[ { "surah": "11", "ayah": 6, "translation": "Walang anumang gumagalaw na nilalang sa lupa malibang nasa kay All\u0101h ang panustos nito. Nakaaalam Siya sa tuluyan nito [sa pamumuhay] at pinaglalagakan dito [sa pagkamatay]. Bawat isa ay nasa isang talaang malinaw." }, { "surah": "11", "ayah": 7, "translation": "Siya ang lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw \u2013 at ang Trono Niya ay nasa ibabaw ng tubig \u2013 upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Talagang kung nagsabi ka: \u201cTunay na kayo ay mga bubuhayin matapos na ng kamatayan\u201d ay talagang magsasabi nga ang mga tagatangging sumampalataya: \u201cWalang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 8, "translation": "Talagang kung nag-antala Kami sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong nabibilang ay talagang magsasabi nga sila: \u201cAno ang pumipigil dito?\u201d Pansinin, sa araw na darating ito sa kanila ay hindi ito maililihis palayo sa kanila at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya." }, { "surah": "11", "ayah": 9, "translation": "Talagang kung nagpalasap Kami sa tao ng isang awa mula sa Amin, pagkatapos nag-alis Kami nito mula sa kanya, tunay na siya ay talagang walang-wala ang pag-asa, mapagtangging magpasalamat." }, { "surah": "11", "ayah": 10, "translation": "Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang kabiyayaan matapos ng isang kariwaraan[229] na sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: \u201cUmalis ang mga masagwa palayo sa akin.\u201d Tunay na siya ay talagang masaya, napakayabang \u2013" }, { "surah": "11", "ayah": 11, "translation": "maliban sa mga nagtiis at gumawa ng mga maayos; ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang kapatawaran at isang pabuyang malaki [sa Kabilang-buhay]." }, { "surah": "11", "ayah": 12, "translation": "Kaya baka ikaw ay mag-iiwan sa ilan sa ikinakasi sa iyo at pinaninikipan dahil dito ng dibdib mo na magsabi sila sa iyo: \u201cBakit kasi walang pinababa sa kanya na isang kayamanan o may dumating kasama sa kanya na isang anghel?\u201d Ikaw ay isang mapagbabala lamang. Si All\u0101h sa bawat bagay ay Pinagkakatiwalaan." }, { "surah": "11", "ayah": 13, "translation": "O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: \u201cKaya maglahad kayo ng sampung kabanata [ng Qur\u2019a\u0304n] kabilang sa tulad nito na mga ginawa-gawa at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay All\u0101h [para tumulong sa inyo] kung kayo ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 14, "translation": "Kaya kung hindi sila tumugon sa inyo, alamin ninyo na pinababa lamang [ang Qur\u2019a\u0304n na] ito nang may kaalaman ni All\u0101h at na walang Diyos kundi Siya. Kaya kayo ba ay mga tagapagpasakop?[230]" }, { "surah": "11", "ayah": 15, "translation": "Ang sinumang nagnanais ng buhay na pangmundo at gayak nito, maglulubus-lubos Kami tungo sa kanila [ng kabayaran] sa mga gawa nila rito habang sila rito ay hindi kinukulangan." }, { "surah": "11", "ayah": 16, "translation": "Ang mga iyon, walang ukol sa kanila sa Kabilang-buhay kundi ang Apoy. Nawalang-kabuluhan ang niyari nila rito [sa Mundo] at walang-saysay ang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "11", "ayah": 17, "translation": "Kaya ba ang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya [ay tulad ng nabanggit]? Sumusunod dito ang isang tagasaksi mula sa Kanya at, bago pa nito, ang kasulatan ni Moises bilang pinuno at bilang awa. Ang mga iyon ay sumasampalataya rito. Ang sinumang tumangging sumampalataya rito [sa Qur\u2019a\u0304n] kabilang sa mga lapian, ang Apoy ay ipinangako sa kanya. Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan dito [sa Qur\u2019\u0101n]. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya." }, { "surah": "11", "ayah": 18, "translation": "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan? Ang mga iyon ay ilalahad sa Panginoon nila at magsasabi ang mga saksi: \u201cAng mga ito ay ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila.\u201d Pansinin, ang sumpa ni All\u0101h ay ukol sa mga tagalabag sa katarungan," }, { "surah": "11", "ayah": 19, "translation": "na mga sumasagabal sa landas ni All\u0101h at naghahangad dito ng isang kabaluktutan habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "11", "ayah": 20, "translation": "Ang mga iyon ay hindi mga makalulusot[231] sa lupa at hindi sila nagkaroon bukod pa kay All\u0101h ng mga katangkilik. Pag-iibayuhin para sa kanila ang pagdurusa. Hindi sila dati nakakakaya ng pagdinig [sa katotohanan] at hindi sila dati nakakikita." }, { "surah": "11", "ayah": 21, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa." }, { "surah": "11", "ayah": 22, "translation": "Walang pasubali na sila sa Kabilang-buhay ay ang mga pinakalugi." }, { "surah": "11", "ayah": 23, "translation": "Tunay na ang mga sumampalataya, gumawa ng mga maayos, at nagmababang-loob sa Panginoon nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "11", "ayah": 24, "translation": "Ang paghahalintulad sa dalawang pangkat ay gaya ng bulag at bingi, at ng nakakikita at nakaririnig. Nagkakapantay kaya ang dalawa sa paghahalintulad? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala?" }, { "surah": "11", "ayah": 25, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya, [na nagsasabi]: \u201cTunay na ako para sa inyo ay isang mapagbabalang malinaw," }, { "surah": "11", "ayah": 26, "translation": "na huwag kayong sumamba kundi kay All\u0101h; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na masakit.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 27, "translation": "Kaya nagsabi ang konseho na tumangging sumampalataya kabilang sa mga kalipi niya: \u201cWala kaming nakikita sa iyo kundi isang tao tulad namin, wala kaming nakikita sa iyo na sumunod sa iyo kundi silang mga napakahamak sa amin sa unang tingin,[232] at wala kaming nakikita para inyo na isang kalamangan sa amin, bagkus nagpapalagay kami na kayo ay mga sinungaling.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 28, "translation": "Nagsabi siya:[233] \u201cO mga tao ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya ngunit pinalingid ito sa inyo? Mamimilit ba kami sa inyo [na maniwala] rito samantalang kayo rito ay mga nasusuklam?" }, { "surah": "11", "ayah": 29, "translation": "O mga tao ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang yaman; walang pabuya sa akin kundi nasa kay All\u0101h. Ako ay hindi magtataboy sa mga sumampalataya. Tunay na sila ay makikipagkita sa Panginoon nila, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang." }, { "surah": "11", "ayah": 30, "translation": "O mga tao ko, sino ang mag-aadya sa akin laban kay All\u0101h kung nagtaboy ako sa kanila? Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala?" }, { "surah": "11", "ayah": 31, "translation": "Hindi ako nagsasabi sa inyo na taglay ko ang mga imbakan ni All\u0101h. Hindi ako nakaaalam sa nakalingid. Hindi ako nagsasabi na tunay na ako ay isang anghel. Hindi ako nagsasabi sa mga hinahamak ng mga mata ninyo na hindi magbibigay sa kanila si All\u0101h ng isang mabuti. Si All\u0101h ay higit na maalam sa nasa mga sarili nila. Tunay na ako samakatuwid ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan [kung magsasabi ng gayon].\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 32, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO Noe, nakipagtalo ka na sa amin saka nagpadalas ka sa pakikipagtalo sa amin kaya magdala ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin kung ikaw ay kabilang sa mga tapat.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 33, "translation": "Nagsabi siya: \u201cMagdadala lamang sa inyo nito si All\u0101h kung niloob Niya, at kayo ay hindi mga makalulusot." }, { "surah": "11", "ayah": 34, "translation": "Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagpapayo ko \u2013 kung nagnais ako na magpayo sa inyo \u2013 kung nangyaring si All\u0101h ay nagnanais na magpalisya sa inyo. Siya ay ang Panginoon ninyo, at tungo sa Kanya pababalikin kayo.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 35, "translation": "O nagsasabi sila na gumawa-gawa siya nito? Sabihin mo: \u201cKung gumawa-gawa ako nito[234] ay sa akin ang pagpapakasalarin ko at ako ay walang-kaugnayan sa anumang pagpapakasalarin ninyo.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 36, "translation": "Ikinasi kay Noe: \u201cHindi sasampalataya kabilang sa mga tao mo kundi ang sinumang sumampalataya na, kaya huwag kang mahapis sa anumang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "11", "ayah": 37, "translation": "Yumari ka ng daong sa pamamagitan ng mga mata Namin at pagkasi Namin. Huwag kang makipag-usap sa Akin hinggil sa mga lumabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya]; tunay na sila ay mga malulunod.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 38, "translation": "Yumayari siya[235] ng daong. Sa tuwing may napadaan sa kanya na isang konseho kabilang sa mga tao niya ay nanunuya sila sa kanya. Nagsabi siya: \u201cKung nanunuya kayo sa amin, tunay na kami ay manunuya sa inyo kung paanong nanunuya kayo," }, { "surah": "11", "ayah": 39, "translation": "saka makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at dadapuan ng isang pagdurusang mananatili.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 40, "translation": "[Gayon nga] hanggang sa nang dumating ang utos Namin at nagsambulat [ng tubig] ang pugon ay nagsabi Kami: \u201cMaglulan ka sa loob niyon ng mula sa bawat dalawang magkapares [na lalaki at babae], ng mag-anak mo \u2013 maliban sa nauna sa kanya ang hatol \u2013 at ng sinumang sumampalataya.\u201d Walang sumampalataya kasama sa kanya kundi kaunti." }, { "surah": "11", "ayah": 41, "translation": "Nagsabi siya: \u201cSumakay kayo rito; sa ngalan ni All\u0101h ang paglalayag nito at ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Mapagpatawad, Maawain.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 42, "translation": "Ito ay naglayag lulan sila sa mga alon na gaya ng mga bundok. Nanawagan si Noe sa anak niya habang ito ay nasa pinaglayuan [nito]: \u201cO anak ko, sumakay ka kasama sa amin at huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 43, "translation": "Nagsabi ito: \u201cKakanlong ako sa isang bundok na magsasanggalang sa akin laban sa tubig.\u201d Nagsabi siya: \u201cWalang tagapagsanggalang sa araw na ito laban sa pasya ni All\u0101h maliban sa kinaawaan Niya.\u201d Humarang sa pagitan nilang dalawa ang mga alon, kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod." }, { "surah": "11", "ayah": 44, "translation": "Sinabi: \u201cO lupa, lulunin mo ang tubig mo; o langit, pigilin mo [ang ulan].\u201d Pinahupa ang tubig, natapos ang pasya, at lumuklok ito sa ibabaw ng [bundok ng] J\u016bd\u012by. Sinabi: \u201cKalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 45, "translation": "Nanawagan si Noe sa Panginoon niya saka nagsabi: \u201cO Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko. Tunay na ang pangako Mo ay ang totoo. Ikaw ay ang pinakatagahatol sa mga tagahatol.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 46, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cO Noe, tunay na siya ay hindi kabilang sa mag-anak mo. Tunay na [ang paghiling na] ito[236] ay gawang hindi maayos. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nangangaral sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 47, "translation": "Nagsabi siya: \u201cO Panginoon ko, tunay ako ay nagpapakupkop sa Iyo na humiling ako sa Iyo ng wala akong kaalaman hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin at maaawa sa akin, ako ay magiging kabilang sa mga lugi.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 48, "translation": "Sinabi: \u201cO Noe, manaog ka nang may kapayapaan mula sa Amin at mga pagpapala sa iyo at sa mga kalipunan kabilang sa sinumang kasama sa iyo. May mga kalipunang pagtatamasain Namin, pagkatapos may sasaling sa kanila mula sa Amin na isang pagdurusang masakit.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 49, "translation": "Iyon ay kabilang sa mga balita ng nakalingid, na ikinakasi Namin sa iyo. Hindi ka dati nakaaalam nito, ikaw ni ang mga tao mo bago pa nito. Kaya magtiis ka; tunay na ang [magandang] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "11", "ayah": 50, "translation": "[Nagsugo sa liping] `\u0100d ng kapatid nilang si H\u016bd. Nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, sumamba kayo kay All\u0101h; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Walang iba kayo kundi mga gumagawa-gawa [ng kasinungalingan.]\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 51, "translation": "O mga kalipi ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil doon ng isang pabuya; walang pabuya sa akin kundi nasa lumalang sa akin. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?" }, { "surah": "11", "ayah": 52, "translation": "O mga kalipi ko, humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magsusugo Siya sa langit sa ibabaw ninyo ng masaganang [ulan] at magdaragdag Siya sa inyo ng lakas sa [dating] lakas ninyo. Huwag kayong tumalikod bilang mga salarin." }, { "surah": "11", "ayah": 53, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO H\u016bd, hindi ka nagdala sa amin ng isang malinaw na patunay [sampalatayanan ka]. Kami ay hindi mga mag-iiwan ng mga diyos namin dahil sa sabi mo at kami sa iyo ay hindi mga maniniwala." }, { "surah": "11", "ayah": 54, "translation": "Wala kaming sinasabi kundi nagpasapit sa iyo ang ilan sa mga diyos namin ng isang kasagwaan.\u201d Nagsabi siya: \u201cTunay na ako ay nagpapasaksi kay All\u0101h, at saksihan ninyo, na ako ay walang-kaugnayan sa anumang itinatambal ninyo" }, { "surah": "11", "ayah": 55, "translation": "bukod pa sa Kanya. Kaya manlansi kayo sa akin nang lahatan, pagkatapos huwag kayong magpalugit sa akin." }, { "surah": "11", "ayah": 56, "translation": "Tunay na ako ay nanalig kay All\u0101h, ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang gumagalaw na nilalang malibang Siya ay humahawak sa unahan ng noo nito. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa isang landasing tuwid [ng katarungan].\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 57, "translation": "Ngunit kung tatalikod kayo ay [sabihin mo:] \u201cNagpaabot na ako sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Magtatalaga bilang kahalili ang Panginoon ko sa mga taong iba pa sa inyo. Hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman. Tunay na ang Panginoon sa bawat bagay ay Mapag-ingat.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 58, "translation": "Noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay H\u016bd at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at nagligtas Kami sa kanila mula sa isang pagdurusang mabagsik." }, { "surah": "11", "ayah": 59, "translation": "Iyon ay [liping] `\u0100d na nagkaila sa mga tanda ng Panginoon nila, sumuway sa mga sugo nila, at sumunod sa utos ng bawat palasupil na mapagmatigas [sa katotohanan]." }, { "surah": "11", "ayah": 60, "translation": "Pinasundan sila sa Mundong ito ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Pansinin, tunay na ang [liping] `\u0100d ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] `\u0100d, na mga kalipi ni H\u016bd." }, { "surah": "11", "ayah": 61, "translation": "[Nagsugo sa liping] Tham\u016bd ng kapatid nilang si \u1e62\u0101li\u1e25. Nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, sumamba kayo kay All\u0101h; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Siya ay nagpaluwal sa inyo mula sa lupa at nagpanirahan sa inyo rito, kaya humingi kayo ng tawad sa Kanya, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit,[237] Tagasagot [ng panalangin].\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 62, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO \u1e62\u0101li\u1e25, ikaw nga dati sa atin ay inaasam bago nito. Sumasaway ka ba sa amin na sumamba kami sa sinasamba ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil sa inaanyaya mo sa amin.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 63, "translation": "Nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa? Kaya sino ang mag-aadya sa akin laban kay All\u0101h kung sumuway ako sa Kanya? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa isang pagpapalugi." }, { "surah": "11", "ayah": 64, "translation": "O mga kalipi ko, ito ay dumalagang kamelyo ni All\u0101h; para sa inyo ay isang tanda. Kaya hayaan ninyo ito na kumain sa lupain ni All\u0101h at huwag ninyong salingin ito ng isang kasagwaan dahil dadaklutin kayo ng isang pagdurusang malapit." }, { "surah": "11", "ayah": 65, "translation": "Ngunit kinatay nila ito, kaya nagsabi siya: \u201cMagpakatamasa kayo sa tahanan ninyo nang tatlong araw. Iyon ay isang pangakong hindi mapasisinungalingan.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 66, "translation": "Kaya noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay \u1e62\u0101li\u1e25 at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at [nagligtas Kami] mula sa kahihiyan sa araw na iyon. Tunay na ang Panginoon mo ay ang Malakas, ang Makapangyarihan." }, { "surah": "11", "ayah": 67, "translation": "Dumaklot sa mga lumabag sa katarungan ang hiyaw saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob." }, { "surah": "11", "ayah": 68, "translation": "Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin, tunay na ang [liping] Tham\u016bd ay tumangging sumampalataya sa Panginoon nila. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] Tham\u016bd." }, { "surah": "11", "ayah": 69, "translation": "Talaga ngang naghatid ang mga [anghel na] sugo Namin kay Abraham ng balitang nakagagalak. Nagsabi sila: \u201cKapayapaan!\u201d Nagsabi siya: \u201cKapayapaan.\u201d Kaya hindi naglaon na naghatid siya ng isang guyang inihaw." }, { "surah": "11", "ayah": 70, "translation": "Ngunit noong nakita niya ang mga kamay nila na hindi umaabot doon [sa inihaw], naghinala siya sa kanila at nakadama siya mula sa kanila ng isang pangangamba. Nagsabi sila: \u201cHuwag kang mangamba; tunay na kami ay isinugo sa mga tao ni Lot.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 71, "translation": "Ang maybahay niya ay nakatayo, saka natawa ito, kaya nagbalita Kami ng nakagagalak dito hinggil kay Isaac, at matapos kay Isaac ay kay Jacob [na apo]." }, { "surah": "11", "ayah": 72, "translation": "Nagsabi ito: \u201cO pambihira! Manganganak ba ako samantalang ako ay isang babaing matanda at ito ay asawa ko, isang matandang lalaki na? Tunay na ito ay talagang isang bagay kataka-taka!\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 73, "translation": "Nagsabi sila:[238] \u201cNagtataka ka ba sa pasya ni All\u0101h? Ang awa ni All\u0101h at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay. Tunay na Siya ay Kapuri-puri, Maringal.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 74, "translation": "Kaya noong umalis kay Abraham ang hilakbot at dumating sa kanya ang balitang nakagagalak, nakipagtalo siya sa [mga anghel] Namin alang-alang sa mga kababayan ni Lot." }, { "surah": "11", "ayah": 75, "translation": "Tunay na si Abraham ay talagang matimpiin, palataghoy, nagsisising tagapanumbalik." }, { "surah": "11", "ayah": 76, "translation": "[Sinabi:] \u201cO Abraham, umayaw ka rito! Tunay na dumating na ang utos ng Panginoon mo. Tunay na sila ay pupuntahan ng isang pagdurusang hindi mapipigilan.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 77, "translation": "Noong dumating ang mga [anghel na] sugo Namin kay Lot, [na nasa ayon ng mga binata,] sumama ang loob niya sa kanila, pinanikipan siya sa kanila ng dibdib, at nagsabi: \u201cIto ay isang araw na nakaririndi.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 78, "translation": "Dumating sa kanya ang mga kababayan niya, na nag-aapura patungo sa kanya, at bago pa niyan sila dati ay gumagawa ng mga masagwa. Nagsabi siya: \u201cO mga kababayan ko, ang mga ito ay mga babaing anak ko [para mapangasawa ninyo]; sila ay higit na dalisay para sa inyo. Kaya mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at huwag kayong magpahiya sa akin sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo na isang lalaking matino?\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 79, "translation": "Nagsabi sila: \u201cTalaga ngang nalaman mo na wala kaming anumang pangangailangan sa mga babaing anak mo, at tunay na ikaw ay talagang nakaaalam sa ninanais namin.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 80, "translation": "Nagsabi siya: \u201cKung sana mayroon akong lakas laban sa inyo o makapagpapakanlong ako sa isang masasandalang matindi.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 81, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO Lot, tunay na kami ay mga sugo ng Panginoon mo. Hindi sila aabot sa iyo, kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo sa isang bahagi ng gabi at huwag lilingon kabilang sa inyo ang isa man, maliban ang maybahay mo; tunay na tatama sa kanya ang tatama sa kanila. Tunay na ang tipanan nila [sa kapahamakan] ay sa umaga. Hindi ba ang umaga ay malapit na?\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 82, "translation": "Kaya noong dumating ang utos Namin, naglagay Kami sa mataas niyon ng mababa niyon at nagpaulan Kami roon ng mga batong yari sa natuyong luwad na nagkapatung-patong," }, { "surah": "11", "ayah": 83, "translation": "na tinatakan sa ganang Panginoon mo. Ang mga [batong] ito, mula sa mga tagalabag sa katarungan, ay hindi malayo." }, { "surah": "11", "ayah": 84, "translation": "[Nagsugo sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb. Nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, sumamba kayo kay All\u0101h; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Huwag kayong magkulang sa takalan at timbangan. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kariwasaan at tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa isang pagdurusa sa isang araw na tagapaligid." }, { "surah": "11", "ayah": 85, "translation": "O mga kalipi ko, magpalubus-lubos kayo sa takalan at timbangan ayon sa pagkamakatarungan, huwag kayong magpakulang sa mga tao sa mga bagay-bagay nila, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo." }, { "surah": "11", "ayah": 86, "translation": "Ang tira ni All\u0304a\u0304h[239] ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya. Ako sa inyo ay hindi isang mapag-ingat.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 87, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO Shu`ayb, ang dasal mo ba ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa sinasamba ng mga ninuno namin at [na tumigil kami] na gumawa sa mga yaman namin ng niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 88, "translation": "Nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, nagsasaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na maganda? Hindi ako nagnanais na sumalungat sa inyo sa sinasaway ko sa inyo. Hindi ako nagnanais kundi ng pagsasaayos sa abot ng nakaya ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin kundi sa pamamagitan ni All\u0101h. Sa Kanya ako nanalig at tungo sa Kanya ako nagsisising nanunumbalik." }, { "surah": "11", "ayah": 89, "translation": "O mga kalipi ko, huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pakikipaghidwaan sa akin, na tumama sa inyo ang tulad sa tumama sa mga tao ni Noe o mga kalipi ni H\u016bd o mga kalipi ni \u1e62\u0101li\u1e25. Ang mga kababayan ni Lot mula sa inyo ay hindi malayo." }, { "surah": "11", "ayah": 90, "translation": "Humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya. Tunay ang Panginoon ko ay Maawain, Mapagmahal.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 91, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO Shu`ayb, hindi kami nakauunawa sa marami sa sinasabi mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang mahina. Kung hindi dahil sa angkan mo, talaga sanang binato ka namin. Ikaw sa amin ay hindi isang kagalang-galang.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 92, "translation": "Nagsabi siya: \u201cO mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na kagalang-galang sa inyo kaysa kay All\u0101h at naglagay kayo sa Kanya sa likuran ninyo sa likod? Tunay na ang Panginoon ko sa anumang ginagawa ninyo ay Tagapaligid." }, { "surah": "11", "ayah": 93, "translation": "O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo. Tunay na ako ay gumagawa. Makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at kung sino ang siyang sinungaling. Magmasid-masid kayo; tunay na ako kasama sa inyo ay mapagmasid [sa itatadhana ni All\u0101h].\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 94, "translation": "Noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Shu`ayb at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin. Dumaklot sa mga lumabag sa katarungan ang hiyaw saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob." }, { "surah": "11", "ayah": 95, "translation": "Para bang hindi sila tumahan doon. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa Madyan kung paanong nalayo [sa awa] ang Tham\u016bd. Para bang hindi sila namuhay roon. Pansinin,tunay na ang [liping] Tham\u016bd ay tumangging sumampalataya sa Panginoon. Pansinin, kalayuan [sa awa] ay ukol sa [liping] Tham\u016bd." }, { "surah": "11", "ayah": 96, "translation": "Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin at isang katunayang malinaw" }, { "surah": "11", "ayah": 97, "translation": "kay Paraon at sa konseho nito, ngunit sumunod sila sa utos ni Paraon. Ang utos ni Paraon ay hindi matino." }, { "surah": "11", "ayah": 98, "translation": "Mangunguna siya sa mga tao niya sa Araw ng Pagbangon saka maghahatid siya sa kanila sa Apoy. Kay saklap ang hatirang paghahatiran!" }, { "surah": "11", "ayah": 99, "translation": "Pinasundan sila rito [sa Mundo] ng isang sumpa at sa Araw ng Pagbangon. Kay saklap ang handog na inihandog [sa kanila]!" }, { "surah": "11", "ayah": 100, "translation": "Iyon ay bahagi ng mga balita ng mga pamayanan na isinasalaysay Namin sa iyo. Mayroon sa mga itong nakatayo pa at ginapas[240] na." }, { "surah": "11", "ayah": 101, "translation": "Hindi lumabag sa katarungan sa kanila subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila[241] saka walang naidulot sa kanila na anuman ang mga diyos na dinadalanginan nila bukod pa kay All\u0101h noong dumating ang pasya ng Panginoon mo. Walang naidagdag ang mga ito sa kanila na iba pa sa pagpapahamak." }, { "surah": "11", "ayah": 102, "translation": "Gayon ang pagdaklot ng Panginoon mo nang dumaklot Siya sa mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagdaklot Niya ay masakit, matindi." }, { "surah": "11", "ayah": 103, "translation": "Tunay na sa gayon ay talagang may tanda para sa sinumang nangamba sa pagdurusa sa Kabilang-buhay. Iyon ay araw na titipunin para roon ang mga tao at iyon ay araw na sasaksihan [ng lahat]." }, { "surah": "11", "ayah": 104, "translation": "Hindi Kami nagpapahuli niyon maliban sa isang taning na mabibilang." }, { "surah": "11", "ayah": 105, "translation": "Sa araw na darating iyon, walang nagsasalita na isang kaluluwa malibang ayon sa pahintulot Niya, saka mayroon sa kanilang malumbay at maligaya." }, { "surah": "11", "ayah": 106, "translation": "Hinggil sa mga malulumbay, sa Apoy [sila]. Ukol sa kanila roon ay singhal at singhot," }, { "surah": "11", "ayah": 107, "translation": "bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo. Tunay na ang Panginoon mo ay palagawa ng anumang ninanais Niya." }, { "surah": "11", "ayah": 108, "translation": "Hinggil sa mga liligaya, sa Paraiso [sila] bilang mga mananatili roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo, bilang bigay na hindi mapapatid." }, { "surah": "11", "ayah": 109, "translation": "Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa kung ano ang sinasamba ng mga [tagapagtambal na] ito. Hindi sila sumasamba kundi kung paanong sumasamba ang mga ninuno nila bago pa niyan. Tunay na Kami ay talagang magtutumbas sa kanila ng bahagi nila nang hindi kinukulangan." }, { "surah": "11", "ayah": 110, "translation": "Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kasulatan, ngunit nagkakaiba-iba hinggil doon. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila. Tunay na sila ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan hinggil doon [sa Qur\u2019a\u0304n]." }, { "surah": "11", "ayah": 111, "translation": "Tunay na sa bawat pangkat ay talagang maglulubus-lubos nga sa kanila ang Panginoon mo [ng kabayaran] sa mga gawa nila. Tunay na Siya sa anumang ginagawa nila ay Mapagbatid." }, { "surah": "11", "ayah": 112, "translation": "Kaya maging matuwid ka gaya ng ipinag-utos sa iyo at sa sinumang nagbalik-loob kasama sa iyo. Huwag kayong magmalabis; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita." }, { "surah": "11", "ayah": 113, "translation": "Huwag kayong sumandal sa mga lumabag sa katarungan [dahil sa paglalangis] para sumaling sa inyo ang Apoy [ng Impiyerno]. Walang ukol sa inyo bukod pa kay All\u0101h na anumang mga katangkilik, pagkatapos hindi kayo maiiadya." }, { "surah": "11", "ayah": 114, "translation": "Magpanatili ka ng pagdarasal sa dalawang dulo ng maghapon[242] at sa bahagi ng gabi.[243] Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang gawa. Iyon ay isang paalaala para sa mga tagapag-alaala." }, { "surah": "11", "ayah": 115, "translation": "Magtiis ka sapagkat tunay na si All\u0101h ay hindi nagwawala ng pabuya ng mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "11", "ayah": 116, "translation": "Kaya bakit kasi hindi nagkaroon mula sa mga [pinagdusang] salinlahi bago pa ninyo ng mga may tirang [kabutihang] sumasaway sa kaguluhan sa lupa, maliban sa kaunti kabilang sa pinaligtas Namin kabilang sa kanila? Sumunod ang mga lumabag sa katarungan sa ipinariwasa sa kanila roon, at sila ay naging mga salarin." }, { "surah": "11", "ayah": 117, "translation": "Hindi nangyaring ang Panginoon mo ay ukol magpahamak ng mga pamayanan dahil sa kawalang-katarungan samantalang ang mga mamamayan ng mga ito ay mga tagapagsaayos." }, { "surah": "11", "ayah": 118, "translation": "Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, talaga sanang gumawa Siya sa mga tao bilang kalipunan nag-iisa; at [hindi Niya loob iyon kaya] hindi sila tumitigil na mga nagkakaiba-iba," }, { "surah": "11", "ayah": 119, "translation": "maliban sa sinumang kinaawaan ng Panginoon mo, at dahil doon lumikha siya sa kanila. Malulubos ang salita ng Panginoon mo: \u201cTalagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno ng mga jinn\u012by at mga tao nang magkakasama.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 120, "translation": "Bawat isa na isinalaysay Namin sa iyo mula sa mga balita hinggil sa mga sugo ay ang nagpapatatag Kami sa pamamagitan nito sa puso mo. Dumating sa iyo sa [kabanatang] ito ang totoo, isang pangaral, at isang paalaala para sa mga mananampalataya." }, { "surah": "11", "ayah": 121, "translation": "Sabihin mo sa mga hindi sumasampalataya: \u201cGumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo; tunay na kami ay mga gumagawa." }, { "surah": "11", "ayah": 122, "translation": "Maghintay kayo [sa bababa sa inyo]; tunay na kami ay mga naghihintay [sa bababa sa amin].\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 123, "translation": "Sa kay All\u0101h ang nakalingid sa mga langit at lupa at tungo sa Kanya pababalikin ang usapin sa kabuuan nito, kaya sumamba ka sa Kanya at manalig ka sa Kanya. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "12", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. R\u0101\u2019.[244] Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na malinaw." }, { "surah": "12", "ayah": 2, "translation": "Tunay na Kami ay nagpababa nito bilang Qur\u2019\u0101n na Arabe, nang sa gayon kayo ay makapag-uunawa." }, { "surah": "12", "ayah": 3, "translation": "Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng pinakamaganda sa mga salaysay dahil nagkasi Kami sa iyo ng Qur\u2019\u0101n na ito, bagamat ikaw dati bago pa nito ay talagang kabilang sa mga nalilingat." }, { "surah": "12", "ayah": 4, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Jose sa ama niya: \u201cO ama ko, tunay na ako ay nakakita [sa panaginip] ng labing-isang tala, araw, at buwan; nakita ko sila na sa akin ay mga nakapatirapa.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 5, "translation": "Nagsabi siya:[245] \u201cO anak ko, huwag kang magsalaysay ng panaginip mo sa mga kapatid mo para [hindi] sila manlansi sa iyo ng isang panlalansi. Tunay na ang demonyo para sa tao ay isang kaaway na malinaw.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 6, "translation": "Gayon naghahalal sa iyo ang Panginoon mo, nagtuturo sa iyo ng pagpapakahulugan ng mga panaginip, at naglulubos ng biyaya Niya sa iyo at sa mag-anak ni Jacob kung paanong naglubos Siya nito sa dalawang ninuno mo, bago pa niyan, na sina Abraham at Isaac. Tunay na ang Panginoon mo ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "12", "ayah": 7, "translation": "Talaga ngang hinggil kay Jose at sa mga kapatid niya ay may mga tanda para sa mga nagtatanong." }, { "surah": "12", "ayah": 8, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi sila: \u201cTalagang si Jose at ang kapatid niya [na si Benjamin] ay higit na kaibig-ibig sa ama natin kaysa sa atin samantalang tayo ay isang nakararaming pangkat. Tunay na ang ama natin ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw." }, { "surah": "12", "ayah": 9, "translation": "Patayin ninyo si Jose o itapon ninyo siya sa isang [ibang] lupain, malalaan para sa inyo ang mukha ng ama ninyo at kayo matapos na niyon ay magiging mga taong maayos.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 10, "translation": "Nagsabi ang isang nagsasabi kabilang sa kanila: \u201cHuwag ninyong patayin si Jose. Ihagis ninyo siya sa kailaliman ng balon, pupulutin siya ng ilan sa mga karaban kung kayo ay gagawa [niyon].\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 11, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO ama namin, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka nagtitiwala sa amin para kay Jose samantalang tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagapagpayo?" }, { "surah": "12", "ayah": 12, "translation": "Magpadala ka sa kanya kasama sa amin bukas, magpapasasa siya at maglalaro siya; at tunay na kami para sa kanya ay talagang mga tagapag-ingat.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 13, "translation": "Nagsabi siya:[246] \u201cTunay na ako ay talagang nalulungkot na umalis kayo kasama niya at nangangamba na kainin siya ng lobo habang kayo sa kanya ay mga nalilingat.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 14, "translation": "Nagsabi sila: \u201cTalagang kung kinain siya ng lobo samantalang kami ay isang [malakas na] pangkat, tunay na kami samakatuwid ay talagang mga lugi.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 15, "translation": "Kaya noong umalis sila kasama niya at nagkaisa sila na maglagay sa kanya sa kailaliman ng balon, nagkasi Kami sa kanya: \u201cTalagang magbabalita ka nga sa kanila hinggil sa kagagawan nilang ito samantalang sila ay hindi nakararamdam.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 16, "translation": "Dumating sila sa ama nila sa gabi na umiiyak." }, { "surah": "12", "ayah": 17, "translation": "Nagsabi sila: \u201cO ama namin, tunay na kami ay umalis, na nag-uunahan, at iniwan namin si Jose sa tabi ng dala-dalahan namin, saka kinain siya ng lobo. Ikaw ay hindi maniniwala sa amin kahit pa man nangyaring kami ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 18, "translation": "Dumating sila kasama ng kamisa niya na may dugong huwad. Nagsabi siya: \u201cBagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang bagay, kaya isang pagtitiis na marilag [ang pagtitiis ko]. Si All\u0101h ay ang pinagpapatulungan laban sa inilalarawan ninyo.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 19, "translation": "May dumating na isang karaban; saka nagsugo sila ng tagaigib nila saka nagpababa ito ng timba nito. Nagsabi ito: \u201cO balitang nakagagalak! Ito ay isang batang lalaki.\u201d Inilihim nila siya bilang paninda. Si All\u0101h ay Maalam sa ginagawa nila." }, { "surah": "12", "ayah": 20, "translation": "Ipinagbili nila siya sa isang kulang na panumbas: mga dirham na mabibilang. Sila sa kanya ay kabilang sa mga nagwawalang-halaga." }, { "surah": "12", "ayah": 21, "translation": "Nagsabi ang bumili sa kanya mula sa Ehipto sa maybahay nito: \u201cMagparangal ka sa panunuluyan niya; marahil magpakinabang siya sa atin o magturing tayo sa kanya bilang anak.\u201d Gayon Kami nagbigay-kapangyarihan para kay Jose sa lupain at upang magturo Kami sa kanya ng pagpapakahulugan ng mga panaginip. Si All\u0101h ay nananaig sa pinangyayari Niya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "12", "ayah": 22, "translation": "Noong umabot siya[247] sa katindihan niya ay nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "12", "ayah": 23, "translation": "Nagtangkang umakit sa kanya sa sarili niya ang [babaing] siya ay nasa bahay nito. Pinagsasara nito ang mga pinto at sinabi: \u201cHeto ako para sa iyo!\u201d Nagsabi siya: \u201cPagpapakupkop kay All\u0101h! Tunay na siya ay panginoon ko; gumawa siya ng maganda sa panunuluyan ko. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 24, "translation": "Talaga ngang nagbalak ito sa kanya; at nagbalak sana siya, kung sakaling hindi siya nakakita ng patotoo ng Panginoon niya. Gayon ay upang maglihis Kami palayo sa kanya ng kasagwaan at kahalayan. Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga itinatangi." }, { "surah": "12", "ayah": 25, "translation": "Nag-unahan silang dalawa sa pinto, nakalaslas ito sa damit niya mula sa likuran, nakasumpong silang dalawa sa asawa nito sa gilid ng pintuan, at nagsabi ito: \u201cWalang iba ang ganti sa sinumang nagnanais sa maybahay mo ng isang kasagwaan kundi na ibilanggo siya o [patawan ng] isang pagdurusang masakit.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 26, "translation": "Nagsabi siya: \u201cSiya ay nagtangkang umakit sa akin palayo sa sarili ko.\u201d Sumaksi ang isang tagasaksi kabilang sa kasambahay nito, [na nagsasabi]: \u201cKung nangyaring ang kamisa niya ay nalaslas mula sa harapan, nagpakatotoo ito at siya ay kabilang sa mga sinungaling." }, { "surah": "12", "ayah": 27, "translation": "Kung nangyaring ang kamisa niya ay nalaslas mula sa likuran, nagsinungaling ito at siya ay kabilang sa mga tapat.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 28, "translation": "Kaya noong nakakita iyon[248] sa kamisa niya na nalaslas mula sa likuran, nagsabi iyon: \u201cTunay na ito ay bahagi ng panlalansi ninyo [na mga babae]; tunay na ang panlalansi ninyo [na mga babae] ay sukdulan." }, { "surah": "12", "ayah": 29, "translation": "Jose, magsawalang-bahala ka tungkol dito! [Maybahay,] humingi ka ng tawad para sa pagkakasala mo! Tunay na ikaw ay kabilang sa mga nagkakamali." }, { "surah": "12", "ayah": 30, "translation": "May nagsabing mga babae sa lungsod: \u201cAng maybahay ng Makapangyarihan[249] ay nagtatangkang umakit sa binatang alipin niya sa sarili nito; nagpahumaling ito sa kanya sa pag-ibig. Tunay na kami ay nagtuturing sa kanya na nasa isang pagkaligaw na malinaw.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 31, "translation": "Kaya noong nakarinig ito hinggil sa pakana nila ay nagsugo ito sa kanila, naglaan ito para sa kanila ng isang piging, nagbigay ito sa bawat isa mula sa kanila ng isang kutsilyo, at nagsabi ito [kay Jose]: \u201cLumabas ka sa kinaroroonan nila.\u201d Kaya noong nakakita sila sa kanya, dinakila nila siya, pinaghiwa-hiwa nila ang mga kamay nila [dahil sa pagkamangha], at sinabi nila: \u201cKasakdalan ay ukol kay All\u0101h! Ito ay hindi isang mortal. Walang iba ito kundi isang anghel na marangal!\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 32, "translation": "Nagsabi ito: \u201cKaya iyon ang isinisisi ninyo sa akin hinggil sa kanya. Talaga ngang nagtangka akong umakit sa kanya sa sarili niya ngunit nagsanggalang siya. Talagang kung hindi siya gagawa ng ipinag-uutos ko sa kanya ay talagang ibibilanggo nga siya at talagang siya ay magiging kabilang nga sa mga nanliliit.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 33, "translation": "Nagsabi siya: \u201cPanginoon ko, ang bilangguan[250] ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa inaanyaya nila sa akin. Kung hindi Ka maglilihis palayo sa akin ng panlalansi nila, mahahalina ako sa kanila at ako ay magiging kabilang sa mga mangmang.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 34, "translation": "Kaya tumugon sa kanya ang Panginoon niya, saka naglihis palayo sa kanya ng panlalansi nila. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "12", "ayah": 35, "translation": "Pagkatapos lumitaw sa kanila matapos na nakakita sila sa mga tanda [sa kawalang-sala] na talagang magbibilanggo nga sila sa kanya magpahanggang sa isang panahon." }, { "surah": "12", "ayah": 36, "translation": "May pumasok kasama sa kanya sa bilangguan na dalawang binata. Nagsabi ang isa sa dalawa: \u201cTunay na ako ay nananaginip na ako ay pumipiga ng alak.\u201d Nagsabi naman ang isa pa: \u201cTunay na ako ay nananaginip na ako ay bumubuhat sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay, na kumakain ang mga ibon mula roon. Magbalita ka sa amin hinggil sa pagpapakahulugan nito. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga tagagawa ng maganda.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 37, "translation": "Nagsabi siya: \u201cWalang pumupunta sa inyo na pagkain na itinutustos sa inyong dalawa malibang magbabalita ako sa inyong dalawa hinggil sa pagpapakahulugan nito bago pumunta ito sa inyong dalawa. Iyan ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko. Tunay na ako ay nag-iwan sa kapaniwalaan ng mga taong hindi sumasampalataya kay All\u0101h habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "12", "ayah": 38, "translation": "Sumunod ako sa kapaniwalaan ng mga ninuno kong sina Abraham, Isaac, at Jacob. Hindi naging ukol sa amin na magtambal kami kay All\u0101h ng anumang bagay. Iyon ay bahagi ng kabutihang-loob ni All\u0101h sa amin at sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat." }, { "surah": "12", "ayah": 39, "translation": "O dalawang kasamahan ko sa bilangguan, mga panginoong magkakahiwa-hiwalay ba ay higit na mabuti o si All\u0101h, ang Nag-iisa, ang Palalupig?" }, { "surah": "12", "ayah": 40, "translation": "Wala kayong sinasamba bukod pa sa Kanya kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si All\u0101h sa mga ito ng anumang katunayan. Walang iba ang paghahatol kundi ukol kay All\u0101h. Nag-utos Siya na huwag kayong sumamba kundi sa Kanya. Iyan ang relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "12", "ayah": 41, "translation": "O dalawang kasamahan ko sa bilangguan, hinggil sa isa sa inyong dalawa, magpapainom siya sa panginoon niya ng alak; at hinggil naman sa isa pa, bibitayin siya saka kakain ang mga ibon mula sa ulo niya. Napagpasyahan ang usapin na hinggil dito ay nagpapahabilin kayong dalawa.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 42, "translation": "Nagsabi siya sa natiyak niya na ito ay maliligtas mula sa dalawang ito: \u201cBumanggit ka sa akin sa piling ng panginoon mo,\u201d ngunit nagpalimot dito ang Demonyo sa pagbanggit sa panginoon nito kaya namalagi siya sa bilangguan nang ilang taon." }, { "surah": "12", "ayah": 43, "translation": "Nagsabi ang hari: \u201cTunay na ako ay nanaginip ng pitong bakang matataba na kinakain ng pitong bakang yayat at pitong uhay na luntian at mga iba pang tuyot. O konseho, maghabilin kayo hinggil sa panaginip ko kung kayo sa panaginip ay naghahayag.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 44, "translation": "Nagsabi sila: \u201cMga paglalahok ng mga napanaginipan [ito]. Kami, sa pagpapakahulugan ng mga napanaginipan, ay hindi mga nakaaalam.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 45, "translation": "Nagsabi ang naligtas mula sa dalawang [bilanggo] sa kanila at nakapagsaalaala [kay Jose] matapos ng isang yugto: \u201cAko ay magbabalita sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan nito, kaya magsugo kayo sa akin [kay Jose].\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 46, "translation": "Jose, O pagkatapat-tapat, maghabilin ka sa amin hinggil sa [panaginip na] pitong bakang matataba na kinain ng pitong bakang yayat at pitong uhay na luntian at mga iba pang tuyot, nang sa gayon ako ay babalik tungo sa mga tao, nang sa gayon sila ay makaaalam." }, { "surah": "12", "ayah": 47, "translation": "Nagsabi siya: \u201cMagtatanim kayo nang pitong taong sunud-sunod,[251] saka ang anumang aanihin ninyo ay hayaan ninyo ito sa uhay nito, maliban sa kaunti mula sa kakainin ninyo." }, { "surah": "12", "ayah": 48, "translation": "Pagkatapos may darating matapos na niyon na pitong [taon na] matitindi na kakain sa [naipong] ipinauna ninyo para sa mga [taon na] ito, maliban sa kaunti mula sa iniimbak ninyo." }, { "surah": "12", "ayah": 49, "translation": "Pagkatapos may darating matapos na niyon na isang taon na doon ay uulanin ang mga tao at doon ay pipiga[252] sila." }, { "surah": "12", "ayah": 50, "translation": "Nagsabi ang Hari: \u201cDalhin ninyo siya sa akin.\u201d Ngunit noong dumating sa kanya ang sugo ay nagsabi siya: \u201cBumalik ka tungo sa panginoon mo at tanungin mo siya kung ano ang lagay ng mga babae na humiwa-hiwa ng mga kamay nila. Tunay na ang Panginoon ko, sa panlalansi nila, ay Maalam.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 51, "translation": "Nagsabi ito:[253] \u201cAno ang katayuan ninyo nang nagtangka kayong mang-akit kay Jose sa sarili niya?\u201d Nagsabi sila: \u201cKasakdalan ay ukol kay All\u0101h! Wala kaming nalaman sa kanya na isang kasagwaan.\u201d Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan: \u201cNgayon, nabunyag ang totoo; ako ay nagtangkang umakit sa kanya sa sarili niya, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tapat.\u201d" }, { "surah": "12", "ayah": 52, "translation": "[Nagsabi ang Maybahay:] \u201cIyon ay upang makaalam siya na ako ay hindi nakapagtaksil sa kanya nang nakalingid at na si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa panlalansi ng mga taksil." } ]