[ { "surah": "17", "ayah": 1, "translation": "Kaluwalhatian sa Kanya na nagpalakbay sa Lingkod Niya isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Jerusalem] patungo sa Masjid na Pinakamalayo, na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita." }, { "surah": "17", "ayah": 2, "translation": "Nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at gumawa Kami niyon bilang patnubay para sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos:] \u201cHuwag kayong gumawa sa iba pa sa Akin bilang pinananaligan.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 3, "translation": "Mga supling ng mga dinala Namin kasama kay Noe, tunay na siya noon ay isang lingkod na mapagpasalamat." }, { "surah": "17", "ayah": 4, "translation": "Nagsiwalat Kami sa mga anak ni Israel sa Kasulatan: \u201cTalagang manggugulo nga kayo sa lupain nang dalawang ulit[293] at talagang magmamataas nga kayo nang pagmamataas na malaki.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 5, "translation": "Kaya kapag dumating ang pangako ng una sa dalawa ay magpapadala Kami sa inyo ng mga lingkod para sa Amin na mga may matinding kapangyarihan at maghalughog sila sa kaloob-looban ng mga tahanan. Ito ay naging isang pangakong gagawin." }, { "surah": "17", "ayah": 6, "translation": "Pagkatapos magsasauli Kami para sa inyo ng pamamayani laban sa kanila, mag-aayuda Kami sa inyo ng mga yaman at mga anak, at gagawa Kami sa inyo na higit na marami sa tauhan." }, { "surah": "17", "ayah": 7, "translation": "[O mga anak ni Israel,] kung gumawa kayo ng maganda ay gumawa kayo ng maganda para sa mga sarili ninyo at kung gumawa kayo ng masagwa ay para sa mga ito. Kaya kapag dumating ang pangako ng huling [panggugulo ay pangingibabawin ang mga kaaway ninyo] upang humamak sila sa mga mukha ninyo, upang pumasok sila sa Masjid [sa Jerusalem] kung paanong pumasok sila sa unang pagkakataon, at upang dumurog sila sa anumang nangibabaw sila nang [lubos na] pagdurog." }, { "surah": "17", "ayah": 8, "translation": "Inaasahan ang Panginoon ninyo na maawa sa inyo. Kung manunumbalik kayo ay manunumbalik Kami. Gumawa Kami sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang kulungan." }, { "surah": "17", "ayah": 9, "translation": "Tunay na ang Qur\u2019\u0101n na ito ay nagpapatnubay para sa siyang pinakaangkop at nagbabalita ng nakagagalak sa mga mananampalataya na gumagawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang pabuyang malaki [sa Paraiso]," }, { "surah": "17", "ayah": 10, "translation": "at na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay naglaan Kami para sa kanila ng isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "17", "ayah": 11, "translation": "Dumadalangin ang tao ng masama [laban sa sarili at iba pa] gaya ng pagdalangin niya ng mabuti. Laging ang tao ay mapagmadali." }, { "surah": "17", "ayah": 12, "translation": "Gumawa Kami sa gabi at maghapon bilang dalawang tanda,[294] saka pumawi Kami sa tanda ng gabi at gumawa Kami sa tanda ng maghapon bilang nagbibigay-paningin upang makapaghanap kayo ng kabutihang-loob mula sa Panginoon ninyo at upang makaalam kayo sa bilang ng mga taon at pagtutuos. Ang bawat bagay ay dinetalye Namin sa isang pagdedetalye." }, { "surah": "17", "ayah": 13, "translation": "Sa bawat tao ay nagdikit Kami ng gawain niya sa leeg niya at magpapalabas Kami para sa kanya sa Araw ng Pagbangon ng isang talaang masusumpungan niyang nakabuklat." }, { "surah": "17", "ayah": 14, "translation": "[Sasabihin:] Basahin mo ang talaan mo; nakasapat ang sarili mo ngayong araw laban sa iyo bilang mapagtuos." }, { "surah": "17", "ayah": 15, "translation": "Ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa [pakinabang ng] sarili niya at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Hindi Kami magpaparusa hanggang sa magpadala Kami ng isang sugo." }, { "surah": "17", "ayah": 16, "translation": "Kapag nagnais Kami na magpahamak ng isang pamayanan [dahil sa kawalang-katarungan] ay nag-uutos Kami sa mga nakaririwasa roon ngunit nagpapakasuwail sila roon kaya nagigindapat doon ang sasabihin kaya nagwawasak Kami niyon sa isang pagwasak." }, { "surah": "17", "ayah": 17, "translation": "Kay rami ng ipinahamak Namin na mga [makasalanang] salinlahi[295] matapos na ni Noe. Nakasapat ang Panginoon mo sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang Mapagbatid na Nakakikita." }, { "surah": "17", "ayah": 18, "translation": "Ang sinumang nagnanais ng panandalian ay magpapadali Kami para sa kanya roon ng loloobin Namin para sa sinumang nanaisin Namin. Pagkatapos magtatalaga Kami para sa kanya ng Impiyerno, na masusunog siya roon bilang pinupulaang pinalalayas." }, { "surah": "17", "ayah": 19, "translation": "Ang sinumang nagnais ng Kabilang-buhay at nagpunyagi para roon ng pagpupunyagi ukol doon habang siya ay isang mananampalataya, ang pagpupunyagi ng mga iyon ay pahahalagahan." }, { "surah": "17", "ayah": 20, "translation": "Sa bawat isa ay magpapalawig \u2013 sa mga ito at mga iyan \u2013 ng bigay ng Panginoon mo. Hindi nangyaring ang bigay ng Panginoon mo ay pinipigilan." }, { "surah": "17", "ayah": 21, "translation": "Tingnan mo kung papaano Kaming nagtangi [sa Mundo] sa iba sa kanila higit sa iba. Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na malaki sa mga antas at higit na malaki sa pagkakatangi." }, { "surah": "17", "ayah": 22, "translation": "Huwag kang gumawa kasama kay All\u0101h ng isang diyos na iba pa para mauuwi kang isang pinupulaang itinatatwa." }, { "surah": "17", "ayah": 23, "translation": "Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda. Kung aabutan nga naman sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng pagkasuya at huwag kang bumulyaw sa kanilang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng salitang marangal." }, { "surah": "17", "ayah": 24, "translation": "Magbaba ka para sa kanila ng loob sa pagkaaba dahil sa pagkaawa at magsabi ka: \u201cPanginoon ko, maawa Ka sa kanilang dalawa yayamang nag-alaga silang dalawa sa akin noong bata pa [ako].\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 25, "translation": "Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa anumang nasa mga sarili ninyo. Kung kayo ay magiging mga maayos, tunay na Siya laging sa mga palabalik [sa pagsisisi] ay Mapagpatawad." }, { "surah": "17", "ayah": 26, "translation": "Magbigay ka sa may pagkakamag-anak ng karapatan nito, sa dukha, at sa kinapos sa daan. Huwag kang magwaldas ng isang pagwawaldas." }, { "surah": "17", "ayah": 27, "translation": "Tunay na ang mga tagapagwaldas ay laging mga kapatid ng demonyo. Ang demonyo sa Panginoon niya ay laging mapagtangging magpasalamat." }, { "surah": "17", "ayah": 28, "translation": "Kung aayaw ka nga naman sa kanila [dala ng kawalan] habang naghahangad ng isang awa mula sa Panginoon mo, na inaasam mo, magsabi ka sa kanila ng isang pagsasabing pinagaan." }, { "surah": "17", "ayah": 29, "translation": "Huwag kang gumawa sa kamay mo na nakakulyar sa leeg mo at huwag kang magpaluwag nito nang buong pagpapaluwag para mauwi kang isang sinisising nasaid." }, { "surah": "17", "ayah": 30, "translation": "Tunay na ang Panginoon mo ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit. Tunay na Siya sa mga lingkod Niya ay laging Mapagbatid, Nakakikita." }, { "surah": "17", "ayah": 31, "translation": "Huwag kayong pumatay ng mga anak ninyo dala ng takot sa isang paghihikahos. Kami ay magtutustos sa kanila at sa inyo. Tunay na ang pagpatay sa kanila ay laging isang pagkakamaling malaki." }, { "surah": "17", "ayah": 32, "translation": "Huwag kayong lumapit sa pangangalunya; tunay na ito ay laging mahalay at sumagwa bilang landas." }, { "surah": "17", "ayah": 33, "translation": "Huwag kayong pumatay ng buhay na ipinagbawal ni All\u0101h [na patayin] malibang ayon sa karapatan. Ang sinumang pinatay na nilabag sa katarungan ay nagtalaga Kami sa katangkilik niya ng isang kapamahalaan, ngunit huwag siyang magpakalabis kaugnay sa pagpatay. Tunay na siya ay laging maiaadya." }, { "surah": "17", "ayah": 34, "translation": "Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa katindihan niya. Magpatupad kayo sa kasunduan; tunay na ang kasunduan ay laging pinananagutan." }, { "surah": "17", "ayah": 35, "translation": "Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal kapag nagtatakal kayo at tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagpapawakas." }, { "surah": "17", "ayah": 36, "translation": "Huwag kang tumalunton sa anumang walang ukol sa iyo hinggil doon na isang kaalaman. Tunay na ang pandinig, ang paningin, at ang puso, ang bawat isa sa mga iyon ay laging pinananagutan." }, { "surah": "17", "ayah": 37, "translation": "Huwag kang lumakad sa lupa sa kapalaluan; tunay na ikaw ay hindi tatagos sa lupa at hindi aabot sa mga bundok sa pagmamataas." }, { "surah": "17", "ayah": 38, "translation": "Lahat ng iyon, ang masagwa niyon sa ganang Panginoon mo ay laging kinasusuklaman." }, { "surah": "17", "ayah": 39, "translation": "Iyon ay kabilang sa ikinasi sa iyo ng Panginoon mo na karunungan. Huwag kang gumawa kasama kay All\u0101h ng isang diyos na iba pa sapagkat maipupukol ka sa Impiyerno bilang sinisising pinalalayas [buhat sa bawat mabuti]." }, { "surah": "17", "ayah": 40, "translation": "Kaya ba humirang sa inyo ang Panginoon ninyo sa [pagkakaroon ng] mga anak na lalaki at gumawa Siya mula sa mga anghel ng mga [anak na] babae? Tunay na kayo ay talagang nagsasabi ng isang sinasabing sukdulan!" }, { "surah": "17", "ayah": 41, "translation": "Talaga ngang nagsarisari Kami sa Qur\u2019\u0101n na ito [ng mga pangaral] upang magsaalaala sila habang wala namang naidadagdag ito sa kanila kundi isang pagkaayaw." }, { "surah": "17", "ayah": 42, "translation": "Sabihin mo: \u201cKung sakaling kasama sa Kanya ay may mga diyos gaya ng sinasabi nila, samakatuwid, talaga sanang naghangad sila tungo sa May trono ng isang landas.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 43, "translation": "Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa sinasabi nila ayon sa kataasang malaki!" }, { "surah": "17", "ayah": 44, "translation": "Nagluluwalhati sa Kanya ang pitong langit, ang lupa, at ang sinumang nasa mga ito. Walang anumang bagay kundi nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ngunit hindi kayo nakauunawa sa pagluluwalhati nila. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad." }, { "surah": "17", "ayah": 45, "translation": "Kapag bumigkas ka ng Qur\u2019\u0101n ay naglalagay Kami sa pagitan mo at ng mga hindi sumampalataya sa Kabilang-buhay ng isang lambong na nakatago" }, { "surah": "17", "ayah": 46, "translation": "at naglalagay Kami sa mga puso nila ng mga panakip upang [hindi] sila makapag-unawa nito at sa mga tainga nila ng isang pagkabingi. Kapag bumanggit ka sa Panginoon mo sa Qur\u2019\u0101n lamang ay bumabaling sila sa mga likuran nila dala ng isang pagkaayaw." }, { "surah": "17", "ayah": 47, "translation": "Kami ay higit na maalam sa pinakikinggan nila noong nakikinig sila sa iyo at noong sila ay nagtatapatan noong nagsasabi ang mga tagalabag sa katarungan: \u201cWala kayong sinusunod maliban sa isang lalaking nagaway.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 48, "translation": "Tumingin ka kung papaano silang naglahad para sa iyo ng mga paghahalintulad kaya naligaw sila at hindi sila nakakaya sa isang daan." }, { "surah": "17", "ayah": 49, "translation": "Nagsabi sila: \u201cKapag kami ba ay naging mga buto at durug-durog, tunay na kami ba ay talagang mga bubuhayin bilang bagong nilikha?\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 50, "translation": "Sabihin mo: \u201cMaging bato kayo o bakal" }, { "surah": "17", "ayah": 51, "translation": "o nilikhang kabilang sa dinadakila sa mga isip ninyo,\u201d kaya magsasabi sila: \u201cSino ang magpapanumbalik sa amin?\u201d Sabihin mo: \u201cAng lumalang sa inyo sa unang pagkakataon,\u201d saka mag-iiling-iling sila sa iyo ng mga ulo nila at magsasabi sila: \u201cKailan iyon?\u201d Sabihin mo: \u201cMarahil ito ay maging malapit na:" }, { "surah": "17", "ayah": 52, "translation": "sa araw na tatawag Siya sa inyo kaya tutugon kayo kalakip ng pagpupuri sa Kanya at magpapalagay kayong hindi kayo namalagi [sa lupa] malibang sa kaunting [sandali].\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 53, "translation": "Sabihin mo sa mga lingkod Ko na sabihin nila ang siyang higit na maganda. Tunay na ang demonyo ay nagpapasigalot sa pagitan nila. Tunay na ang demonyo, para sa tao, ay laging isang kaaway na malinaw." }, { "surah": "17", "ayah": 54, "translation": "Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa inyo. Kung loloobin Niya ay kaaawaan Niya kayo, o kung loloobin Niya ay pagdurusahin Niya kayo. Hindi Kami nagsugo sa iyo sa kanila bilang pinananaligan." }, { "surah": "17", "ayah": 55, "translation": "Ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang nasa mga langit at mga lupa. Talaga ngang nagtangi Kami sa iba sa mga propeta higit sa iba pa, at nagbigay Kami kay David ng Salmo." }, { "surah": "17", "ayah": 56, "translation": "Sabihin mo: \u201cDumalangin kayo sa mga inaakala ninyo [na mga diyos] bukod pa sa Kanya, hindi sila nakapangyayari sa pagpawi ng pinsala palayo sa inyo ni sa isang paglilipat.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 57, "translation": "Yaong mga dinadalanginan nila ay naghahangad tungo sa Panginoon nila ng pampalapit, [na nagtatagisan] kung alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit, nag-aasam ng awa Niya, at nangangamba sa pagdurusang dulot Niya. Tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay laging pinangingilagan." }, { "surah": "17", "ayah": 58, "translation": "Walang anumang pamayanan malibang Kami ay magpapahamak doon [dahil sa kawalang-pananampalataya] bago ng Araw ng Pagbangon o magpaparusa roon ng isang pagdurusang matindi. Laging iyon sa Talaan ay nakatitik." }, { "surah": "17", "ayah": 59, "translation": "Walang pumigil sa Amin na magsugo Kami ng mga tanda maliban na nagpasinungaling sa mga ito ang mga sinauna. Nagbigay Kami sa [liping] Tham\u016bd ng dumalagang kamelyo bilang [himalang] nakikita ngunit lumabag sila sa katarungan dito. Hindi Kami nagsusugo ng mga tanda kundi bilang pagpapangamba [nang sa gayon magpasakop sila]." }, { "surah": "17", "ayah": 60, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi Kami sa iyo: \u201cTunay na ang Panginoon mo ay pumaligid sa mga tao [para magsanggalang sa iyo].\u201d Hindi Kami gumawa sa pangitaing ipinakita Namin sa iyo[296] malibang bilang pagsubok para sa mga tao at sa isinumpang punong-kahoy [ng zaqqu\u0304m na nasaad] sa Qur\u2019\u0101n. Nagpapangamba Kami sa kanila ngunit hindi nakadagdag ito sa kanila kundi ng isang pagmamalabis na malaki." }, { "surah": "17", "ayah": 61, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: \u201cMagpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],\u201d kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas. Nagsabi ito: \u201cMagpapatirapa ba ako sa nilikha Mo na isang putik?\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 62, "translation": "Nagsabi ito: \u201cNaisaalang-alang ba sa Iyo itong pinarangalan Mo higit sa akin? Talagang kung mag-aantala Ka sa akin hanggang sa Araw ng Pagbangon ay talagang makapagpapariwara nga Ako sa mga supling niya maliban sa kaunti.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 63, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cUmalis ka saka ang sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila sapagkat tunay na ang Impiyerno ay ang gantimpala sa inyo bilang gantimpalang pinasagana." }, { "surah": "17", "ayah": 64, "translation": "Mang-uto ka sa sinumang makakaya mo kabilang sa kanila sa pamamagitan ng tinig mo. Sumigaw ka sa kanila sa pamamagitan ng nangangabayong hukbo mo at naglalakad na hukbo mo. Makilahok ka sa kanila sa mga yaman at mga anak. Mangako ka sa kanila.\u201d Hindi nangangako sa kanila ang demonyo kundi ng isang panlilinlang." }, { "surah": "17", "ayah": 65, "translation": "Tunay na ang mga lingkod Ko ay hindi ka magkakaroon sa kanila ng kapamahalaanan. Nakasapat na ang Panginoon mo bilang Pinananaligan." }, { "surah": "17", "ayah": 66, "translation": "Ang Panginoon mo ay ang nagpapausad para sa inyo ng mga daong sa dagat upang maghanap kayo ng kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya sa inyo ay laging Maaawain." }, { "surah": "17", "ayah": 67, "translation": "Kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan sa dagat ay nawawala ang dinadalanginan ninyo maliban sa Kanya ngunit nang nagligtas Siya sa inyo papunta sa kalupaan ay umaayaw kayo. Laging ang tao ay mapagtangging magpasalamat." }, { "surah": "17", "ayah": 68, "translation": "Kaya natiwasay ba kayo na baka magpalamon Siya sa inyo sa gilid ng katihan o baka magpadala Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, pagkatapos hindi kayo nakatatagpo para sa inyo ng isang pinananaligan?" }, { "surah": "17", "ayah": 69, "translation": "O natiwasay ba kayo na baka magpanumbalik Siya sa inyo roon [sa dagat] sa ibang pagkakataon saka magsugo Siya sa inyo ng isang buhawing mula sa hangin para lumunod Siya sa inyo dahil tumanggi kayong sumampalataya, pagkatapos hindi kayo nakatatagpo para sa inyo laban sa Amin dito ng isang mapaghiganti?" }, { "surah": "17", "ayah": 70, "translation": "Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi." }, { "surah": "17", "ayah": 71, "translation": "[Banggitin] ang araw na tatawag Kami sa bawat [pangkat ng] mga tao sa pamamagitan ng pinuno nila. Kaya ang mga bibigyan ng talaan nila sa kanang kamay nila, ang mga iyon ay magbabasa ng talaan nila at hindi lalabagin sa katarungan nang gahibla.[297]" }, { "surah": "17", "ayah": 72, "translation": "Ang sinumang narito [sa Mundo] ay bulag [ang puso], siya sa Kabilang-buhay ay bulag at higit na ligaw sa landas." }, { "surah": "17", "ayah": 73, "translation": "Tunay na halos sila ay talagang tutukso sa iyo palayo sa ikinasi Namin sa iyo upang gumawa-gawa ka laban sa Amin ng iba pa rito [sa ikinasi]; at samakatuwid, talaga sanang gumawa sila sa iyo bilang matalik na kaibigan." }, { "surah": "17", "ayah": 74, "translation": "Kung hindi dahil na nagpatatag Kami sa iyo, talaga ngang halos ikaw ay sumandal sa kanila nang bahagyang kaunti." }, { "surah": "17", "ayah": 75, "translation": "Samakatuwid, talaga sanang nagpalasap Kami sa iyo ng ibayong [pagdurusa] sa buhay at ibayong [pagdurusa] sa pagkamatay. Pagkatapos hindi ka makatatagpo ukol sa iyo laban sa Amin ng isang mapag-adya." }, { "surah": "17", "ayah": 76, "translation": "Tunay na halos sila ay talagang nang-uuto sa iyo [na lumisan] mula sa lupain [ng Makkah] upang magpalabas sila sa iyo mula roon; at samakatuwid, hindi sila mamalagi pagkaiwan mo kundi sa kaunting [panahon]." }, { "surah": "17", "ayah": 77, "translation": "[Iyan ay] bilang kalakaran sa sinumang isinugo na Namin bago mo kabilang sa mga sugo Namin. Hindi ka nakatatagpo para sa kalakaran Namin ng isang pagpapabago." }, { "surah": "17", "ayah": 78, "translation": "Magpanatili ka ng pagdarasal mula sa paglilis [sa rurok] ng araw hanggang sa pagpusikit ng gabi at ng [pagbigkas ng] Qur\u2019\u0101n sa madaling-araw; tunay na ang [pagbigkas ng] Qur\u2019\u0101n sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel]." }, { "surah": "17", "ayah": 79, "translation": "Mula sa gabi ay magdasal ka rito bilang karagdagang dasal para sa iyo; marahil buhayin ka ng Panginoon mo sa isang katayuang pinapupurihan." }, { "surah": "17", "ayah": 80, "translation": "Sabihin mo: \u201cPanginoon ko, magpapasok Ka sa akin sa pasukan ng katapatan, magpalabas Ka sa akin sa labasan ng katapatan, at gumawa Ka para sa akin mula sa nasa Iyo ng isang kapamahalaang mapag-adya.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 81, "translation": "Sabihin mo: \u201cDumating ang katotohanan at naparam ang kabulaanan. Tunay na ang kabulaanan ay laging napaparam.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 82, "translation": "Nagbababa Kami mula sa Qur\u2019\u0101n ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya, at walang naidaragdag ito sa mga tagalabag sa katarungan kundi isang pagkalugi." }, { "surah": "17", "ayah": 83, "translation": "Kapag nagbiyaya Kami sa tao ay umaayaw siya at naglalayo ng sarili niya. Kapag sumaling sa kanya ang kasamaan, siya ay nagiging walang-wala ang pag-asa." }, { "surah": "17", "ayah": 84, "translation": "Sabihin mo: \u201cBawat isa ay gumagawa ayon sa pamamaraan niya, ngunit ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa sinumang siya ay higit na napatnubayan sa landas.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 85, "translation": "Nagtatanong sila[298] sa iyo tungkol sa kaluluwa. Sabihin mo: \u201cAng kaluluwa ay kabilang sa nauukol sa Panginoon ko at hindi kayo binigyan ng kaalaman kundi kakaunti.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 86, "translation": "Talagang kung niloob Namin ay talaga sanang mag-aalis nga Kami ng ikinasi Namin sa iyo, pagkatapos hindi ka makakatagpo para sa iyo kaugnay rito laban sa Amin ng isang pinananaligan [sa pagpapanumbalik]," }, { "surah": "17", "ayah": 87, "translation": "maliban bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na ang kabutihang-loob Niya laging sa iyo ay malaki." }, { "surah": "17", "ayah": 88, "translation": "Sabihin mo: \u201cTalagang kung nagtipon ang tao at ang jinn para maglahad ng tulad ng Qur\u2019\u0101n na ito ay hindi sila makapaglalahad ng tulad nito at kahit pa ang iba sa kanila para sa iba pa ay naging mapagtaguyod.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 89, "translation": "Talaga ngang nagsarisari Kami para sa mga tao sa Qur\u2019\u0101n na ito ng bawat paghahalintulad ngunit tumanggi [sa anuman] ang higit na marami sa mga tao maliban sa pagkawalang-pananampalataya." }, { "surah": "17", "ayah": 90, "translation": "Nagsabi sila: \u201cHindi kami maniniwala sa iyo hanggang sa magpabulwak ka para sa amin mula sa lupa ng isang batis;" }, { "surah": "17", "ayah": 91, "translation": "o magkaroon ka ng isang hardin ng datiles at ubas, saka magpabulwak ka ng mga ilog sa gitna ng mga ito nang [masaganang] pagpapabulwak;" }, { "surah": "17", "ayah": 92, "translation": "o magpabagsak ka ng langit, gaya ng pinagsasabi mo, sa amin nang tipak-tipak o magdala ka kay All\u0101h at sa mga anghel nang harapan;" }, { "surah": "17", "ayah": 93, "translation": "o magkaroon ka ng isang bahay yari sa ginto o umakyat ka sa langit at hindi kami maniniwala sa pag-akyat mo hanggang sa magbaba ka sa amin ng isang aklat na babasahin namin.\u201d Sabihin mo: \u201cKaluwalhatian sa Panginoon ko; ako kaya ay naging maliban pa sa isang mortal na sugo?\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 94, "translation": "Walang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay kundi na nagsabi sila: \u201cNagpadala ba si All\u0101h ng isang taong sugo?\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 95, "translation": "Sabihin mo: \u201cKung sakaling sa lupa ay may mga anghel na naglalakad na mga napapanatag ay talaga sanang nagbaba Kami sa kanila mula sa langit ng isang anghel na sugo.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 96, "translation": "Sabihin mo: \u201cNakasapat si All\u0101h bilang saksi sa pagitan ko at ninyo. Tunay na Siya, laging sa mga lingkod Niya, ay Mapagbatid, Nakakikita.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 97, "translation": "Ang sinumang pinapatnubayan ni All\u0101h, siya ay ang napapatnubayan; ngunit ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para sa kanila ng mga katangkilik bukod pa sa Kanya. Kakalap Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon [na kinakaladkad] sa mga mukha nila bilang mga bulag, mga pipi, at mga bingi. Ang kanlungan nila ay Impiyerno, na sa tuwing humuhupa ay nagdaragdag Kami sa kanila ng liyab." }, { "surah": "17", "ayah": 98, "translation": "Iyon ay ganti sa kanila dahil sila ay tumangging sumampalataya sa mga tanda Namin. Nagsabi sila: \u201cKapag kami ba ay naging mga buto at pira-piraso, tunay na kami ba ay talagang bubuhayin bilang nilikhang bago?\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 99, "translation": "Hindi ba sila nakakita na si All\u0101h na lumikha ng mga langit at lupa ay nakakakaya na lumikha ng tulad nila. Gumawa Siya para sa kanila ng isang taning na walang pag-aalinlangan dito ngunit tumanggi [sa anuman] ang mga tagalabag sa katarungan maliban sa pagkawalang-pananampalataya." }, { "surah": "17", "ayah": 100, "translation": "Sabihin mo: \u201cKung sakaling kayo ay nagmamay-ari ng mga imbakan ng awa ng Panginoon ko, samakatuwid talaga sanang nagkait kayo dala ng takot sa paggugol.\u201d Laging ang tao ay gahaman." }, { "surah": "17", "ayah": 101, "translation": "Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na tandang malinaw, kaya magtanong ka sa mga anak ni Israel noong dumating siya sa kanila saka nagsabi sa kanya si Paraon: \u201cTunay na ako ay talagang nagpapalagay na ikaw, O Moises, ay nagaway.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 102, "translation": "Nagsabi siya: \u201cTalaga ngang nalaman mong walang nagpababa sa mga ito kundi ang Panginoon ng mga langit at lupa bilang mga katibayan. Tunay na ako ay talagang nakatitiyak na ikaw, O Paraon, ay naigupo.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 103, "translation": "Kaya nagnais siyang mang-uto sa kanila paalis sa lupain, kaya lumunod Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya nang lahatan." }, { "surah": "17", "ayah": 104, "translation": "Nagsabi Kami matapos na niya[299] sa mga anak ni Israel: \u201cTumahan kayo sa lupain saka kapag dumating ang pangako ng Kabilang-buhay ay magdadala Kami sa inyo nang magkahalo.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 105, "translation": "Kalakip ng katotohanan nagpababa Kami nito at kalakip ng katotohanan bumaba ito. Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang tagapagbalita ng nakagagalak [hinggil sa Paraiso] at bilang mapagbabala [hinggil sa Impiyerno]." }, { "surah": "17", "ayah": 106, "translation": "Isang Qur\u2019\u0101n na nagbaha-bahagi Kami nito upang bigkasin ka nito sa mga tao sa mga yugto at nagbaba Kami nito sa [unti-unting] pagbababa." }, { "surah": "17", "ayah": 107, "translation": "Sabihin mo: \u201cSumampalataya kayo rito [sa Qur\u2019a\u0304n] o huwag kayong sumampalataya.\u201d Tunay na ang mga binigyan ng kaalaman bago pa nito, kapag binibigkas ito sa kanila, ay sumusubsob sa mga mukha na mga nakapatirapa" }, { "surah": "17", "ayah": 108, "translation": "at nagsasabi: \u201cKaluwalhatian sa Panginoon namin; tunay na laging ang pangako ng Panginoon namin ay talagang magagawa.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 109, "translation": "Sumusubsob sila sa mga mukha habang umiiyak at nakadaragdag ito sa kanila ng isang pagpapakataimtim." }, { "surah": "17", "ayah": 110, "translation": "Sabihin mo: \u201cDumalangin kayo kay All\u0101h o dumalangin kayo sa Napakamaawain; sa alin man kayo dumadalangin, taglay Niya ang mga pangalang pinakamagaganda. Huwag kang magpaingay sa dasal mo at huwag kang bumulong nito. Maghangad ka sa pagitan niyon ng isang [katamtamang] landas.\u201d" }, { "surah": "17", "ayah": 111, "translation": "Sabihin mo: \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h na hindi gumawa ng isang anak, hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katambal sa paghahari, at hindi nagkaroon sa Kanya ng isang katangkilik dahil sa kaabahan,\u201d at dakilain mo Siya nang [lubos na] pagdadakila." }, { "surah": "18", "ayah": 1, "translation": "Ang papuri ay ukol kay All\u0101h na nagpababa sa lingkod Niya ng Aklat at hindi Siya naglagay rito ng isang kabaluktutan." }, { "surah": "18", "ayah": 2, "translation": "[Ginawa Niya itong] matuwid upang magbabala ng isang matinding parusa mula sa nasa Kanya, magbalita ng nakagagalak sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang pabuyang maganda" }, { "surah": "18", "ayah": 3, "translation": "bilang mga mamamalagi roon magpakailanman," }, { "surah": "18", "ayah": 4, "translation": "at magbabala sa mga nagsabing gumawa si All\u0101h ng isang anak." }, { "surah": "18", "ayah": 5, "translation": "Walang ukol sa kanila hinggil dito na kaalaman at walang ukol sa mga magulang nila. May bumigat na isang salitang lumalabas sa mga bibig nila; wala silang sinasabi kundi kasinungalingan!" }, { "surah": "18", "ayah": 6, "translation": "Kaya baka ikaw ay kikitil sa sarili mo dahil sa mga bakas nila, kung hindi sila sumampalataya sa salaysay na ito, dala ng dalamhati." }, { "surah": "18", "ayah": 7, "translation": "Tunay na Kami ay gumawa sa anumang nasa lupa bilang gayak para rito upang sumubok Kami sa kanila kung alin sa kanila ang pinakamaganda sa gawa." }, { "surah": "18", "ayah": 8, "translation": "Tunay na Kami ay talagang gagawa sa nasa ibabaw nito na isang lupang tigang." }, { "surah": "18", "ayah": 9, "translation": "O nag-akala ka na ang magkakasama sa yungib at pinag-ukitan ay noon kataka-takang kabilang sa mga tanda Namin?" }, { "surah": "18", "ayah": 10, "translation": "[Banggitin]noong] nagpakanlong ang mga binata sa yungib[300] saka nagsabi sila: \u201cPanginoon namin, magbigay Ka sa amin ng awa mula sa nasa Iyo at maglaan Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa amin, ng isang kagabayan.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 11, "translation": "Kaya nagtakip Kami sa mga tainga nila [para makatulog] sa yungib sa [loob ng] mga taon ayon sa bilang." }, { "surah": "18", "ayah": 12, "translation": "Pagkatapos pumukaw Kami sa kanila upang magpaalam Kami kung alin sa dalawang panig ang higit na magaling sa pagtataya sa ipinamalagi nila ayon sa yugto." }, { "surah": "18", "ayah": 13, "translation": "Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng balita sa kanila ayon sa katotohanan. Tunay na sila ay mga binatang sumampalataya sa Panginoon nila. Nagdagdag Kami sa kanila ng patnubay." }, { "surah": "18", "ayah": 14, "translation": "Nagpatibay Kami sa mga puso nila noong tumindig sila saka nagsabi:[301] \u201cAng Panginoon Namin ay ang Panginoon ng mga langit at lupa. Hindi kami mananalangin sa bukod pa sa Kanya bilang diyos [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, samakatuwid, ng isang pagkalayu-layo [sa katotohanan].\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 15, "translation": "Ang mga ito, ang mga tao namin, ay gumawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga diyos. Bakit kaya hindi sila naghahatid sa mga ito ng isang katunayang malinaw? Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan?" }, { "surah": "18", "ayah": 16, "translation": "[Nagsabi ang magkakasama]: \u201cKung nagpakalayu-layo kayo sa kanila at sa anumang sinasamba nila maliban kay All\u0101h ay kumanlong kayo sa yungib; magpapalaganap para sa inyo ang Panginoon ninyo ng awa Niya at maglalaan Siya para sa inyo kaugnay sa nauukol sa inyo ng isang magagamit.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 17, "translation": "[Kung sakaling naroon ka,] makikita mo ang araw, kapag lumitaw iyon, na humihilig palayo sa yungib nila sa gawing kanan, at kapag lumubog iyon, na lumalampas sa kanila sa gawing kaliwa habang sila ay nasa isang puwang mula roon. Iyon ay kabilang sa mga tanda ni All\u0101h. Ang sinumang pinapatnubayan ni All\u0101h ay siya ang napapatnubayan. Ang sinumang pinaliligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang katangkilik na tagagabay [sa kapatnubayan]." }, { "surah": "18", "ayah": 18, "translation": "Mag-aakala kang sila ay mga gising samantalang sila ay mga tulog. Nagpapabaling Kami sa kanila sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang ang aso nila ay nakaunat ang dalawang unahang biyas nito sa bungad. Kung sakaling tumingin ka sa kanila ay talaga sanang tumalikod ka mula sa kanila sa pagtakas at talaga sanang napuno ka dahil sa kanila ng hilakbot." }, { "surah": "18", "ayah": 19, "translation": "Gayon din, pumukaw Kami sa kanila upang magtanungan sila sa pagitan nila. May nagsabing isang tagapagsabi kabilang sa kanila: \u201cGaano katagal kayo namalagi?\u201d Nagsabi sila: \u201cNamalagi kami nang isang araw o isang bahagi ng araw.\u201d Nagsabi pa sila: \u201cAng Panginoon ninyo ay higit na maalam sa ipinamalagi ninyo. Kaya magpadala kayo ng isa sa inyo kalakip ng salaping pilak ninyong ito sa lungsod saka tumingin siya kung alin doon ang pinakabusilak bilang pagkain saka magdala siya sa inyo ng isang panustos mula rito at magpakaingat-ingat siya. Huwag nga siyang magparamdam hinggil sa inyo sa isa man." }, { "surah": "18", "ayah": 20, "translation": "Tunay na sila, kung makababatid sa inyo, ay mambabato sa inyo o magpapanumbalik sa inyo sa kapaniwalaan nila at hindi kayo magtatagumpay, samakatuwid, magpakailanman.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 21, "translation": "Gayon din, ipinatuklas sa kanila upang makaalam sila na ang pangako ni All\u0101h ay totoo at na ang Huling Sandali ay walang pag-aalinlangan doon. [Iyon ay] noong naghihidwaan ang mga ito sa pagitan ng mga ito sa nauukol sa kanila kaya nagsabi ang mga ito: \u201cMagpatayo kayo sa ibabaw nila ng isang gusali. Ang Panginoon nila ay higit na maalam sa kanila.\u201d Nagsabi ang mga nanaig sa usapin nila: \u201cTalagang gagawa nga kami sa ibabaw nila ng isang patirapaan.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 22, "translation": "Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila; at magsasabi pa ang mga iyon na [sila ay] lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila \u2013 bilang panghuhula sa nakalingid. Magsasabi ang mga iyon na [sila ay] pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila. Sabihin mo: \u201cAng Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa kanila kundi kaunti. Kaya huwag kayong makipagtaltalan hinggil sa kanila [sa bilang] malibang ayon sa pakikipagtaltalang hayag at huwag kayong magsiyasat hinggil sa kanila mula sa mga iyon[302] sa isa man.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 23, "translation": "Huwag ka ngang magsasabi sa anuman: \u201cTunay na ako ay gagawa niyon bukas,\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 24, "translation": "maliban na [magsabing] loobin ni All\u0101h. Alalahanin mo ang Panginoon mo kapag nakalimot ka at sabihin mo: \u201cHarinawang magpatnubay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa rito sa kagabayan.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 25, "translation": "Namalagi sila sa yungib nila nang tatlong daang taon at nadagdagan sila ng siyam.[303]" }, { "surah": "18", "ayah": 26, "translation": "Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h ay higit na maalam sa tagal ng ipinamalagi nila. Ukol sa Kanya ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Kay husay ng pagkakita Niya at kay husay ng pagkarinig Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya ng isa man.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 27, "translation": "Bumigkas ka ng ikinasi sa iyo mula sa Aklat ng Panginoon mo. Walang tagapagpalit sa mga salita Niya at hindi ka makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang madadaupan." }, { "surah": "18", "ayah": 28, "translation": "Magpatiis ka ng sarili mo kasama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at gabi, na nagnanais [ng kaluguran] ng mukha Niya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng gayak ng buhay na pangmundo. Huwag kang tumalima sa sinumang nagpalingat Kami sa puso niya palayo sa pag-aalaala sa Amin at sumunod sa pithaya niya habang ang nauukol sa kanya ay naging kapabayaan." }, { "surah": "18", "ayah": 29, "translation": "Sabihin mo: \u201cAng katotohanan ay mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang lumuob ay sumampalataya siya, at ang sinumang lumuob ay tumanggi siyang sumampalataya.\u201d Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagalabag sa katarungan ng isang apoy na papaligid sa kanila ang mga pader nito. Kung magpapasaklolo sila ay sasakloluhan sila ng isang tubig na gaya ng kumukulong langis, na iihaw sa mga mukha nila. Kay saklap ang inumin at kay sagwa ito bilang pahingahan!" }, { "surah": "18", "ayah": 30, "translation": "Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, tunay na Kami ay hindi nagsasayang sa pabuya sa sinumang nagpaganda ng gawa." }, { "surah": "18", "ayah": 31, "translation": "Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga hardin ng Eden, na dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog, habang ginagayakan sila roon mula sa mga pulseras na ginto at nagsusuot sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla, habang mga nakasandal doon sa mga sopa. Kay inam ang pabuya at kay ganda iyon bilang pahingahan!" }, { "surah": "18", "ayah": 32, "translation": "Maglahad ka para sa kanila ng isang paghahalintulad na dalawang lalaki. Nagtalaga Kami para sa isa sa kanilang dalawa ng dalawang hardin ng mga ubas, nagpalibot Kami sa dalawang ito ng mga punong-datiles, at naglagay Kami sa pagitan ng dalawang ito ng mga pananim." }, { "surah": "18", "ayah": 33, "translation": "Ang kapwa hardin ay nagbigay ng bunga nito at hindi nagkulang ito roon ng anuman. Nagpabulwak Kami sa gitna ng dalawang ito ng isang ilog." }, { "surah": "18", "ayah": 34, "translation": "Nagkaroon siya ng bunga kaya nagsabi siya sa kasamahan niya habang siya ay nakikipagtalakayan dito: \u201cAko ay higit na marami kaysa sa iyo sa yaman at higit na makapangyarihan sa mga tauhan.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 35, "translation": "Pumasok siya sa hardin niya habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya. Nagsabi siya: \u201cHindi ako nagpapalagay na mapupuksa ito magpakailanman." }, { "surah": "18", "ayah": 36, "translation": "Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay magaganap. Talagang kung isasauli ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako ng higit na mabuti kaysa rito bilang uwian.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 37, "translation": "Nagsabi sa kanya ang kasamahan niya habang ito ay nakikipagtalakayan sa kanya: \u201cTumanggi ka bang sumampalataya sa lumikha sa iyo mula sa alabok, pagkatapos mula sa patak ng punlay, pagkatapos bumuo sa iyo bilang lalaki?" }, { "surah": "18", "ayah": 38, "translation": "Subalit Siyang si All\u0101h ay Panginoon ko, at hindi ako nagtatambal sa Panginoon ko ng isa man." }, { "surah": "18", "ayah": 39, "translation": "Bakit hindi ka, noong pumasok ka sa hardin mo, nagsabi: \u201cAng niloob ni All\u0101h [ay naganap]; walang lakas maliban sa kay All\u0101h. Kung nakikita mo man ako mismo na higit na kaunti kaysa sa iyo sa yaman at anak," }, { "surah": "18", "ayah": 40, "translation": "marahil ang Panginoon ko ay magbigay sa akin ng higit na mabuti kaysa sa hardin mo at magpadala riyan ng isang sakuna mula sa langit para iyan ay maging isang lupaing madulas," }, { "surah": "18", "ayah": 41, "translation": "o ang tubig niyan ay maging lubog [sa lupa] kaya hindi mo kakayaning makahanap nito.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 42, "translation": "Pumaligid sa mga bunga niya [ang pagkawasak] kaya nagsimula siyang nagbaling-baling ng mga kamay niya [sa panghihinayang] sa ginugol niya roon, samantalang iyon ay gumuho sa mga balag niyon, at nagsasabi: \u201cO kung sana ako ay hindi nagtambal sa Panginoon ko ng isa man!\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 43, "translation": "Hindi siya nagkaroon ng isang pangkatin na mag-aadya sa kanya bukod pa kay All\u0101h at hindi siya naging isang naiaadya." }, { "surah": "18", "ayah": 44, "translation": "Doon, ang pagtangkilik ay ukol kay All\u0101h, ang Totoo. Siya ay pinakamabuti sa gantimpala at pinakamabuti sa kinahihinatnan [sa Kabilang-buhay]." }, { "surah": "18", "ayah": 45, "translation": "Maglahad ka para sa kanila ng paghahalintulad sa buhay na pangmundo, na gaya ng tubig na pinababa Namin mula sa langit saka nahalo rito ang halaman ng lupa saka ito ay naging durog na tuyot na ikinakalat ng mga hangin. Laging si All\u0101h sa bawat bagay ay Tagakaya." }, { "surah": "18", "ayah": 46, "translation": "Ang yaman at ang mga anak ay gayak ng buhay na pangmundo samantalang ang mga nanatiling gawang maayos ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo sa gantimpala at higit na mabuti sa pag-asa." }, { "surah": "18", "ayah": 47, "translation": "[Banggitin] ang araw na mag-uusad Kami ng mga bundok at makikita mo ang lupa na nakalitaw at kakalap Kami sa kanila saka hindi lilisan sa isa man mula sa kanila." }, { "surah": "18", "ayah": 48, "translation": "Itatanghal sila sa Panginoon mo na nakahanay [at sasabihin:] \u201cTalaga ngang pumunta kayo sa Amin gaya ng nilikha Namin kayo sa unang pagkakataon. Bagkus nag-angkin kayo na hindi Kami gagawa para sa inyo ng isang tipanan [na paggagantihan sa inyo].\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 49, "translation": "Ilalagay ang talaan saka makikita mo ang mga salarin habang mga nababagabag dahil sa nasaad dito at magsasabi sila: \u201cO kapighatian sa amin; ano ang mayroon sa talaang ito na hindi lumilisan sa isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon.\u201d Matatagpuan nila ang anumang ginawa nila na nakadalo. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo sa isa man." }, { "surah": "18", "ayah": 50, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: \u201cMagpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],\u201d kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn [hindi mga anghel] ngunit nagpakasuwail siya sa utos ng Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo sa kanya at sa mga supling niya bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin, samantalang sila para sa inyo ay kaaway? Kay saklap ito para sa mga tagalabag sa katarungan bilang pamalit!" }, { "surah": "18", "ayah": 51, "translation": "Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit at lupa ni sa paglikha sa mga sarili nila. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagligaw bilang mga tagakatig." }, { "surah": "18", "ayah": 52, "translation": "[Banggitin] ang araw na magsasabi Siya: \u201cManawagan kayo sa mga katambal sa Akin na inangkin ninyo,\u201d kaya tatawag sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at maglalagay Kami sa pagitan nila ng isang [lambak ng] kapahamakan." }, { "surah": "18", "ayah": 53, "translation": "Makikita ng mga salarin ng Apoy saka makatitiyak sila na sila ay babagsak doon at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang malilihisan." }, { "surah": "18", "ayah": 54, "translation": "Talaga ngang nagsarisari Kami sa Qur\u2019\u0101n na ito para sa mga tao ng bawat [uri ng] paghahalintulad. Laging ang tao ay pinakamadalas na bagay sa pakikipagtalo." }, { "surah": "18", "ayah": 55, "translation": "Walang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay at humingi sila ng tawad sa Panginoon nila kundi [ang paghiling] na pumunta sa kanila ang kalakaran ng mga sinauna o pumunta sa kanila ang pagdurusa nang harapan." }, { "surah": "18", "ayah": 56, "translation": "Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at bilang mga tagapagbabala. Nakikipagtalo ang mga tumangging sumampalataya [kay All\u0101h at sa mga sugo] sa pamamagitan ng kabulaanan upang magpamali sa pamamagitan nito sa katotohanan. Gumawa sila sa mga tanda Ko at sa ibinabala sa kanila bilang pangungutya." }, { "surah": "18", "ayah": 57, "translation": "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang napaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit umayaw siya rito at lumimot siya ipinauna ng mga kamay niya. Tunay na Kami ay naglagay sa mga puso nila ng mga panakip sa pag-unawa nila nito at sa mga tainga nila ng pagkabingi. Kung mag-aanyaya ka sa kanila tungo sa patnubay ay hindi sila mapapatnubayan, samakatuwid, magpakailanman." }, { "surah": "18", "ayah": 58, "translation": "Ang Panginoon mo ay ang Mapagpatawad, ang may awa. Kung sakaling magpapanagot Siya sa kanila dahil sa nakamit nila ay talaga sanang nagpamadali Siya para sa kanila ng pagdurusa. Bagkus ukol sa kanila ay isang tipanang hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang malulusutan." }, { "surah": "18", "ayah": 59, "translation": "Ang [mga mamamayan ng] mga pamayanang iyon,[304] nagpahamak Kami sa kanila noong lumabag sila sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya] at gumawa Kami para sa pagkakapahamakan nila ng isang tipanan." }, { "surah": "18", "ayah": 60, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: \u201cHindi ako lulubay [sa paglalakbay] hanggang sa umabot ako sa pinagtitipunan ng dalawang dagat o isang magpatuloy ako sa mahabang panahon.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 61, "translation": "Kaya noong umabot silang dalawa sa pinagtitipunan sa pagitan ng dalawang [dagat] ay nakalimot silang dalawa sa isda nilang dalawa kaya gumawa ito ng landas nito sa dagat nang pailalim." }, { "surah": "18", "ayah": 62, "translation": "Kaya noong lumampas silang dalawa ay nagsabi si Moises sa alila niya [na si Josue]: \u201cDalhin mo sa atin ang agahan natin. Talaga ngang dumanas tayo mula sa paglalakbay nating ito ng isang pagkapagal.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 63, "translation": "Nagsabi [si Josue]: \u201cNakita mo ba noong kumanlong tayo sa bato sapagkat tunay na ako ay nakalimot sa isda [doon]? Walang nagpalimot sa akin niyon kundi ang demonyo, na bumanggit sana ako niyon. Gumawa iyon ng landas niyon sa dagat nang kataka-taka.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 64, "translation": "Nagsabi [si Moises]: \u201cIyon ay ang dati na nating hinahangad.\u201d Kaya bumalik silang dalawa sa mga bakas nilang dalawa sa pagtunton." }, { "surah": "18", "ayah": 65, "translation": "Kaya nakatagpo silang dalawa ng isang lingkod [na si Khid\u0323r] kabilang sa mga lingkod Namin, na nagbigay Kami rito ng awa mula sa ganang Amin at nagturo Kami rito, mula sa nasa Amin, ng kaalaman." }, { "surah": "18", "ayah": 66, "translation": "Nagsabi [kay Khid\u0323r si Moises]: \u201cSusunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo bilang gabay?\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 67, "translation": "Nagsabi [si Khid\u0323r]: \u201cTunay na ikaw ay hindi makakakaya sa akin sa pagtitiis." }, { "surah": "18", "ayah": 68, "translation": "Papaano kang magtitiis sa hindi ka nakapaligid doon sa kabatiran?\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 69, "translation": "Nagsabi [si Moises]: \u201cMatatagpuan mo ako, kung niloob ni All\u0101h, na isang magtitiis at hindi ako susuway sa iyo ng isang utos.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 70, "translation": "Nagsabi [si Khid\u0323r]: \u201cKaya kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay hanggang sa magpasimula ako para sa iyo mula rito ng isang pagbanggit.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 71, "translation": "Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasakay silang dalawa sa daong ay binutas niyon ito. Nagsabi si Moises: \u201cBinutas mo ba ito upang lumunod ka sa may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 72, "translation": "Nagsabi [si Khid\u0323r]: \u201cHindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi makakakaya sa pagtitiis sa akin?\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 73, "translation": "Nagsabi [si Moises]: \u201cHuwag kang magpanagot sa akin sa nakalimutan ko at huwag kang magpabigat sa akin sa nauukol sa akin ng isang pahirap.\u201d" }, { "surah": "18", "ayah": 74, "translation": "Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang batang lalaki ay pinatay niya iyon. Nagsabi [si Moises]: \u201cPumatay ka ba ng isang kaluluwang busilak nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na pagkasama-sama.\u201d" } ]