[ { "surah": "9", "ayah": 94, "translation": "Nagdadahi-dahilan sila[207] sa inyo kapag bumalik kayo sa kanila. Sabihin mo: \u201cHuwag kayong magdahi-dahilan; hindi kami maniniwala sa inyo. Nagbalita na sa amin si All\u0101h ng mga ulat sa inyo. Makakikita si All\u0101h sa gawa ninyo at ang Sugo Niya, pagkatapos isasauli kayo [kay All\u0101h na] Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 95, "translation": "Manunumpa sila[208] kay All\u0101h para sa inyo kapag umuwi kayo sa kanila upang umayaw kayo sa kanila kaya umayaw kayo sa kanila. Tunay na sila ay kasalaulaan. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno bilang ganti sa dati nilang nakakamit [na kasalanan]." }, { "surah": "9", "ayah": 96, "translation": "Nanunumpa sila[209] para sa inyo upang malugod kayo sa kanila. Ngunit kung malulugod kayo sa kanila, tunay na si All\u0101h ay hindi nalulugod sa mga taong suwail." }, { "surah": "9", "ayah": 97, "translation": "Ang mga Arabeng disyerto ay higit na matindi sa kawalang-pananampalataya at sa pagpapaimbabaw at higit na nababagay na hindi makaalam sa mga hangganan na pinababa ni All\u0101h sa Sugo Niya. Si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "9", "ayah": 98, "translation": "Mayroon sa mga Arabeng disyerto na nagtuturing sa ginugugol nila bilang pagkakamulta at nag-aabang sa inyo ng mga pananalanta. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "9", "ayah": 99, "translation": "Mayroon sa mga Arabeng disyerto na sumasampalataya kay All\u0101h at sa Kabilang-buhay at gumagawa sa ginugugol niya bilang mga pampalapit-loob sa ganang kay All\u0101h at [pagkamit ng] mga panalangin ng Sugo. Pansinin, tunay na ito ay pampalapit-loob para sa kanila. Magpapasok sa kanila si All\u0101h sa awa Niya. Tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "9", "ayah": 100, "translation": "Ang mga nangungunang kauna-unahan kabilang sa mga tagalikas[210] at mga tagaadya[211] at ang mga sumunod sa kanila ayon sa paggawa ng maganda ay nalugod si All\u0101h sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Naghanda Siya para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan." }, { "surah": "9", "ayah": 101, "translation": "Kabilang sa nasa paligid ninyo kabilang sa mga Arabeng disyerto ay mga mapagpaimbabaw at kabilang sa mga naninirahan sa Mad\u012bnah. Namihasa sila sa pagpapaimbabaw. Hindi ka nakaaalam sa kanila; Kami ay nakaaalam sa kanila. Pagdurusahin Namin sila nang dalawang ulit [sa Mundo at Kabilang-buhay], pagkatapos itutulak sila sa isang pagdurusang sukdulan [sa Impiyerno]." }, { "surah": "9", "ayah": 102, "translation": "May mga ibang umamin sa mga pagkakasala nila. Naghalo sila sa isang gawang maayos ng iba pang masagwa. Marahil si All\u0101h ay tatanggap ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "9", "ayah": 103, "translation": "Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang kawanggawang magdadalisay sa kanila at magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito at manalangin ka ng basbas sa kanila; tunay na ang panalangin mo ng basbas ay isang katiwasayan para sa kanila. Si All\u0101h ay Madinigin, Maalam. [magdadalisay | magbubusilak]" }, { "surah": "9", "ayah": 104, "translation": "Hindi ba sila nakaalam na si All\u0101h ay tumatanggap ng pagbabalik-loob buhat sa mga lingkod Niya at kumukuha sa mga kawanggawa, at na si All\u0101h ay ang Palatanggap sa pagbabalik-loob, ang Maawain?" }, { "surah": "9", "ayah": 105, "translation": "Sabihin mo: \u201cGumawa kayo sapagkat makakikita si All\u0101h sa gawa ninyo, ang Sugo Niya, at ang mga mananampalataya. Ibabalik kayo sa Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 106, "translation": "May mga ibang inaantala para sa atas ni All\u0101h, na maaaring magpaparusa Siya sa kanila at maaaring tatanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "9", "ayah": 107, "translation": "[May] mga gumawa sa isang masjid bilang pamiminsala, bilang kawalang-pananampalataya, bilang paghahati-hati sa pagitan ng mga mananampalataya, at bilang pagtatambang para sa sinumang nakidigma kay All\u0101h at sa Sugo Niya bago pa niyan. Talagang manunumpa nga sila: \u201cWala kaming ninais kundi ang pinakamaganda,\u201d samantalang si All\u0101h ay sumasaksi na tunay na sila ay talagang mga sinungaling." }, { "surah": "9", "ayah": 108, "translation": "Huwag kang tumayo sa loob niyon magpakailanman. Talagang ang isang masjid na itinatag sa pangingilag magkasala sa unang araw ay higit na karapat-dapat na tumayo ka sa loob niyon [para magdasal]. Doon ay may mga lalaking naiibigang magpakadalisay. Si All\u0101h ay umiibig sa mga nagpapakadalisay." }, { "surah": "9", "ayah": 109, "translation": "Kaya ang nagtatag ba ng gusali niya sa isang pangingilag magkasala kay All\u0101h at isang pagkalugod ay higit na mabuti, o ang nagtatag ng gusali niya sa bingit ng isang pampang na paguho kaya gumuho ito kalakip sa kanya sa Apoy ng Impiyerno? Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "9", "ayah": 110, "translation": "Hindi titigil ang gusali nila na itinayo nila bilang isang alinlangan sa mga puso nila maliban na magkakaputul-putol ang mga puso nila.[212] Si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "9", "ayah": 111, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay bumili mula sa mga mananampalataya ng mga sarili nila at mga yaman nila kapalit ng pagiging ukol sa kanila ang Paraiso. Nakikipaglaban sila ayon sa landas ni All\u0101h kaya nakapapatay sila at napapatay sila, bilang pangako [na tutuparin] Niya na totoo sa Torah, Ebanghelyo, at Qur\u2019\u0101n. Sino pa ang higit na palatupad sa kasunduan kaysa kay All\u0101h? Kaya magalak kayo sa pagbibilihan ninyong nakipagbilihan kayo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan." }, { "surah": "9", "ayah": 112, "translation": "[Sila] ang mga nagbabalik-loob, na mga sumasamba, na mga nagpupuri, na mga nag-aayuno, na mga yumuyukod, na mga nagpapatirapa, na mga nag-uutos sa nakabubuti, na mga sumasaway sa nakasasama, at mga nag-iingat sa mga hangganan ni All\u0101h. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya." }, { "surah": "9", "ayah": 113, "translation": "Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal [na namatay sa kawalang-pananampalataya], kahit pa man ang mga ito ay mga mayroong pagkakamag-anak, matapos na luminaw para sa kanila na ang mga ito ay mga maninirahan sa Impiyerno." }, { "surah": "9", "ayah": 114, "translation": "Walang iba ang paghingi ng tawad ni Abraham para sa ama niya kundi dala ng isang kapangakuang ipinangako niya roon;, ngunit noong luminaw para sa kanya na iyon ay isang kaaway kay All\u0101h, nagpawalang-kaugnayan siya roon. Tunay na si Abraham ay talagang palataghoy, matimpiin." }, { "surah": "9", "ayah": 115, "translation": "Hindi nangyaring si All\u0101h ay ukol na magligaw sa mga tao matapos noong nagpatnubay Siya sa kanila hanggang sa nagpalinaw siya sa kanila ng pangingilagan nilang magkasala. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "9", "ayah": 116, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay nagtataglay ng paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Walang ukol sa inyo bukod pa kay All\u0101h na anumang katangkilik ni mapag-adya." }, { "surah": "9", "ayah": 117, "translation": "Talaga ngang tumanggap si All\u0101h ng pagbabalik-loob sa Propeta, mga tagalikas, at mga tagaadya na mga sumunod sa kanya sa oras ng kagipitan matapos na halos lumiko ang mga puso ng isang pangkat kabilang sa kanila. Pagkatapos tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na Siya sa kanila ay Mahabagin, Maawain." }, { "surah": "9", "ayah": 118, "translation": "[Nagpatawad Siya] sa tatlo na iniwanan; hanggang sa nang sumikip sa kanila ang lupa sa kabila ng luwang nito, sumikip sa kanila ang mga sarili nila, at nakatiyak sila na walang madudulugan laban kay All\u0101h kundi tungo sa Kanya [ay dumulog sila], pagkatapos tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila upang magbalik-loob sila. Tunay na si All\u0101h ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain." }, { "surah": "9", "ayah": 119, "translation": "O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay All\u0101h at maging kasama kayo sa mga tapat." }, { "surah": "9", "ayah": 120, "translation": "Hindi naging ukol sa mga naninirahan sa Mad\u012bnah at sinumang nasa palibot ng mga ito kabilang sa mga Arabeng disyerto na magpaiwan sila palayo sa Sugo ni All\u0101h ni magtangi sila sa mga sarili nila kaysa sa sarili niya. Iyon ay dahil sila ay hindi dinadapuan ng isang pagkauhaw ni ng isang pagkapagal ni ng isang pagkagutom dahil sa landas ni All\u0101h, hindi humahakbang ng isang hakbang na nagpapangitngit sa mga tagatangging sumampalataya, at hindi nagtatamo mula sa kaaway ng isang kapinsalaan malibang may itinala para sa kanila dahil doon na isang gawang maayos. Tunay na si All\u0101h ay hindi magwawala ng pabuya sa mga tagagawa ng maganda." }, { "surah": "9", "ayah": 121, "translation": "Hindi sila gumugugol ng isang guguling maliit ni malaki at hindi sila tumatawid ng isang lambak malibang itinala para sa kanila upang gumanti sa kanila si All\u0101h ng higit na maganda sa dati nilang ginagawa." }, { "surah": "9", "ayah": 122, "translation": "Hindi nangyaring ang mga mananampalataya ay ukol na humayo sa kalahatan. Kaya bakit kasi hindi humayo mula sa bawat pulutong kabilang sa kanila ang isang pangkatin upang magpakaunawa sa relihiyon [ang mga naiwan] at upang magbabala sila sa mga tao nila kapag bumalik ang mga ito tungo sa kanila, nang sa gayon ang mga ito ay mag-iingat [sa parusa ni All\u0101h]." }, { "surah": "9", "ayah": 123, "translation": "O mga sumampalataya, makipaglaban kayo sa mga nalalapit sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya [na kumakalaban sa inyo] at makatagpo sila sa inyo ng kabagsikan. Alamin ninyo na si All\u0101h ay kasama sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "9", "ayah": 124, "translation": "Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur\u2019a\u0304n] ay mayroon sa kanila na nagsasabi: \u201cAlin sa inyo ang nakadagdag sa kanya ito ng pananampalataya?\u201d Kaya tungkol sa mga sumampalataya, nakadagdag ito sa kanila ng pananampalataya habang sila ay nagagalak." }, { "surah": "9", "ayah": 125, "translation": "Hinggil naman sa mga nasa mga puso nila ay may sakit, nakadagdag ito sa kanila ng kasalaulaan sa [dating] kasalaulaan nila at namatay sila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "9", "ayah": 126, "translation": "Hindi ba sila nakakikita na sila ay sinusubok sa bawat taon nang isang ulit o dalawang ulit, pagkatapos, hindi nagbabalik-loob, ni sila ay nagsasaalaala?" }, { "surah": "9", "ayah": 127, "translation": "Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur\u2019a\u0304n] ay tumitingin ang iba sa kanila sa iba, [na nagtatanong]: \u201cMay nakakikita kaya sa inyo na isa man?\u201d pagkatapos lumilisan sila. Naglihis si All\u0101h sa mga puso nila dahil sila ay mga taong hindi umuunawa." }, { "surah": "9", "ayah": 128, "translation": "Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain." }, { "surah": "9", "ayah": 129, "translation": "Ngunit kung tumalikod sila[213] ay sabihin mo: \u201cKasapatan sa akin si All\u0101h. Walang Diyos kundi Siya; sa Kanya ako nanalig. Siya ay ang Panginoon ng tronong dakila.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. R\u0101\u2019.[214] Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na marunong." }, { "surah": "10", "ayah": 2, "translation": "Ang mga tao ba ay may pagtataka na nagkasi Kami sa isang lalaki[215] na kabilang sa kanila [na sinasabihan] na: \u201cMagbabala ka sa mga tao at magbalita ka ng nakagagalak sa mga sumampalataya na ukol sa kanila ay isang pangunguna sa kalamangan sa ganang Panginoon nila?\u201d[216] Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: \u201cTunay na ito ay talagang isang manggagaway na malinaw.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 3, "translation": "Tunay na ang Panginoon ninyo ay si All\u0101h na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Pagkatapos lumuklok Siya sa Trono, na nangangasiwa sa kapakanan. Walang anumang tagapagpamagitan kundi matapos na ng pahintulot Niya. Iyon ay si All\u0101h, ang Panginoon ninyo, kaya sumamba kayo sa Kanya. Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala?" }, { "surah": "10", "ayah": 4, "translation": "Tungo sa Kanya ang babalikan ninyo nang lahatan, bilang pagpangako ni All\u0101h ng totoo. Tunay na Siya ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos mag-uulit nito[217] upang gumanti sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ayon sa pagkamakatarungan. Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang inumin mula sa nakapapasong tubig at isang pagdurusang masakit dahil dati silang tumatangging sumampalataya." }, { "surah": "10", "ayah": 5, "translation": "Siya ang gumawa sa araw bilang tanglaw at sa buwan bilang liwanag at nagtakda rito ng mga yugto upang malaman ninyo ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos. Hindi lumikha si All\u0101h niyon kundi ayon sa katotohanan. Nagdedetalye Siya ng mga tanda para sa mga taong umaalam." }, { "surah": "10", "ayah": 6, "translation": "Tunay na sa pagsasalitan ng gabi at maghapon at anumang nilikha ni All\u0101h sa mga langit at lupa ay talagang may mga tanda para sa mga taong nangingilag magkasala." }, { "surah": "10", "ayah": 7, "translation": "Tunay na ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin at nalugod sa buhay na pangmundo at napanatag rito, at ang mga sa mga tanda Namin ay mga pabaya," }, { "surah": "10", "ayah": 8, "translation": "ang mga iyon ay ang Apoy ang kanlungan nila dahil sa dati nilang nakakamit." }, { "surah": "10", "ayah": 9, "translation": "Tunay na ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ay nagpapatnubay sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pananampalataya nila. Dadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog sa mga hardin ng kaginhawahan." }, { "surah": "10", "ayah": 10, "translation": "Ang panalangin nila doon ay \u201cKaluwalhatian sa Iyo, O All\u0101h\u201d at ang pagbati nila roon ay \u201cKapayapaan.\u201d Ang panghuli sa panalangin nila ay na \u201cAng papuri ay ukol kay All\u0101h, ang Panginoon ng mga nilalang.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 11, "translation": "Kung sakaling ipamamadali ni All\u0101h para sa mga tao ang kasamaan gaya ng pagpapamadali sa kanila sa kabutihan ay talaga sanang winakasan sa kanila ang taning nila. Ngunit nagpapabaya Kami sa mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila." }, { "surah": "10", "ayah": 12, "translation": "Kapag sumaling sa tao ang kapinsalaan ay dumadalangin siya sa Amin [habang nakahiga] sa tagiliran niya o nakaupo o nakatayo. Ngunit noong pumawi Kami sa kanya ng kapinsalaan sa kanya ay nagpatuloy siya na para bang hindi siya dumalangin sa Amin [ng pagpawi] sa kapinsalaang sumaling sa kanya. Ganyan ipinaakit para sa mga nagpapakalabis ang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "10", "ayah": 13, "translation": "Talaga ngang nagpahamak Kami sa mga [makasalanang] salinlahi bago pa ninyo noong lumabag sila sa katarungan samantalang naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay All\u0101h] ng mga patunay na malinaw ngunit hindi naging ukol na sumampalataya sila. Gayon Kami gumaganti sa mga taong salarin." }, { "surah": "10", "ayah": 14, "translation": "Pagkatapos gumawa Kami sa inyo [O mga tao] bilang mga kahalili sa lupa matapos na nila upang tumingin Kami kung papaano kayong gagawa." }, { "surah": "10", "ayah": 15, "translation": "Kapag binibigkas sa kanila ang mga talata Namin [sa Qur\u2019a\u0304n] bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: \u201cMagdala ka ng isang Qur\u2019\u0101n na iba rito o magpalit ka nito.\u201d Sabihin mo: \u201cHindi nagiging ukol sa akin na magpalit ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin. Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 16, "translation": "Sabihin mo: \u201cKung sakaling niloob ni All\u0101h ay hindi sana ako bumigkas nito sa inyo at hindi sana Siya nagpaalam nito sa inyo sapagkat namalagi nga ako sa inyo nang tanang-buhay bago pa nito. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 17, "translation": "Kaya sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga tanda Niya. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga salarin." }, { "surah": "10", "ayah": 18, "translation": "Sumasamba sila bukod pa kay All\u0101h sa hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila, at nagsasabi sila: \u201cAng mga ito ay ang mga tagapagpamagitan namin sa ganang kay All\u0101h.\u201d Sabihin mo: \u201cNagbabalita ba kayo kay All\u0101h hinggil sa hindi Niya nalalaman sa mga langit ni sa lupa [na may katambal Siya]? Kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya higit sa anumang itinatambal nila.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 19, "translation": "Walang iba dati ang mga tao kundi nag-iisang kalipunan [sa isang paniniwala], saka nagkaiba-iba sila. Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo ay talaga sanang humusga sa pagitan nila hinggil sa anumang kaugnay roon ay nagkakaiba-iba sila." }, { "surah": "10", "ayah": 20, "translation": "Nagsasabi sila: \u201cBakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?\u201d Kaya sabihin mo: \u201cAng nakalingid ay ukol kay All\u0101h lamang kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 21, "translation": "Nang nagpatikim Kami [sa mga tagapagtambal] sa mga tao ng isang awa matapos na ng isang kariwaraan na sumaling sa kanila, biglang mayroon silang isang pakana sa mga tanda Namin. Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h ay higit na mabilis sa pakana.\u201d Tunay na ang mga [anghel na] sugo Namin ay nagsusulat ng anumang ipinakakana ninyo." }, { "surah": "10", "ayah": 22, "translation": "Siya ay ang nagpapalakbay sa inyo sa katihan at karagatan; hanggang sa nang kayo ay naging nasa mga sasakyang-dagat, naglayag ang mga ito kasama sa kanila sa pamamagitan ng isang hanging kaaya-aya, at natuwa sila rito ay may dumating sa mga ito na isang hanging umuunos, dumating sa kanila ang mga alon mula sa bawat pook, at nagpalagay sila na sila ay pinaligiran. Dumalangin sila kay All\u0101h habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon, [na nagsasabi]: \u201cTalagang kung paliligtasin Mo kami mula rito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 23, "translation": "Ngunit noong pinaligtas Niya sila biglang sila ay nananampalasan sa lupa nang walang karapatan. O mga tao, ang paglabag ninyo ay laban sa mga sarili ninyo lamang, bilang natatamasa sa buhay na pangmundo. Pagkatapos tungo sa Amin ang babalikan ninyo saka magbabalita Kami sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa." }, { "surah": "10", "ayah": 24, "translation": "Ang paghahalintulad sa buhay na pangmundo ay gaya ng tubig lamang na pinababa Namin mula sa langit, saka humalo dito ang mga halaman ng lupa, na mula sa mga ito kumakain ang mga tao at ang mga hayupan; hanggang sa nang kumuha ang lupa ng palamuti nito, nagayakan ito, at nagpalagay ang mga naninirahan dito na sila ay mga nakakakaya rito, ay pumunta rito ang utos Namin sa gabi o maghapon saka gumawa Kami rito bilang aning para bang hindi ito lumago kahapon. Gayon Kami nagdedetalye ng mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip." }, { "surah": "10", "ayah": 25, "translation": "Si All\u0101h ay nag-aanyaya sa Tahanan ng Kapayapaan at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid." }, { "surah": "10", "ayah": 26, "translation": "Ukol sa mga gumawa ng maganda ang pinakamaganda at isang karagdagan [na pagtingin sa mukha ni All\u0101h]. Walang lulukob sa mga mukha nila na mga alikabok ni isang kaabahan. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "10", "ayah": 27, "translation": "Ang mga nagkamit ng mga masagwang gawa, ang ganti sa masagwang gawa ay katumbas sa tulad nito at may lulukob sa kanila na isang kaabahan. Walang ukol sa kanila laban kay All\u0101h na anumang tagapagsanggalang. Para bang tinakpan ang mga mukha nila ng mga piraso mula sa gabi bilang nagpapadilim. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "10", "ayah": 28, "translation": "Sa araw na kakalap Kami sa kanila nang lahatan, pagkatapos magsasabi Kami sa mga nagtambal: \u201c[Manitili] sa lugar ninyo, kayo at ang mga pantambal ninyo,\u201d at magpapahiwalay Kami sa pagitan nila. Magsasabi ang mga pantambal nila: \u201cHindi kayo dati sa amin sumasamba," }, { "surah": "10", "ayah": 29, "translation": "saka nakasapat si All\u0101h bilang saksi sa pagitan namin at ninyo. Tunay na kami noon sa pagsamba ninyo ay talagang mga nalilingat.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 30, "translation": "Doon susulitin ang bawat tao sa ipinauna niya. Isasauli sila kay All\u0101h, ang Pinagpapatangkilikan nilang totoo. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginawa-gawa." }, { "surah": "10", "ayah": 31, "translation": "Sabihin mo: \u201cSino ang nagtutustos sa inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at mga paningin? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay at ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan?\u201d Magsasabi sila na si All\u0101h, kaya sabihin mo: \u201cKaya hindi ba kayo mangingilag magkasala?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 32, "translation": "Kaya gayon si All\u0101h, ang Panginoon ninyo, ang Totoo. Kaya ano pa matapos ng katotohanan kundi ang pagkaligaw? Kaya paano kayong inililihis?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 33, "translation": "Gayon nagindapat ang hatol ng Panginoon mo sa mga nagpakasuwail, na sila ay hindi sumasampalataya." }, { "surah": "10", "ayah": 34, "translation": "Sabihin mo: \u201cMayroon kaya sa mga pantambal ninyo na nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito?\u201d Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik nito. Kaya paanong nalilinlang kayo?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 35, "translation": "Sabihin mo: \u201cMayroon kaya sa mga pantambal ninyo na nagpapatnubay tungo sa katotohanan?\u201d Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h ay nagpapatnubay para sa katotohanan. Kaya ang nagpapatnubay ba tungo sa katotohanan ay higit na karapat-dapat na sundin o ang hindi nagpapatnubay maliban na pinapatnubayan? Kaya ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 36, "translation": "Walang sinunsunod ang higit na marami sa kanila[218] kundi isang palagay. Tunay na ang palagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman. Tunay na si All\u0101h ay Maalam sa anumang ginagawa nila." }, { "surah": "10", "ayah": 37, "translation": "Hindi nangyaring ang Qur\u2019\u0101n na ito ay magawa-gawa ng bukod pa kay All\u0101h, subalit [naging] pagpapatotoo sa nauna rito at pagdedetalye sa Kasulatan, na walang pag-aalinlangan dito mula sa Panginoon ng mga nilalang." }, { "surah": "10", "ayah": 38, "translation": "O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: \u201cKaya magdala kayo ng isang kabanatang tulad nito at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay All\u0101h, kung kayo ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 39, "translation": "Bagkus nagpasinungaling sila sa hindi sila nakapaligid sa kaalaman niyon at hindi pa pumunta sa kanila ang pagbibigay-pakahulugan niyon. Gayon nagpasinungaling ang mga bago pa nila. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "10", "ayah": 40, "translation": "Mayroon sa kanila na sumasampalataya rito at mayroon sa kanila na hindi sumasampalataya rito. Ang Panginoon mo ay higit na maalam sa mga tagatiwali." }, { "surah": "10", "ayah": 41, "translation": "Kung nagpasinungaling sila sa iyo ay sabihin mo: \u201cUkol sa akin ang gawain ko at ukol sa inyo ang gawain ninyo. Kayo ay mga walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ko at ako ay walang-kaugnayan sa anumang ginagawa ninyo.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 42, "translation": "Mayroon sa kanila na mga nakikinig sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapakinig sa mga bingi kahit pa man sila ay hindi nakapag-uunawa?" }, { "surah": "10", "ayah": 43, "translation": "Mayroon sa kanila na tumitingin sa iyo, ngunit ikaw ba ay nagpapatnubay sa mga bulag kahit pa man sila ay hindi nakakikita?" }, { "surah": "10", "ayah": 44, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay hindi lumalabag sa katarungan sa mga tao sa anuman subalit ang mga tao sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.[219]" }, { "surah": "10", "ayah": 45, "translation": "Sa araw na kakalap Siya sa kanila, para bang hindi sila namalagi maliban sa isang bahagi ng maghapon habang nagkakakilalahan sila sa gitna nila. Nalugi nga ang mga nagpasinungaling sa pakikipagkita kay All\u0101h at sila dati ay hindi mga napatnunubayan." }, { "surah": "10", "ayah": 46, "translation": "Kung magpapakita nga naman Kami sa iyo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila o magpapayao nga naman Kami sa iyo ay tungo sa Amin ang babalikan nila. Pagkatapos si All\u0101h ay Saksi sa anumang ginagawa nila." }, { "surah": "10", "ayah": 47, "translation": "Para sa bawat kalipunan ay may sugo. Kaya kapag dumating ang sugo nila ay huhusga sa pagitan nila ayon pagkamakatarungan habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan." }, { "surah": "10", "ayah": 48, "translation": "Magsasabi sila: \u201cKailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 49, "translation": "Sabihin mo: \u201cHindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsala ni isang pakinabang maliban sa niloob ni All\u0101h. Para sa bawat kalipunan ay may taning. Kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapaantala ng isang sandali at hindi sila makapagpapauna.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 50, "translation": "Sabihin mo: \u201cNagsaalang-alang ba kayo kung pumunta sa inyo ang pagdurusang dulot Niya sa magdamag o maghapon? Sa ano nagmamadali mula roon ang mga salarin?" }, { "surah": "10", "ayah": 51, "translation": "Pagkatapos ba kapag naganap ito ay mananampalataya kayo rito? Ngayon ba, samantalang kayo nga dati rito ay nagmamadali?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 52, "translation": "Pagkatapos sasabihin sa mga lumabag sa katarungan: \u201cLasapin ninyo ang pagdurusa ng pananatiling-buhay. Ginagantihan kaya kayo ng maliban pa sa ayon sa dati ninyong nakakamit?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 53, "translation": "Nagpapabalita sila sa iyo kung totoo ba ito? Sabihin mo: \u201cSiya nga; sumpa man sa Panginoon ko, tunay na ito ay talagang totoo, at kayo ay hindi mga makalulusot.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 54, "translation": "Kung sakaling taglay ng bawat kaluluwa na lumabag sa katarungan[220] ang anumang nasa lupa ay talagang tutubos siya nito. Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Huhusga sa pagitan nila ayon sa pagkamakatarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan." }, { "surah": "10", "ayah": 55, "translation": "Pansinin, tunay na sa kay All\u0101h ang anumang nasa mga langit at lupa. Pansinin, tunay na ang pangako ni All\u0101h ay totoo, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "10", "ayah": 56, "translation": "Siya ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, at tungo sa Kanya pababalikin kayo." }, { "surah": "10", "ayah": 57, "translation": "O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang pangaral mula sa Panginoon ninyo, isang lunas para sa nasa mga dibdib, isang patnubay, at isang awa para sa mga mananampalataya." }, { "surah": "10", "ayah": 58, "translation": "Sabihin mo: \u201cSa kabutihang-loob ni All\u0101h[221] at sa awa Niya, doon ay magalak sila; ito ay higit na mabuti kaysa sa iniipon[222] nila.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 59, "translation": "Sabihin mo: \u201cNagsaalang-alang ba kayo sa pinababa ni All\u0101h para sa inyo na panustos, saka gumawa kayo mula rito ng ipinagbabawal at ipinahihintulot?\u201d Sabihin mo: \u201cSi All\u0101h ba ay pumayag sa inyo, o laban kay All\u0101h ay gumagawa-gawa kayo?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 60, "translation": "Ano ang pagpapalagay ng mga gumawa-gawa laban kay All\u0101h ng kasinungalingan sa Araw ng Pagbangon? Tunay na si All\u0101h ay talagang may kagandahang-loob sa mga tao, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nagpapasalamat." }, { "surah": "10", "ayah": 61, "translation": "Hindi ka nasa isang pinagkakaabalahan, hindi ka bumibigkas mula sa bahagi ng Qur\u2019\u0101n, at hindi kayo gumagawa ng anumang gawain malibang Kami sa inyo ay saksi noong nagsasagawa kayo niyon. Walang nawawaglit buhat sa Panginoon mo na kasimbigat ng isang katiting sa lupa ni sa langit, ni higit na maliit kaysa roon ni higit na malaki malibang nasa isang talaang malinaw.[223]" }, { "surah": "10", "ayah": 62, "translation": "Pansinin, tunay na ang mga katangkilik ni All\u0101h ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot." }, { "surah": "10", "ayah": 63, "translation": "[Sila] ang mga sumampalataya at sila noon ay nangingilag magkasala kay All\u0101h." }, { "surah": "10", "ayah": 64, "translation": "Ukol sa kanila ang balitang nakagagalak sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Walang pagpapalit sa mga salita ni All\u0101h. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan." }, { "surah": "10", "ayah": 65, "translation": "Huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila.[224] Tunay na ang karangalan[225] ay ukol kay All\u0101h nang lahatan. Siya ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "10", "ayah": 66, "translation": "Pansinin, tunay na sa kay All\u0101h ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa lupa. Hindi sumusunod sa mga pantambal [kay All\u0101h] ang mga dumadalangin sa bukod pa kay All\u0101h. Hindi sila sumusunod kundi sa palagay at wala silang [ginagawa] kundi naghahaka-haka." }, { "surah": "10", "ayah": 67, "translation": "Siya ang gumawa para sa inyo ng gabi upang mamahinga kayo rito at ng maghapon bilang nagbibigay-paningin. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong dumidinig." }, { "surah": "10", "ayah": 68, "translation": "Nagsabi sila: \u201cGumawa si All\u0101h ng isang anak.\u201d Kaluwalhatian sa Kanya! Siya ay ang Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Wala kayong taglay na anumang katunayan dito. Nagsasabi ba kayo hinggil kay All\u0101h ng hindi ninyo nalalaman?" }, { "surah": "10", "ayah": 69, "translation": "Sabihin mo: \u201cTunay na ang mga gumawa-gawa hinggil kay All\u0101h ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 70, "translation": "Isang natatamasa sa Mundo, pagkatapos tungo sa Amin ang babalikan nila. Pagkatapos magpapalasap Kami sa kanila ng pagdurusang matindi dahil dati silang tumatangging sumampalataya." }, { "surah": "10", "ayah": 71, "translation": "Bigkasin mo sa kanila ang balita kay Noe noong nagsabi siya sa mga tao niya: \u201cO mga tao ko, kung bumigat sa inyo ang pananatili ko at ang pagpapaalaala ko ng mga tanda ni All\u0101h ay kay All\u0101h naman ako nanalig. Kaya pagpasyahan ninyo ang balak ninyo kasama ng mga pantambal ninyo. Pagkatapos ang balak ninyo ay huwag sa inyo maging malabo. Pagkatapos humusga kayo sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin." }, { "surah": "10", "ayah": 72, "translation": "Ngunit kung tumalikod kayo ay hindi ako humingi sa inyo ng anumang pabuya; walang iba ang pabuya sa akin kundi nasa kay All\u0101h. Inutusan ako na ako ay maging kabilang sa mga tagapagpasakop.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 73, "translation": "Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya kaya nagligtas Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya sa daong. Gumawa Kami sa kanila bilang mga kahalili at lumunod Kami sa mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga binalaan [ngunit hindi sumampalataya]." }, { "surah": "10", "ayah": 74, "translation": "Pagkatapos nagpadala Kami, matapos na niya, ng mga sugo sa mga tao nila at naghatid sila sa mga iyon ng mga malinaw na patunay. Ngunit hindi naging ukol sa mga iyon na sumampalataya sa pinasinungalingan ng mga iyon bago pa niyan. Gayon Kami nagpipinid sa mga puso ng mga lumalabag." }, { "surah": "10", "ayah": 75, "translation": "Pagkatapos nagpadala Kami, matapos na nila, kina Moises at Aaron kay Paraon at sa konseho nito kalakip ng mga tanda Namin, ngunit nagmalaki sila at sila ay naging mga taong salarin." }, { "surah": "10", "ayah": 76, "translation": "Kaya noong dumating sa kanila ang katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: \u201cTunay na ito ay talagang isang panggagaway na malinaw.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 77, "translation": "Nagsabi si Moises: \u201cNagsasabi ba kayo para sa katotohanan noong dumating ito sa inyo: Panggagaway ba ito? Hindi magtatagumpay ang mga manggagaway.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 78, "translation": "Nagsabi sila: \u201cDumating ka ba sa amin upang magbaling sa amin palayo sa natagpuan namin sa mga ninuno namin at maging ukol sa inyong dalawa [Moises at Aaron] ang kadakilaan sa lupa gayong kami sa inyong dalawa ay hindi mga naniniwala?\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 79, "translation": "Nagsabi si Paraon: \u201cMagdala kayo sa akin ng bawat manggagaway na maalam.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 80, "translation": "Kaya noong dumating ang mga manggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises: \u201cPumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 81, "translation": "Kaya noong pumukol sila ay nagsabi si Moises: \u201cAng inihatid ninyo ay ang panggagaway. Tunay na si All\u0101h ay magpapawalang-saysay rito. Tunay na si All\u0101h ay hindi nagsasaayos sa gawa ng mga tagatiwali." }, { "surah": "10", "ayah": 82, "translation": "Nagsasakatotohanan si All\u0101h sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya kahit pa man nasuklam ang mga salarin.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 83, "translation": "Ngunit walang naniwala kay Moises kundi ilang supling mula sa mga tao niya dala ng pangamba kay Paraon at sa konseho ng mga ito na mang-usig sa kanila. Tunay na si Paraon ay talagang nagmamataas sa lupain, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga nagpapakalabis." }, { "surah": "10", "ayah": 84, "translation": "Nagsabi si Moises: \u201cO mga tao ko, kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay All\u0101h, sa Kanya kayo manalig kung kayo ay naging mga Muslim.\u201d[226]" }, { "surah": "10", "ayah": 85, "translation": "Kaya nagsabi sila: \u201cKay All\u0101h ay nanalig kami. Panginoon namin, huwag Mo kaming gawin bilang pinag-uusig para sa mga taong tagalabag sa katarungan," }, { "surah": "10", "ayah": 86, "translation": "at iligtas Mo kami sa pamamagitan ng awa Mo laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 87, "translation": "Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niya, na [nagsasabi]: \u201cMagtalaga kayong dalawa para sa mga kalipi ninyong dalawa sa Ehipto ng mga bahay. Gumawa kayo ng mga bahay ninyo [paharap] sa qiblah [ng Jerusalem]. Magpanatili kayo ng pagdarasal. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 88, "translation": "Nagsabi si Moises: \u201cPanginoon namin, tunay na Ikaw ay nagbigay kay Paraon at sa konseho niya ng gayak at mga yaman sa buhay na pangmundo, Panginoon namin, upang magligaw sila palayo sa landas Mo. Panginoon namin, pumawi Ka sa mga yaman nila at magpatindi Ka sa mga puso nila para hindi sila manampalataya hanggang sa makakita sila sa pagdurusang masakit.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 89, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cSinagot na ang panalangin ninyong dalawa kaya magpakatuwid kayong dalawa at huwag nga kayong dalawa susunod sa landas ng mga hindi nakaaalam.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 90, "translation": "Nagpalampas Kami sa mga anak ni Israel sa dagat saka sumunod sa kanila si Paraon at ang hukbo niya dala ng paglabag at pangangaway; hanggang sa nang umabot sa kanya ang pagkalunod ay nagsabi siya: \u201cSumampalataya ako na walang Diyos kundi ang sinampalatayanan ng mga anak ni Israel, at ako ay kabilang sa mga Muslim.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 91, "translation": "Ngayon ba samantalang sumuway ka nga noon pa man, at ikaw dati ay kabilang sa mga tagatiwali?" }, { "surah": "10", "ayah": 92, "translation": "Kaya sa araw na ito, magliligtas Kami sa iyo sa katawan mo upang ikaw para sa sinumang papalit sa iyo ay maging isang tanda. Tunay na marami sa mga tao sa mga tanda Namin ay talagang mga nalilingat." }, { "surah": "10", "ayah": 93, "translation": "Talaga ngang nagpatahan Kami sa mga anak ni Israel sa pinatatahanang angkop at nagtustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay saka hindi sila nagkasalungatan hanggang sa dumating sa kanila ang kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay maghuhusga sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati silang nagkakaiba-iba hinggil doon." }, { "surah": "10", "ayah": 94, "translation": "Kaya kung ikaw ay nasa isang pagdududa hinggil sa pinababa Namin sa iyo ay magtanong ka sa mga bumabasa ng Kasulatan bago mo pa. Talaga ngang dumating sa iyo ang katotohanan mula sa Panginoon mo kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtaltalan." }, { "surah": "10", "ayah": 95, "translation": "Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga tanda ni All\u0101h sapagkat magiging kabilang ka sa mga lugi." }, { "surah": "10", "ayah": 96, "translation": "Tunay na ang mga nagindapat sa kanila ang hatol ng Panginoon mo ay hindi sumasampalataya," }, { "surah": "10", "ayah": 97, "translation": "kahit pa man dumating sa kanila ang bawat tanda, hanggang sa makakita sila sa pagdurusang masakit." }, { "surah": "10", "ayah": 98, "translation": "Kaya bakit kasi walang pamayanang sumampalataya kaya nagpakinabang dito ang pananampalataya nito maliban sa mga tao ni Jonas. Noong sumampalataya sila ay nag-alis Kami sa kanila ng pagdurusa ng kahihiyan sa buhay na pangmundo at nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa isang panahon." }, { "surah": "10", "ayah": 99, "translation": "Kung sakaling niloob ng Panginoon mo ay talaga sanang sumampalataya ang sinumang nasa lupa sa kabuuan nila nang lahatan. Kaya ikaw ba ay mamimilit sa mga tao hanggang sa sila ay maging mga mananampalataya?" }, { "surah": "10", "ayah": 100, "translation": "Hindi naging ukol sa isang kaluluwa na sumampalataya ito malibang ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Naglalagay Siya ng karumihan sa mga hindi nakapag-uunawa." }, { "surah": "10", "ayah": 101, "translation": "Sabihin mo: \u201cTumingin kayo kung ano ang nasa mga langit at lupa.\u201d Hindi nagdudulot ang mga tanda at ang mga mapagbabala sa mga taong hindi sumasampalataya." }, { "surah": "10", "ayah": 102, "translation": "Kaya naghihintay kaya sila ng maliban pa sa tulad ng mga araw ng mga lumipas bago pa nila? Sabihin mo: \u201cKaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 103, "translation": "Pagkatapos magliligtas Kami sa mga sugo Namin at sa mga sumampalataya. Gayon bilang tungkulin sa Amin na paliligtasin Namin ang mga mananampalataya." }, { "surah": "10", "ayah": 104, "translation": "Sabihin mo: \u201cO mga tao, kung kayo ay nasa isang pagdududa hinggil sa Relihiyon ko, hindi ako sumasamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay All\u0101h, subalit sumasamba ako kay All\u0101h na nagpapapanaw sa inyo. Inutusan ako na ako ay maging una sa mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 105, "translation": "[Ipinag-uutos] na: \u201cMagpanatili ka ng mukha mo sa Relihiyon bilang makatotoo at huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal." }, { "surah": "10", "ayah": 106, "translation": "Huwag kang dumalangin sa bukod pa kay All\u0101h, na hindi nagpapakinabang sa iyo ni nakapipinsala sa iyo sapagkat kung ginawa mo, tunay na ikaw samakatuwid ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 107, "translation": "Kung sasaling sa iyo si All\u0101h ng isang kapinsalaan ay walang tagapawi nito kundi Siya. Kung magnanais Siya sa iyo ng isang kabutihan ay walang tagatulak sa kabutihang-loob Niya. Nagpapatama Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain." }, { "surah": "10", "ayah": 108, "translation": "Sabihin mo: \u201cO mga tao, dumating nga sa inyo ang katotohanan mula sa Panginoon ninyo. Kaya ang sinumang napatnubayan ay napatnubayan lamang para sa sarili niya; at ang sinumang naligaw ay naligaw lamang laban dito. Ako sa inyo ay hindi isang pinananaligan.\u201d" }, { "surah": "10", "ayah": 109, "translation": "Sumunod ka sa ikinakasi sa iyo at magtiis ka hanggang sa humatol si All\u0101h. Siya ay ang pinakamabuti sa mga tagahatol." }, { "surah": "11", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. R\u0101\u2019.[227] [Ito ay] isang Aklat na pinahusay ang mga talata nito, pagkatapos dinetalye mula sa panig ng isang Marunong, isang Mapagbatid." }, { "surah": "11", "ayah": 2, "translation": "[Ipinasasabi sa Sugo:] \u201cNa huwag kayong sumamba kundi kay All\u0101h. Tunay na ako para sa inyo mula sa Kanya ay isang mapagbabala at isang mapagbalita ng nakagagalak.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 3, "translation": "[Ipinasasabi sa Sugo:] \u201cNa humingi kayo ng tawad sa Panginoon ninyo, pagkatapos magbalik-loob kayo sa Kanya, magpapatamasa Siya sa inyo ng isang natatamasang maganda hanggang sa isang taning na tinukoy at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob ng kabutihang-loob dito. Kung tatalikod kayo, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na malaki." }, { "surah": "11", "ayah": 4, "translation": "Tungo kay All\u0101h ang babalikan ninyo. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.\u201d" }, { "surah": "11", "ayah": 5, "translation": "Pansinin, tunay na sila ay nagtatakip ng mga dibdib nila upang makapagkubli sila [ng pagdududa] mula sa Kanya.[228] Pansinin, kapag nagpapabalot sila ng mga kasuutan nila ay nakaaalam Siya sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib." } ]