[ { "surah": "12", "ayah": 53, "translation": "Hindi ako nagpapawalang-sala sa sarili ko; tunay na ang sarili ay talagang palautos ng kasagwaan, maliban sa kinaawaan ng Panginoon ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad, Maawain.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 54, "translation": "Nagsabi ang hari: \u201cDalhin ninyo siya sa akin, magtatangi ako sa kanya para sa sarili ko.\u201d Kaya noong nakausap siya nito ay nagsabi ito: \u201cTunay na ikaw sa araw na ito sa amin ay isang matatag [sa katungkulan] na pinagkakatiwalaan.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 55, "translation": "Nagsabi siya: \u201cMagtalaga ka sa akin sa mga imbakan ng lupain; tunay na ako ay mapag-ingat, maalam.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 56, "translation": "Gayon Kami nagbigay-kapangyarihan para kay Jose sa lupain [ng Ehipto]. Tumatahan siya roon saanman niya niloloob. Nagpapatama Kami ng awa Namin sa sinumang niloloob Namin, at hindi Kami nagwawala ng pabuya sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "12", "ayah": 57, "translation": "Talagang ang pabuya ng Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga sumampalataya, at sila noon ay nangingilag magkasala." }, { "surah": "12", "ayah": 58, "translation": "Dumating ang mga kapatid ni Jose, saka pumasok sila sa kanya, saka nakakilala siya sa kanila samantalang sila sa kanya ay mga di-nakakikilala." }, { "surah": "12", "ayah": 59, "translation": "Noong nagkaloob siya sa kanila ng kailangan nila ay nagsabi siya: \u201cDalhin ninyo sa akin ang isang kapatid ninyo mula sa ama ninyo. Hindi ba kayo nakakikita na ako ay nagpapalubus-lubos ng pagtatakal at ako ay pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy?" }, { "surah": "12", "ayah": 60, "translation": "Ngunit kung hindi kayo magdadala sa kanya sa akin ay walang pagtatakal para sa inyo sa ganang akin at huwag kayong lumapit sa akin.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 61, "translation": "Nagsabi sila: \u201cMagtatangka kaming humimok sa ama niya [sa pagsama] sa kanya, at tunay na kami ay talagang mga gagawa [niyon].\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 62, "translation": "Nagsabi siya sa mga alila niya: \u201cIlagay ninyo ang ipinambayad nila sa mga sisidlan nila, nang sa gayon sila ay makakikilala sa mga ito kapag nakauwi sila sa mag-anak nila, nang sa gayon sila ay babalik.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 63, "translation": "Kaya noong bumalik sila sa ama nila ay nagsabi sila: \u201cO ama namin, ipagkakait sa amin ang pagtatakal [kung hindi madadala si Benjamin]; kaya magpadala ka kasama sa amin ng kapatid namin, tatakalan kami. Tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagapag-ingat.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 64, "translation": "Nagsabi siya: \u201cIpagkakatiwala ko kaya siya sa inyo malibang [napipilitan] kung paanong ipinagkatiwala ko sa inyo ang kapatid niya bago pa niyan? Ngunit si All\u0101h ay pinakamabuti bilang Tagapag-ingat, at Siya ay ang pinakamaawain sa mga naaawa.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 65, "translation": "Noong nagbukas sila ng dala-dalahan nila ay nakatagpo sila sa paninda nila na isinauli sa kanila. Nagsabi sila: \u201cO ama namin, ano pa ang hahangarin namin? Ito ay mga paninda naming isinauli sa amin. Maglalaan kami sa mag-anak namin. Mag-iingat kami sa kapatid namin. Madaragdagan kami ng isang takal [na pasan] ng kamelyo [sa pagdala kay Benjamin]; iyon ay isang takal na madali.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 66, "translation": "Nagsabi siya: \u201cHindi ako magpapadala sa kanya kasama sa inyo hanggang sa magbigay kayo sa akin ng isang taimtim na pangako kay All\u0101h na talagang dadalhin nga [muli] ninyo siya sa akin, maliban kung mapaliligiran kayo [ng kapahamakan].\u201d Kaya noong nagbigay sila sa kanya ng taimtim na pangako nila ay nagsabi siya: \u201cSi All\u0101h, sa anumang sinasabi natin, ay Pinagkakatiwalaan.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 67, "translation": "Nagsabi siya: \u201cO mga anak ko, huwag kayong magsipasok mula sa isang pinto. Magsipasok kayo mula sa mga pintong magkakaiba-iba. Wala akong maidudulot sa inyo laban kay All\u0101h na anuman. Walang iba ang paghahatol kundi ukol kay All\u0101h. Sa Kanya ako nanalig at sa Kanya ay manalig ang mga nananalig.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 68, "translation": "Noong nakapasok sila mula sa kung saan ipinag-utos sa kanila ng ama nila, hindi nangyaring nagdudulot ito sa kanila laban kay All\u0101h ng anuman maliban ng isang pangangailangan sa sarili ni Jacob, na tinugon niya. Tunay na siya ay talagang may kaalaman dahil sa naituro Namin sa kanya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "12", "ayah": 69, "translation": "Noong nakapasok sila kay Jose ay pinatuloy niya sa kanya ang kapatid niya. Nagsabi siya: \u201cTunay na ako ay kapatid mo kaya huwag kang magdalamhati sa dati nilang ginagawa.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 70, "translation": "Kaya noong nagkaloob siya sa kanila ng kailangan nila ay inilagay niya ang inuman sa sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos nanawagan ang isang tagapanawagan: \u201cO karaban, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 71, "translation": "Nagsabi sila at lumapit sa mga iyon: \u201cAno ang nawawalan sa inyo?\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 72, "translation": "Nagsabi ang mga iyon: \u201cNawawalan kami ng salop ng hari. Ukol sa sinumang maghahatid niyon ay [pagkaing] isang pasan ng kamelyo, at ako sa kanya ay tagapanagot.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 73, "translation": "Nagsabi sila: \u201cSumpa man kay All\u0101h, talaga ngang nalaman ninyo na hindi kami dumating upang magtiwali sa lupain, at hindi kami naging mga magnanakaw.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 74, "translation": "Nagsabi ang mga iyon: \u201cKaya ano ang ganti roon kung kayo ay naging mga sinungaling?\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 75, "translation": "Nagsabi sila: \u201cAng ganti rito: ang sinumang natagpuan iyon sa sisidlan niya ay siya ang ganti rito.[254] Gayon kami gumaganti sa mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 76, "translation": "Kaya nagsimula siya sa mga sisidlan nila bago ng sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos naipalabas niya ito mula sa sisidlan ng kapatid niya. Gayon nanlansi Kami para kay Jose. Hindi naging ukol na magdala siya sa kapatid niya sa batas ng hari maliban kung niloob ni All\u0101h. Nag-aangat Kami sa mga antas ng sinumang niloloob Namin. Sa ibabaw ng bawat may kaalaman ay isang maalam." }, { "surah": "12", "ayah": 77, "translation": "Nagsabi sila: \u201cKung nagnakaw siya ay nagnakaw nga ang isang kapatid niya bago pa niyan.\u201d[255] Ngunit naglihim nito si Jose sa sarili niya at hindi siya nagpahalata nito sa kanila. Nagsabi siya: \u201cKayo ay higit na masama sa kalagayan at si All\u0101h ay higit na maalam sa anumang inilalarawan ninyo.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 78, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO Makapangyarihan,[256] tunay na siya ay may isang amang lubhang matanda, kaya kumuha ka po ng isa sa amin kapalit niya. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo kabilang sa mga tagagawa ng maganda.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 79, "translation": "Nagsabi siya: \u201c[Humihiling ako ng] pagkukupkop ni All\u0101h na manghuli kami maliban sa sinumang nakatagpo kami sa pag-aari namin sa piling niya; tunay na kami, samakatuwid, ay talagang mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 80, "translation": "Kaya noong nawalan sila ng pag-asa sa kanya, bumukod sila na nagsasanggunian. Nagsabi ang matanda nila: \u201cHindi ba kayo nakaalam na ang ama ninyo ay tumanggap nga sa inyo ng isang taimtim na pangako kay All\u0101h at bago pa niyan nagwalang-bahala kayo kay Jose? Kaya hindi ako mag-iiwan sa lupain hanggang sa magpahintulot sa akin ang ama ko o humatol si All\u0101h sa akin, at Siya ay ang pinakambuti sa mga tagahatol." }, { "surah": "12", "ayah": 81, "translation": "Bumalik kayo sa ama ninyo saka sabihin ninyo: \u2018O ama namin, tunay na ang anak mo ay nagnakaw. Wala kaming nasaksihan maliban sa ayon sa nalaman namin. Hindi kami para sa nakalingid naging mga tagapagbantay." }, { "surah": "12", "ayah": 82, "translation": "Magtanong ka sa [mga naninirahan sa] pamayanan na kami dati ay naroon at sa karaban na pumunta kami kasama nito. Tunay na kami ay talagang mga tapat.\u2019\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 83, "translation": "Nagsabi siya: \u201cBagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang bagay, kaya isang pagtitiis na marilag [ang pagtitiis ko]. Sana si All\u0101h ay magdala sa akin sa kanila nang lahatan; tunay na Siya ay ang Maalam, ang Marunong.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 84, "translation": "Tumalikod siya sa kanila at nagsabi: \u201cAh, hinagpis ko dahil kay Jose!\u201d Pumuti ang mga mata niya dahil sa pagkalungkot sapagkat siya ay hapis." }, { "surah": "12", "ayah": 85, "translation": "Nagsabi sila: \u201cSumpa man kay All\u0101h, nagpapatuloy kang umaalaala kay Jose hanggang sa ikaw ay maging malubha o ikaw ay maging kabilang sa mga napapahamak.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 86, "translation": "Nagsabi siya: \u201cNaghihinaing lamang ako ng dalamhati ko at lungkot ko kay All\u0101h at nakaaalam ako mula kay All\u0101h ng hindi ninyo nalalaman." }, { "surah": "12", "ayah": 87, "translation": "O mga anak ko, umalis kayo at makiramdam kayo hinggil kay Jose at sa kapatid niya [na sa Benjamin] at huwag kayong mawalan ng pag-asa sa habag ni All\u0101h; tunay na walang nawawalan ng pag-asa sa habag ni All\u0101h kundi ang mga taong tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 88, "translation": "Kaya noong nakapasok sila sa kanya ay nagsabi sila: \u201cO makapangyarihan, sumaling sa amin at sa mag-anak namin ang kapinsalaan at naghatid kami ng panindang mababang uri, ngunit magpalubus-lubos ka po para sa amin ng pagtatakal at magkawanggawa ka po sa amin; tunay na si All\u0101h ay gumaganti sa mga tagapagkawanggawa.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 89, "translation": "Nagsabi siya: \u201cNakaalam kaya kayo sa ginawa ninyo kay Jose at sa kapatid niya [na si Benjamin] noong kayo ay mga mangmang?\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 90, "translation": "Nagsabi sila: \u201cTunay na ikaw ba ay talagang ikaw si Jose?\u201d Nagsabi siya: \u201cAko si Jose at ito ay kapatid ko [na si Benjamin]. Nagmagandang-loob nga si All\u0101h sa amin. Tunay na ang sinumang mangingilag magkasala at magtitiis, tunay na si All\u0101h ay hindi nagwawala sa pabuya sa mga tagagagawa ng maganda.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 91, "translation": "Nagsabi sila: \u201cSumpa man kay All\u0101h, talaga ngang nagmagaling si All\u0101h sa iyo higit sa amin at tunay na kami dati ay talagang mga nagkakamali.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 92, "translation": "Nagsabi siya: \u201cWalang panunumbat sa inyo sa araw na ito. Magpapatawad si All\u0101h sa inyo. Siya ay ang pinakamaawain ng mga naaawa." }, { "surah": "12", "ayah": 93, "translation": "Umalis kayo kalakip ng kamisa kong ito saka ipukol ninyo ito sa mukha ng ama ko, magiging nakakikita siya. Magdala kayo sa akin ng mag-anak ninyo nang magkakasama.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 94, "translation": "Noong nakalisan ang karaban ay nagsabi ang ama nila: \u201cTunay na ako ay talagang nakadarama ng halimuyak ni Jose, kung sakaling hindi kayo magturing ng pagkaulyanin sa akin.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 95, "translation": "Nagsabi sila: \u201cSumpa man kay All\u0101h, tunay ikaw ay talagang nasa kamalian mong matanda.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 96, "translation": "Kaya noong dumating ang mapagbalita ng nakagagalak ay ipinukol nito [ang kamisang] iyon sa mukha niya kaya nanumbalik siya na nakakikita. Nagsabi siya: \u201cHindi ba nagsabi ako sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam mula kay All\u0101h ng hindi ninyo nalalaman?\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 97, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO ama namin, humingi ka po ng tawad para sa amin sa mga pagkakasala namin; tunay na kami dati ay mga nagkakamali.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 98, "translation": "Nagsabi siya: \u201cHihingi ako ng tawad para sa inyo sa Panginoon ko; tunay na Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 99, "translation": "Kaya noong nakapasok sila kay Jose, pinatuloy niya sa kanya ang mga magulang niya at nagsabi: \u201cMagsipasok kayo sa Ehipto, kung niloob ni All\u0101h, na mga natitiwasay.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 100, "translation": "Nag-angat siya sa mga magulang niya sa trono at sumubsob sila sa harap niya na mga nakapatirapa [bilang pagpipitagan]. Nagsabi siya: \u201cO ama ko, ito ay ang pagsasakatuparan ng panaginip ko bago pa niyan. Ginawa nga ito ng Panginoon na totoo. Gumawa nga Siya ng maganda sa akin noong nagpalabas Siya sa akin mula sa pagkabilanggo at naghatid Siya sa inyo mula sa ilang matapos na nagpasigalot ang demonyo sa pagitan ko at ng mga kapatid ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagtalos sa anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay ang Maalam, ang Marunong." }, { "surah": "12", "ayah": 101, "translation": "Panginoon ko, nagbigay Ka nga sa akin ng bahagi ng paghahari at nagtuturo Ka sa akin ng bahagi ng pagpapakahulugan sa mga panaginip. Tagapaglalang ng mga langit at lupa, Ikaw ay Katangkilik ko sa Mundo at Kabilang-buhay. Magpapanaw Ka sa akin bilang Muslim at magpasama Ka sa akin sa mga maayos.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 102, "translation": "Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid; nagkakasi Kami nito sa iyo. Wala ka noon sa piling nila noong nagkaisa sila sa pasya nila samantalang sila ay nagpapakana." }, { "surah": "12", "ayah": 103, "translation": "Ang higit na marami sa mga tao, kahit pa man nagsigasig ka, ay hindi mga mananampalataya." }, { "surah": "12", "ayah": 104, "translation": "Hindi ka humihingi sa kanila dahil doon ng anumang pabuya; walang iba [ang Qur\u2019a\u0304n na] ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang." }, { "surah": "12", "ayah": 105, "translation": "Kay rami ng tanda sa mga langit at lupa, na dumaraan sila sa mga iyon samantalang sila sa mga iyon ay mga tagaayaw." }, { "surah": "12", "ayah": 106, "translation": "Hindi sumasampalataya ang higit na marami sa kanila kay All\u0101h malibang habang sila ay mga tagapagtambal." }, { "surah": "12", "ayah": 107, "translation": "Kaya natiwasay ba sila na pumunta sa kanila ang isang tagabalot mula sa pagdurusang dulot ni All\u0101h o pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan samantalang sila ay hindi nakararamdam?" }, { "surah": "12", "ayah": 108, "translation": "Sabihin mo: \u201cIto ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo [sa pagsamba] kay All\u0101h batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Kaluwalhatian kay All\u0101h! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 109, "translation": "Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila kabilang sa mga mamayan ng mga pamayanan [nila]. Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Talagang ang tahanan ng Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?" }, { "surah": "12", "ayah": 110, "translation": "[Nagpalugit] hanggang sa nang pinaglahuan ng pag-asa ang mga sugo at nakatiyak sila na sila ay pinagsinungalingan nga ay dumating sa kanila ang pag-aadya Namin saka nailigtas ang sinumang niloloob Namin. Hindi napipigil ang parusa Namin sa mga taong salarin." }, { "surah": "12", "ayah": 111, "translation": "Talaga ngang sa mga kasaysayan nila ay may naging aral para sa mga may isip. Hindi ito naging isang sanaysay na magagawa-gawa, bagkus pagpapatotoo sa nauna rito, isang pagdedetalye sa bawat bagay, isang patnubay, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya." }, { "surah": "13", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. M\u012bm. R\u0101\u2019.[257] Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat. Ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang katotohanan, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya." }, { "surah": "13", "ayah": 2, "translation": "Si All\u0101h ang nag-angat ng mga langit nang walang mga haligi na nakikita ninyo. Pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Pinagsilbi Niya ang araw at ang buwan; bawat isa ay umiinog para sa isang taning na tinukoy. Nangangasiwa Siya ng nauukol. Nagdedetalye Siya ng mga tanda nang sa gayon kayo sa pakikipagkita sa Panginoon ninyo ay nakatitiyak." }, { "surah": "13", "ayah": 3, "translation": "Siya ang bumanat ng lupa at naglagay rito ng mga matatag na bundok at mga ilog. Mula sa lahat ng mga bunga ay gumawa Siya sa mga ito ng dalawang magkapares. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip." }, { "surah": "13", "ayah": 4, "translation": "Sa lupa ay may mga lote na nagkakatabihan, mga hardin ng mga ubas, pananim, at mga punong datiles na magkakumpol o hindi magkakumpol, na dinidilig ng nag-iisang tubig. Nagtangi Kami sa iba sa mga ito higit sa iba sa bunga. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa." }, { "surah": "13", "ayah": 5, "translation": "Kung magtataka ka ay kataka-taka ang sabi nila: \u201cKapag kami ba ay naging alabok, tunay na kami ba ay talagang nasa isang pagkakalikhang bago?\u201d Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay ang [lalagyan ng] mga kulyar sa mga leeg nila. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "13", "ayah": 6, "translation": "Nagmamadali sila sa iyo ng masagwa bago ng maganda samantalang lumipas na bago pa nila ang mga tulad na parusa. Tunay na ang Panginoon mo ay talagang may kapatawaran para sa mga tao sa kabila ng paglabag nila sa katarungan. Tunay ang Panginoon mo ay talagang matindi ang parusa." }, { "surah": "13", "ayah": 7, "translation": "Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: \u201cBakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?\u201d Ikaw ay isang tagapagbabala lamang. Para sa bawat [pangkat ng] mga tao ay may tagapagpatnubay." }, { "surah": "13", "ayah": 8, "translation": "Si All\u0101h ay nakaaalam sa anumang dinadala ng bawat babae [sa sinapupunan], anumang kinakapos ang mga sinapupunan, at anumang lumalabis ang mga ito. Bawat bagay sa ganang Kanya ay ayon sa sukat," }, { "surah": "13", "ayah": 9, "translation": "ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan, ang Malaki, ang Pagkataas-taas." }, { "surah": "13", "ayah": 10, "translation": "Pantay [sa Kanya] hinggil sa inyo ang sinumang naglihim ng sinabi at ang sinumang naghayag nito, at ang sinumang siyang tagapagpakubli sa gabi at tagapaglantad sa maghapon." }, { "surah": "13", "ayah": 11, "translation": "Para sa kanya ay may mga [anghel na] nagkakasunud-sunod mula sa harapan niya at mula sa likuran niya, na nag-iingat sa kanya ayon sa utos ni All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay hindi nagpapaiba sa anumang nasa mga tao hanggang sa magpaiba sila sa nasa mga sarili nila. Kapag nagnais si All\u0101h sa mga tao ng isang kasagwaan ay walang pagpipigil doon. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang tagatangkilik." }, { "surah": "13", "ayah": 12, "translation": "Siya ang nagpapakita sa inyo ng kidlat sa pangamba at sa paghahangad, at nagpapairal sa mga ulap na mabibigat." }, { "surah": "13", "ayah": 13, "translation": "Nagluluwalhati ang kulog kalakip ng pagpupuri sa Kanya at ang mga anghel dahil sa pangagamba sa Kanya. Nagpapadala Siya ng mga lintik saka nagpapatama Siya ng mga ito sa sinumang niloloob Niya habang sila ay nakikipagtalo hinggil kay All\u0101h gayong Siya ay matindi ang kapangyarihan." }, { "surah": "13", "ayah": 14, "translation": "Ukol sa Kanya ang panalangin ng katotohanan samantalang ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay hindi tumutugon sa kanila sa anuman kundi gaya ng nag-aabot ng mga palad niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya gayong ito ay hindi aabot doon. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw." }, { "surah": "13", "ayah": 15, "translation": "Kay All\u0101h nagpapatirapa ang mga nasa mga langit at lupa nang kusang loob at labag sa loob at ang mga anino nila sa mga umaga at mga hapon." }, { "surah": "13", "ayah": 16, "translation": "Sabihin mo: \u201cSino ang Panginoon ng mga langit at lupa?\u201d Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h.\u201d Sabihin mo: \u201cKaya gumawa ba kayo bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik na hindi nakapagdudulot para sa mga sarili nila ng pakinabang ni pinsala?\u201d Sabihin mo: \u201cNagkakapantay kaya ang bulag at ang nakakikita? O nagkakapantay kaya ang mga kadiliman at ang liwanag? O gumawa ba sila para kay All\u0101h ng mga katambal na lumikha gaya ng paglikha Niya kaya nagkawangisan sa kanila ang pagkakalikha?\u201d Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h ay Tagalikha ng bawat bagay at Siya ay ang Nag-iisa, ang Palalupig.\u201d" }, { "surah": "13", "ayah": 17, "translation": "Nagpababa Siya mula sa langit ng tubig kaya umagos ang mga lambak ayon sukat ng mga ito saka nagdala ang agos ng bulang pumapaibabaw. Mula sa bagay na nagpapaningas sila rito sa apoy dala ng paghahangad sa mga hiyas at kagamitan ay may bulang tulad niyon. Gayon naglalahad si All\u0101h ng katotohanan at kabulaanan. Kaya hinggil sa bula, naglalaho ito bilang patapon; at hinggil naman sa nagpapakinabang sa mga tao, nananatili ito sa lupa. Gayon naglalahad si All\u0101h ng mga paghahalintulad." }, { "surah": "13", "ayah": 18, "translation": "Ukol sa mga tumugon sa Panginoon nila ang pinakamaganda. Ang mga hindi tumugon sa Kanya, kahit pa man taglay nila ang anumang nasa lupa nang lahatan at tulad niyon kasama roon ay talagang ipantutubos nila ito.[258] Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagtutuos. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang himlayan!" }, { "surah": "13", "ayah": 19, "translation": "Kaya ba ang sinumang nakaaalam na ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang katotohanan ay gaya ng sinumang siya ay isang bulag? Nagsasaalaala lamang ang mga may isip," }, { "surah": "13", "ayah": 20, "translation": "na mga nagpapatupad sa kasunduan kay All\u0101h at hindi kumakalas sa tipan," }, { "surah": "13", "ayah": 21, "translation": "at mga nag-uugnay sa ipinag-utos ni All\u0101h na iugnay, natatakot sa Panginoon nila, at nangangamba sa kasagwaan ng pagtutuos [sa Kabilang-buhay]." }, { "surah": "13", "ayah": 22, "translation": "Ang mga nagtiis dala ng paghahangad sa [ikalulugod ng] mukha ng Panginoon nila, nagpanatili ng pagdarasal, gumugol mula sa itinustos Namin sa kanila nang lihim at hayagan, at pumipigil sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan:" }, { "surah": "13", "ayah": 23, "translation": "ang mga Hardin ng Eden na papapasukin nila at ng sinumang umayos kabilang sa mga ninuno nila, mga asawa nila, at mga supling nila. Ang mga anghel ay papasok sa kanila sa bawat pinto, [na bumabati]:" }, { "surah": "13", "ayah": 24, "translation": "\u201cKapayapaan ay sumainyo dahil nagtiis kayo sapagkat kay inam ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan!\u201d" }, { "surah": "13", "ayah": 25, "translation": "Ang mga kumakalas sa kasunduan kay All\u0101h matapos na ng pagtitibay nito, pumuputol sa ipinag-utos ni All\u0101h na iugnay, at nagtitiwali sa lupa, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang sumpa at ukol sa kanila ang kasagwaan ng tahanan." }, { "surah": "13", "ayah": 26, "translation": "Si All\u0101h ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit. Natuwa sila sa buhay na pangmundo gayong walang iba ang buhay na pangmundo [sa paghahambing] sa Kabilang-buhay kundi isang [panandaliang kaunting] natatamasa." }, { "surah": "13", "ayah": 27, "translation": "Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: \u201cBakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?\u201d Sabihin mo: \u201cTunay na si All\u0101h ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang nagsisising nanumbalik," }, { "surah": "13", "ayah": 28, "translation": "na mga sumampalataya at napapanatag ang mga puso nila sa pag-aalaala kay All\u0101h. Pansinin, sa pag-aalaala kay All\u0101h napapanatag ang mga puso.\u201d" }, { "surah": "13", "ayah": 29, "translation": "Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, kagalakan[259] ay ukol sa kanila at isang kagandahan ng kauuwian." }, { "surah": "13", "ayah": 30, "translation": "Gayon Kami nagsugo sa iyo sa isang kalipunang may nagdaan na bago pa nito na mga kalipunan upang bumigkas ka sa kanila [mula sa Qur\u2019a\u0304n] ng ikinasi Namin sa iyo habang sila ay tumatangging sumampalataya sa Napakamaawain. Sabihin mo: \u201cSiya ay ang Panginoon ko; walang Diyos kundi Siya. Sa Kanya ako nanalig at sa Kanya ang pagbabalik-loob ko.\u201d" }, { "surah": "13", "ayah": 31, "translation": "Kung sakaling may isang Qur\u2019\u0101n na iniusad sa pamamagitan nito ang mga bundok o pinagputul-putol sa pamamagitan nito ang lupa o pinagsalita sa pamamagitan nito ang mga patay, [ito na iyon]. Bagkus sa kay All\u0101h ang pag-uutos nang lahatan. Hindi ba nakatanto ang mga sumampalataya na kung sakaling niloloob ni All\u0101h ay talaga sanang nagpatnubay Siya sa mga tao nang lahatan? Hindi tinitigilan ang mga tumangging sumampalataya ng pagtama sa kanila, dahil sa pinaggagawa nila, ng isang dagok o pagdapo nito nang malapit mula sa tahanan nila, hanggang sa dumating ang pangako ni All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay hindi sumisira sa pangako." }, { "surah": "13", "ayah": 32, "translation": "Talaga ngang nangutya sa mga sugo bago mo pa ngunit nagpatagal Ako sa mga tumangging sumampalataya [sa mga sugo]. Pagkatapos dumaklot Ako sa kanila, kaya papaano naging ang parusa Ko?" }, { "surah": "13", "ayah": 33, "translation": "Kaya Siya ba na isang tagapagpanatili sa bawat kaluluwa, [na mapagmasid] sa anumang nakamit nito, [ay higit na marapat sambahin]? Gumawa sila para kay All\u0101h ng mga katambal. Sabihin mo: \u201cPangalanan ninyo sila. O nagbabalita ba kayo sa Kanya hinggil sa hindi Niya nalalaman sa lupa o hinggil sa isang hayag mula sa sinabi?\u201d Bagkus ipinaakit para sa mga tumangging sumampalataya ang pakana nila at sinagabalan sila palayo sa landas [na kapatnubayan]. Ang sinumang ililigaw ni All\u0101h ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagpatnubay." }, { "surah": "13", "ayah": 34, "translation": "Ukol sa kanila ay isang pagdurusa sa buhay na pangmundo at talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na mahirap. Walang ukol sa kanila laban kay All\u0101h na anumang tagasangga." }, { "surah": "13", "ayah": 35, "translation": "Ang paglalarawan sa Paraiso na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala ay dumadaloy mula sa ilalim nito ang mga ilog at ang mga bunga nito ay namamalagi at ang lilim nito. Iyon ay ang pinakakahihinatnan ng mga tagapangilag magkasala, at ang pinakakahihinatnan ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy." }, { "surah": "13", "ayah": 36, "translation": "Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay natutuwa [ang iba sa kanila] sa pinababa sa iyo, ngunit mayroon sa mga lapian na nagkakaila sa bahagi nito. Sabihin mo: \u201cInutusan lamang ako na sumamba kay All\u0101h at hindi magtambal sa Kanya. Sa Kanya ako dumadalangin at tungo sa Kanya ang uwian ko.\u201d" }, { "surah": "13", "ayah": 37, "translation": "Gayon Kami nagpababa nito[260] bilang kahatulang [nasa wikang] Arabe. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo laban kay All\u0101h na anumang katangkilik ni tagasangga." }, { "surah": "13", "ayah": 38, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa at gumawa Kami para sa kanila ng mga maybahay at mga supling. Hindi naging ukol sa isang sugo na maghatid ng isang tanda malibang ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Para sa bawat taning ay may pagtatakda [ni All\u0101h]." }, { "surah": "13", "ayah": 39, "translation": "Nagpapawi si All\u0101h ng niloloob Niya at nagpapatibay Siya. Taglay Niya ang Ina ng Aklat.[261]" }, { "surah": "13", "ayah": 40, "translation": "Kung magpapakita nga man Kami sa iyo ng ilan sa [pagdurusang] ipinangangako Namin sa kanila o babawi nga man Kami sa iyo, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot at nasa Amin ang pagtutuos." }, { "surah": "13", "ayah": 41, "translation": "Hindi ba sila nakakita na tunay na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga gilid nito? Si All\u0101h ay humahatol; walang tagapagpabago sa kahatulan Niya. Siya ay ang mabilis ang pagtutuos." }, { "surah": "13", "ayah": 42, "translation": "Nagpakana nga ang mga bago pa nila[262] [laban sa mga propeta] ngunit sa kay All\u0101h ang pakana nang lahatan. Nakaaalam Siya sa nakakamit ng bawat kaluluwa. Malalaman ng mga tagatangging sumampalataya kung ukol kanino ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan." }, { "surah": "13", "ayah": 43, "translation": "Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya na ikaw ay hindi isang isinugo. Sabihin mo: \u201cNakasapat si All\u0101h bilang saksi sa pagitan ko at ninyo, at ang sinumang may taglay ng kaalaman sa Kasulatan." }, { "surah": "14", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. R\u0101\u2019.[263] [Ang Qur\u2019a\u0304n na ito ay] isang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magpalabas ka sa mga tao mula sa mga kadiliman[264] tungo sa liwanag[265] ayon sa pahintulot ng Panginoon nila tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri:" }, { "surah": "14", "ayah": 2, "translation": "si All\u0101h, na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kapighatian ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya, mula sa isang pagdurusang matindi," }, { "surah": "14", "ayah": 3, "translation": "na mga napaibig sa buhay na pangmundo higit sa Kabilang-buhay, sumasagabal sa landas ni All\u0101h, at naghahangad dito ng isang kabaluktutan. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malayo." }, { "surah": "14", "ayah": 4, "translation": "Hindi nagsugo ng anumang sugo kundi ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila, ngunit nagliligaw si All\u0101h sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya [ayon sa Kabutihang-loob Niya]. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong." }, { "surah": "14", "ayah": 5, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin, [na nagsasabi:] \u201cMagpalabas ka sa mga tao mo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag at magpaalaala ka sa kanila hinggil sa mga araw [ng mga biyaya] ni All\u0101h. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat." }, { "surah": "14", "ayah": 6, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga tao niya: \u201cAlalahanin ninyo ang biyaya ni All\u0101h sa inyo noong pinaligtas Niya kayo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan." }, { "surah": "14", "ayah": 7, "translation": "[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon ninyo: \u201cTalagang kung nagpasalamat kayo ay talagang magdaragdag nga Ako sa inyo; at talagang kung nagkakaila kayo, tunay na ang pagdurusang dulo Ko ay talagang matindi.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 8, "translation": "Nagsabi si Moises: \u201cKung tatanggi kayong sumampalataya, kayo at ang sinumang nasa lupa nang lahatan, tunay na si All\u0101h ay talagang Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 9, "translation": "Hindi ba pumunta sa inyo ang balita ng mga bago pa ninyo, na mga tao ni Noe, ng [liping] `\u0100d, at [liping] Tham\u016bd, at ng mga matapos na nila? Walang nakaaalam sa kanila kundi si All\u0101h. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay All\u0101h] ng mga malinaw patunay, ngunit nagtulak sila ng mga kamay nila sa mga bibig nila at nagsabi sila: \u201cTunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan sa inaanyaya ninyo sa amin.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 10, "translation": "Nagsabi ang mga sugo nila [mula kay All\u0101h]: \u201cSa kay All\u0101h ba ay may pagdududa, ang Tagapaglalang ng mga langit at lupa? Nag-aanyaya Siya sa inyo upang magpatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at mag-antala Siya sa inyo hanggang sa isang taning na tinukoy.\u201d Nagsabi sila: \u201cWalang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Nagnanais kayo na bumalakid sa amin sa sinasamba noon ng mga ninuno namin kaya magdala kayo sa amin ng isang katunayang malinaw.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 11, "translation": "Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila [mula kay All\u0101h]: \u201cWalang iba kami kundi mga taong tulad ninyo, subalit si All\u0101h ay nagmamagandang-loob sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Sa kay All\u0101h ay manalig ang mga mananampalataya." }, { "surah": "14", "ayah": 12, "translation": "Ano ang mayroon sa amin na hindi kami manalig kay All\u0101h samantalang nagpatnubay nga Siya sa amin sa mga landas namin? Talagang magtitiis nga kami sa anumang pananakit ninyo sa amin. Sa kay All\u0101h ay manalig ang mga nananalig.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 13, "translation": "Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila: \u201cTalagang magpapalisan nga kami sa inyo mula sa lupain natin, o talagang manunumbalik nga kayo sa kapaniwalaan natin.\u201d Kaya nagkasi sa kanila ang Panginoon nila: \u201cTalagang magpapahamak nga Kami sa mga tagalabag sa katarungan," }, { "surah": "14", "ayah": 14, "translation": "at talagang magpapatahan nga Kami sa inyo sa lupain matapos na nila. Iyon ay ukol sa sinumang nangamba sa katayuan Ko[266] at nangamba sa banta Ko.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 15, "translation": "Humiling sila ng pagwawagi, at nabigo ang bawat palasupil na mapagmatigas." }, { "surah": "14", "ayah": 16, "translation": "Mula sa harap niya ay Impiyerno, at paiinumin siya ng tubig na nana." }, { "surah": "14", "ayah": 17, "translation": "Lalagok-lagukin niya ito at hindi niya halos malulunok ito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat pook ngunit siya ay hindi patay. Mula sa harap niya ay may isang pagdurusang mabagsik." }, { "surah": "14", "ayah": 18, "translation": "Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila [ay na] ang mga gawa nila ay gaya ng mga abo na tumindi sa mga ito ang hangin sa isang araw na umuunos; hindi sila nakakakaya [na magpanatili] sa anuman mula sa nakamit nila. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo [sa katotohanan]." }, { "surah": "14", "ayah": 19, "translation": "Hindi mo ba nakita[267] na si All\u0101h ay lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Kung loloobin Niya ay makapag-aalis Siya sa inyo at makagagawa Siya ng isang bagong nilikha." }, { "surah": "14", "ayah": 20, "translation": "Hindi iyon kay All\u0101h mahirap." }, { "surah": "14", "ayah": 21, "translation": "Tatambad sila kay All\u0101h nang lahatan at magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: \u201cTunay na kami noon sa inyo ay tagasunod, kaya kayo kaya ay makapagdudulot sa amin ng anuman laban sa pagdurusang dulot ni All\u0101h?\u201d Magsasabi ang mga iyon: \u201cKung sakaling nagpatnubay sa amin si All\u0101h ay talaga sanang nagpatnubay kami sa inyo. Magkapantay sa atin kung naligalig tayo o nagtiis tayo; walang ukol sa atin na anumang mapupuslitan.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 22, "translation": "Magsasabi ang demonyo kapag tinapos ang pasya: \u201cTunay na si All\u0101h ay nangako sa inyo ng pangako ng katotohanan, at nangako ako sa inyo ngunit sumira ako sa inyo. Hindi ako nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan maliban na nag-anyaya ako sa inyo saka tumugon naman kayo sa akin. Kaya huwag kayong manisi sa akin. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo. Hindi ako makasasalba sa inyo at hindi kayo makasasalba sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa pagtambal ninyo sa akin [kay All\u0101h] bago pa niyan.\u201d Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan,[268] ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "14", "ayah": 23, "translation": "Papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga maayos sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito ayon sa pahintulot ng Panginoon nila. Ang pagbati nila roon ay kapayapaan." }, { "surah": "14", "ayah": 24, "translation": "Hindi mo ba napag-alaman kung papaanong naglahad si All\u0101h ng isang paghahalintulad na isang salitang kaaya-aya na gaya ng isang punong-kahoy na kaaya-aya na ang ugat nito ay matatag at ang mga sanga nito ay nasa langit?" }, { "surah": "14", "ayah": 25, "translation": "Nagbibigay ito ng bunga nito sa bawat sandali ayon sa pahintulot ng Panginoon nito. Naglalahad si All\u0101h ng mga paghahalintulad para sa mga tao nang sa gayon sila ay magsasaalaala." }, { "surah": "14", "ayah": 26, "translation": "Ang paghahalintulad sa isang salitang karima-rimarim ay gaya sa isang punong-kahoy na karima-rimarin na nabunot mula sa ibabaw ng lupa; walang ukol dito na anumang pamamalagian." }, { "surah": "14", "ayah": 27, "translation": "Nagpapatatag si All\u0101h sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinasabing matatag[269] sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagliligaw si All\u0101h sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si All\u0101h ng anumang niloloob Niya." }, { "surah": "14", "ayah": 28, "translation": "Hindi mo ba nakita ang mga nagpalit sa biyaya ni All\u0101h ng kawalang-pananampalataya at nagpatahan sa mga tao nila sa tahanan ng kapariwaraan?" }, { "surah": "14", "ayah": 29, "translation": "Sa Impiyerno ay masusunog sila. Kay saklap ang pamamalagian!" }, { "surah": "14", "ayah": 30, "translation": "Gumawa sila para kay All\u0101h ng mga kaagaw upang magligaw ang mga ito palayo sa landas Niya. Sabihin mo: \u201cMagpakatamasa kayo sapagkat tunay na ang kahahantungan ninyo ay tungo sa Apoy.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 31, "translation": "Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila ng pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at nang hayagan bago pa may pumuntang isang araw na walang bilihan doon at walang pakikipagkaibigan." }, { "surah": "14", "ayah": 32, "translation": "Si All\u0101h ang lumikha ng mga langit at lupa at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga sasakyang-dagat upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya at pinagsilbi Niya para sa inyo ang mga ilog." }, { "surah": "14", "ayah": 33, "translation": "Pinagsilbi Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang mga umiinog. Pinagsilbi Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon." }, { "surah": "14", "ayah": 34, "translation": "Nagbigay Siya sa inyo ng bawat hiningi ninyo. Kung magbibilang kayo ng biyaya ni All\u0101h ay hindi kayo makapag-iisa-isa sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang mapaglabag sa katarungan, palatangging sumampalataya." }, { "surah": "14", "ayah": 35, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: \u201cPanginoon ko, gawin Mo ang bayang ito [ng Makkah] na matiwasay at paiwasin Mo ako at ang mga anak ko na sumamba kami sa mga anito." }, { "surah": "14", "ayah": 36, "translation": "Panginoon ko, tunay na ang mga [anitong] ito ay nagligaw sa marami sa mga tao. Kaya ang sinumang sumunod sa akin, tunay na siya ay kabilang sa akin; at ang sinumang sumuway sa akin, tunay na Ikaw ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "14", "ayah": 37, "translation": "Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko[270] sa isang lambak na hindi may pananim, sa tabi ng Bahay Mong Pinabanal, Panginoon namin, upang magpanatili sila ng pagdarasal. Kaya gumawa Ka sa mga puso ng ilan sa mga tao na nahuhumaling sa kanila at magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga nang sa gayon sila ay magpapasalamat." }, { "surah": "14", "ayah": 38, "translation": "Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nakaaalam sa anumang ikinukubli namin at anumang inihahayag namin. Walang nakakukubli kay All\u0101h na anuman sa lupa ni sa langit." }, { "surah": "14", "ayah": 39, "translation": "Ang papuri ay ukol kay All\u0101h na nagkaloob para sa akin sa katandaan kina Ismael at Isaac. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Madinigin sa panalangin." }, { "surah": "14", "ayah": 40, "translation": "Panginoon ko, gawin Mo ako na tagapagpanatili ng pagdarasal at ang [marami] kabilang sa mga supling ko, Panginoon Namin, at tanggapin Mo ang panalangin ko." }, { "surah": "14", "ayah": 41, "translation": "Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, at sa mga mananampalataya sa araw na magaganap ang pagtutuos.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 42, "translation": "Huwag ka ngang mag-akalang si All\u0101h ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan. Nag-aantala lamang Siya sa kanila para sa isang araw na mapatititig doon ang mga paningin." }, { "surah": "14", "ayah": 43, "translation": "Mga kumakaripas na mga nagtitingala ng mga ulo nila, hindi manunumbalik sa kanila ang sulyap nila habang ang mga puso nila ay hungkag [dahil sa pagkasindak]." }, { "surah": "14", "ayah": 44, "translation": "Magbabala ka sa mga tao ng isang araw na pupunta sa kanila ang pagdurusa kaya magsasabi ang mga lumabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya]: \u201cPanginoon namin, mag-antala Ka sa amin hanggang sa isang taning na malapit, sasagot kami sa paanyaya Mo at susunod kami sa mga sugo Mo.\u201d [Magsasabi si All\u0101h:] \u201cHindi ba nangyaring kayo ay sumumpa bago pa niyan na wala kayong anumang pagtigil [sa buhay sa Mundo]?" }, { "surah": "14", "ayah": 45, "translation": "Tumira kayo sa mga tirahan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila. Luminaw para sa inyo kung papaano ang ginawa Namin sa kanila. Naglahad Kami para sa inyo ng mga paghahalintulad.\u201d" }, { "surah": "14", "ayah": 46, "translation": "Nagpakana nga sila ng pakana nila samantalang nasa ganang kay All\u0101h ang [kaalaman sa] pakana nila, kahit pa man ang pakana nila ay upang maalis dahil dito ang mga bundok." }, { "surah": "14", "ayah": 47, "translation": "Kaya huwag ka ngang mag-akalang si All\u0101h ay sisira sa pangako Niya sa mga sugo Niya. Tunay na si All\u0101h ay Makapangyarihan, May paghihiganti." }, { "surah": "14", "ayah": 48, "translation": "Sa Araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at ang mga langit, at lalantad sila[271] kay All\u0101h, ang Nag-iisa, ang Palalupig." }, { "surah": "14", "ayah": 49, "translation": "Makakikita ka sa mga salarin sa Araw na iyon na mga pinaggagapos sa mga posas," }, { "surah": "14", "ayah": 50, "translation": "na ang mga damit nila ay yari sa alkitran at bumabalot sa mga mukha nila ang apoy," }, { "surah": "14", "ayah": 51, "translation": "upang gumanti si All\u0101h sa bawat kaluluwa sa nakamit nito [na mabuti o masama]. Tunay na si All\u0101h ay mabilis ang pagtutuos." }, { "surah": "14", "ayah": 52, "translation": "Ito ay isang pagpapaabot para sa mga tao at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan nito, upang makaalam sila na Siya ay Diyos na nag-iisa lamang, at upang magsaalaala ang mga may isip." } ]