[ { "surah": "1", "ayah": 1, "translation": "Sa ngalan ni All\u0101h,[1] ang Napakamaawain, ang Maawain." }, { "surah": "1", "ayah": 2, "translation": "Ang papuri ay ukol kay All\u0101h, ang Panginoon[2] ng mga nilalang,[3]" }, { "surah": "1", "ayah": 3, "translation": "ang Napakamaawain, ang Maawain," }, { "surah": "1", "ayah": 4, "translation": "ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas." }, { "surah": "1", "ayah": 5, "translation": "Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong." }, { "surah": "1", "ayah": 6, "translation": "Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid:" }, { "surah": "1", "ayah": 7, "translation": "ang landasin ng mga biniyayaan[4] Mo,[5] hindi ng mga kinagalitan,[6] at hindi ng mga naliligaw.[7]" }, { "surah": "2", "ayah": 1, "translation": "Alif. L\u0101m. M\u012bm.[8]" }, { "surah": "2", "ayah": 2, "translation": "Ang Aklat[9] na ito ay walang pag-aalinlangan dito,[10] isang patnubay ukol sa mga tagapangilag magkasala," }, { "surah": "2", "ayah": 3, "translation": "na mga sumasampalataya sa nakalingid,[11] nagpapanatili sa pagdarasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol," }, { "surah": "2", "ayah": 4, "translation": "na mga sumasampalataya sa [Qur\u2019a\u0304n na] pinababa sa iyo at sa pinababa bago mo[12] pa, at sa Kabilang-buhay sila ay nakatitiyak." }, { "surah": "2", "ayah": 5, "translation": "Ang mga iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila at ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay." }, { "surah": "2", "ayah": 6, "translation": "Tunay na ang mga tumangging sumampalataya \u2013 magkapantay sa kanila nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila \u2013 ay hindi sumasampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 7, "translation": "Magpapasak si All\u0101h sa mga puso nila at sa pandinig nila. Sa mga paningin nila ay may pambalot. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang sukdulan." }, { "surah": "2", "ayah": 8, "translation": "Mayroon sa mga [mapagpaimbabaw] tao na nagsasabi: \u201cSumampalataya kami kay All\u0101h at sa Huling Araw,\u201d samantalang hindi sila mga mananampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 9, "translation": "Nagtatangka silang mandaya kay All\u0101h at sa mga sumampalataya samantalang hindi sila nandaraya maliban sa mga sarili nila habang hindi nila nararamdaman." }, { "surah": "2", "ayah": 10, "translation": "Sa mga puso nila ay may sakit [ng pagdududa], at nagdagdag pa sa kanila si All\u0101h ng sakit. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit dahil sila dati ay nagsisinungaling." }, { "surah": "2", "ayah": 11, "translation": "Kapag sinabi sa kanila: \u201cHuwag kayong tagagulo sa lupa,\u201d nagsasabi sila: \u201cKami ay mga tagapagsaayos lamang.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 12, "translation": "Pansinin, tunay na sila ay ang mga tagapagtiwali subalit hindi sila nakararamdam." }, { "surah": "2", "ayah": 13, "translation": "Kapag sinabi sa kanila: \u201cSumampalataya kayo kung paanong sumampalataya ang mga [maaayos na] tao\u201d ay nagsasabi sila: \u201cSasampalataya ba kami kung paanong sumampalataya ang mga hunghang?\u201d Pansinin, tunay na sila ay ang mga hunghang subalit hindi nila nalalaman." }, { "surah": "2", "ayah": 14, "translation": "Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: \u201cSumampalataya kami [gaya ninyo],\u201d ngunit kapag nakipagsarilinan sila sa mga demonyo [na pinuno] nila ay nagsasabi sila: \u201cTunay na kami ay kasama sa inyo; kami ay mga nangungutya lamang.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 15, "translation": "Si All\u0101h ay nangungutya sa kanila at nagpapalawig sa kanila sa pagmamalabis nila habang nag-aapuhap sila." }, { "surah": "2", "ayah": 16, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga bumili ng kaligawan kapalit ng patnubay kaya hindi tumubo ang kalakalan[13] nila. Hindi sila noon mga napatnubayan." }, { "surah": "2", "ayah": 17, "translation": "Ang paghahalintulad sa kanila ay gaya ng paghahalintulad sa nagpaningas ng apoy, ngunit noong tumanglaw ito sa nasa palibot niya ay nag-alis si All\u0101h sa liwanag nila at nag-iwan Siya[14] sa kanila sa mga kadiliman habang hindi sila nakakikita." }, { "surah": "2", "ayah": 18, "translation": "Mga bingi, na mga pipi, na mga bulag, kaya sila ay hindi bumabalik [mula sa pagkaligaw]." }, { "surah": "2", "ayah": 19, "translation": "O gaya ng isang unos mula sa langit, na sa loob nito ay mga kadiliman, kulog, at kidlat. Naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila dahil sa mga lintik dala ng hilakbot sa kamatayan. Si All\u0101h ay Tagapaligid sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 20, "translation": "Halos ang kidlat ay tumangay sa mga paningin nila. Tuwing tumanglaw ito [sa daan] para sa kanila ay naglalakad sila rito at kapag nagpadilim ito sa ibabaw nila ay tumatayo sila. Kung sakaling niloob ni All\u0101h ay talaga sanang nag-alis Siya ng pandinig nila at mga paningin nila. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "2", "ayah": 21, "translation": "O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala," }, { "surah": "2", "ayah": 22, "translation": "na gumawa para sa inyo ng lupa bilang himlayan[15] at ng langit bilang silong, at nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan nito ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Kaya huwag kayong gumawa para kay All\u0101h ng mga kaagaw samantalang kayo ay nakaaalam [na walang Tagalikha kundi si All\u0101h]." }, { "surah": "2", "ayah": 23, "translation": "Kung kayo ay nasa isang pag-aalinlangan sa ibinaba Namin sa Lingkod[16] Namin, maglahad kayo ng isang kabanata kabilang sa tulad nito at tumawag kayo ng mga saksi ninyo bukod pa kay All\u0101h kung kayo ay mga tapat." }, { "surah": "2", "ayah": 24, "translation": "Ngunit kung hindi kayo nakagawa \u2013 at hindi kayo makagagawa \u2013 ay mangilag kayo sa Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang mga bato [na sinasamba]. Inihanda ito para sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 25, "translation": "Magbalita ka ng nakagagalak sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Sa tuwing tinutustusan sila mula sa mga ito ng bunga bilang panustos ay nagsasabi sila: \u201cIto ay ang itinustos sa amin bago pa niyan.\u201d Bibigyan sila nito na nagkakawangisan [na nagkakaiba sa lasa]. Ukol sa kanila roon ay mga asawang dinalisay at sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "2", "ayah": 26, "translation": "Tunay na si All\u0101h ay hindi nahihiya na maglahad ng isang anumang paghahalintulad na isang lamok man saka anumang higit dito. Hinggil naman sa mga sumampalataya, nakaaalam sila na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila. Hinggil naman sa mga tumangging sumampalataya, nagsasabi sila: \u201cAno ang ninais ni All\u0101h rito bilang paghahalintulad, na nagliligaw Siya sa pamamagitan nito sa marami at nagpapatnubay Siya sa pamamagitan nito sa marami, samantalang hindi Siya nagliligaw sa pamamagitan nito kundi sa mga suwail." }, { "surah": "2", "ayah": 27, "translation": "Ang mga kumakalas sa kasunduan kay All\u0101h matapos na ng pagtitibay nito, pumuputol sa ipinag-utos ni All\u0101h na iugnay, at nanggugulo sa lupa, ang mga iyon ay ang mga lugi." }, { "surah": "2", "ayah": 28, "translation": "Papaano kayong tumatangging sumampalataya kay All\u0101h samantalang kayo noon ay mga patay at nagbigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan Siya sa inyo, pagkatapos magbibigay-buhay Siya sa inyo, pagkatapos tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin]." }, { "surah": "2", "ayah": 29, "translation": "Siya ay ang lumikha para sa inyo ng nasa lupa nang lahatan. Pagkatapos lumuklok Siya sa langit at bumuo Siya sa mga ito bilang pitong langit. Siya sa bawat bagay ay Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 30, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi ang Panginoon mo sa mga anghel: \u201cTunay na Ako ay maglalagay sa lupa ng isang kahalili.\u201d Nagsabi sila: \u201cMaglalagay Ka ba roon ng manggugulo roon at magpapadanak ng mga dugo samantalang kami ay nagluluwalhati sa kapurihan Mo at nagpapabanal sa Iyo?\u201d Nagsabi Siya: \u201cTunay na ako ay nakaaalam ng hindi ninyo nalalaman.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 31, "translation": "Nagturo Siya kay Adan ng mga pangalan sa kalahatan ng mga ito. Pagkatapos naglahad Siya sa mga ito sa mga anghel at nagasabi: \u201cMagbalita kayo sa Akin ng mga pangalan ng mga ito kung kayo ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 32, "translation": "Nagsabi Sila: \u201cKaluwalhatian sa Iyo [O All\u0101h]! Walang kaalaman sa amin maliban sa itinuro Mo sa amin. Tunay na Ikaw ay ang Maalam, ang Marunong.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 33, "translation": "Nagsabi Siya: \u201cO Adan, magbalita ka sa kanila ng mga pangalan ng mga ito.\u201d Kaya noong nagbalita ito sa kanila ng mga pangalan ng mga ito ay nagsabi Siya: \u201cHindi ba nagsabi Ako sa inyo tunay na Ako ay nakaaalam sa nakalingid sa mga langit at lupa at nakaaalam sa anumang inilalantad ninyo at anumang dati ninyong ikinukubli?\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 34, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: \u201cMagpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan];\u201d kaya nagpatirapa sila maliban si Satanas.[17] Tumanggi siya, nagmalaki siya, at siya ay naging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 35, "translation": "Nagsabi Kami: \u201cO Adan, manahan ka at ang asawa mo sa Paraiso at kumain kayong dalawa mula rito nang masagana saanman ninyong dalawa loobin ngunit huwag kayong dalawa lumapit sa punong-kahoy na ito dahil kayong dalawa ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 36, "translation": "Ngunit nagpatisod sa kanilang dalawa ang demonyo palayo roon at nagpalabas siya sa kanilang dalawa mula sa dating kinaroroonan nilang dalawa. Nagsabi Kami: \u201cLumapag kayo; ang iba sa inyo para sa iba ay kaaway. Ukol sa inyo sa lupa ay isang pinagtitigilan at isang natatamasa hanggang sa isang panahon.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 37, "translation": "Saka nakatanggap si Adan mula sa Panginoon nito ng mga salita [ng paghingi ng kapatawaran] saka tumanggap Siya sa pagbabalik-loob nito.[18] Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 38, "translation": "Nagsabi Kami: \u201cBumaba kayo mula rito nang lahatan. Kung may darating nga naman sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang mga sumunod sa patnubay Ko ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 39, "translation": "Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga tanda Namin, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "2", "ayah": 40, "translation": "O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Ko na ibiniyaya Ko sa inyo at magpatupad kayo sa kasunduan sa Akin, magpapatupad Ako sa kasunduan sa inyo. Sa Akin ay mangilabot kayo." }, { "surah": "2", "ayah": 41, "translation": "Sumampalataya kayo sa pinababa Ko bilang tagapagpatotoo para sa taglay ninyo. Huwag kayong maging una na tagatangging sumampalataya rito. Huwag kayong bumili kapalit ng mga talata Ko [mula sa Qur\u2019a\u0304n] ng isang kaunting panumbas. Sa Akin ay mangilag kayong magkasala." }, { "surah": "2", "ayah": 42, "translation": "Huwag kayong maghalo sa katotohanan ng kasinungalingan ni magtago kayo ng katotohanan [tungkol sa pagdating ni Propeta Muh\u0323ammad] samantalang kayo ay nakaaalam [nito]." }, { "surah": "2", "ayah": 43, "translation": "Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zak\u0101h, at yumukod kayo kasama sa mga yumuyukod." }, { "surah": "2", "ayah": 44, "translation": "Nag-uutos ba kayo sa mga tao ng pagsasamabuting-loob samantalang nakalilimot kayo sa mga sarili ninyo habang kayo ay bumibigkas ng Kasulatan? Saka hindi ba kayo nakapag-uunawa?" }, { "surah": "2", "ayah": 45, "translation": "Magpatulong kayo sa pamamagitan ng pagtitiis at pagdarasal. Tunay na ito ay talagang mabigat maliban sa mga nagtataimtim [kay All\u0101h]," }, { "surah": "2", "ayah": 46, "translation": "na tumitiyak na sila ay mga makikipagkita sa Panginoon nila, at na sila tungo sa Kanya ay mga babalik [para gantihan]." }, { "surah": "2", "ayah": 47, "translation": "O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Ko na ibiniyaya Ko sa inyo, at na Ako ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang [para sa pagkapropeta]." }, { "surah": "2", "ayah": 48, "translation": "Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang pamamagitan, ni kukuha mula sa kanya ng isang panumbas, ni sila ay iaadya." }, { "surah": "2", "ayah": 49, "translation": "[Banggitin] noong nagligtas Kami sa inyo mula sa angkan ni Paraon. Nagpapataw sila sa inyo ng kasagwaan ng pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at pinamumuhay nila ang mga babae ninyo. Sa gayon ay may isang pagsubok, mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan." }, { "surah": "2", "ayah": 50, "translation": "[Banggitin] noong naghati Kami para sa inyo ng dagat kaya pinaligtas Namin kayo at nilunod Namin ang angkan ni Paraon habang kayo ay nakatingin." }, { "surah": "2", "ayah": 51, "translation": "[Banggitin] noong nakipagtipan Kami kay Moises nang apatnapung gabi. Pagkatapos gumawa kayo sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na [ng pag-alis] niya habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 52, "translation": "Pagkatapos nagpaumanhin Kami sa inyo matapos na niyon, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat." }, { "surah": "2", "ayah": 53, "translation": "[Banggitin] noong nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at Pamantayan [ng tama at mali], nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan." }, { "surah": "2", "ayah": 54, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: \u201cO mga kalipi ko, tunay na kayo ay lumabag sa katarungan sa mga sarili ninyo sa paggawa ninyo sa guya [bilang diyus-diyusan] kaya magbalik-loob kayo sa Tagapaglalang ninyo at patayin ninyo ang mga [may-salang] kapwa ninyo. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo sa ganang Tagapaglalang ninyo;\u201d saka tumanggap Siya ng pagbabalik-loob ninyo. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 55, "translation": "[Banggitin] noong magsabi kayo: \u201cO Moises, hindi kami sasamplataya sa iyo hanggang sa makakita kami kay All\u0101h nang hayagan.\u201d Kaya dumaklot sa inyo ang lintik habang kayo ay nakatingin." }, { "surah": "2", "ayah": 56, "translation": "Pagkatapos bumuhay Kami sa inyo matapos na ng kamatayan ninyo, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat." }, { "surah": "2", "ayah": 57, "translation": "Naglilim Kami sa inyo ng mga ulap at nagpababa Kami sa inyo ng manna at mga pugo, [na nagsasabi]: \u201cKumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo.\u201d Hindi sila lumabag sa katarungan sa Amin, subalit sila noon sa mga sarili nila ay lumalalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 58, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi Kami: \u201cMagsipasok kayo sa pamayanang ito at kumain kayo mula rito saanman ninyo loobin nang masagana. Magsipasok kayo sa pinto na mga nakayukod. Magsabi kayo: \u201cPag-aalis-sala,\u201d magpapatawad Kami sa inyo sa mga kasalanan ninyo at magdaragdag Kami sa mga tagapagpaganda ng gawa." }, { "surah": "2", "ayah": 59, "translation": "Ngunit nagpalit ang mga lumabag sa katarungan ng isang sabing iba sa sinabi sa kanila, kaya nagpababa Kami sa mga lumabag sa katarungan ng isang pasakit mula sa langit dahil sila noon ay nagpapakasuwail." }, { "surah": "2", "ayah": 60, "translation": "[Banggitin] noong humiling ng tubig si Moises para sa mga kalipi niya kaya nagsabi Kami: \u201cHumampas ka ng tungkod mo sa bato.\u201d Kaya bumulwak mula roon ang labindalawang bukal. Nakaalam nga ang bawat [pangkat ng] mga tao sa inuman nila. Kumain kayo at uminom kayo mula sa panustos ni All\u0101h at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo." }, { "surah": "2", "ayah": 61, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi kayo: \u201cO Moises, hindi kami makatitiis sa nag-iisang [pares ng] pagkain; kaya manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalabas Siya para sa amin ng pinatutubo ng lupa gaya ng mga halaman nito, mga pipino nito, mga bawang nito, mga lentiha nito, at mga sibuyas nito.\u201d Nagsabi [si Moises]: \u201cMagpapalit ba kayo ng higit na hamak sa higit na mabuti? Bumaba kayo sa isang kabayanan sapagkat tunay na ukol sa inyo ang hiningi ninyo.\u201d Itinatak sa kanila ang kaabahan at ang karukhaan at bumalik sila kalakip ng isang galit mula kay All\u0101h. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni All\u0101h at pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila, at sila noon ay lumalabag." }, { "surah": "2", "ayah": 62, "translation": "Tunay na ang mga sumampalataya [bago ni Propeta Muh\u0323ammad], ang mga nagpaka-Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang mga Sabeano \u2013 ang sinumang sumampalataya kay All\u0101h at sa Huling Araw at gumawa ng maayos \u2013 ay ukol sa kanila ang pabuya nila sa ganang Panginoon nila, at walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot." }, { "surah": "2", "ayah": 63, "translation": "[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo [O mga anak ni Israel] at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nag-uutos]: \u201cTanggapin ninyo ang [Torah na] ibinigay Namin sa inyo nang may lakas at alalahanin ninyo ang anumang narito, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 64, "translation": "Pagkatapos tumalikod kayo matapos na niyon, ngunit kung hindi dahil sa kabutihang-loob ni All\u0101h sa inyo at awa Niya ay talaga sanang kayo ay naging kabilang sa mga lugi." }, { "surah": "2", "ayah": 65, "translation": "Talaga ngang nakaalam kayo sa lumabag kabilang sa inyo sa Sabath, at nagsabi Kami sa kanila: \u201cMaging mga unggoy kayo na itinataboy!\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 66, "translation": "Kaya gumawa Kami rito bilang parusang panghalimbawa para sa kapiling nito at kasunod nito at bilang pangaral para sa mga tagapangilag magkasala." }, { "surah": "2", "ayah": 67, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: \u201cTunay na si All\u0101h ay nag-utos sa inyo na magkatay kayo ng isang baka.\u201d Nagsabi sila: \u201cGumagawa ka ba sa amin ng isang pagkutya?\u201d Nagsabi siya: \u201cNagpapakupkop ako kay All\u0101h na ako ay maging kabilang sa mga mangmang.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 68, "translation": "Nagsabi sila: \u201cDumalangin ka para amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ito.\u201d Nagsabi siya: \u201cTunay na Siya ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na hindi matanda at hindi dumalaga, katamtaman sa pagitan niyon; kaya gawin ninyo ang ipinag-uutos sa inyo.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 69, "translation": "Nagsabi sila: \u201cDumalangin ka para sa amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ang kulay nito.\u201d Nagsabi siya: \u201cTunay na Siya ay nagsasabi na tunay na ito ay isang baka na dilaw na matingkad ang kulay nito, na nakagagalak sa mga tumitingin.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 70, "translation": "Nagsabi sila: \u201cDumalangin ka para amin sa Panginoon mo, magpapalinaw Siya para sa amin kung ano ito; tunay na ang mga baka ay nagkahawigan sa amin. Tunay na kami, kung niloob ni All\u0101h, ay talagang mga mapapatnubayan [tungo sa bakang kakatayin].\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 71, "translation": "Nagsabi siya: \u201cTunay na Siya ay nagsasabing tunay na ito ay isang baka, na hindi maamo na nagbubungkal ng lupa at hindi nagpapatubig ng taniman, na binusilak na walang batik dito.\u201d Nagsabi sila: \u201cNgayon ay naghatid ka ng katotohanan.\u201d Kaya kinatay nila ito at hindi nila halos nagawa." }, { "surah": "2", "ayah": 72, "translation": "[Banggitin] noong pumatay kayo ng isang tao at nagtalu-talo kayo hinggil sa kanya. Si All\u0101h ay tagapagpalabas ng dati ninyong itinatago." }, { "surah": "2", "ayah": 73, "translation": "Kaya nagsabi Kami: \u201cHumampas kayo sa kanya [na namatay] ng bahagi ng [kinatay na bakang] iyon.\u201d Gayon nagbibigay-buhay si All\u0101h sa mga patay. Nagpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo makapag-uunawa." }, { "surah": "2", "ayah": 74, "translation": "Pagkatapos tumigas ang mga puso ninyo matapos na niyon, kaya ang mga ito ay gaya ng mga bato o higit na matindi sa katigasan. Tunay na mayroon sa mga bato na talagang ang bumubulwak mula sa mga ito ay ang mga ilog, tunay na mayroon sa mga ito na talagang ang nagkakabiyak-biyak kaya lumalabas mula sa mga ito ang tubig, at tunay na mayroon sa mga ito na talagang ang lumalagpak dahil sa takot kay All\u0101h. Si All\u0101h ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "2", "ayah": 75, "translation": "Kaya naghahangad ba kayo [O mga mananampalataya] na maniwala sila sa inyo samantalang nangyari ngang may isang pangkat [ng mga Hudyong paham] mula sa kanila na nakaririnig sa salita ni All\u0101h? Pagkatapos pumipilipit sila nito matapos na nakapag-unawa sila rito samantalang sila ay nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 76, "translation": "Kapag nakipagkita sila sa mga sumampalataya ay nagsasabi sila: \u201cSumampalataya kami,\u201d at kapag nagsarilinan ang iba sa kanila sa iba pa ay nagsasabi sila: \u201cKumakausap ba kayo sa kanila ng hinggil sa inihayag ni All\u0101h sa inyo [hinggil sa pagdating ng Propeta] upang mangatwiran sila sa inyo hinggil dito sa piling ng Panginoon ninyo? Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa?\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 77, "translation": "Hindi ba sila nakaaalam na si All\u0101h ay nakaaalam sa anumang inililihim nila at anumang inihahayag nila?" }, { "surah": "2", "ayah": 78, "translation": "Kabilang sa kanila [na mga Hudyo] ay mga iliterato na walang nalalaman sa Kasulatan kundi mga mithiin [na walang pagkaunawa], at walang iba sila kundi nagpapalagay [na ito ay Torah]." }, { "surah": "2", "ayah": 79, "translation": "Kaya kapighatian ay ukol sa mga sumusulat ng kasulatan sa pamamagitan ng mga kamay nila, pagkatapos nagsasabi silang ito ay mula sa ganang kay All\u0101h upang bumili sila kapalit nito ng isang kaunting panumbas. Kaya kapighatian ay ukol sa kanila mula sa sinulat ng mga kamay nila at kapighatian ay ukol sa kanila mula sa nakakamit nila." }, { "surah": "2", "ayah": 80, "translation": "Nagsasabi sila: \u201cHindi sasaling sa amin ang Apoy maliban sa mga araw na mabibilang.\u201d Sabihin mo: \u201cGumawa ba kayo sa ganang kay All\u0101h ng isang kasunduan sapagkat hindi sisira si All\u0101h sa kasunduan sa Kanya, o nagsasabi kayo hinggil kay All\u0101h ng hindi ninyo nalalaman?\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 81, "translation": "Bagkus, ang mga nagkamit ng isang masagwang gawa [ng kawalang-pananampalataya] at pumaligid sa kanila ang kamalian nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "2", "ayah": 82, "translation": "Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Hardin; sila ay doon mga mananatili." }, { "surah": "2", "ayah": 83, "translation": "[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa mga anak ni Israel, [na nag-uutos]: \u201cHindi kayo sasamba maliban kay All\u0101h; sa mga magulang ay gumawa ng maganda, at sa may pagkakamag-anak, mga ulila, at mga dukha; magsabi kayo sa mga tao ng maganda; magpapanatili kayo ng pagdarasal; at magbigay kayo ng zak\u0101h.\u201d Pagkatapos tumalikod kayo maliban sa kaunti kabilang sa inyo habang kayo ay mga umaayaw." }, { "surah": "2", "ayah": 84, "translation": "[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo, [na nag-uutos]: \u201cHindi kayo magpapadanak ng mga dugo ninyo at hindi kayo magpapalisan ng mga kapwa ninyo mula sa mga tahanan ninyo.\u201d Pagkatapos kumilala kayo [sa kasunduan] habang kayo ay sumasaksi." }, { "surah": "2", "ayah": 85, "translation": "Pagkatapos kayo itong pumapatay sa mga kapwa ninyo at nagpapalisan sa isang pangkat kabilang sa inyo mula sa mga tahanan nila, habang nagtataguyudan kayo laban sa kanila sa kasalanan at pangangaway. Kung pumupunta sila sa inyo bilang mga bihag ay tumutubos kaya sa kanila samantalang ipinagbabawal sa inyo ang pagpapalisan sa kanila [mula sa mga tahanan nila]. Kaya sumasampalataya ba kayo sa isang bahagi ng Aklat at tumatanggi kayong sumampalataya sa isang bahagi? Kaya walang ganti sa sinumang gumagawa niyon kabilang sa inyo kundi isang kahihiyan sa buhay na pangmundo. Sa Araw ng Pagbangon ay ipagtutulakan sila sa pinakamatindi sa pagdurusa. Si All\u0101h ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo." }, { "surah": "2", "ayah": 86, "translation": "Ang mga iyon ay ang mga bumili ng buhay na pangmundo kapalit ng Kabilang-buhay[19] kaya hindi pagagaanin sa kanila ang pagdurusa ni sila ay iaadya." }, { "surah": "2", "ayah": 87, "translation": "Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at nagpasunod Kami matapos na Niya ng mga sugo. Nagbigay Kami kay Jesus na anak ni Maria ng mga malinaw na patunay at nag-alalay Kami sa kanya sa pamamagitan ng Espiritu ng Kabanalan.[20] Kaya ba sa tuwing may naghatid sa inyo na isang sugo ng hindi pinipithaya ng mga sarili ninyo ay nagmamalaki kayo sapagkat sa isang pangkat ay nagpapabula kayo at sa isang pangkat ay pumapatay kayo?" }, { "surah": "2", "ayah": 88, "translation": "Nagsabi sila: \u201cAng mga puso namin ay mga nakabalot.[21]\u201d Bagkus isinumpa sila ni All\u0101h dahil sa kawalang- pananampalataya nila kaya kakaunti ang sinasampalatayanan nila." }, { "surah": "2", "ayah": 89, "translation": "Noong may dumating sa kanila na isang Aklat mula sa ganang kay All\u0101h, na tagapagpatotoo para sa taglay nila [na mga kasulatan] \u2013 samantalang sila dati bago pa niyan ay humihiling ng pagwawagi laban sa mga tumangging sumampalataya \u2013 at noong dumating sa kanila ang nakilala nila ay tumanggi silang sumampalataya rito. Kaya ang sumpa ni All\u0101h ay sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 90, "translation": "Kay saklap ng pinagbilihan nila ng mga sarili nila, na tumanggi silang sumampalataya sa pinababa ni All\u0101h dala ng paglabag dahil nagbaba si All\u0101h ng kabutihang-loob Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod[22] Niya. Kaya bumalik sila kalakip ng isang galit [dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Muh\u0323ammad] sa ibabaw ng isang galit [dahil sa pagpilipit nila sa Torah]. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak." }, { "surah": "2", "ayah": 91, "translation": "Kapag sinabi sa kanila: \u201cSumampalataya kayo sa pinababa ni All\u0101h [na Qur\u2019a\u0304n],\u201d ay nagsasabi sila: \u201cSumasampalataya kami sa pinababa sa amin [na mga kasulatan].\u201d Tumatanggi silang sumampalataya sa iba pa roon samantalang ito ay ang katotohanan bilang tagapagpatotoo para sa taglay nila. Sabihin mo: \u201cKaya bakit pumapatay kayo ng mga propeta ni All\u0101h bago pa niyan kung kayo ay mga mananampalataya?\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 92, "translation": "Talaga ngang naghatid sa inyo si Moises ng mga malinaw na patunay. Pagkatapos gumawa kayo sa guya [bilang diyus-diyusan] matapos na [ng pag-alis] niya habang kayo ay mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 93, "translation": "[Banggitin] noong tumanggap Kami ng kasunduan sa inyo [O mga anak ni Israel] at nag-angat Kami sa ibabaw ninyo ng bundok, [na nagsasabi]: \u201cTanggapin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo [na mga kasulatan] nang may lakas at makinig kayo.\u201d Nagsabi sila: \u201cNakarinig kami at sumuway kami.\u201d Pinahumaling sila sa mga puso nila ng [pagsamba sa] guya dahil sa kawalang-pananampalataya nila. Sabihin mo: \u201cKay saklap ng ipinag-uutos sa inyo ng pananampalataya ninyo, kung kayo ay mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 94, "translation": "Sabihin mo: \u201cKung ukol sa inyo [O mga Hudyo] ang tahanan sa Kabilang-buhay sa piling ni All\u0101h nang natatangi bukod pa sa mga tao ay magmithi kay ng kamatayan kung kayo ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 95, "translation": "Hindi sila magmimithi niyon magpakailanman dahil sa ipinauna ng mga kamay nila. Si All\u0101h ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan." }, { "surah": "2", "ayah": 96, "translation": "Talagang makatatagpo ka nga sa kanila na pinakamasigasig sa mga tao sa buhay kaysa sa mga nagtambal [kay All\u0101h]. Nag-aasam ang isa sa kanila na kung sana palawigin siya ng isang libong taon samantalang ito ay hindi maghahango sa kanya mula sa pagdurusa na palawigin siya. Si All\u0101h ay Nakakikita sa anumang ginagawa nila." }, { "surah": "2", "ayah": 97, "translation": "Sabihin mo: \u201cAng sinumang naging isang kaaway para kay [Anghel] Gabriel, tunay na siya ay nagbaba nitong [Qur\u2019a\u0304n] sa puso mo [O Propeta Muh\u0323ammad] ayon sa pahintulot ni All\u0101h, bilang tagapagpatotoo para sa nauna rito, bilang patnubay, at bilang balitang nakagagalak para sa mga mananampalataya.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 98, "translation": "Ang sinumang naging isang kaaway para kay All\u0101h, sa mga anghel Niya, sa mga sugo Niya, kay Gabriel, at kay Miguel; tunay na si All\u0101h ay isang kaaway para sa mga tagatangging sumampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 99, "translation": "Talaga ngang nagpababa Kami sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] ng mga talatang malilinaw at walang tumatangging sumampalataya sa mga ito kundi ang mga suwail." }, { "surah": "2", "ayah": 100, "translation": "Sa tuwing nakikipagkasunduan ba sila ng isang kasunduan ay itinatapon ito ng isang pangkat kabilang sa kanila? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi sumasampalataya." }, { "surah": "2", "ayah": 101, "translation": "Noong may dumating sa kanila na isang Sugo[23] mula sa ganang kay All\u0101h, na tagapagpatotoo para sa taglay nila, ay itinatapon ng isang pangkat [ng mga Hudyo na] kabilang sa mga binigyan ng Kasulatan[24] ang Aklat ni All\u0101h sa likuran ng mga likod nila na para bang sila ay hindi nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 102, "translation": "Sumunod sila[25] sa binibigkas ng mga demonyo sa paghahari ni Solomon. Hindi tumangging sumampalataya si Solomon[26] bagkus ang mga demonyo ay tumangging sumampalataya; nagtuturo sila sa mga tao ng panggagaway at ng pinababa sa dalawang anghel sa Babilonia, na sina H\u0101r\u016bt at M\u0101r\u016bt. Hindi nagtuturo silang dalawa sa isa man hanggang sa magsabi silang dalawa: \u201cKami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumangging sumampalataya.\u201d Kaya natututo sila mula sa kanilang dalawa ng nagpapahihiwalay sa pagitan ng lalaki at maybahay nito. Sila ay hindi mga nakapipinsala sa pamamagitan nito sa isa man malibang ayon sa pahintulot ni All\u0101h. Natututo sila ng nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila. Talaga ngang nakaalam sila na talagang ang sinumang bumili nito ay walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang bahagi. Talagang kay saklap ng pinagbilihan nila ng mga sarili nila, kung sakaling sila noon ay nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 103, "translation": "Kung sakaling sila [na mga Hudyo] ay sumampalataya [kay All\u0101h nang totoo] at nangilag magkasala, talaga sanang ang isang gantimpala mula sa ganang kay All\u0101h ay higit na mabuti [para sa kanila] kung sakaling sila noon ay nakaaalam." }, { "surah": "2", "ayah": 104, "translation": "O mga sumampalataya, huwag ninyong sabihin [sa Propeta]: \u201cMagsaalang-alang ka sa amin,\u201d ngunit sabihin ninyo: \u201cMaghintay ka sa amin,\u201d at makinig kayo. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit." }, { "surah": "2", "ayah": 105, "translation": "Hindi nag-aasam ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan[27] ni ang mga tagapagtambal na may ibaba sa inyo na anumang mabuti mula sa Panginoon ninyo. Si All\u0101h ay nagtatangi ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya. Si All\u0101h ay may kabutihang-loob na sukdulan." }, { "surah": "2", "ayah": 106, "translation": "Ang anumang ipinawalang-bisa Namin na isang talata o ipinalimot Namin iyon ay magdudulot Kami ng isang higit na mainam kaysa roon o ng tulad niyon. Hindi ka ba nakaaalam na si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan?" }, { "surah": "2", "ayah": 107, "translation": "Hindi ka ba nakaaalam na si All\u0101h ay may paghahari sa mga langit at lupa? Walang ukol sa inyo bukod pa kay All\u0101h na anumang katangkilik ni mapag-adya." }, { "surah": "2", "ayah": 108, "translation": "O nagnanais ba kayong humiling sa Sugo ninyo gaya ng pagkahiling kay Moises bago pa niyan? Ang sinumang magpapalit ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya ay lumihis nga palayo sa katumpakan ng landas." }, { "surah": "2", "ayah": 109, "translation": "Inasam ng marami sa mga May Kasulatan na kung sana magpapanauli sila sa inyo, matapos na ng pagsampalataya ninyo, bilang mga tagatangging sumampalataya dala ng inggit mula sa ganang mga sarili nila matapos na luminaw para sa kanila ang katotohanan. Kaya magpaumanhin kayo at magpawalang-sala kayo hanggang sa magparating si All\u0101h ng utos Niya. Tunay na si All\u0101h sa bawat bagay ay May-kakayahan." }, { "surah": "2", "ayah": 110, "translation": "Magpanatili kayo ng pagdarasal at magbigay kayo ang zak\u0101h. Ang anumang ipinauna ninyo para sa mga sarili ninyo na kabutihan ay matatagpuan ninyo ito sa piling ni All\u0101h. Tunay na si All\u0101h sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita." }, { "surah": "2", "ayah": 111, "translation": "Nagsabi sila: \u201cWalang papasok sa Paraiso kundi mga Hudyo o mga Kristiyano.\u201d Iyon ay mga pinakamimithi nila. Sabihin mo: \u201cMagbigay kayo ng patotoo ninyo kung kayo ay mga tapat.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 112, "translation": "Bagkus ang sinumang nagsuko ng mukha niya kay All\u0101h, habang siya ay gumagawa ng maganda, ay ukol sa kanya ang pabuya sa kanya sa ganang Panginoon niya. Walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot." }, { "surah": "2", "ayah": 113, "translation": "Nagsabi ang mga Hudyo: \u201cAng mga Kristiyano ay hindi nakabatay sa anuman,\u201d at nagsabi ang mga Kristiyano: \u201cAng mga Hudyo ay hindi nakabatay sa anuman,\u201d samantalang sila ay nagbabasa ng Kasulatan. Gayon nagsabi ang mga hindi nakaaalam ng tulad ng sabi nila. Kaya si All\u0101h ay hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang sila noon hinggil doon ay nagkakaiba-iba." }, { "surah": "2", "ayah": 114, "translation": "Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pumigil [sa mga tao] sa mga masjid ni All\u0101h na banggitin sa mga ito ang pangalan Niya at nagpunyagi sa pagkasira ng mga ito. Ang mga iyon ay hindi ukol sa kanilang pumasok sa mga ito malibang mga nangangamba. Ukol sa kanila sa Mundo ay isang kahihiyan at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang sukdulan." }, { "surah": "2", "ayah": 115, "translation": "Sa kay All\u0101h ang silangan at ang kanluran kaya saanman kayo humarap ay naroon ang Mukha ni All\u0101h. Tunay na si All\u0101h ay Malawak, Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 116, "translation": "Nagsabi sila: \u201cGumawa si All\u0101h ng isang anak.\u201d Kaluwalhatian sa Kanya! Bagkus sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Lahat sa Kanya ay mga masunurin." }, { "surah": "2", "ayah": 117, "translation": "Ang Mapagpasimula ng mga langit at lupa, kapag nagtadhana Siya ng isang bagay, ay nagsasabi lamang dito na mangyari saka mangyayari ito." }, { "surah": "2", "ayah": 118, "translation": "Nagsabi ang mga hindi nakaaalam:[28] \u201cBakit kasi hindi kumakausap sa atin si All\u0101h o may pumupunta sa atin na isang tanda? Gayon nagsabi ang mga bago pa nila ng tulad ng sabi nila. Nagkawangisan ang mga puso nila. Naglinaw na Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatitiyak [sa katotohanan]." }, { "surah": "2", "ayah": 119, "translation": "Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo [O Propeta Muh\u0323ammad] kalakip ng katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak [hinggil sa Paraiso] at bilang mapagbabala [hinggil sa Impiyerno]. Hindi ka tatanungin tungkol sa mga maninirahan sa Impiyerno." }, { "surah": "2", "ayah": 120, "translation": "Hindi malulugod sa iyo [O Muslim] ang mga Hudyo ni ang mga Kristiyano hanggang sa sumunod ka sa kapaniwalaan nila. Sabihin mo: \u201cTunay na ang patnubay ni All\u0101h ay ang patnubay.\u201d Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo laban kay All\u0101h na anumang katangkilik ni mapag-adya." }, { "surah": "2", "ayah": 121, "translation": "Ang [ilan sa] mga binigyan Namin ng Kasulatan ay bumibigkas nito nang totoong pagbigkas. Ang mga iyon ay sumasampalataya rito [sa Qur\u2019a\u0304n]. Ang sinumang tumangging sumampalataya rito, ang mga iyon ay ang mga lugi." }, { "surah": "2", "ayah": 122, "translation": "O mga anak ni Israel, alalahanin ninyo ang biyaya Kong ibiniyaya Ko sa inyo at na Ako ay nagtangi sa inyo higit sa mga nilalang [sa pagkapropeta]." }, { "surah": "2", "ayah": 123, "translation": "Mangilag kayo sa isang Araw na hindi makasasapat ang isang kaluluwa para sa isang kaluluwa sa anuman, ni tatanggap mula sa kanya ng isang panumbas, ni magpapakinabang sa kanya ang isang pamamagitan, ni sila ay iaadya." }, { "surah": "2", "ayah": 124, "translation": "[Banggitin] noong sumubok kay Abraham ang Panginoon niya sa pamamagitan ng mga salita saka tumupad ito sa mga iyon. Nagsabi Siya: \u201cTunay na Ako ay gagawa sa iyo para sa mga tao bilang pinuno.\u201d Nagsabi ito: \u201cMayroon sa mga supling ko?\u201d Nagsabi Siya: \u201cHindi sumasaklaw ang kasunduan sa Akin sa mga tagalabag sa katarungan.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 125, "translation": "[Banggitin] noong gumawa Kami sa Bahay[29] bilang balikan para sa mga tao at bilang katiwasayan. Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan. Naghabilin Kami kina Abraham at Ismael na magdalisay silang dalawa ng Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga namimintuho, at mga yumuyukod na nagpapatirapa." }, { "surah": "2", "ayah": 126, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: \u201cPanginoon ko, gawin Mo [ang Makkah] ito na isang bayang matiwasay at tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga bunga \u2013 ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay All\u0101h at sa Huling Araw.\u201d Nagsabi Siya: \u201cAng sinumang tumangging sumampalataya ay pagtatamasain Ko nang kaunti, pagkatapos ipagpipilitan Ko siya sa pagdurusa sa Apoy. Kay saklap ang kahahantungan!\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 127, "translation": "[Banggitin] noong nag-angat si Abraham ng mga pundasyon ng Bahay, at si Ismael, [ay dumalangin siya]: \u201cPanginoon Namin, tanggapin Mo mula sa amin; tunay na Ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 128, "translation": "O Panginoon namin, at gawin Mo kami bilang mga tagapagpasakop sa Iyo at mula sa mga supling namin bilang kalipunang tagapagpasakop sa Iyo, ipakita Mo sa amin ang mga pamamaraan [ng pagsamba] namin, at tanggapin Mo ang pagbabalik-loob namin. Tunay na Ikaw ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain." }, { "surah": "2", "ayah": 129, "translation": "Panginoon namin, at magpadala Ka sa kanila ng isang sugo kabilang sa kanila, na bibigkas sa kanila ng mga talata Mo, magtuturo sa kanila ng kasulatan at karunungan, at magbubusilak sa kanila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 130, "translation": "Sino ang nasusuya sa kapaniwalaan ni Abraham kundi ang nagpahangal sa sarili niya? Talaga ngang humirang Kami sa kanya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos." }, { "surah": "2", "ayah": 131, "translation": "[Banggitin] noong nagsabi sa kanya ang Panginoon niya: \u201cMagpasakop[30] ka\u201d ay nagsabi siya: \u201cNagpasakop ako sa Panginoon ng mga nilalang.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 132, "translation": "Nagtagubilin niyon si Abraham sa mga anak niya, at si Jacob: \u201cO mga anak ko, tunay na si All\u0101h ay humirang para sa inyo ng relihiyon kaya huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga tagapagpasakop [sa Kanya].\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 133, "translation": "O kayo ba ay mga saksi noong dumating kay Jacob ang kamatayan? Noong nagsabi siya sa mga anak niya: \u201cAno ang sasambahin ninyo matapos na [ng pagkayao] ko\u201d ay nagsabi sila: \u201cSasambahin namin ang Diyos mo at ang Diyos ng mga ninuno mong sina Abraham, Ismael, at Isaac: nag-iisang Diyos, at kami ay sa Kanya mga tagapagpasakop.[31]\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 134, "translation": "Iyon ay isang kalipunang lumipas na. Ukol doon ang nakamit niyon at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa anumang dati nilang ginagawa." }, { "surah": "2", "ayah": 135, "translation": "Nagsabi sila: \u201cMaging mga Hudyo o mga Kristiyano kayo, mapapatnubayan kayo.\u201d Sabihin mo: \u201cBagkus [sumunod] sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay All\u0101h].\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 136, "translation": "Sabihin ninyo: \u201cSumampalataya kami kay All\u0101h, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 137, "translation": "Kaya kung sumampalataya sila sa tulad ng sinampalatayanan ninyo ay napatnubayan nga sila; at kung tatalikod sila, sila lamang ay nasa isang hidwaan at sasapat sa iyo laban sa kanila si All\u0101h. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam." }, { "surah": "2", "ayah": 138, "translation": "[Manatili sa] relihiyon ni All\u0101h. Sino pa ang higit na magaling kaysa kay All\u0101h sa [pagtatag ng] relihiyon? Tayo sa Kanya ay mga tagasamba." }, { "surah": "2", "ayah": 139, "translation": "Sabihin mo [O Propeta sa mga May Kasulatan]: \u201cNangangatwiran ba kayo sa amin hinggil kay All\u0101h samantalang Siya ay ang Panginoon namin at ang Panginoon ninyo? Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kami para sa Kanya ay mga nagpapakawagas [sa pagsamba].\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 140, "translation": "O nagsasabi kayo: \u201cTunay na sina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, at ang [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel] ay noon mga Hudyo o mga Kristiyano?\u201d Sabihin mo: \u201cKayo ba ay higit na maalam o si All\u0101h? Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagtatago ng isang pagsaksi na nasa ganang kanya mula kay All\u0101h? Si All\u0101h ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.\u201d" }, { "surah": "2", "ayah": 141, "translation": "Iyon ay isang kalipunang lumipas na. Ukol doon ang nakamit niyon at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa anumang dati nilang ginagawa." } ]