[ { "surah": "8", "ayah": 41, "translation": "Alamin ninyo na ang nasamsam ninyo [sa digmaan] na anumang bagay ay na para kay All\u0101h ang ikalima nito, para sa Sugo, at para sa may pagkakamag-anak [sa kanya],[190] mga ulila, mga dukha, at manlalakbay na kinapos sa daan, kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay All\u0101h at sa pinababa sa Lingkod sa araw ng pagtatangi [ng katotohanan sa kabulaanan], sa araw na nagkita ang dalawang pangkat [sa labanan sa Badr]. Si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "8", "ayah": 42, "translation": "[Banggitin] noong kayo ay nasa pampang na pinakamalapit [ng lambak] at sila ay nasa pampang na pinakamalayo at ang karaban ay nasa higit na mababa kaysa sa inyo. Kung sakaling nagtipanan kayo ay talaga sanang nagkaiba-iba kayo sa tipanan, subalit [nagkatagpo kayo] upang magpatupad si All\u0101h ng isang bagay na mangyayaring gagawin upang mapahamak ang sinumang mapapahamak ayon sa isang malinaw na patunay at mabuhay ang sinumang mabubuhay ayon sa isang malinaw na patunay. Tunay na si All\u0101h ay talagang Madinigin, Maalam." }, { "surah": "8", "ayah": 43, "translation": "[Banggitin] noong ipinakikita sa iyo sila[191] ni All\u0101h sa pananaginip mo bilang kaunti; at kung sakaling ipinakita Niya sa iyo sila na marami ay talaga sanang naduwag kayo at talaga sanang naghidwaan kayo sa usapin, subalit si All\u0101h ay nagpaligtas sa inyo. Tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib." }, { "surah": "8", "ayah": 44, "translation": "[Banggitin] noong ipinakita Niya sa inyo sila, noong nagkita kayo, sa mga mata ninyo bilang kaunti at pinangangaunti Niya kayo sa mga mata nila upang magpatupad si All\u0101h ng isang bagay na mangyayaring gagawin. Tungo kay All\u0101h pababalikin ang mga usapin." }, { "surah": "8", "ayah": 45, "translation": "O mga sumampalataya, kapag nakipagkita kayo sa isang pangkat [ng kaaway] ay magpakatatag kayo at umalaala kayo kay All\u0101h nang madalas, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay." }, { "surah": "8", "ayah": 46, "translation": "Tumalima kayo kay All\u0101h at sa Sugo Niya, huwag kayong maghidwaan para maduwag kayo at maalis ang lakas ninyo, at magtiis kayo. Tunay na si All\u0101h ay kasama sa mga nagtitiis." }, { "surah": "8", "ayah": 47, "translation": "Huwag kayong maging gaya ng mga lumabas mula sa mga tahanan nila dala ng kawalang-pakundangan at pagpapakitang-tao sa mga tao at sumasagabal sa landas ni All\u0101h. Si All\u0101h, sa anumang ginagawa nila, ay Tagapaligid." }, { "surah": "8", "ayah": 48, "translation": "[Banggitin] noong ipinang-akit sa kanila [na mga tagapagtambal] ng demonyo ang mga gawa nila at nagsabi siya: \u201cWalang tagadaig para sa inyo sa araw na ito kabilang sa mga tao at tunay na ako ay isang tagakanlong para sa inyo.\u201d Ngunit noong nagkitaan ang dalawang pangkat[192] [sa labanan sa Badr] ay umurong siya[193] sa mga sakong niya at nagsabi siya: \u201cTunay na ako ay walang-kaugnayan sa inyo. Tunay na ako ay nakikita ng hindi ninyo nakikita. Tunay na ako ay nangangamba kay All\u0101h. Si All\u0101h ay matindi ang parusa.\u201d" }, { "surah": "8", "ayah": 49, "translation": "[Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga nasa puso nila ay may sakit: \u201cLuminlang sa mga ito ang relihiyon nila.\u201d Ang sinumang nananalig kay All\u0101h, tunay na si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "8", "ayah": 50, "translation": "Kung sakaling nakakikita ka kapag nagpapapanaw sa mga tumangging sumasampalataya ang mga anghel habang humahagupit sa mga mukha nila at mga likod nila at [nagsasabi]: \u201cLumasap kayo ng pagdurusa ng pagkasunog.\u201d" }, { "surah": "8", "ayah": 51, "translation": "Iyon ay dahil sa ipinauna ng mga kamay nila at na si All\u0101h ay hindi palalabag sa katarungan sa mga lingkod." }, { "surah": "8", "ayah": 52, "translation": "Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, tumanggi silang sumampalataya sa mga tanda ni All\u0101h kaya dumaklot sa kanila si All\u0101h dahil sa mga pagkakasala nila. Tunay na si All\u0101h ay Malakas, matindi ang parusa." }, { "surah": "8", "ayah": 53, "translation": "Iyon ay dahil na si All\u0101h ay hindi nangyaring nag-iiba sa isang biyayang ibiniyaya Niya sa mga tao hanggang sa mag-iba sila ng nasa mga sarili nila, at na si All\u0101h ay Madinigin, Maalam." }, { "surah": "8", "ayah": 54, "translation": "Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, nagpasinungaling sila sa mga tanda ng Panginoon nila kaya nagpahamak Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila at lumunod Kami sa mga kampon ni Paraon. Lahat sila noon ay mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "8", "ayah": 55, "translation": "Tunay na pinakamasama sa mga palausad sa ganang kay All\u0101h ay ang mga tumangging sumampalataya \u2013 sapagkat sila ay hindi sumasampalataya \u2013" }, { "surah": "8", "ayah": 56, "translation": "ang mga nakipagkasunduan ka sa kanila, pagkatapos kumalas sila sa kasunduan sa kanila sa bawat pagkakataon habang sila ay hindi nangingilag magkasala." }, { "surah": "8", "ayah": 57, "translation": "Kaya kung makasusumpong ka nga naman sa kanila sa digmaan ay magpawatak-watak ka sa pamamagitan nila ng sinumang nasa likuran nila, nang sa gayon sila ay magsasaalaala." }, { "surah": "8", "ayah": 58, "translation": "Kung mangangamba ka nga naman sa mga tao ng isang pagtataksil ay ibato mo sa kanila [ang kasunduan upang maging] ayon sa pagkakapantay. Tunay na si All\u0101h ay hindi umiibig sa mga taksil." }, { "surah": "8", "ayah": 59, "translation": "Huwag ngang mag-aakala ang mga tumangging sumampalataya na makalulusot sila [sa parusa ni All\u0101h]. Tunay na sila ay hindi makapagpapahina [kay All\u0101h]." }, { "surah": "8", "ayah": 60, "translation": "Maghanda kayo para sa kanila ng nakaya ninyo na anumang lakas at anumang mga kawan ng mga kabayo na magpapangilabot kayo sa pamamagitan ng mga ito sa kaaway ni All\u0101h, kaaway ninyo, at mga iba pa bukod pa sa kanila na hindi kayo nakaaalam sa kanila samantalang si All\u0101h ay nakaaalam sa kanila. Ang anumang ginugugol ninyo na bagay ayon sa landas ni All\u0101h ay lulubus-lubusin tungo sa inyo [ang kabayaran] habang kayo ay hindi nilalabag sa katarungan." }, { "surah": "8", "ayah": 61, "translation": "Kung humilig sila sa kapayapaan ay kumiling ka roon at manalig ka kay All\u0101h. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "8", "ayah": 62, "translation": "Kung magnanais sila na manlinlang sa iyo, tunay na kasapatan sa iyo si All\u0101h. Siya ay ang umalalay sa iyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at sa pamamagitan ng mga mananampalataya." }, { "surah": "8", "ayah": 63, "translation": "Nagpatugma Siya sa pagitan ng mga puso nila. Kung sakaling gumugol ka ng anumang nasa lupa nang lahatan ay hindi ka makapagtutugma sa pagitan ng mga puso nila subalit si All\u0101h ay nagpatugma sa pagitan nila. Tunay na Siya ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "8", "ayah": 64, "translation": "O Propeta, kasapatan sa iyo si All\u0101h at sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya." }, { "surah": "8", "ayah": 65, "translation": "O Propeta, umudyok ka sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Kung kabilang sa inyo ay may dalawampung magtitiis, dadaig sila ng dalawang daan; kung kabilang sa inyo ay may isang daan, dadaig sila ng isang libo kabilang sa mga tumangging sumampalataya dahil ang mga ito ay mga taong hindi nakauunawa." }, { "surah": "8", "ayah": 66, "translation": "Ngayon, nagpagaan si All\u0101h sa inyo at nalaman Niya na sa inyo ay may kahinaan. Kaya kung mayroon sa inyong isang daang magtitiis, dadaig sila ng dalawang daan; at kung mayroon sa inyong isang libo, dadaig sila ng dalawang libo ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Si All\u0101h ay kasama sa mga nagtitiis." }, { "surah": "8", "ayah": 67, "translation": "Hindi naging ukol sa isang propeta na magkaroon siya ng mga bihag hanggang sa manlipol siya sa lupa. Nagnanais kayo ng mahihita sa lupa samantalang si All\u0101h ay nagnanais ng Kabilang-buhay. Si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "8", "ayah": 68, "translation": "Kung hindi dahil sa isang atas mula kay All\u0101h na nauna ay talaga sanang may sumaling sa inyo, dahil sa nakuha ninyo,[194] na isang pagdurusang sukdulan." }, { "surah": "8", "ayah": 69, "translation": "Kaya kumain kayo mula sa nasamsam ninyo [sa digmaan] bilang ipinahihintulot na kaaya-aya at mangilag kayong magkasala kay All\u0101h; tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "8", "ayah": 70, "translation": "O Propeta, sabihin mo sa sinumang nasa mga kamay ninyo na mga bihag: \u201cKung nakaaalam si All\u0101h sa mga puso ninyo ng isang mabuti ay magbibigay Siya sa inyo ng higit na mabuti kaysa sa kinuha mula sa inyo at magpapatawad Siya sa inyo. Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain.\u201d" }, { "surah": "8", "ayah": 71, "translation": "Kung nagnanais sila ng kataksilan sa iyo ay nagtaksil na sila kay All\u0101h bago pa niyan, kaya pinakaya [ka] Niya laban sa kanila. Si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "8", "ayah": 72, "translation": "Tunay na ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ayon sa landas ni All\u0101h at ang mga kumanlong at nag-adya, ang mga iyon ang mga katangkilik ng isa\u2019t isa sa kanila. Ang mga sumampalataya at hindi lumikas ay walang ukol sa inyo na pagtangkilik sa kanila na anuman hanggang sa lumikas sila. Kung nagpaadya sila sa inyo sa Relihiyon, kailangan sa inyo ang pag-adya maliban sa laban sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may kasunduan. Si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita." }, { "surah": "8", "ayah": 73, "translation": "Ang mga tumangging sumampalataya ay mga katangkilik ng isa\u2019t isa sa kanila. Kung hindi ninyo gagawin [ang pagtangkilik na] ito ay may mangyayaring isang sigalot sa lupa at isang malaking katiwalian." }, { "surah": "8", "ayah": 74, "translation": "Ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka ayon sa landas ni All\u0101h, at ang mga kumanlong at nag-adya, ang mga iyon ay ang mga mananampalataya nang totohanan. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana [sa Paraiso]." }, { "surah": "8", "ayah": 75, "translation": "Ang mga sumampalataya matapos na niyan, lumikas, at nakibaka kasama sa inyo, ang mga iyon ay kabilang sa inyo. Ang mga may mga ugnayang pangkaanak, ang iba sa kanila ay higit na karapat-dapat sa iba [sa pagmamana] sa atas ni All\u0101h. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "9", "ayah": 1, "translation": "[Ito ay pagpapahayag ng] isang kawalang-kaugnayan, mula kay All\u0101h at sa Sugo Niya, sa mga nakipagkasunduan kayo kabilang sa mga tagapagtambal." }, { "surah": "9", "ayah": 2, "translation": "Kaya maglakbay kayo [O mga Tagapagtambal] sa lupain ng apat na buwan at alamin ninyo na kayo ay hindi magpapawalang-kakayahan kay All\u0101h at na si All\u0101h ay magpapahiya sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "9", "ayah": 3, "translation": "[Ito ay] isang pagpapahayag, mula kay All\u0101h at sa Sugo Niya, sa mga tao sa araw ng \u1e25ajj na pinakamalaki [na araw ng pag-aalay], na si All\u0101h ay walang-kaugnayan sa mga tagapagtambal at ang Sugo Niya. Kaya kung nagbalik-loob kayo, ito ay higit na mabuti para sa inyo; at kung tumalikod kayo ay alamin ninyo na kayo ay hindi magpapawalang-kakayahan kay All\u0101h. Magbalita ka sa mga tumangging sumampalataya hinggil sa isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "9", "ayah": 4, "translation": "Maliban sa mga nakipagkasunduan kayo kabilang sa mga tagapagtambal, pagkatapos hindi sila bumawas sa inyo ng anuman at hindi sila nakipagtaguyudan laban sa inyo sa isa man, kaya lumubos kayo sa kanila sa kasunduan sa kanila hanggang sa [wakas ng] yugto nila. Tunay si All\u0101h ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "9", "ayah": 5, "translation": "Kaya kapag lumipas ang mga buwang pinakababanal ay patayin ninyo ang mga tagapagtambal saanman kayo nakatagpo sa kanila, kunin ninyo sila, kubkubin ninyo sila, at abangan ninyo sila sa bawat tambangan. Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zak\u0101h ay hayaan ninyo ang landas nila. Tunay na si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "9", "ayah": 6, "translation": "Kung may isa kabilang sa mga tagapagtambal na nagpakalinga sa iyo ay kalingain mo siya hanggang sa makarinig siya ng pananalita ni All\u0101h. Pagkatapos paabutin mo siya sa pook ng kaligtasan niya. Iyon ay dahil sila ay mga taong hindi nakaaalam [sa Isla\u0304m]." }, { "surah": "9", "ayah": 7, "translation": "Papaanong magkakaroon ang mga tagapagtambal ng isang kasunduan sa ganang kay All\u0101h at sa ganang Sugo Niya maliban sa mga nakipagkasunduan kayo sa tabi ng Masjid na Pinakababanal? Kaya hanggat nanatili sila [sa kasunduan] sa inyo ay manatili kayo [sa kasunduan] sa kanila. Tunay na si All\u0101h ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "9", "ayah": 8, "translation": "Papaanong [magkakaroon ng isang kasunduan] samantalang kung mangingibabaw sila [na mga kaaway ninyo] sa inyo ay hindi sila magpapakundangan sa inyo sa pagkakamag-anak ni sa usapan? Nagpapalugod sila sa inyo sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang tumatanggi ang mga puso nila. Ang higit na marami sa kanila ay mga suwail." }, { "surah": "9", "ayah": 9, "translation": "Ipinagpalit nila ang mga talata ni All\u0101h sa isang kaunting halaga kaya sumagabal sila sa landas Niya. Tunay na sila ay kay sagwa ang dating ginagawa!" }, { "surah": "9", "ayah": 10, "translation": "Hindi sila nagpapakundangan sa isang mananampalataya sa pagkakamag-anak ni sa usapan. Ang mga iyon ay ang mga tagalabag." }, { "surah": "9", "ayah": 11, "translation": "Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zak\u0101h, mga kapatid ninyo sila sa relihiyon. Nagdedetalye Kami ng mga tanda para sa mga taong umaalam." }, { "surah": "9", "ayah": 12, "translation": "Kung lumabag sila sa mga sinumpaan nila matapos na ng kasunduan sa kanila at tumuligsa sila sa relihiyon ninyo, makipaglaban kayo sa mga tagapanguna ng kawalang-pananampalataya \u2013 tunay na sila ay walang mga sinumpaang ukol sa kanila \u2013 nang sa gayon sila ay titigil [sa kawalang-pananampalataya]." }, { "surah": "9", "ayah": 13, "translation": "Hindi ba kayo nakikipaglaban sa mga taong lumabag sa mga sinumpaan nila at nagbalak ng pagpapalisan sa Sugo samantalang sila ay nagpasimula [sa pakikipag-away] sa inyo sa unang pagkakataon? Natatakot ba kayo sa kanila gayong si All\u0101h ay higit na karapat-dapat na katakutan ninyo kung kayo ay mga mananampalataya?" }, { "surah": "9", "ayah": 14, "translation": "Makipaglaban kayo sa kanila, magpaparusa sa kanila si All\u0101h sa pamamagitan ng mga kamay ninyo, magpapahiya Siya sa kanila, mag-aadya Siya sa inyo laban sa kanila, magpapagaling Siya sa mga dibdib ng mga taong mananampalataya," }, { "surah": "9", "ayah": 15, "translation": "at mag-aalis Siya ng ngitngit sa mga puso nila. Tumatanggap si All\u0101h ng pagbabalik-loob sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "9", "ayah": 16, "translation": "O nag-akala ba kayo na iiwan kayo samantalang hindi pa naghayag si All\u0101h sa mga nakikibaka kabilang sa inyo at hindi gumawa sa bukod pa kay All\u0101h ni sa Sugo ni sa mga mananampalataya bilang kapalagayang-loob? Si All\u0101h ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "9", "ayah": 17, "translation": "Hindi naging ukol sa mga tagapagtambal na magtaguyod sa mga masjid ni All\u0101h habang mga tagasaksi laban sa mga sarili nila sa kawalang-pananampalataya nila. Ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila, at sa Impiyerno sila ay mga mamamalagi." }, { "surah": "9", "ayah": 18, "translation": "Nagtataguyod lamang sa mga masjid ni All\u0101h ang sinumang sumampalataya kay All\u0101h at sa Huling Araw, nagbigay ng zak\u0101h, at hindi natakot maliban kay All\u0101h. Kaya maaasahan ang mga iyon na maging kabilang sa mga napapatnubayan." }, { "surah": "9", "ayah": 19, "translation": "Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng \u1e25ajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay All\u0101h at sa Huling Araw at nakibaka ayon sa landas ni All\u0101h? Hindi sila nagkakapantay sa ganang kay All\u0101h. Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "9", "ayah": 20, "translation": "Ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka ayon sa landas ni All\u0101h sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ay higit na dakila sa antas sa ganang kay All\u0101h. Ang mga iyon ay ang mga magtatamo." }, { "surah": "9", "ayah": 21, "translation": "Nagbabalita ng nakagagalak sa kanila ang Panginoon nila hinggil sa isang awa mula sa Kanya, isang pagkalugod, at mga harding may ukol sa kanila sa mga iyon na isang kaginhawahang mamamalagi," }, { "surah": "9", "ayah": 22, "translation": "bilang mga mananatili sa mga iyon magpakailanman. Tunay na si All\u0101h, sa ganang Kanya, ay may isang pabuyang sukdulan." }, { "surah": "9", "ayah": 23, "translation": "O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga magulang ninyo at mga kapatid ninyo bilang mga katangkilik kung napaibig sila sa kawalang-pananampalataya higit sa pananampalataya. Ang sinumang tumangkilik sa kanila kabilang sa inyo, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "9", "ayah": 24, "translation": "Sabihin mo: \u201cKung ang mga magulang ninyo, ang mga kapatid ninyo, ang mga asawa ninyo, ang angkan ninyo, ang ilang yamang nakamtan ninyo, ang isang pangangalakal na kinatatakutan ninyo ang pagtumal nito, at ang ilang tirahang kinalulugdan ninyo ay higit na kaibig-ibig sa inyo kaysa kay All\u0101h, sa Sugo Niya, at sa isang pakikibaka ayon sa landas Niya, mag-abang kayo hanggang sa magparating si All\u0101h ng utos Niya.\u201d Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail." }, { "surah": "9", "ayah": 25, "translation": "Talaga ngang nag-adya sa inyo si All\u0101h sa maraming larangan ng labanan, at sa araw ng [labanan sa] \u1e24unayn noong nagpahanga sa inyo ang dami ninyo ngunit hindi nagdulot sa inyo ng anuman at sumikip sa inyo ang lupa gayong malawak ito, pagkatapos lumisan kayo na mga tumatalikod." }, { "surah": "9", "ayah": 26, "translation": "Pagkatapos nagpababa si All\u0101h ng katahimikan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya, nagpababa Siya ng mga kawal na hindi ninyo nakita, at nagparusa Siya sa mga tumangging sumampalataya. Iyon ay ang ganti sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "9", "ayah": 27, "translation": "Pagkatapos tumatanggap ng pagbabalik-loob si All\u0101h matapos na niyon sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "9", "ayah": 28, "translation": "O mga sumampalataya, ang mga tagapagtambal ay salaula[195] lamang kaya huwag silang lumapit sa Masjid na Pinakababanal matapos ng taon nilang ito. Kung nangamba kayo sa isang paghihikahos ay magpapayaman sa inyo si All\u0101h mula sa kabutihang-loob Niya kung niloob Niya. Tunay na si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "9", "ayah": 29, "translation": "Makipaglaban kayo sa mga hindi sumasampalataya kay All\u0101h ni sa Huling Araw, hindi nagbabawal sa ipinagbawal ni All\u0101h at ng Sugo Niya, at hindi nagrerelihiyon ng Relihiyon ng katotohanan, kabilang sa mga binigyan ng kasulatan hanggang sa magbigay sila ng jizyah nang kusang-loob habang sila ay mga nanliliit." }, { "surah": "9", "ayah": 30, "translation": "Nagsabi ang mga Hudyo: \u201cSi Ezra ay anak ni All\u0101h,\u201d at nagsabi ang mga Kristiyano: \u201cAng Kristo ay anak ni All\u0101h.\u201d Iyon ay ang sabi nila sa pamamagitan ng mga bibig nila. Pumaparis sila sa sabi ng mga tumangging sumampalataya bago pa niyan. Kumalaban nawa sa kanila si All\u0101h! Paanong nalilinlang sila [sa katotohanan]?" }, { "surah": "9", "ayah": 31, "translation": "Gumawa sila sa mga pantas nila at mga monghe nila bilang mga panginoon bukod pa kay All\u0101h at pati na sa Kristo na anak ni Maria samantalang walang ipinag-utos sa kanila kundi sumamba sila sa nag-iisang Diyos \u2013 walang Diyos kundi Siya. Kaluwalhatian sa Kanya higit sa mga itinatambal nila!" }, { "surah": "9", "ayah": 32, "translation": "Nagnanais sila na mag-apula sa liwanag ni All\u0101h sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang tumatanggi si All\u0101h maliban na magpalubos Siya sa liwanag Niya, kahit pa nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "9", "ayah": 33, "translation": "Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya kalakip ng patnubay at relihiyon ng katotohanan upang magpangibabaw Siya rito sa relihiyon sa kabuuan nito, kahit pa nasuklam ang mga tagapagtambal." }, { "surah": "9", "ayah": 34, "translation": "O mga sumampalataya, tunay na marami sa mga pantas at mga monghe ay talagang kumakain ng mga yaman ng mga tao ayon sa kabulaanan at sumasagabal sa landas ni All\u0101h. Ang mga nag-iimbak ng ginto at pilak at hindi gumugugol sa mga ito ayon sa landas ni All\u0101h[196] ay magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "9", "ayah": 35, "translation": "Sa araw na papainitan ang mga ito sa apoy ng Impiyerno at heheruhan sa pamamagitan ng mga ito ang mga noo nila, ang mga tagiliran nila, at ang mga likod nila [ay sasabihin]: \u201cIto ang inimbak ninyo para sa mga sarili ninyo, kaya lasapin ninyo ang dati ninyong iniimbak!\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 36, "translation": "Tunay na ang bilang ng mga buwan sa ganang kay All\u0101h ay labindalawang buwan sa talaan ni All\u0101h sa araw na nilikha Niya ang mga langit at lupa; kabilang sa mga ito ay apat na pinakababanal.[197] Iyon ay ang relihiyong matuwid, kaya huwag kayong lumabag sa katarungan sa mga [buwang] ito sa mga sarili ninyo [sa pamamagitan ng pakikidigma]. Makipaglaban kayo sa mga tagapagtambal nang lahatan gaya ng pakikipaglaban nila sa inyo nang lahatan. Alamin ninyo na si All\u0101h ay kasama sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "9", "ayah": 37, "translation": "Ang pag-aantala [sa pagbabawal sa buwang pinakababanal] ay isang karagdagan lamang sa kawalang-pananampalataya. Pinaliligaw dahil dito ang mga tumangging sumampalataya. Nagpapahintulot sila nito sa isang taon at nagbabawal sila nito sa [ibang] taon upang magtugma sila ng bilang ng ipinagbawal ni All\u0101h kaya nagpapahintulot sila ng ipinagbawal ni All\u0101h. Ipinaakit para sa kanila ang kasagwaan ng mga gawain nila. Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "9", "ayah": 38, "translation": "O mga sumampalataya, ano ang mayroon sa inyo na kapag sinabi sa inyo na humayo kayo ayon sa landas ni All\u0101h ay nagpabigat kayo sa pagkapit sa lupa? Nalugod ba kayo sa buhay na pangmundo sa halip ng pangkabilang-buhay? Ngunit ano ang natatamasa sa buhay na pangmundo kapalit sa Kabilang-buhay kundi kaunti." }, { "surah": "9", "ayah": 39, "translation": "Kung hindi kayo hahayo [sa pakikibaka] ay magpaparusa Siya sa inyo ng isang pagdurusang masakit, magpapalit Siya [sa inyo] ng mga [tatalimang] taong iba sa inyo, at hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman. Si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "9", "ayah": 40, "translation": "Kung hindi kayo mag-aadya sa kanya,[198] nag-adya na sa kanya si All\u0101h noong nagpalisan sa kanya ang mga tumangging sumampalataya bilang ikalawa sa dalawa noong silang dalawa ay nasa yungib noong nagsasabi siya sa kasamahan niya:[199] \u201cHuwag kang malungkot; tunay na si All\u0101h ay kasama sa atin.\u201d Kaya nagpababa si All\u0101h ng katahimikan Niya rito, nag-alalay Siya rito ng mga kawal [na anghel] na hindi ninyo nakita, at gumawa Siya sa salita ng mga tumangging sumampalataya bilang ang pinakamababa samantalang ang salita ni All\u0101h ay ang pinakamataas. Si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "9", "ayah": 41, "translation": "Humayo kayo [sa pakikibaka] nang magagaan at mabibigat at makibaka kayo sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo ayon sa landas ni All\u0101h. Iyon ay mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam." }, { "surah": "9", "ayah": 42, "translation": "Kung sakaling ito ay naging isang mahihitang malapit o isang paglalakbay na katamtaman, talaga sanang sumunod sila[200] sa iyo, subalit lumayo para sa kanila ang agwat. Manunumpa sila kay All\u0101h: \u201cKung sakaling nakaya namin ay talaga sanang lumisan kami kasama sa inyo,\u201d habang nagpapahamak sila ng mga sarili nila. Si All\u0101h ay nakaaalam na tunay na sila ay talagang mga sinungaling." }, { "surah": "9", "ayah": 43, "translation": "Magpaumanhin si All\u0101h sa iyo; bakit ka nagpahintulot sa kanila [na magpaiwan]? [Sana ay] hanggang sa luminaw sa iyo ang mga nagtotoo at nalaman mo ang mga sinungaling." }, { "surah": "9", "ayah": 44, "translation": "Hindi nagpapaalam sa iyo ang mga sumasampalataya kay All\u0101h at sa Huling Araw na makibaka sila sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Si All\u0101h ay Maalam sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "9", "ayah": 45, "translation": "Nagpapaalam lamang sa iyo [na magpaiwan] ang mga hindi sumasampalataya kay All\u0101h at sa Huling Araw at nag-alinlangan ang mga puso nila kaya sila dahil sa pag-aalinlangan nila ay nag-aatubili." }, { "surah": "9", "ayah": 46, "translation": "Kung sakaling nagnais sila ng pagsugod ay talaga sanang naghanda sila para roon ng isang paghahanda, subalit nasuklam si All\u0101h sa pagkapadala sa kanila kaya nagpatamlay Siya sa kanila at sinabi: \u201cUmupo kayo kasama sa mga nakaupo.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 47, "translation": "Kung sakaling sumugod sila kasabay sa inyo ay hindi sana sila nakadagdag sa inyo kundi ng isang paninira at talaga sanang kumaripas sila [sa paninirang-puri] sa gitna ninyo, na naghahangad sa inyo ng sigalot at sa piling inyo ay may mga palakinig para sa kanila. Si All\u0101h ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "9", "ayah": 48, "translation": "Talaga ngang naghangad sila ng sigalot bago pa niyan. Bumulabog sila sa iyo sa mga usapin hanggang sa dumating ang katotohanan at lumitaw ang utos ni All\u0101h samantalang sila ay mga nasusuklam." }, { "surah": "9", "ayah": 49, "translation": "Mayroon sa kanila na nagsasabi: \u201cMagpahintulot ka sa akin [na magpaiwan] at huwag kang sumubok sa akin.\u201d Kaingat, sa pagsubok ay bumagsak sila. Tunay na ang Impiyerno ay talagang tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "9", "ayah": 50, "translation": "Kung may tatama sa iyo na isang maganda ay magpapasama ng loob nila ito. Kung may tatama sa iyo na isang kapahamakan ay magsasabi sila: \u201cKumuha na kami ng nauukol sa amin bago pa niyan,\u201d at tatalikod sila habang sila ay masaya." }, { "surah": "9", "ayah": 51, "translation": "Sabihin mo: \u201cWalang tatama sa amin kundi ang itinakda ni All\u0101h para sa amin. Siya ay ang Tagatangkilik namin. Kay All\u0101h ay manalig ang mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 52, "translation": "Sabihin mo: \u201cNag-aabang kaya kayo sa amin maliban pa ng isa sa dalawang pinakamaganda[201] samantalang kami ay nag-aabang sa inyo na magpatama sa inyo si All\u0101h ng isang pagdurusa mula sa ganang Kanya o sa pamamagitan ng mga kamay namin. Kaya mag-abang kayo; tunay na kami ay kasama sa inyo na mga nag-aabang.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 53, "translation": "Sabihin mo: \u201cGumugol kayo nang kusang-loob o napipilitan; hindi ito tatanggapin mula sa inyo. Tunay na kayo ay laging mga taong suwail.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 54, "translation": "Walang pumigil sa kanila na tanggapin mula sa kanila ang mga gugol nila kundi dahil sila ay tumangging sumampalataya kay All\u0101h at sa Sugo Niya, hindi pumupunta sa dasal kundi habang sila ay mga tamad, at hindi gumugugol kundi habang sila ay mga nasusuklam." }, { "surah": "9", "ayah": 55, "translation": "Kaya huwag magpahanga sa iyo ang mga yaman nila ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si All\u0101h na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa buhay na pangmundo at pumanaw ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "9", "ayah": 56, "translation": "Nanunumpa sila kay All\u0101h na tunay na sila ay talagang kabilang sa inyo samantalang hindi sila kabilang sa inyo, subalit sila ay mga taong nahihintakutan [kaya nagpapanggap]." }, { "surah": "9", "ayah": 57, "translation": "Kung sakaling nakatatagpo sila ng isang madudulugan o mga yungib o isang pinapasukan ay talaga sanang bumaling sila roon habang sila ay humahagibis." }, { "surah": "9", "ayah": 58, "translation": "Mayroon sa kanila na tumutuligsa sa iyo kaugnay sa [paghahati ng] mga kawanggawa; ngunit kung nabigyan sila mula sa mga ito ay malulugod sila, at kung hindi sila nabigyan mula sa mga ito, biglang sila ay naiinis." }, { "surah": "9", "ayah": 59, "translation": "Kung sana sila ay nalugod sa ibinigay sa kanila ni All\u0101h at ng Sugo Niya at nagsabi: \u201cKasapatan sa amin si All\u0101h; magbibigay sa amin si All\u0101h mula sa kabutihang-loob Niya at ang Sugo Niya. Tunay na kami kay All\u0101h ay mga nagmimithi.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 60, "translation": "Ang mga [tungkuling] kawanggawa ay ukol lamang sa mga maralita, mga dukha, mga manggagawa sa mga ito, napalulubag-loob ang mga puso, sa pagpapalaya ng alipin at mga nagkakautang, ayon sa landas ni All\u0101h, at kinapos sa daan \u2013 bilang tungkulin mula kay All\u0101h. Si All\u0101h ay Maalam, Marunong." }, { "surah": "9", "ayah": 61, "translation": "Mayroon sa kanila na mga nananakit sa Propeta at nagsasabi: \u201cSiya ay isang tainga [na dumidinig].\u201d Sabihin mo: \u201c[Siya ay] isang tainga ng kabutihan para sa inyo, na sumasampalataya kay All\u0101h at naniniwala sa mga mananampalataya, at isang awa para sa mga sumampalataya kabilang sa inyo.\u201d Ang mga nananakit sa Sugo ni All\u0101h, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "9", "ayah": 62, "translation": "Nanunumpa sila kay All\u0101h para sa inyo upang magpalugod sila sa inyo samantalang si All\u0101h at ang Sugo Niya ay higit na karapat-dapat na palugurin nila kung sila ay mga mananampalataya [talaga]." }, { "surah": "9", "ayah": 63, "translation": "Hindi ba sila nakaalam na ang sinumang sumasalangsang kay All\u0101h at sa Sugo Niya[202] ay ukol sa kanya ang Apoy ng Impiyerno bilang mananatili roon? Iyon ay ang kahihiyang sukdulan." }, { "surah": "9", "ayah": 64, "translation": "Nangingilag ang mga mapagpaimbabaw na may ibaba sa kanila na isang kabanata [ng Qur\u2019a\u0304n] na magbabalita sa kanila hinggil sa nasa mga puso nila. Sabihin mo: \u201cMangutya kayo; tunay na si All\u0101h ay magpapalabas sa pinangingilagan ninyo.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 65, "translation": "Talagang kung nagtanong ka sa kanila ay talagang magsasabi nga sila: \u201cDati kaming tumatalakay [sa kabulaanan] at naglalaro lamang.\u201d Sabihin mo: \u201cKay All\u0101h, sa mga tanda Niya, at sa Sugo Niya ba dati kayong nangungutya?" }, { "surah": "9", "ayah": 66, "translation": "Huwag kayong magdahi-dahilan; tumanggi na kayong sumampalataya matapos ng pananampalataya ninyo. Kung magpapaumanhin Kami sa isang pangkatin kabilang sa inyo, magpaparusa Kami sa isang pangkatin dahil sila dati ay mga salarin.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 67, "translation": "Ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw ay bahagi sila ng isa\u2019t-isa. Nag-uutos sila ng nakasasama, sumasaway sila sa nakabubuti, at nagkukuyom sila ng mga kamay nila.[203] Lumimot sila kay All\u0101h kaya lumimot Siya sa kanila.[204] Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay ang mga suwail." }, { "surah": "9", "ayah": 68, "translation": "Nangako si All\u0101h sa mga lalaking mapagpaimbabaw, mga babaing mapagpaimbabaw, at mga tagatangging sumampalataya ng Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ito ay kasapatan sa kanila. Isinumpa sila ni All\u0101h. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mananatili." }, { "surah": "9", "ayah": 69, "translation": "Gaya ng mga bago pa ninyo, [O mga mapagpaimbabaw], sila noon ay higit na matindi kaysa sa inyo sa lakas at higit na marami sa mga yaman at mga anak kaya nagtamasa sila ng bahagi nila [sa mga minamasarap ng Mundo] saka nagtamasa kayo sa bahagi ninyo kung paanong nagtamasa ang mga bago pa ninyo sa bahagi nila. Ngumawa kayo ng gaya ng nginawa nila. Ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang mga iyon ay ang mga lugi." }, { "surah": "9", "ayah": 70, "translation": "Hindi ba pumunta sa kanila ang balita ng mga bago pa nila, kabilang sa mga tao ni Noe, [liping] `\u0100d, [liping] Tham\u016bd, mga tao ni Abraham, at mga naninirahan sa Madyan at mga bayang itinaob[205]? Nagdala sa kanila ang mga sugo nila [mula kay All\u0101h] ng mga patunay na malinaw kaya hindi nangyaring si All\u0101h ay ukol na lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan." }, { "surah": "9", "ayah": 71, "translation": "Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga katangkilik ng isa\u2019t isa sa kanila. Nag-uutos sila ng nakabubuti, sumasaway sila sa nakasasama, nagpapanatili sila ng pagdarasal, nagbibigay sila ng zak\u0101h, at tumatalima sila kay All\u0101h at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay kaaawaan sila ni All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay Makapangyarihan, Marunong." }, { "surah": "9", "ayah": 72, "translation": "Nangako si All\u0101h sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito at ng mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Eden. May isang pagkalugod mula kay All\u0101h na higit na malaki. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan." }, { "surah": "9", "ayah": 73, "translation": "O Propeta, makibaka ka sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw at magpakabagsik ka sa kanila. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!" }, { "surah": "9", "ayah": 74, "translation": "Nanunumpa sila kay All\u0101h na hindi sila nagsabi [ng panlalapastangan] samantalang talaga ngang nagsabi sila ng salita ng kawalang-pananampalataya. Tumanggi silang sumampalataya matapos ng pagyakap nila sa Isl\u0101m at nagbalak sila ng hindi nila natamo [na pagpaslang sa Propeta]. Wala silang ipinaghinanakit maliban na nagpayaman sa kanila si All\u0101h at ang Sugo Niya mula sa kabutihang-loob Niya. Kaya kung magbabalik-loob sila, ito ay magiging mabuti para sa kanila; at kung tatalikod sila, pagdurusahin sila ni All\u0101h ng isang pagdurusang masakit sa Mundo at Kabilang-buhay. Walang ukol sa kanila sa lupa na anumang katangkilik ni mapag-adya." }, { "surah": "9", "ayah": 75, "translation": "Mayroon sa kanila na nakipagkasunduan kay All\u0101h, [na nagsabi:] \u201cTalagang kung nagbigay Siya sa amin mula sa kabutihang-loob Niya ay talagang magkakawanggawa nga kami at talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga maayos.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 76, "translation": "Ngunit noong nagbigay Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya ay nagmaramot sila nito at tumalikod sila habang sila ay mga umaayaw." }, { "surah": "9", "ayah": 77, "translation": "Kaya nagparesulta Siya sa kanila ng pagpapaimbabaw sa mga puso nila hanggang sa araw na makikipagkita sila sa Kanya dahil sumira sila kay All\u0101h sa ipinangako nila sa Kanya at dahil sila noon ay nagsisinungaling." }, { "surah": "9", "ayah": 78, "translation": "Hindi ba sila nakaalam na si All\u0101h ay nakaaalam sa lihim nila at sarilinang pag-uusap nila at na si All\u0101h Palaalam sa mga nakalingid?" }, { "surah": "9", "ayah": 79, "translation": "Ang mga tumutuligsa sa mga nagkukusang-loob kabilang sa mga mananampalataya kaugnay sa mga kawanggawa at mga walang natatagpuan maliban sa pinagpunyagian ng mga ito kaya nanunuya sila sa mga ito, manunuya si All\u0101h sa kanila at ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "9", "ayah": 80, "translation": "Humingi ka ng tawad para sa kanila o huwag kang humingi ng tawad para sa kanila. Kung hihingi ka ng tawad para sa kanila nang pitumpung ulit ay hindi magpapatawad si All\u0101h para sa kanila. Iyon ay dahil sila ay tumangging sumampalataya kay All\u0101h at sa Sugo Niya. Si All\u0101h ay hindi nagpapatnubay sa mga taong suwail." }, { "surah": "9", "ayah": 81, "translation": "Natuwa ang mga iniwanan sa pananatili nila [malayo sa pakikibaka] sa pag-iwan ng Sugo ni All\u0101h [papunta sa labanan] at nasuklam sila na makibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ayon sa landas ni All\u0101h. Nagsabi sila [sa isa\u2019t isa]: \u201cHuwag kayong humayo sa init.\u201d Sabihin mo: \u201cAng apoy ng Impiyerno ay higit na matindi sa init kung sakaling sila ay nakauunawa.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 82, "translation": "Kaya magsitawa sila nang kaunti at magsiiyak sila nang marami bilang ganti sa dati nilang nakakamit [na kawalang-pananampalataya]." }, { "surah": "9", "ayah": 83, "translation": "Kaya kung nagpabalik sa iyo si All\u0101h sa isang pangkatin kabilang sa kanila at nagpaalam sila sa iyo para sa pagsugod [sa labahan kasama mo] ay sabihin mo: \u201cHindi kayo susugod kasama sa akin magpakailanman at hindi kayo makikipaglaban kasama sa akin sa isang kaaway. Tunay na kayo nalugod sa pananatili sa unang pagkakataon, kaya manatili kayo kasama sa mga naiiwan.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 84, "translation": "Huwag kang magdasal para sa isa kabilang sa kanila na namatay \u2013 kailanman \u2013 at huwag kang tumayo sa puntod niya. Tunay na sila ay tumangging sumampalataya kay All\u0101h at sa Sugo Niya at namatay samantalang sila ay mga suwail." }, { "surah": "9", "ayah": 85, "translation": "Huwag magpahanga sa iyo ang mga yaman nila ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si All\u0101h na pagdusahin sila sa pamamagitan ng mga ito sa Mundo at pumanaw ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "9", "ayah": 86, "translation": "Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur\u2019am, na nag-uutos:] \u201dSumampalataya kayo kay All\u0101h at makibaka kayo kasama sa Sugo Niya,\u201d humingi ng pahintulot sa iyo [na magpaiwan] ang mga may kaya kabilang sa kanila at nagsasabi sila: \u201cHayaan mo kami, kami ay magiging kasama sa mga nananatili.\u201d" }, { "surah": "9", "ayah": 87, "translation": "Nalugod sila na sila ay maging kasama sa mga naiiwan. Nagpinid sa mga puso nila kaya sila ay hindi nakauunawa." }, { "surah": "9", "ayah": 88, "translation": "Subalit ang Sugo at ang mga sumampalataya kasama sa kanya ay nakibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga mabuti at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay." }, { "surah": "9", "ayah": 89, "translation": "Naghanda si All\u0101h para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ang pagkatamong sukdulan." }, { "surah": "9", "ayah": 90, "translation": "Dumating [sa Sugo] ang mga nagdadahi-dahilan kabilang sa mga Arabeng disyerto upang mapahintulutan sila [na hindi makipaglaban] at nanatili ang mga nagpasinungaling kay All\u0101h at sa Sugo Niya. Tatamaan ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "9", "ayah": 91, "translation": "Sa mga mahina, ni sa mga may-sakit, ni sa mga hindi nakatatagpo ng igugugol nila kapag nagpakatapat sila kay All\u0101h at sa Sugo Niya, ay hindi isang pagkaisawa [ang magpaiwan]. Wala sa mga tagagawa ng maganda na anumang daan [para masisi]. Si All\u0101h ay Mapagpatawad, Maawain." }, { "surah": "9", "ayah": 92, "translation": "Walang [pagkaasiwa sa] mga nang pumunta sa iyo upang magpasakay ka sana sa kanila ay nagsabi ka: \u201cHindi ako nakatatagpo ng maipasasakay ko sa inyo.\u201d Tumalikod sila habang ang mga mata nila ay nag-uumapaw sa luha dala ng pagkalungkot na hindi sila nakatatagpo[206] ng maigugugol nila." }, { "surah": "9", "ayah": 93, "translation": "Ang landas [para masisi] ay sa mga humingi ng pahintulot sa iyo [na magpaiwan] samantalang sila ay mga mayaman. Nalugod sila na sila ay maging kasama ng mga naiiwan. Nagpinid si All\u0101h sa mga puso nila kaya sila ay hindi nakauunawa [sa kapakanan nila]." } ]