kapatid ko na si Aaron ay higit na matatas kaysa sa akin sa dila, kaya isugo Mo siya kasama sa akin bilang alalay na magpapatotoo sa akin. Tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 35, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cMagpapalakas Kami sa bisig mo sa pamamagitan ng kapatid mo at maglalagay Kami para sa inyong dalawa ng isang pangingibabaw kaya hindi sila makapagpapaaabot sa inyong dalawa [ng pinsala]. Dahil sa mga tanda Namin, kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyo ay ang mga tagapanaig.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 36, "translation": "Kaya noong naghatid sa kanila si Moises ng mga tanda Namin bilang mga naglilinaw ay nagsabi sila: \u201cWalang iba ito kundi isang panggagaway na ginawa-gawa. Hindi kami nakarinig ng ganito sa mga ninuno naming sinauna.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 37, "translation": "Nagsabi si Moises: \u201cAng Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay mula sa ganang Kanya at sa sinumang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan [ng Kaginhawahan]. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "28", "ayah": 38, "translation": "Nagsabi si Paraon: \u201cO konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang diyos na iba pa sa Akin. Kaya magpaningas ka para sa akin, O H\u0101m\u0101n, sa luwad, at gumawa ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay makapagmasid sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay kabilang sa mga sinungaling.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 39, "translation": "Nagmalaki siya at ang mga kawal niya sa lupain nang walang karapatan at nagpalagay sila na sila tungo sa Amin ay hindi pababalikin." }, { "surah": "28", "ayah": 40, "translation": "Kaya dumaklot Kami sa kanya at sa mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "28", "ayah": 41, "translation": "Gumawa Kami sa kanila bilang mga pasimuno na nag-aanyaya tungo sa Apoy. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya." }, { "surah": "28", "ayah": 42, "translation": "Pinasundan Namin sila sa Mundong ito ng isang sumpa. Sa araw ng Pagbangon, sila ay kabilang sa mga pandidirihan." }, { "surah": "28", "ayah": 43, "translation": "Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan matapos na nagpahamak Kami sa mga sinaunang salinlahi bilang mga pagpapatalos para sa mga tao, bilang patnubay, at bilang awa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala." }, { "surah": "28", "ayah": 44, "translation": "Hindi ka noon nasa gilid ng kanluraning bahagi [ng bundok] noong nagtadhana Kami kay Moises ng utos at hindi ka noon kabilang sa mga saksi." }, { "surah": "28", "ayah": 45, "translation": "Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga salinlahi saka naghabaan sa kanila ang edad. Hindi ka noon nanunuluyan sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n], subalit Kami noon ay tagapagsugo." }, { "surah": "28", "ayah": 46, "translation": "Hindi ka noon nasa gilid ng bundok noong nanawagan Kami [kay Moises] subalit [isinugo ka] bilang awa mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong walang pumunta sa kanila na anumang mapagbabala, bago mo pa, nang sa gayon sila ay magsasaalaala." }, { "surah": "28", "ayah": 47, "translation": "Kung hindi dahil na may tumama sa kanila na isang kasawian dahil sa ipinauna ng mga kamay nila para magsabi sila: \u201cPanginoon Namin, bakit hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga talata Mo at kami ay maging kabilang sa mga mananampalataya?\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 48, "translation": "Ngunit noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: \u201cBakit hindi siya binigyan ng tulad sa ibinigay kay Moises?\u201d Hindi ba sila tumangging sumampalataya sa ibinigay kay Moises bago pa niyan? Nagsabi sila: \u201c[Ang Qur\u2019a\u0304n at ang Torah ay] dalawang panggagaway na nagtataguyudan.\u201d Nagsabi sila: \u201cTunay na kami sa bawat [isa] ay mga tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 49, "translation": "Sabihin mo: \u201cKaya magbigay kayo ng isang kasulatan mula sa ganang kay All\u0101h na higit na mapaggabay kaysa sa dalawang ito, susunod ako roon kung kayo ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 50, "translation": "Ngunit kung hindi sila tumugon sa iyo ay alamin mo na sumusunod lamang sila sa mga pithaya nila. Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay All\u0101h? Tunay na si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "28", "ayah": 51, "translation": "Talaga ngang nagparating Kami sa kanila ng sinabi, nang sa gayon sila ay magsasaalaala." }, { "surah": "28", "ayah": 52, "translation": "Ang mga binigyan Namin ng kasulatan bago pa nito, sila rito ay sumasampalataya." }, { "surah": "28", "ayah": 53, "translation": "Kapag binibigkas ito sa kanila ay nagsasabi sila: \u201cSumampalataya kami rito. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon Namin. Tunay na kami dati bago pa niyon ay mga tagapagpasakop [kay All\u0101h].\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 54, "translation": "Ang mga iyon ay bibigyan ng pabuya nila nang dalawang ulit dahil nagtiis sila at nagtataboy sila sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila." }, { "surah": "28", "ayah": 55, "translation": "Kapag nakarinig sila ng kabalbalan ay umaayaw sila rito at nagsasabi sila: \u201cUkol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kapayapaan sa inyo. Hindi kami naghahangad [ng paraan] ng mga mangmang.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 56, "translation": "Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si All\u0101h ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napapatnubayan." }, { "surah": "28", "ayah": 57, "translation": "Nagsabi sila: \u201cKung susunod kami sa patnubay kasama sa iyo ay pagtatangayin kami [ng mga kaaway] mula sa lupain namin.\u201d Hindi ba nagbigay-kapangyarihan Kami para sa kanila sa isang pinagbanalang tiwasay na hinahakot doon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin? Subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "28", "ayah": 58, "translation": "Kay rami ng ipinahamak Namin na pamayanang nagpawalang-pakundangan sa pamumuhay nito, kaya iyon ang mga tirahan nila na hindi tinirahan matapos na nila maliban ng kaunti. Laging Kami ay ang Tagapagmana." }, { "surah": "28", "ayah": 59, "translation": "Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay magpapahamak ng mga pamayanan hanggang sa magpadala Siya sa ina ng mga ito ng isang sugong bibigkas sa kanila ng mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n]. Hindi nangyaring Kami ay magpapahamak ng mga pamayanan maliban [kung] ang mga naninirahan sa mga iyon ay mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "28", "ayah": 60, "translation": "Ang ibinigay sa inyo na anumang bagay ay isang natatamasa sa buhay na pangmundo at gayak nito. Ang nasa ganang kay All\u0101h ay higit na mabuti at higit na nagtatagal. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?" }, { "surah": "28", "ayah": 61, "translation": "Kaya ba ang sinumang pinangakuan Namin ng isang pangakong maganda \u2013 saka siya ay makakatagpo niyon \u2013 ay gaya ng sinumang pinagtamasa Namin ng natatamasa sa buhay na pangmundo, pagkatapos siya sa Araw ng Pagbangon ay kabilang sa mga padadaluhin [sa Impiyerno]?" }, { "surah": "28", "ayah": 62, "translation": "[Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: \u201cNasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin?\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 63, "translation": "Nagsabi ang mga magkakatotoo sa kanila ang pag-atas [ng pagdurasa]: \u201cPanginoon namin, ang mga inilisya naming ito ay inilisya namin sila kung paanong nalisya kami. Nagpapawalang-kaugnayan kami sa harap Mo [mula sa kanila]. Hindi dati sila sa Amin sumasamba.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 64, "translation": "Sasabihin: \u201cDumalangin kayo sa mga pantambal ninyo,\u201d saka dadalangin sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at makikita nila ang pagdurusa. Kung sana sila noon ay napapatnubayan." }, { "surah": "28", "ayah": 65, "translation": "[Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi Siya: \u201cAno ang isinagot ninyo sa mga isinugo [ni All\u0101h]?\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 66, "translation": "Ngunit nalingid sa kanila ang mga balita sa Araw na iyon kaya sila ay hindi magtatanungan." }, { "surah": "28", "ayah": 67, "translation": "Ngunit hinggil sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, marahil siya ay maging kabilang sa mga magtatagumpay." }, { "surah": "28", "ayah": 68, "translation": "Ang Panginoon mo ay lumilikha ng anumang niloloob Niya at pinipili Niya. Hindi naging ukol sa kanila ang pagpili. Kaluwalhatian kay All\u0101h at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila." }, { "surah": "28", "ayah": 69, "translation": "Ang Panginoon mo ay nakaaalam sa anumang kinimkim ng mga dibdib nila at anumang ipinahahayag nila." }, { "surah": "28", "ayah": 70, "translation": "Siya ay si All\u0101h; walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang papuri sa Unang-buhay at Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo." }, { "surah": "28", "ayah": 71, "translation": "Sabihin mo: \u201cNakakita ba kayo \u2013 kung gumawa si All\u0101h laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon \u2013 kung sino ang isang diyos na iba pa kay All\u0101h, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw? Kaya hindi ba kayo nakaririnig?\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 72, "translation": "Sabihin mo: \u201cNakakita ba kayo \u2013 kung gumawa si All\u0101h laban sa inyo ng gabi bilang patuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon \u2013 kung sino ang isang diyos na iba pa kay All\u0101h, na magdadala sa inyo ng isang gabi na tatahan kayo roon? Kaya hindi ba kayo nakakikita?\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 73, "translation": "Bahagi ng awa Niya, gumawa Siya para inyo ng gabi at maghapon upang mamahinga kayo roon at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat." }, { "surah": "28", "ayah": 74, "translation": "[Banggitin] ang araw na mananawagan Siya sa kanila saka magsasabi: \u201cNasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong inaangkin?\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 75, "translation": "Huhugot Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi, saka magsasabi Kami [sa mga tagapagpasinungaling]: \u201cMagbigay kayo ng patotoo ninyo,\u201d saka makaaalam sila na ang katotohanan ay sa kay All\u0101h. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa [na mga diyus-diyusan]." }, { "surah": "28", "ayah": 76, "translation": "Tunay na si Q\u0101r\u016bn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises ngunit nagpakapalalo siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga kayamanan, na tunay na ang mga susi niya ay talagang makabibigat sa pangkat na mga may lakas. Noong [nagpakapalalo siya,] nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: \u201cHuwag kang matuwa; tunay na si All\u0101h ay hindi umiibig sa mga natutuwa [gaya nito]." }, { "surah": "28", "ayah": 77, "translation": "Hangarin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni All\u0101h ang tahanan sa Kabilang-buhay at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa Mundo. Gumawa ka ng maganda kung paanong gumawa ng maganda si All\u0101h sa iyo at huwag mong hangarin ang kaguluhan sa lupa; tunay na si All\u0101h ay hindi umiibig sa mga tagagulo.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 78, "translation": "Nagsabi [si Q\u0101r\u016bn]: \u201cBinigyan lamang ako nito dahil sa isang kaalamang taglay ko.\u201d Hindi ba siya nakaalam na si All\u0101h ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanya sa lakas at higit na marami sa natipon. Hindi tatanungin tungkol sa mga pagkakasala nila ang mga salarin.[400]" }, { "surah": "28", "ayah": 79, "translation": "Kaya lumabas siya sa mga kalipi niya sa gayak niya. Nagsabi ang mga nagnanais sa buhay na pangmundo: \u201cO kung sana mayroon tayong tulad ng ibinigay kay Q\u0101r\u016bn; tunay na siya ay talagang may isang bahaging sukdulan.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 80, "translation": "Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman: \u201cKapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni All\u0101h ay higit na mabuti para sa sinumang sumampalataya at gumawa ng maayos. Walang gagawaran niyon kundi ang mga tagapagtiis.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 81, "translation": "Kaya ipinalamon Namin si Qa\u0304ru\u0304n at ang tahanan niya sa lupa. Hindi siya nagkaroon ng anumang pangkat na mag-aadya sa kanya bukod pa kay All\u0101h at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga inaadya." }, { "surah": "28", "ayah": 82, "translation": "Kinaumagahan, ang mga nagmithi ng kinalalagyan niya kahapon ay nagsasabi: \u201cSayang ka na si All\u0101h ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit.\u201d Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si All\u0101h sa atin ay talaga sanang nagpalamon Siya sa atin [sa lupa]. Sayang ka na hindi nagtatagumpay[401] ang mga tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 83, "translation": "Ang Tahanang Pangkabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin para sa mga hindi nagnanais ng kataasan sa lupa ni ng kaguluhan. Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "28", "ayah": 84, "translation": "Ang sinumang naghatid ng magandang gawa, ukol sa kanya ay higit na mabuti kaysa roon. Ang sinumang naghatid ng masagwang gawa, walang igaganti sa mga gumawa ng mga masagwang gawa kundi ang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "28", "ayah": 85, "translation": "Tunay na ang nagsatungkulin sa iyo ng Qur\u2019\u0101n ay talagang ang tagapagpabalik sa iyo tungo sa pinanunumbalikan.[402] Sabihin mo: \u201cAng Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay at sinumang nasa isang pagkaligaw na malinaw.\u201d" }, { "surah": "28", "ayah": 86, "translation": "Hindi ka dati nag-aasam na iparating sa iyo ang Aklat maliban bilang awa mula sa Panginoon mo. Kaya huwag ngang maging isang mapagtaguyod para sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "28", "ayah": 87, "translation": "Huwag nga silang[403] sasagabal sa iyo sa mga talata ni All\u0101h matapos noong pinababa ang mga ito sa iyo. Mag-anyaya ka tungo sa Panginoon mo at huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal." }, { "surah": "28", "ayah": 88, "translation": "Huwag kang manalangin kasama kay All\u0101h sa isang diyos na iba pa; walang Diyos kundi Siya. Bawat bagay ay masasawi maliban sa mukha Niya. Ukol sa Kanya ang paghahatol at tungo sa Kanya pababalikin kayo." }, { "surah": "29", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. M\u012bm.[404]" }, { "surah": "29", "ayah": 2, "translation": "Nag-akala ba ang mga tao na iiwan sila na magsabi: \u201cSumampalataya kami,\u201d habang sila ay hindi sinusubok [sa sinabi nila]?" }, { "surah": "29", "ayah": 3, "translation": "Talaga ngang sumubok sa mga bago pa nila kaya talagang nakaaalam nga si All\u0101h sa mga nagpakatapat at talagang nakaaalam nga Siya sa mga sinungaling." }, { "surah": "29", "ayah": 4, "translation": "O nag-akala ba ang mga gumagawa ng mga masagwang gawa [ng pagsuway] na makauna sila sa Amin?[405] Kay sagwa ang inihahatol nila!" }, { "surah": "29", "ayah": 5, "translation": "Ang sinumang naging nag-aasam ng pakikipagkita kay All\u0101h, tunay na ang taning ni All\u0101h ay talagang darating. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "29", "ayah": 6, "translation": "Ang sinumang nakibaka[406] ay nakibaka lamang para sa sarili niya. Tunay na si All\u0101h ay talagang Walang-pangangailangan sa mga nilalang." }, { "surah": "29", "ayah": 7, "translation": "Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magtatakip-sala nga Kami sa kanila sa mga masagwang gawa nila at talagang gaganti nga Kami sa kanila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa." }, { "surah": "29", "ayah": 8, "translation": "Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang ng isang kagandahan. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa." }, { "surah": "29", "ayah": 9, "translation": "Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapapasok nga Kami sa kanila sa gitna ng mga maayos." }, { "surah": "29", "ayah": 10, "translation": "Mayroon sa mga tao na nagsasabi: \u201cSumampalataya kami kay All\u0101h,\u201d ngunit kapag sinaktan dahil kay All\u0101h ay nagtuturing sa pagsubok ng mga tao na gaya ng pagdurusang dulot ni All\u0101h. Talagang kung may dumating na isang pag-aadya mula sa Panginoon mo ay talagang magsasabi nga sila: \u201cTunay na kami ay kasama sa inyo.\u201d Hindi ba si All\u0101h ay higit na maalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga nilalang?" }, { "surah": "29", "ayah": 11, "translation": "Talagang nakaaalam nga si All\u0101h sa mga sumampalataya at talagang nakaaalam nga Siya sa mga mapagpaimbabaw." }, { "surah": "29", "ayah": 12, "translation": "Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya [kay All\u0101h lamang]: \u201cSundin ninyo ang landasin namin at pasanin namin ang [kahihinatnan ng] mga kamalian ninyo.\u201d Hindi sila mga magpapasan mula sa mga kamalian ng mga iyon ng anuman. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling." }, { "surah": "29", "ayah": 13, "translation": "Talagang magpapasan nga sila ng mga pabigat nila at mga pabigat [ng iba][407] kasama sa mga pabigat nila. Talagang tatanungin nga sila sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati nilang ginagawa-gawa." }, { "surah": "29", "ayah": 14, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya, kaya nanatili siya sa kanila ng isang libong taon maliban sa limampung taon, saka dumaklot sa kanila ang gunaw habang sila ay mga tagalabag sa katarungan.[408]" }, { "surah": "29", "ayah": 15, "translation": "Ngunit pinaligtas Namin siya at ang mga sakay ng daong. Gumawa Kami nito bilang tanda para sa mga nilalang." }, { "surah": "29", "ayah": 16, "translation": "[Banggitin] si Abraham noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: \u201cSumamba kayo kay All\u0101h at mangilag kayong magkasala sa Kanya; iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay naging nakaaalam." }, { "surah": "29", "ayah": 17, "translation": "Sumasamba lamang kayo bukod pa kay All\u0101h sa mga diyus-diyusan at lumilikha kayo ng isang panlilinlang. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay All\u0101h ay hindi nakapagdudulot para sa inyo ng panustos. Kaya maghangad kayo sa ganang kay All\u0101h ng panustos, sumamba kayo sa Kanya, at magpasalamat kayo sa Kanya. Tungo sa Kanya pababalikin kayo.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 18, "translation": "Kung magpapasinungaling kayo,[409] may nagpasinungaling nga na mga kalipunan [sa mga propeta nila] bago pa ninyo. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe ni All\u0101h]." }, { "surah": "29", "ayah": 19, "translation": "Hindi ba nila napag-alaman kung papaanong nagpapasimula si All\u0101h sa paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik Siya nito? Tunay na iyon, kay All\u0101h, ay madali." }, { "surah": "29", "ayah": 20, "translation": "Sabihin mo: \u201cHumayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano Siya nagsimula ng paglikha. Pagkatapos si All\u0101h ay magpapaluwal na huling pagpapaluwal. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 21, "translation": "Nagpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya [dahil sa katarungan Niya] at naaawa Siya sa sinumang niloloob Niya [dahil sa kabutihang-loob Niya]. Tungo sa Kanya kayo pauuwiin." }, { "surah": "29", "ayah": 22, "translation": "Hindi kayo mga makapagpapawalang-kakayahan sa lupa ni sa langit. Walang ukol sa inyo bukod pa kay All\u0101h na anumang katangkilik ni mapag-adya." }, { "surah": "29", "ayah": 23, "translation": "Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni All\u0101h at pakikipagkita sa Kanya, ang mga iyon ay nawalan ng pag-asa sa awa Ko at ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "29", "ayah": 24, "translation": "Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: \u201cPatayin ninyo siya o sunugin ninyo siya,\u201d ngunit pinaligtas siya ni All\u0101h mula sa apoy. Tunay na sa gayon ay may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya." }, { "surah": "29", "ayah": 25, "translation": "Nagsabi siya: \u201cGumawa lamang kayo sa bukod pa kay All\u0101h ng mga diyus-diyusan dala ng isang pagmamahal sa gitna ninyo sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay tatanggi kayo sa isa\u2019t isa at susumpa kayo sa isa\u2019t isa. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagapag-adya.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 26, "translation": "Ngunit naniwala sa kanya si Lot. Nagsabi siya: \u201cTunay na ako ay lilikas tungo sa Panginoon ko. Tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 27, "translation": "Ipinagkaloob Namin sa kanya sina Isaac at Jacob at inilagay Namin sa mga supling niya ang pagkapropeta at ang kasulatan. Nagbigay Kami sa kanya ng pabuya niya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos." }, { "surah": "29", "ayah": 28, "translation": "[Banggitin] si Lot noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: \u201cTunay na kayo ay talagang gumagawa ng mahalay, habang walang nakauna sa inyo roon na isa man kabilang sa mga nilalang." }, { "surah": "29", "ayah": 29, "translation": "Tunay na kayo ba ay talagang gumagawa [ng sodomiya] sa mga lalaki, nandarambong sa landas, at gumagawa sa kapulungan ninyo ng nakasasama?\u201d[410] Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: \u201cMagdala ka sa amin ng pagdurusang dulot ni All\u0101h, kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 30, "translation": "Nagsabi siya: \u201cPanginoon ko, iadya Mo ako laban sa mga taong tagagulo.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 31, "translation": "Noong naghatid ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham ng balitang nakagagalak[411] ay nagsabi sila: \u201cTunay na kami ay magpapahamak sa mga naninirahan sa pamayanang iyan [ni Lot]. Tunay na ang mga naninirahan diyan ay laging mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 32, "translation": "Nagsabi siya: \u201cTunay na nariyan si Lot.\u201d Nagsabi sila: \u201cKami ay higit na maalam sa sinumang nariyan. Talagang magliligtas nga Kami sa kanya at sa mag-anak niya maliban sa maybahay niya; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan [para masawi].\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 33, "translation": "Noong dumating ang mga sugo Namin kay Lot ay pinahapis siya dahil sa kanila at pinanghinaan siya dahil sa kanila ng loob.[412] Nagsabi sila: \u201cHuwag kang mangamba[413] at huwag kang malungkot. Tunay na kami ay mga magliligtas sa iyo at sa mag-anak mo maliban sa maybahay mo; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan [para masawi]." }, { "surah": "29", "ayah": 34, "translation": "Tunay na kami ay mga magpapababa sa mga naninirahan sa pamayanang iyan ng isang pasakit mula sa langit dahil dati na silang nagpapakasuwail.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 35, "translation": "Talaga ngang nag-iwan Kami mula riyan ng isang tandang malinaw para sa mga taong nakapag-uunawa." }, { "surah": "29", "ayah": 36, "translation": "[Nagsugo Kami sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb, saka nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, sumamba kayo kay All\u0101h, mag-asam kayo ng [gantimpala sa] Huling Araw, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 37, "translation": "Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya, kaya dumaklot sa kanila ang yanig saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob." }, { "surah": "29", "ayah": 38, "translation": "[Nagpahamak Kami] sa `\u0100d at Tham\u016bd, at luminaw ito para sa inyo mula sa mga tirahan nila. Ipinang-akit para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila kaya bumalakid siya sa kanila sa landas habang sila noon ay mga nakatatalos." }, { "surah": "29", "ayah": 39, "translation": "[Nagpahamak Kami] kina Q\u0101r\u016bn, Paraon, at H\u0101m\u0101n. Talaga ngang naghatid sa kanila si Moises ng mga patunay na malinaw ngunit nagmalaki sila sa lupain at hindi sila noon mga nakauuna.[414]" }, { "surah": "29", "ayah": 40, "translation": "Kaya sa bawat isa ay dumaklot Kami dahil sa pagkakasala nito sapagkat kabilang sa kanila[415] ay pinadalhan Namin ng isang unos ng mga bato, kabilang sa kanila[416] ay kinuha ng hiyaw, kabilang sa kanila[417] ay ipinalamon Namin sa lupa, at kabilang sa kanila[418] ay nilunod Namin. Hindi si All\u0101h naging ukol na lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan." }, { "surah": "29", "ayah": 41, "translation": "Ang paghahalintulad sa mga gumawa sa bukod pa kay All\u0101h bilang mga katangkilik[419] ay gaya ng paghahalintulad sa gagamba noong gumawa ito ng isang bahay. Tunay na ang pinakamarupok sa mga bahay ay talagang ang bahay ng gagamba, kung sakaling sila ay naging nakaaalam." }, { "surah": "29", "ayah": 42, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay nakaaalam sa dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya na anuman. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "29", "ayah": 43, "translation": "Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao. Walang nakapag-uunawa sa mga ito kundi ang mga nakaaalam." }, { "surah": "29", "ayah": 44, "translation": "Lumikha si All\u0101h ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa mga mananampalataya." }, { "surah": "29", "ayah": 45, "translation": "Bigkasin mo ang ikinasi sa iyo mula sa Aklat at panatilihin mo ang pagdarasal; tunay na ang pagdarasal ay sumasaway sa kahalayan at nakasasama. Talagang ang pag-alaala kay All\u0101h ay higit na malaki.[420] Si All\u0101h ay nakaaalam sa anumang niyayari ninyo." }, { "surah": "29", "ayah": 46, "translation": "Huwag kayong makipagtalo sa mga May Kasulatan malibang ayon sa pinakamaganda, maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila. Sabihin ninyo: \u201cSumampalataya kami sa pinababa sa amin at pinababa sa inyo. Ang Diyos namin at ang Diyos ninyo ay nag-iisa. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.\u201d[421]" }, { "surah": "29", "ayah": 47, "translation": "Gayon Kami nagpababa sa iyo ng Aklat kaya ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng kasulatan ay sumasampalataya rito. Mayroon sa mga ito na sumasampalataya rito. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi ang mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "29", "ayah": 48, "translation": "Hindi ka dati bumibigkas bago pa nito ng anumang aklat at hindi ka nagsusulat nito sa pamamagitan ng kanan mo [dahil] kung gayon ay talagang nag-alinlangan ang mga tagapagpabula." }, { "surah": "29", "ayah": 49, "translation": "Bagkus [ang Qur\u2019\u0101n na] ito ay mga talatang malilinaw na nasa mga dibdib ng mga nabigyan kaalaman. Walang nagkakaila sa mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] kundi ang mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "29", "ayah": 50, "translation": "Nagsabi sila: \u201cBakit kasi walang pinababa sa kanya na mga tanda mula sa Panginoon niya?\u201d Sabihin mo: \u201cAng mga tanda ay nasa ganang kay All\u0101h lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.[422]\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 51, "translation": "Hindi ba nakasapat sa kanila na Kami ay nagpababa sa iyo[423] ng Aklat na binibigkas sa kanila? Tunay na sa gayon ay talagang may awa at paalaala para sa mga taong sumasampalataya." }, { "surah": "29", "ayah": 52, "translation": "Sabihin mo: \u201cNakasapat si All\u0101h sa pagitan ko at ninyo bilang Saksi. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan[424] at tumangging sumampalataya kay All\u0101h, ang mga iyon ay ang mga lugi.\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 53, "translation": "Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Kung hindi dahil [may] isang taning na tinukoy, talaga sanang dumating sa kanila ang pagdurusa at talagang pupunta nga ito sa kanila ng biglaan habang sila ay hindi nakararamdam." }, { "surah": "29", "ayah": 54, "translation": "Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Tunay na ang Impiyerno ay talagang tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya" }, { "surah": "29", "ayah": 55, "translation": "sa Araw na babalot sa kanila ang pagdurusa mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng mga paa nila at magsasabi Siya: \u201cLasapin ninyo ang dati ninyong ginagawa [na kasamaan].\u201d" }, { "surah": "29", "ayah": 56, "translation": "O mga alipin Ko [na tao at jinn] na sumampalataya, tunay na ang lupa Ko ay malawak kaya sa Akin ay sumamba kayo." }, { "surah": "29", "ayah": 57, "translation": "Bawat kaluluwa ay lalasap ng kamatayan. Pagkatapos tungo sa Amin pababalikin kayo." }, { "surah": "29", "ayah": 58, "translation": "Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay talagang magpapatahan nga Kami mula sa paraiso sa mga [mataas na] silid na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili roon. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa," }, { "surah": "29", "ayah": 59, "translation": "na mga nagtiis at sa Panginoon nila ay nananalig." }, { "surah": "29", "ayah": 60, "translation": "Kay raming gumagalaw na nilalang na hindi nagbubuhat ng panustos ng mga ito, na si All\u0101h ay nagtutustos sa mga ito at sa inyo. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "29", "ayah": 61, "translation": "Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpasilbi ng araw at buwan ay talagang magsasabi nga silang si All\u0101h. Kaya paanong nalilinlang sila [palayo sa pagsamba kay All\u0101h]?" }, { "surah": "29", "ayah": 62, "translation": "Si All\u0101h ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit para rito. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "29", "ayah": 63, "translation": "Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig saka nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa matapos na ng kamatayan nito ay talagang magsasabi nga silang si All\u0101h. Sabihin mo: \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h,\u201d ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "29", "ayah": 64, "translation": "Walang iba ang buhay na ito sa Mundo kundi isang paglilibang at isang laro. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang pinakabuhay, kung sakaling sila noon ay nakaaalam." }, { "surah": "29", "ayah": 65, "translation": "Kapag nakasakay sila sa daong[425] ay dumadalangin sila kay All\u0101h habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya]" }, { "surah": "29", "ayah": 66, "translation": "upang magkaila sila sa ibinigay Namin sa kanila at upang magpakatamasa sila [nang pansamantala], ngunit malalaman nila [ang kahihinatnan ng asal na ito]." }, { "surah": "29", "ayah": 67, "translation": "Hindi ba sila nakakita na Kami ay gumawa ng isang pinagbanalang tiwasay samantalang dinadagit[426] ang mga tao mula sa paligid nila? Kaya ba sa kabulaanan[427] sumasampalataya sila at sa biyaya ni All\u0101h nagkakaila sila?" }, { "surah": "29", "ayah": 68, "translation": "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa katotohanan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya?" }, { "surah": "29", "ayah": 69, "translation": "Ang mga nakibaka alang-alang sa Amin ay talagang magpapatnubay nga Kami sa kanila sa mga landas Namin. Tunay na si All\u0101h ay talagang kasama sa mga tagagawa ng maganda." } ]